You are on page 1of 2

Paano nga ba ako tinawag mula sa kadiliman?

Paano nga ba ako pinili ng Panginoon?


Simulan natin sa aking kamusmusan, kung paanong lumaki akong walang alam.
Hindi likas na mananampalataya.
‘Yong tipong, sa tuwing ako’y sumasamba, ang inaabangan ko, ay ‘yong meryenda.
Hindi ‘yong aral na madadala ko, hanggang sa aking pagtanda.
Sa simbahan ako’y hindi aktibo, sapagka’t ang nasa isip ko’y
“Aagapan ko, para pagkatapos, ako’y maglalaro”.

Hanggang sa ako’y maging sampong taong gulang.


Unti-unting namulat ang aking kaisipan, na hindi ang meryenda ang kailangan.
‘Yon ay ang ako ay may matutuhan.
At ang salita ng Diyos ay maisabuhay.

Naaalala ko pa…
Kapag tinatanong kami ng aming guro sa pagsamba.
“Sinong nagbabasa ng Bibliya?”
“Sinong nananalangin bago matulog at pagka-gising sa umaga?”
“Sinong nagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap nila?”
At ako nama’y ‘sing taas na kamay, na animo’y araw-araw ko talaga iyong ginagawa.

Lumipas ang mga taon…


Tulad ng paglipas ng pag-ibig niya sayo, na hindi naman umabot ng taon.
Lumilipas ang mga araw at buwan,
At ako’y patuloy, na pinapaalalahanan ng Panginoon.

Panahon ng elementarya’y nagdaan, at sa sekondaryang karanasan, ako’y lubos na nasiyahan.


Activity ditto, activity doon.
Sali ditto, Sali doon.
Hanggang sa makamit ko ang titulo ng kampiyon.
At imbis na ang Diyos ang pasalamatan, sa sarili kong kalakasan, na aking inasahan, ang aking kinasihan.
Sa edad na laning tatlo, sa halip na ipakilala ko sa kanila si Kristo,
Ay nagging, “Uy bes! Hanapin mo ‘yong kuwento ni maxpein. Ang angas ni taguro!”.
Wattpad, sa kanila’y minulat ko.

Lumilipas, at lumipas ang mga taon.


Narating ko ang ika-sampung baiting, sinasabi kong ako’y nagbabago, at magbabago.
Subalit, makalipas ang ilang buwan linggo.
Bumabalik at bumalik na naman ako sa dating bisyo.
Tulad ninyo’y;
Wattpad dito, wattpad doon.
Sigaw dito, sigaw doon.
Nakalimutan ko, na ako’y pinili ng Panginoon.

Naalala ko pa…
Bilang estudyante, kailangan madiskarte.
Pasulat ditto, pasulat doon.
Benta ditto, benta doon.
Masaya ako, hanggang sa nakalimutan ko nang pasalamatan ang Panginoon.
Nabulag ako sa panahong ‘yon.
Nakakatisod sa panahon ding yaon.
Sa lakas ko at galling, doon ako natuon.
Wala sa isip, ang pumili sakin, na ating Panginoon.
Nagpatuloy ang paglipas ng panahon.
Kasabay ng unti-unting pagka-ubos ng aking lakas.
Dahil wala ng kagalakan sa akin ang Panginoon.
Pinili niya ako, subalit ipinagpalit ko siya sa bagay na ipinipilit ko.

Muli akong may naalala…


Kung paanong pinatawad niya ako, sa kabila ng aking mga kasalanan
Sa halip na ako ang nasa krus!
Ay siya ang nagdusa’t nahirapan.
Tinagkal ako sa kadiliman at dinala sa kaliwanagan.
Kung paanong, sa bawat araw ay hindi niya ako pinababayaan, kahit hindi siya ang laman ng aking isipan.
Ang mga pagpapala niyang walang hanggan.
At ang pagmamahal niya kaninuman.
Samantalang ako, hindi mabilang ang kasalanan.
Sa halip, na sa Bibliya ay magbabad, minamagdamag, kakawattpad.
Sa halip na, buklat dito, ay scroll doon.
At sa halip na i-share, ay ang word of God, sa chimisan, babad.

PINILI
Maaaring ito ‘yong ipinagpalit niya sayo.
Maaaring ito ‘yong PINILI, dahil malapit, PINILI, dahil mabait, PINILI dahil maganda.
Maaaring ‘yan ang kahulugan ng pinili, para sa bawat isa, oo tama ka.
Maaaring ito nga, na hugot sa mga kabataan, na kapag nabigkas, tayong na magsisigawan.

Gusto kong malaman ninyo.


Ikaw, ako, tayo, narito tayo sa mundo, upang mabuhay, dahil namatay para sa atin si Kristo.
Hindi ang mabuhay sa mahal mo, na may mahal namang iba.
Tapos magiging dahilan ng ‘yong pagkabalisa.
Hahantong sa pagpapakamatay, isa sa common na bunga ng depression.
Mula sa mga taong tingin sa problema’y walang solusyon.
Subalit may formula, na magmumula sa Panginoon.
Na ang mga sagot, sa Bibliya mo matutunton.
Kaya’t simula ngayon, kay Hesus mo ibaling ang iyonbg atensiyon.
Hindi sa taong magaling sa larangan lamang ng sports, at pagbibigay ng sweets tulad ng polboron.
Kaya’t ikaw sa huli, ayan, pa-moveon-moveon.

Sa pagtatapos ng tulang ito…


Piliin natin siya, dahil pinili niya tayo.
Kaya’t ikaw, ako, siya, kayo, tayo.
Narito ka, hindi dahil ginusto mo.
Hindi dahil inimbita ka ng kaklase mo,
Kun’di dahil, may plano ang Diyos sa buhay mo.
Ang makilala mo siya, sa mga oras na ‘to, ay isang pagpapala sayo.

Bilang isang kabataan, matuto tayong unawain ang mga bagay. Kagaya ng hindi ka niya gusto.
Kung bakit narito kayo, siya, ikaw, ako, tayo, ‘yon ay dahil pinili niya tayo.
Dahil naranasan natin ang masaganang buhay na kaniyang ibinigay.
Dahil inalis niya tayo sa dilim, at inilagay sa kaliwanagan.
Dahil tayo, ay kaniyang PINILI.

You might also like