You are on page 1of 2

“Isang babaeng natagpuang patay na ginahasa!

” “Ama sinaksak ng sariling anak, nag-

aagaw buhay!”

Ito na marahil ang iilan lamang sa mga masasakit at nakasusulasok na katotohanan sa

tuwing binubuksan natin ang telebisyon para manood ng balita o di kaya’y nababasa sa

dyaryo.

Pikit-mata man nating hinaharap ang mga bagay na ito pero isa na yata ito sa

pinakamalaking suliranin ng ating bansa – iba’t ibang krimen na kadalasan ang tanging

dahilan at salot ay ang pagkalulong sa droga. At ang masaklap pa rito ang kadalasang

sangkot? Ang mga kabataan. Mga kabataang halos ka edad ko, ka edad ng karamihan sa

inyo at ang masaklap pa ay iyong sa murang edad ay subsob na sa ganitong bisyo.

Sa pagsusumikap na makaiwas sa mga sariling problema at maging problema sa pamilya,

may ilang mga kabataan ang gumagamit ng bawal na gamot at nasasangkot na sa iligal

na gawain. Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa, matinding pag-udyok ng mga

kasamahan, di pantay na kalooban, pagtakas sa mga suliranin sa buhay, pagkainip o

pagkayamot at pampalit sa makahulugang pakikipag-ugnayan.

Pag-asa pa nga ba tayo ng bayan? Kaya nga ba nating mapaunlad ang susunod na henerasyon sa

gitna ng mga kinakaharap na problema ng kabataan sa kasalukuyang panahon? Mapapa-angat

nga ba natin ang Pilipinas o baka naman tayo pa ang magpapabagsak dito? Maaaring ang ilan sa

inyo ay sasagot ng hindi na. Pero para sa akin, kung magsusumikap tayong mga kabataan maaari pa

rin tayong matawag na pag-asa ng bayan. Kung babaguhin lamang sana natin ang mga maling

kaugalian sa kasalukuyan, ang pagbabago ay abot kamay lamang.

Sabi ni Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pagasa ng bayan. Ito ay maaaring isang

kasabihan na lamang sa kasalukuyang panahon, ngunit kung susumahin, ang mensaheng

ito ang bukod tanging makapagsasabi ng tunay na kahalagahan ng ating bagong

henerasyon ng mga kabataan. At ito ang siya pa ring pinaniniwalaan ng halos lahat ng tao

sa mundo.
Para sa mga kabataan na kagaya ko, magtanda tayo sa bawat pangaral ng ating mga

magulang nang sa gayon tayo ay tatanda sa ating tahanan na puno ng pagmamahal,

paggalang at pag-aalaga. Kagaya ng isang ibon, ang tahanan ay isang hawla na

magkukulong sa atin, hindi para tanggalan ng kalayaan kundi para tayo ay

mapangalagaan at mailayo sa kapahamakan. Kung naging miserable o hindi naging

perpekto ang naging buhay ng mga magulang natin, hindi kailangan ulitin ang kamalian

ng nakaraan. Kasi kung nagkataon, hindi tayo natuto at hinayaan na lang natin ang

pagkakataon na kainin tayo sa kumunoy ng kahirapan at kaparusahan. Huwag tayong

mabahala at mabagot sa tuwing tayo ay nadadapa at nahaharap sa mga iba’t-ibang

dagok sa buhay sapagkat tayo ay lalaya rin kapag kaya na nating tumayo sa sariling paa.

At sa ating paglaya, handang-handa na tayong ibuka ang mga pakpak upang abutin ang

pangarap kasama ang mga aral na itinuro ng ating mga magulang nang sa gayon ay

maiiwasan natin ang makulong muli sa isang selda na sisira ng ating kinabukasan.

Kumilos na tayo. Hindi kailangan ipagpabukas pa, ngayon na!

You might also like