You are on page 1of 12

Clarissa A.

Pacatang Piyesang Pampanitikan

2010-7206

PANDEMYA (lang malakas!)

. Habang abala ang mga Pilipino sa paghahanda sa pasko noong nakaraang taon, lingid sa

ating kaalaman na mayroong nakamamatay na sakit ang kumalat sa Wuhan, China. Ito ang

COVID-19. Isa itong nakamamatay na respiratory desease o sakit sa baga. Mabilis itong kumalat

sa mundo at hanggang sa ideklara na ng World Health Organization na isa na itong pandemic.

Noong katapusan ng Enero, naitala ang unang kaso nito sa Pilipinas. Sa atin din naitala ang unang

kamatayan nito sa labas ng China. Pagsapit ng Marso, unti-unti ng kumalat ang sakit sa bansa.

Sa isang pikit-mata lang at pagkadilat mo ay bawal nang lumabas ng walang face mask.

Pinag-iingat ang lahat at hindi dapat maging kampante sa paglabas at makisalamuha sa iba. Mula

ng tumaas ang bilang ng may sakit na COVID, araw-araw hinaharap ng mga health worker ang

pagod, kakulangan ng gamit ng transportasyon at ang pinakamatindi sa lahat ang deskriminasyon.

Walang nakakaalam na maisasara nito ang mga bansang apektado, mga pampubliko at

pribadong paaralan, maging ang pagkuha nito sa buhay ng sangkatauhan. Tumama sa ating bansa

at ngayon kahit saan man dako’y naroroon. Nakalulungkot isipin ngunit kahit papaano’y nasasanay

na rin na ang pakikisalamuha sa mga matatalik na kaibigan, mga kaklase at mga guro noon ay
hanggang sa screen na lamang makikita ngayon. Maging ang pakikipagbiso at pagyayakapan ay

napapalitan na ng paglalapit ng dalawang siko.

Ang dulang Pandemya ay kakikitaan ng maraming aral. Maipapakita ng sakripisyo ng mga

health workers at ang mga taong patuloy na naghahanapbuhay sa gitna ng pandemya. Makikita rin

kung ano ang magiging epekto nito sa tao kung hindi nag-iingat. Makikita mo rin sad ula ang

tungkol sa pagmamahal sa pamilya, malasakit ng isang kaibigan at sa pagtanggap ng iyong

kamalian. Mahirap masisi sa isang bagay na dahil sa iyong kapabayaan, maaaring buhay mo o ng

mahal sa buhay ang mawawala. Mahirap manghula kung ligtas ka pa ba o may nararamdaman ka

nang kakaiba. Sa panahon ngayon, hindi tayo dapat maging kampante at isawalambahala ang

dinaranas na pandemya. Totoong may COVID! hindi yang kathang-isip o kuwento-kuwento lang

na basta nalang kumalat at pinaniniwalaan. Nagdulot din ito ng depresyon sa kahit na sino. Walang

pinipiling edad at estado ng buhay. Kaya ito ang naging inspirsyon ng mga bumuo ng produksyon

upang maipakita sa madla ang malaking epekto ng virus. Hindi naging madali ang pagbuo nito,

simula pa ang sa pagsusulat ng iskrio, sa pagpili ng mga karakter at ang pinakamalaking hamon

dito ay kung paano mairaos ang screenplay.

Tipikal ang kuwento ng buhay ni Sarah sa kinakaharap ng mga Pilipino sa kasalukuyan,

isang anak na nagsusumikap at handang isugal ang lahat para sa mga minamahal. Maaring

nakontrol ni Sarah ang kanyang ina na hindi lumabas ng bahay upang makaiwas sa virus sapagkat
mahina ito kumpara sa kanya, ang katapangan naman ni Sarah na lumabas ng bahay upang

maghanap-buhay ang nagpahamak dito.

