You are on page 1of 1

Ang Kapaligiran

Pagmulat palamang ng mata. Pag gising sa umaga. Pagpasok sa eskwela ito na ang nakikita. Ang kapaligiran na napakaganda at nakakahalina. Ito na rin ang nagsisilbi nating tirahan, nararapat lamang na itoy pangalagaan. Tayong mga tao ang nilikha ng Diyos upang mangalaga sa kapaligiran. Isipin natin na ang mundong ating ginagalawan ay hiram lamang natin sa kanya. Paano kung bawiin niya ito? Wala na tayong magagawa kundi sundin ang kanyang pasya. Lumipas na ang maraming bagyo, ganito parin tayo. Konting ulan lamang ay baha na sa ilang mga kanto. At pagkatapos nito ay lumalabas ang mga basura na itinapon natin sa mga estero. Ganitong kapaligiran ba ang gusto nating ipamana sa susunod na henerasyon? Kay dumi at walang disiplina ang mga tao. Sa pagtapon pa lamang ng mga basura sa tamang tapunan ay hindi pa natin kaya. Hindi papel ang mga dingding upang pagsulatan lamang, kung ang muka mo kaya ang sulatan? Gusto mo? Ika nga ng iba.. tapat mo linisin mo. Napaka simple lamang ng ating responsibilidad. Ito ay ang panalatihing malinis ang ating kapaligiran upang maiwasan ang masamang dulot nito tulad ng mga sakit. Malaking tulong ang hindi natin paggamit ng mga plastic kaya dapat tayong makisama at kapit bisig tayong tumulong sa layunin ng ating pamahalaan. Tayong mga tao lamang ang makapagbibigay ng solusyon sa mga problemang kinakaharap natin ngayon. Ang pag pulot sa mga maliliit na basura na nadadaanan natin ay makakatulong na. Disiplina lamang ang kailangan upang mapanatiling malinis ang kapaligiran. At sa mga taong hindi tumutupad sa mga alituntunin ay dapat parusahan. Huwag na natin hintayin na mawala sa atin ang ating kapaligiran. Panatilihin natin itong kaaya-aya upang maging kapaki-pakinabang ito sa lahat, lalo na sa mga kabataan na pag-asa ng bayan. Nararapat lamang na alagaan natin ang ating kapaligiran dahil itoy bigay ng Diyos para ating mahalin at ituring na sa atin. Ngunit sa mga taong mayroon tayo ngayon, mayroon paba itong halaga? At ikaw? Kabilang kaba sa kanila? O isa ka lamang sa perwisyo ng lipunan.

You might also like