You are on page 1of 2

1.

Magpahayag ng kaisipan tungkol sa maaaring maging epekto sa buhay ng isang


kabataang tulad mo ng pagiging labis na mausisa o curious (tulad ng nangyari kay
Pandora).

Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay maraming katanungan sa mundo na hindi labis naiintindihan.
Mayroong mga bagay na nakakabuti ngunit sa kasamaang palad mayroon din nakakasama. Sila ay
nagkakaroon ng kyuryosidad ukol sa mga masasamang bisyo katulad ng pagsisigarilyo. Ito ay maaaring
maghantong sa kanila ng kapahamakan sa kalusugan lalo na’t sila ay bata pa lamang.

2. Magpahayag ng dalawang (2) kaisipan tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng


pag-asa sa kabila ng mga suliranin at kabiguang nararanasan.

Mayroong mga pagkakataon na tayo ay nagkakaroon ng pagsubok sa buhay. Nararanasan natin ang
magalit, mainggit, mahirapan at maraming pang iba. Lahat ng ito ay pinagdadaanan at hindi maiiwasan.
Ang halimbawa dito ay kahit sukong suko kana sa buhay dahil sa kahirapan na dinadanas mo, narito
parin ang pag-asa upang tulungan kang bumangon sa buhay. Ang isa pang halimbawa dito ay kahit na
ikaw ang pinakang masamang tao sa mundo at lahat ng kasamaan ay nagawa mo na, maaari ka paring
magbago dahil may pag-asa pa. Kahit huli na ang lahat, darating parin ang pag-asa.

3. Magpahayag ng dalawang (2) kaisipan patungkol sa pagiging matulungin at


mapagbigay kahit pa mangahulugan ito ng pagsasakripisyo ng nagbigay (tulad ng
nangyari kay Prometheus). 

Ang pagiging matulungin ay pagawa ng isang bagay na walang hinihinging kapalit. Kahit may mga taong
kapos palad, handa parin silang tumulong sa mas nahihirapan. Ang halimbawa dito ang likas na ugali ng
Pilipino ang bayanihan. Kapag nagkaroon ng kalamidad o bagyo, maraming donasyon ang nalilikom
upang mabahagi sa mga nasalanta. Kahit hirap sa buhay hangga’t may maitutulong mayroong
maibibigay. Isa pang halimbawa dito ang pagsasakripisyo ng mga frontliners natin upang masugpo ang
pinagdadaanang pandemya. Nais nilang tumulong sa mga nagkakasakit kahit na sila ay lubos na
nahihirapan.
Bakit mahalagang panghawakan ang pag-asa maging sa harap ng anumang pagsubok o
paghihirap? Magbigay ng mga halimbawa base sa iyong karanasan.

Ang pag-asa ay darating kahit sa tingin natin ay huli na ang lahat. Kahit na binaon na tayo sa lungkot at
kahirapan, narito pag-asa upang hukayin tayo at bumangon. Ito ang maguudyok saatin upang
magpatuloy sa agos ng buhay. Kahit mahirap tuloy tuloy parin babangon at haharapin ang panibagong
buhay.

Mayroon ding pagkakataon na dumaan sa pagsubok ang aming pamilya. Parehong magulang ko ang
maaaring mawala ng trabaho sapagkat nagtatanggal ng empleyado ang kompanyang pinagtratrabahuan
nila. Malungkot mang isipin ngunit malaking epekto ito para samin dahil mahirap ang mawalan ng
pinagkakakitaan. Kung kaya’t nagsakripisyo ang aking ina na mag-aral ulit at maging isang guro. Malaking
pagsubok ito sa kanya ngunit hindi sya nawalan ng pag-asa upang bumangon para saming pamilya.
Ngayon ay isa na syang guro sa pambublikong paaralan at maayos na ulit ang aming buhay.

You might also like