Makikita sa karakter na Sarah na ayaw niyang tumanggap ng pagkakamali. Kahit posibleng

may kinalaman siya sa pagkahawa ng ina sa sakit na COVID at ipinagdidiinan niya pa ring apalgi

siyang nag-iingat. Ito ang pinakasangkap ng dula. Ang pagmaang-maangan sa tunay na nangyari

upang walang masabi ang iba na ikaw ang tunay na nagkamali. Tayong mga tao ay magaling lang

sa mga papuri, subalit kapag sinasabi na sa atin ang ating mali, imbes na tanggapin upang matuto,

mas ikagagalit pa natin ito.

Bagama’t maikli lamang ang dula, subalit maraming suliranin ang lumitaw habang

tumatakbo ang ito. Una ay ang kawalan ng tiwala natin sa mga namumuno. Minsan nagiging

matigas ang ulo natin sa pagsunod ng batas o protocol sa pag-iwas sa COVID ay hindi natin

nabigyan ng pansin sapagkat mas lalong naniniwala tayo na Negosyo lamang ang virus. Hindi

natin namamalayan na naging problema rin tayo ng lipunan. Sino ba ang dapat sisihin nito? Tama

bang sisihin din nating ang gobyerno? O mas tamang sumunod tayo at magkaisa tayo sa hangaring

mapaayos ang bansa at malabanan ang pandemya. Mula sad ula, makikita kung gaano

ipinagdidiinan ni Sarah na hindi totoong may COVID at gawa-gawa lamang ito ng nasa larangan

ng medisina. Minsan ang katigasan ng ating ulo ang magpapahamak sa atin at sa mahal natin sa

buhay. Ikalawa ang ang kumpyansa sa sarili. Ikaw? Kayo? Gaano ka kasigurado na wala kang
COVID? Matutughayan sa dula kung paano at saan nakuha ni Sarah ang sakit. Maaring ang isang

tao ang asymptomatic o yaong walang palatandaan na siya ay nadapuan na ng naturang sakit. Sa

kaso ni Sarah, maaring nakakuha siya ng sakit subalit sa lakas ng kanyang resistensya ay

nakayanan ito ng kanyang katawan, at ang taong kanyang nakasasalamuha na mahina ang mas

lalong maapektuhan. Hindi madaling tanggapin na nagkasakit ka lalo na’t ikaw [pa ang magiging

dahilan ng pagkakasakit rin ng pga taong nakapaligid sayo. Pangatlong suliranin ng dula ay ang

pagiging mapagmataas at kunwaring mas nakakaalam. Mapapansin ang pagtaas ng boses ni Sarah

sa doctor. Hindi na nya napigilan ang sarili at sinisisi pa niya ang doctor sa pagkakaroon ng COVID

ng kanyang ina. Mas inuna pa niyang pakinggan ang kanyang galit kaysa unawain ang totoong

nangyrai. Ang Nurse sad ula at kaikitaan ang pagiging maintindihin sa kaibigan. Alam niyang may

pinagdadaanan ang kaibigan kaya pinakinggan na lamang niya ang mga hinaing ni Sarah saka

nagpiay ng payo at paliwanag na hindi posibleng mahawaan ang kanyang ina ng virus mula sa

kanya sapagkat marami siyang nakakasalamuha sa labas ng kanilang bahay o sa trabaho. Pang-

apat na suliranin ay depresyon, Tayong lahat ay may sariling buhay at lahat ay may iba’t ibang

pinagdadaanang problema. Sa kasamaang palad, marami na ang nagkakaroon ng depresyon dito

sa ating bansa. Mahirap magkaroon ng depresyon, madilim, tahimik at malungkot, at ang masaklap

sa iba ay nauuwi sa pagkitil ng sariling buhay. Matutunghayan sa dula na posibleng ang

kalalabasan ng karakter ni Sarah ay ang depresyon. Kita-kita ang kanyang takot sakaling mawalan

siya ng trabaho, sino na ang mag-aalaga at magpapakain sa kanilang mag-iina. Sa kaalaman ng


lahat, ang depresyon ay isa sa mga karaniwang problemang pangkaisipan sa ngayon. Hindi lamang

ito isang kalagayan ng hindi pagiging masaya o kalungkutan. Kadalasang natutukoy ito sa ibang

tao, ngunit mahirap magunita sa ating sarili. Hindi natin alam na nagkakaroon na pala tayo ng

