You are on page 1of 3

Francheska F.

Atendido
ABM - St. Peter Faber
LAKBAY SANYSAY: SIYUDAD NG TAGAYTAY

Noong ako ay bata pa lamang, ay nagpunta kami sa lungsod ng Tagaytay sa Cavite. Naaalala
ko pa noon na maaga ang aming pag-alis mula sa aming bahay upang bumiyahe papuntang
terminal ng bus papuntang Tagaytay. Una ay sumakay muna kami ng taxi na kung saan ay
nakahihilo ang amoy ng air conditioner.Pangalawa ay sumakay kami ng bus at unang beses
kong makapunta sa isang terminal. Maraming tao sa lugar na iyon. May mga nagbabayad sa
mga kahera para makabili ng ticket, may mga naghihintay ng kanilang masasakyan, may mga
batang nagtatakbuhan, at may mga tindero’t tindera na nag-aalok ng mga makakain para sa
biyahe.

Mga dalawang oras ang itinagal ng aming biyahe papunta sa lungsod. Maulan noong araw na
iyon na nakadagdag sa lamig ng hangin habang papalapit kami sa aming destinasyon.
Pagdating namin doon ang aming unang pinuntahan ay ang picnic groove. Ito ay isa sa mga
tourist spot sa lugar. Maraming mga tao ang nagkalat dito kung kaya ay di maiiwasan ang
magkabanggaan habang naglilibot. Kung minsan nga ay may nakakabanggaan ako ng katawan
habang tumitingin-tingin sa mga naka-display na gamit. Dahil dito ay naiinis si mama at
napariringgan niya ang mga tao na tumingin sa dinaraanan kaya kinakabahan talaga ako kapag
kasama ang mama ko. Kala mo mapapaaway kami. Kahit na medyo makulimlim noon ay
masigla pa rin ang mga tao sa paglilibot kasama ang kani-kanilang mga pamilya at pagtitinda
ng mga souvenirs na maaaring bilhin at ipasalubong ng mga turista. Nakabili ako noon ng
sungka at mga damit na masasabi kong maganda ang pagkakagawa.

Maganda ang picnic groove at malaki


ang pinagkaiba rito sa Maynila.
Malamig ang simoy ng hangin,
maraming mga puno at hayop ang
makikita tulad ng kabayo ngunit kung
ang lengguwaheng ginagamit ng
karamihan sa kanila ay tagalog din,
kaya di kami nahirapan sa pakikipag-
usap. Marami rin itong mga cottage na
maaaring pagpahingahan o
pagkainan ng mga turista. Ang aming
mga kinaing putahe sa isang
restaurant doon ay mainit na sinigang,
kare-kare at lechong kawali.
Matatanaw din mula roon ang bulking
taal na isa sa aktibong bulkan sa
Pilipinas. Kung titignan ito ay parang
mapayapang namamahinga sa gitna
ng dagat ngunit ako ay natakot at
nalula dahil baka bigla na lamang itong
sumabog. Para sa akin, kung
magkakaroon man ako ng
pagkakataong magkaroon ng bahay, gusto kong tumira sa Tagaytay. Malamig, tahimik at
napalilibutan ng mga puno.

Ang aming pangalawang pinuntahan ay ang People’s Park in


the Sky na isa rin sa kilalang pinupuntahan ng mga tao. Bago
kami makapunta sa mismong lugar ay kailangang sumakay ka
ng jeep sapagkat malayo ito mula sa entrance at medyo
nakakatakot ang biyahe dahil pataas ang daan at madulas ito
dahil umuulan. Kung titignan ang estruktura ng People’s Park
in the Sky, malaki ang lupang nasasakop nito at mataas ang
kanyang kinalalagyang lugar. Aakalain mong ito ay isang
abandonadong palasyo. Nakalulungkot lamang na may sira-
sira itong mga parte na maaaring dahil sa kalumaan ngunit sa
tingin ko naman ay ligtas pa ring puntahan. Kagaya ng Picnic
Groove ay mula sa pinakamataas na parte ng People’s Park,
kitang-kita mo ang mga kalapit na lugar nito.

Nang kahapunan ay sunod naming pinuntahan ang


Sky Ranch. Para sa akin, ito ang pinakanagustuhan
ko sa aming mga pinuntahan sapagkat maraming
mga palaruan ang makikita at marami kang
magagawa. Ang lugar ay malawak, maraming mga
pamilya at mga magkakasintahan ang nagliliwaliw
sa mga rides tulad ng Sky Eye, ang pinakamtaas
na ferris wheel sa Pilipinas na nagpakaba sa akin;
horseback riding na unang beses kong maranasan;
Double Decker Carousel na may magagandang
disenyo ng mga kabayo; at ang Nessie Coaster na
napakabilis ang takbo at nakalulula ang mga pag-
ikot-ikot ng sasakyan. Inabot kami rito hanggang gabi sapagkat marami kaing ginawa at
masasabi kong napakasaya.

Matapos naming magliwaliw sa Sky Ranch ay nakituloy kami sa bahay ng aming kamag-anak sa
Cavite. Doon kami nagpalipas ng gabi upang makatipid kaysa magrenta pa ng matutuluyan.
Kinabukasan din ay umuwi na kami lulan ng bus pabalik ng Maynila. Habang biyahe ay mayroon
kaming mga stop over na pwede kaming pumunta sa palikuran at may mga nagbebenta rin sa
kalagitnaan ng biyahe ng mga buko pie na napakatamis at napakasarap. Habang biyahe ay
nakatulog din ako dahil na rin sa pagod at lamig sa loob ng bus. Kung sakaling matapos na ang
pandemyang ito, nanaisin kong bumalik sa Tagaytay City at libutin pa ang mga natatago nitong
mga magagandang lugar at subukan pa ang iba’t ibang mga putaheng kanilang
ipinagmamalaki.

You might also like