You are on page 1of 4

SANAYSAY

Paksa: Nepotismo o “Palakasan System”

Xyla Agillon
Grade 8- Maturity
January 03, 2021
Nepotismo: Tama ba ito?
Ni: Xyla Agillon

Nepotismo, isang korap at tiwaling pamamaraan sa


mga negosyo natin ngayon. Ngunit, ano nga ba muna
ang nepotismo?

Ang nepotismo ay maihahalintulad natin sa


paboritismo, pero hindi sila eksaktong magkapareho.
Hindi man natin ito alam o hindi man kaagad natin
ito napapansin, napakapalasak nitong sistemang ito
sa mga malalaking negosyo at patuloy pa rin itong
lumalaganap. Ang nepotismo ay ang pagbibigay ng
isang tao ng pagpanig at ng pabor sa isa pang tao,
dahil sa kanilang magandang relasyon at sa mga
koneksyon. Ang paboritismong ito ay ipinagkaloob sa
mga taong matatag ang koneksyon at alyansa, hindi
dahil sa kanilang abilidad, kakayanan o angking
kakayanan.

Ang salitang ito ay unang nabigyan ng pangalan noong


ika-14 na siglo. Hindi maaaring magkaroon ng mga
anak ang mga pope, kaya binigyan nila ng pabor at
oportunidad ang kanilang mga inaanak upang magkaroon
ng pagkakataong makapasok sa mga gusto nilang
trabaho, o para maging pope din sila.​[1]

Ang nepotismo o ​Palakasan System ​ay matatagpuan sa


mga sumusunod na larangan:

Una, sa mga pulitika. Ito ang pagpasa ng


kapangyarihan ng isang pampulitikang pinuno sa
kanyang kamag-anak o kaibigan sa kanyang partido.
Napapanahong isyu ngayon ang similar na pangyayari
sa Indonesia, kung saan gustong bigyan ng mga lider
ang kanilang mga anak ng kapangyarihang pampulitika,
kahit na ayaw ng kanilang pamayanan ng ganoong
‘politikal dynasty.’​[2]

Ikalawa, sa mga organisasyon. Ito ang


pinakakaraniwan na uri ng nepotismo. Ang nepotismong
organisasyon ay ang nepotismo na kung saan pinipili
ng mga trabahador ang mga nag-aplay sa trabaho ang
kanilang mga kamag-anak, at hindi ang mga taong
bagay para sa trabahong iyon o akma para doon.
Pinipili nila ang kanilang mga kamag-anak o kaibigan
kahit na hindi sapat ang kanilang kakayanan.
Halimbawa nito ay ang nangyari sa India, sa
industriya ng film. Ang pamilyang Kapoor ay
nagpapasok ng kanilang mga anak sa industriyang iyon
dahil lamang sa lakas ng kanilang impluwensiya sa
mga manonood, kahit na ang kanilang mga anak ay
hindi ganoon kagaling o kahusay.

Panghuli ang Ethnic Nepotism. Bagamat ito ay


medyo hindi na napapanahon, uri pa rin ito ng
nepotismo. Ang Ethnic nepotism ang paghahangad ng
pagiging ibang nasyonalidad o lahi.​[3]

Susunod naman ang benepisyo at kahinaan ng


nepotismo. ​[​4​] [​5​] [​6​]

Kahinaan:

Ang pag-aaway ng pamilya, dahil sa mga hindi


pagkakaintindihan sa negosyo. Isa pang kahinaan ng
nepotismo ay pwede kang kasuhan, dahil pwedeng
akalain ng iba na ikaw ay may paboritismo. Hindi rin
uunlad ng maayos ang iyong negosyo dahil minsan
hindi kompetente ang kanilang mga kakayanan. Ito rin
ay nakakatulong sa pagpapalaganap ng korapsyon.

Benepisyo:
Nakatutulong ito sa pag-’bonding’ ng iyong
pamilya at iyong mga kasamahan sa trabaho.
Nakatutulong din ito sa mga kasanayan mo bilang
pinuno, at sa pagbuo mo ng isang legado at magandang
pamana.

Malakas ang naging masamang epekto nito sa


mundo, dahil sa nepotismo, madami ang nawalan ng
pag-asa kahit na sila ay kompetente, may husay at
may kakayanan. Tulad ni Sushant Singh Rajput, na
nagpakamatay dahil na-boycott ang kanyang karera.​[6]

“Bakit hindi pa ipinagbabawal ang nepotismo?”​[7]

Ang nepotismo ay parehong hindi pinapayagan at


pinapayagan sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa ilang
mga estado sa U.S., ito ay ipinagbabawal. Ang
espekulasyon ko ay dahil nakakabenepisyo parin ang
gobyerno sa nepotismo.

Ako ba ay sumasang-ayon sa nepotismo? Hindi.


Marami kasing talentado at may mga kakayahan ang
ibinabasura dahil doon, at dahil sila ay binalewala,
malaki ang kapaguran at pinsala ang hinarap nila.

You might also like