depresyon, hindi lang natin napapansin. Nang lumaganap ang COVID19 sa ating bansa ay mas

naging lumala ang sitwasyon sa depresyon. At napakarami ng mga naapektuhan nito, trabaho, pag-

aaral at pang-araw-araw na gawain. Sa kasalukuyan, marami ang nagbuwis ng buhay dahilan

lamang sa pag-aaral na hindi natin naiintindihan kung ano ang mga dahilan. Maaaring hindi na

kaya o hindi na alam kung ano ang gagawin.Ganoon din sa sitwasyong ni Sarah, de baleng

mapanganib ay sumugal siya upang makapaghanap-buhay.

Ang pandemyang kasalukuyang nararanasan ngayon ay pansamantalang nagpatigil sa

karaniwang gawain ng mundo. Mahigit kumulang tatlumpo’t siyam na kaso na ang naitala sa

buong mundo hinggil sa sakit na ito. Ang paglaganap ng Corona virus o higit na killa sa pangalang

Covid-19 ay lubos na nakakaapekto sa nakasanayang daloy ng mundo. Mula sa pandaigdigang

kalakalan hanggang sa turismo, maging sa pamumuhay ng mga nasa laylayan ng lipunan. Higit na

masakit dito ay ang epekto nito sa sistema ng edukasyon ng ating bansa lalo na at napabilang ang

ating bansa sa mga developing country o mga bansang hindi massyadong mataas ang antas ng

pamumuhay.
Ayon sa pahayag ng UN Secretary-General’s sa media ukol sa epekto ng COVID-19 sa

kabataan , “ Habang kumakalat ang pandemyang COVID-19 sa mundo, mayroon tayong napansin

na kagilagilalas na pangyayari.Ang higit na mahirap at bulnerableng mga bahagi ng lipunan ang

siyang higit na tinatamaan, kapwa ng pandemya at ng pagtugon dito.Ako ay partikular na

nababahala sa kapakanan ng mga kabataan sa mundo.Salamat na lamang at sa ngayon, ang mga

bata ay di halos apektado sa pinakamalubhang sintomas ng sakit na ito.Subalit ang kanilang buhay

ay lubos na nabaligtad.” Sapahayag na ito, lubos na ikinabahala ng kagawaran ng edukasyon at

iba’t ibang antas sa gobyerno sa kung paano ipapagpatuloy ang klase ngayong taon kung kailan

hindi maaring magsagwang face to face na paraan ng pag-aaral

Hindi naging madali sa lahat ang pagdurusang naranasan. Kahit handa sa hapag ay pilit na

pinagkakasya. Sa awa nang Maykapal, nakayanan nating makaraos sa pamamagitan ng pagiging

produktibo maging pagtatanim ng mga bulaklak ay ginagawa na ng maraming tao. Paano ba

nama’y nakakabagot ang pabalik-balik na gawain sa bahay.

Ang bahay na ‘sing tahimik ng gabi noon, may ingay na nang buong pamilyang

nagkakasamang muli ngayon. Tingnan na lamang natin sa positibong pananaw na kahit nakaranas

man tayo ng ganitong buhay ngayon, hindi pa rin mawawala na naging dahilan din ang “quarantine

life na ito upang magkasama-sama ang buong pamilya ngayon.


Inuunti-unting pinag-isipan kung ano bang pwedeng dapat na hakbang upang takot at lungkot ay

maibsan. Hanggang sa napagtanto na buksan ang bibliya upang malaman ang kasagutan sa mga

katanungan. Isinapuso ang mga talatang nabasa, pagmamahal at kasiguraduhan sa Poong

