You are on page 1of 1

a.

Ako’y mapalad sa biyayang kaloob ng kalikasan

Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa Diyos. Dito tayo kumukuha


ng mga pangunahing panganagailangan sa buhay tulad ng pagkain, tirahan,
pananamit, gamot at iba pa. Kung walang ipinagkaloob na biyaya ang kalikasaan,
maaaring ang sangkatauhan ay hindi kayaning mabuhay sa mundong ginagalawan.
Kaya lubos akong nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa mga biyayang
natatanggap natin sa Kanya tulad na lamang ng kalikasan. Ating patuloy na
pangalagaan at ingatan ang kalikasan para naman sa ikabubuti ng lahat.

b. Ang aking buhay ay karugtong ng inang kalikasan

Ang isang tao ay ‘di mabubuhay kung wala siyang mga pangunahing
pangangailangan sa buhay. Kaya nandiyan ang inang kalikasan para tumugon sa
ating mga pangangailangan kagaya ng pagkain, damit, at tirahan. Samakatuwid,
kailangan natin suklian ng responsibilidad at tungkulin ang kalikasan sa
pamamagitan ng pag-iingat at pag-aalaga nito. Dahil sa inang kalikasan, tayo ay
nabubuhay at nakahihinga pa sa mundong ito. Kaya nararapat lamang na
pangalagaan ito.

c. Paano ko pananatilihin ang magandang ugnayang sa kalikasan?

Maging isang responsableng mamamayan na hindi puro salita lamang kundi


marunong din umaksyon. Maaari nating simulan sa mga simpleng gawain tulad ng:
pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan, huwag pumutol ng mga puno lalo na ang
punla, pagtatanim ng ng mga puno at matutong mag-segregate. Dagdag pa rito,
huwag nating iabuso ang kalikasan dahil may limitasyon din ito tulad ng isang tao.
Kung patuloy nating iaabuso ang kasaganahan ng kalikasan, darating ang araw na
wala na tayong makukuhanang suplay ng ating mga pangangailangan. Kaya isipin
natin na masarap palang pagmasdan ang isang lugar na sagana sa kalikasan.
Masisimulan natin ito sa pangangalaga sa kalikasan kahit sa mga simpleng
pamamaraan.

You might also like