You are on page 1of 2

Kalikasan ay Kayamanan na dapat Pangalagaan!

Akda ni Nicole Cordovez Reyes galing sa DeviantArt.com

Sa panahon ngayon nahaharap ang mundo sa ibat ibang sakuna. Isa na dito ang bansang Pilipinas
maraming lugar na nalubog sa baha dala ng hanging habagat. Paulit-ulit na lang nahaharap ang mga
Pilipino sa ganitong kalagayan. Ngunit masakit man isipin na hindi ito nasosolusyunan ng ating bansa.
Ano ba dapat gawin ng ating pamahalaan? Kulang nga ba sa disiplina ang mamayang Pilipino? Bakit nga
ba nalulubog sa baha ang maraming lugar? Higit sa lahat bakit hindi lamang nadadala ang mga Pilipino
sa mga gantong sakuna? At pano natin maliligtas ang ating kalikasan?

Sa panahon ngayon kailangan natin ng isang batas, batas na makakapagsuporta sa pangagalaga ng


kalikasan. Oo may batas pangkalikasan ngunit kayang kayang ng mga nangaabuso na magpyansa. Dapat
ang batas ay matibay na hindi kayang buwagin ninuman. Dapat rin i-relocate ang mga informal settlers
sa tamang lugar, na nakakasagabal sa pagdaloy ng tubig. Nakakalungkot man isipin na sobrang dami pa
rin informal settlers ito ang pagkawala ng disiplina ng ating mga kababayan.

Totoo nga kulang sa disiplina ang mga Pilipino nakakalungkot man isipin na kung sino pa yung kulang sa
kaalaman yun pa ang mga nakatira sa tabing ilog. Natural di nila maiiwasang magtapon ng basura sa ilog
dahil hindi nila naiisip kung anong mangyayari. Tapon lang sila ng tapon. Hindi lamang ang mga informal
settlers ang problema pati na rin ang iba’t ibang polusyon at sobrang daming basura. Ito ang dahilan ng
pagkalubog ng maraming lugar sa ating bansa.

Sa iba’t ibang polusyon na gawa ng tao. Ito’y isang malaking epekto sa ating inang kalikasan. Isa na dito
ang sobrang dami ng basura sa sobrang paggamit ng plastik pagtatapon kung saan saan at marami pang
iba. At ang pagdami ng populasyon dahil sa sobrang tao nawawalan ng kontrol ang pamahalaan sa mga
sakuna. Nagkukulang din ng mga mapagtatamnan ng ating mga puno at iba pang mga pangangailangan
sa kadahilanang puro bahay na lang. At nakakalungkot sa ating lipunan sapagkat hindi nagtatanda ang
mga pilipino sa mga ganitong sakuna.

Isa pa sa mga nakakalungkot na dahilan na hindi lamang nadadala ang mga Pilipino sa mga ganitong
sakuna patuloy pa ring naninirahan sa tabing ilog at pagkawala ng disiplina. Sana’y magkaroon tayo ng
disiplina at magising na sa mga pangyayaring kahindik-hindik. Magkaroon ng sapat na edukasyon.
Maging isa sa solusyon sa problema ng ating bansa at huwag nang dumagdag pa.
Ako at ikaw bilang isang estudyante tayong lahat ay makakatulong. Sa simpleng pagtapon ng maayos sa
basuharahan at pagbawas ng plastik sa lipunan isang malaking tulong sa ating bansa. Makisali sa mga
programang nagsusulong para iligtas ang inang kalikasan. Dahil kung hindi ito pangangalagaan darating
ang panahon maghihirap ang lahat ng tao at wala nang magandang kinabukasan para sa susunod na
henerasyon. Makiisa, makitulong at simulan ang pagbabago.

You might also like