Maykapal ay nadama. Hindi puro sakit ang dala ng pandemya, isa itong biyaya sa pagkakubli,

dahil dito mas napalapit tayo sa ating pamilya at mas nabigyan natin ng importansiya ang mga

bagay na noo’y akala natin wala lang. Pinahinga ng pandemya ang kalikasan, polusyon ay unti-

unting nabawasan. Pinasara man ang mga simbahan, binuksan naman nito ang karunungang kahit

saan pwedeng magdasal. Pinagkaisa ng pandemya ang sangkatauhan, sa isa’t isa ay ipinakita ang

pagmamahalan. Lahat nagkakaisa, lahat nagsasama-sama. Walang iwanan sa pagsubok na

pinagdadaanan, lahat malalampasan basta nagtutulungan

Ikaapat na suliranin ay WALANG PINIPILI ANG COVID! Tunay ngang walang pinipili

ang virus na ito, bata, matanda, mayaman man o mahirap, kapag nadapuan ka nito, siguradong

babagsak ang iyong pangangatawan. Nabanggit sa dula na ang ina ni Sarah ay hindi nalabas ng

bahay simula nang ipatupad ang quarantine. Subalit bakit nga ba nahawa ang kanyang ina sa kabila

ng pag-iingat nila? Simple lang, madaling mapasa ang COVID kung hindi nag-iingat. Nag

simpleng pag-iingat ay makakaiwas ito sa pagpasa at pagkuha ng sakit. Kung matatandaan na

maraming mga personalidad ang nahawa ng sakit. Maraming doctor at nurse ang binawian din ng

buhay. Kahit anong pag-iingat ang ginagawa mo, kung mahahawaan ka talaga ng sakit ay hindi ka

makakawala. Ang mga matatanda ang mas hindi makakayanan ang dulot ng sakit na ito, lalong-
lalo na ang may mahihinang pangangatawan, may sakit sa puso at may mga heka na kung saan

iyan ang nararamdaman ng ina si Sarah. Kaya ganito kahalaga ang social distancing, kahit sa bahay

ang hindi dapat mahing kampante sa mga kapamilya. Maging maingat ang lahat, kung lalabas ka

ng bahay, siguraduhing bago pumasok ng bahay sap ag-uwi ay nakapag-sanitized ka o naghugas

na ng kamay, maaring magpalit ng damit o mas mainam ay maligo sa labas ng bahay. Magdala

parati ng alcohol at uminom ng vitamin C. Yung nangyari sad ula ay naging kampante nga si Sara

na hindi niya mahawaan ang kanyang ina dahil ng nasa bahay lamang ito. Tila nakakalimutan

niyang parati siyang lumalabas ng bahay. Minsan din ay matuto tayong tumanggap ng kamalian.

Isa rin sa naging problema ng dula ay ang pagkalat ng virus a kadahilanang nagsinungaling

sa kinauukulan. Kapag mangyari sa iyo na may manghingi ng impormasyon o contact tracing,

huwag mong isawalang bahala iyan. Sapagkat isa yan sa mga paraan upang amiwasan pa ang

pagkalat ng sakit. Kung patuloy kang magsisinungaling sa awtoridad, mas lalaki ang posibilidad

na kumalat ito dahil walang isolation na magaganap sa mg ana exposed sa sakit. Kaya ganoon na

lamang ang kinahihinatnan ng sitwasyon ni Sarah at ng kanyang ina. Dahil sa pagtago ng kanyang

tunay na sitwasyon, ay nadamay pa ang kanyang ina. Kung naagapan lang sana kaagad ang

pagkalat o kung nagsabi lamang siya ng totoo baka sakaling hindi nahawa ang kanyang ina.

Tunay ngang napakalaki ng impak ng pandemya sa ating mga buhay. Dito natin

mabibigyan ng halaga ang oras, ang pagiging maingat sa mga nakakasalamuha, sa pagiging malinis
ng pangangatawan at pagpapahalaga sa taong mga mahal sa buhay at higit sa lahat ang

Pagmamahal sa Diyos.

Sa sitwasyon ni Sarah ay napakahirap, magi-isa lang siyang naghahanap-buhay para sa

kanyang pamilya. Marami sa atin ang makaka-relate sa buhay ng karakter ni Sarah. Hirap man sa

buhay subalit patuloy na lumalaban. Bagsakan man tayo ng maraming problema, pakatandaan na

may Diyos na handing tumulong sa atin. Huwag lang tayong makalimot na pagtawag sa kanya,

humingi ng gabay at lakas upang malampasan ang mga pagsubok sa buhay. Sa panahon ngayon

ay wala tayong ibang makapitan kundi ang Diyos lamang. Lahat ng suliranin na nabanggit katulad

ng depresyon ay maaari mong ipapasa Diyos na lamang sapagkat walang imposible sa Kanya.

