You are on page 1of 2

Cathlea Mae V.

Malayba
BSMA 2102

1. Ang mga pangunahing suliraning panlipunan ay kinabibilangan ng sumusunod:


coronavirus, kahirapan, unemployment, konsepto ng sustenableng kaunlaran, climate
change, polusyon sa tubig, hangin, at lupa, pagmimina, deforestation, urbanisasyon,
basura, at baha. Sumiklab ang coronavirus noong Disyembre 2019, kumalat ito
karamihan ng mga bansa sa mundo at dahil bago pa ito ay patuloy pa rin ang pagkatuto
ng mga eksperto o awtoridad tungkol dito. Ang mga suliranin naman na kahirapan at
unemployment ay halos magkaugnay na rin. Dahil ang unemployment ay isa sa dahilan
ng kahirapan, na magpasahanggang ngayon ay suliranin pa rin ng ating bansa. Ang
konsepto naman ng sustenableng kaunlaran ay tumutukoy sa patuloy na pagdami ng
populasyon at ng dahil dito ay nagiging malaki na rin ang pangangailangan para sa
maraming sustenableng mapagkukunan. Maaaring iugnay din dito ang pagmimina kung
saan ay patuloy na nagmimina para sa pakinabang ng mga tao. Ang climate change at
polusyon sa tubig, baha, hangin, at lupa ay maaaring naging bunga na rin ng patuloy na
pagdami ng populasyon at sa patuloy na pagdami ng pangangailangan natin.
Deforestation, urbanisasyon, basura, at baha na sa katunayan ay bunga na rin ng
pagdami ng populasyon nating mga tao. Ang mga ito ay maaaring iilan lamang sa mga
suliranin na mayroon ang ating bansa o ang ating komunidad. Ngunit ito ang pinaka-
pangunahing makikita natin na talaga namang matagal ng sinosolusyunan pero
hanggang ngayon ay nandyan pa rin.

2. Noong bata ako ay hindi ko namamalayan na may mga ganito palang krisis na
kinakaharap ang mundo. Ngunit ngayon ay mas nagiging mulat na ako sa kalagayan
hindi lang ating komunidad, kundi pati ang bansa at ang mundo. Nakakalungkot na isipin
ngunit kahit ano namang maisip na solusyon ay sinusubukan naman. Pero hindi na rin
nakakapagtaka na hanggang ngayon ay hindi pa rin masolusyunan ito. Dahil na rin
siguro sa hindi naman lahat ay ninanais na gawin ang mga ito, siguro ay nasanay na
lamang sila. Napagtanto ko na kung patuloy ang mga krisis na ito ay paano na kaya ang
mga susunod pang henerasyon. Hindi ko man tiyak kung anong mangyayari ngunit sa
aking palagay ay may mga bagay silang maaaring hindi na makita na ngayon ay nakikita
pa natin. Ngunit kasalanan din naman natin kung bakit nagkakaroon ng ganitong mga
krisis sa mundo. Ito ay sa aking palagay lamang, ngunit sino pa nga ba ang magiging
dahilan ng mga krisis na ito kung hindi ang mga tao lamang. Sa kabila nang mga krisis
na ito na sa tinagal-tagal ay hindi nasosolusyunan, umaasa pa rin ako na ito ay
mawawakasan sa pagdating ng tamang panahon.

3. Sa sitwasyong ito na ating kinakaharap, masasabi kong, oo. Oo, isa ako sa
naapektuhan ng mga krisis na ito na mayroon ang ating mundo, bansa, at komunidad.
Unang-una, sa kahirapan na lang ay talaga namang danas na danas ko ang
pakiramdam ng isang mahirap. Ang pakiramdam na gustong-gusto mo nang makatapos
ng pag-aaral, makahanap ng trabaho, kumita ng pera. Mahirap maging mahirap, ngunit
ano ba ang magagawa ko kung ito lamang ang mayroon kami o ako sa ngayon,
dadating din ang araw na huhupa ang krisis na ito. Sa patuloy na pagkasira ng kalikasan
dahil na rin sa kagustuhan at pangangailangan nating mga tao. Naisin ko man na
tumagal pa ang buhay ng ating kalikasan ay hindi ko ito masisigurado, dahil hindi ko
naman masasabi kung hanggang saan o kailan natin gagamitin ang kalikasan para sa
ating mga pangangailangan na wala namang tigil. Ang coronavirus, ang pandemyang
kinatakutan ng lahat magpahanggang ngayon, isa na ako doon syempre. Sa gitna nang
mga krisis na kinakaharap nating lahat, ako ay umaasa na sana, sana ay malutas ang
mga ito. Kahit na mahirap, sana ay maging maginhawa ang buhay nating lahat.

You might also like