You are on page 1of 2

PALIWANAG:

Bilang isang estudyante saksi ako sa pagkasira at pagkawasak ng kalikasan. Hindi

makatarungan ang pagkasira nito dahil unang una ibigay ito ng Diyos. Kumukuha tayo

ng iba’t ibang hilaw na materyal sa kalikasan. Marahil ang susunod na henerasyon ay

wala ng makikitang hayop sa paligid, wala ng malalasap na preskong hangin at huli sa

lahat wala ng kalikasan dahil sa ating mga maling ginagawa. Ang pagkasira ng

kalikasan ay bunga n gating mga kagustuhan. Ang ating mga kagustuhan ay

nagdudulot ng kapahamakan sa kapaligiran at pati narin sa ating kapwa.. Makikita mo

sa kapaligiran ang masamang naidudulot ng mga kagustuhan ng tao. Masakit isipin na

tayo ang dahilan kung bakit nawawasak ito unti unti.

Ang kalikasan ay ang pinakamahalagang ibinigay ng Diyos sa atin. Ika nga sa aking

nabasa ito ay nagsisilbing buhay at pag asa ng karamihan dahil maraming tao ang

umaasa dito para mabuhay kaya dapat nga lang itong alagaan. Hindi pa huli ang lahat

may paraan pa para maisalba ang Inang Kalikasan. Kaya’t hangga’t hindi pa huli ang

lahat simulant na natin ang pagligtas kay Inang Kalikasan kahit sa simple lang paraan.

Sana imulat natin ang ating mga mata sa ating maling ginagawa upang di tayo magsisi

sa bandang huli. Simulan na natin itong bigyan ng halaga. Hindi mamaya na, hindi

bukas pa kundi ngayon na habang may panahon pa.

https://www.scribd.com/doc/80248405/Pagkasira-ng-Kalikasan

You might also like