Matakot ka sa mga nangyayari spaagkat ito ang hudyat na nalalapit na ang Kanyang pagbabalik.

Hinanda tayo ng Diyos upang lumapit sa kanya nang sa kanyang pagbalik ay hand ana tayong

sumama sa kanya at alam natin kung saan tayo papunta. Si Sarah ay ipinadanas ng kahirapan

sapgakat alam ng Diyos na malalagpasan niya ang pagsubok. Maging malaks lamang siya at

magtiawala sa Maykapal. Hindi tayo bibiguin ng Diyos.

Itinuturing ang kalamidad na isang pangyayaring maaaring magdulot ng malaking pinsala

sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan at maging mga tao sa lipunan. Maaaring magkaroon ng

kalamidad anumang oras. Dito sa Pilipinas, taon-taon na lamang may napipinsala dahil sa

kalamidad. Tila naging normal na rin ito sa ating mga Pilipino at naging parte na rin ng ating
pamumuhay. Gaya na lamang ng nakapamiminsala na bagyong Ulysses na kung saan nagdulot ng

malakas na pagbaha sa iilang lugar sa Luzon.

Malaki ang maaaring maging epekto ng kalamidad sapagkat winawasak nito ang mga ari-

arian at kumukuha ng buhay ng tao. Halimbawa, ang nakapanghihinayang na resulta ng bagyong

Ulysses na nanalanta sa bahaging Luzon dahil maraming pamilya ang apektado lalo pa’t

napakalawak ng nangyaring pagbaha sa mga karatig lugar.

Maraming kalamidad ang pwedeng manalasa sa ating bansa. Hindi lamang bagyo kundi

tulad na rin ng El Niño, lindol, pagputok ng bulkan at iba pa. Sinusubok nito ang lakas at katatagan

ng bawat isa, ng bawat Pilipino. Ayon pa sa agham, ang dati’y normal na dulot ng mga kalamidad

ay mas dumudoble pa sa ngayon marahil ganti ito ng kalikasan sa mga gawain at kapabayaan

nating mga tao. Maging ang labis na pag-init at paglamig ng panahon ay bunga ng nagbabagong

mundo dahil sa ating kapabayaan.

Paano kung pagdating ng panahon ay dumating ang kalamidad at maranasan natin, handa

ba tayo? Habang may pagkakataon pa may magagawa pa tayo. Ang paghahanda sa kalamidad ay

maaaring makatulong sa atin gaya ng paghahanda ng mga kakailanganing bagay. Darating ang

oras na mararanasan natin ang anumang kalamidad kaya’t responsibilidad nating maging handa

upang sa pagdating ng sakuna hindi natin masisi ang ibang tao sa ating mga pagkukulang. Sa

panahon ng kalamidad, hindi importante ang pagsisisihan, importante ang pagiging handa at
pagiging matatag upang may pagtutulungan ang bawat isa. Matuto tayong makinig sa paalala ng

gobyerno kung kailangan ba nating lumikas o kailan tayo lilikas.

Tayo’y pansamantala lamang dito sa mundo. Dahil dito, mas hinihikayat ng mga

siyentipiko na mas maging mapagmahal at madisiplina sa kalikasan. Iwasan na ang mga nakasisira

dito kabilang na ang pagtatapon ng basura, pagputol ng mga puno at paggamit ng mga

nakalalasong kemikal.

Tayong mga Pilipino ay may natatangi katangian na kung saan pinahahanga ang ibang lahi dahil

kahit anumang kalamidad ang dumating sa atin, natututo pa rin tayong ngumiti. Kaya’t upang

makamit nating mas makapagpapangiti sa atin, kailangan ng kumilos dahil kung ang mga tao ay

magiging pabaya, mas malala pang mga kalamidad ang ating mararanasan na lalong

makapamiminsala at maging sanhi ng tuluyang pagkawasak ng daigdig. Kung magagawa natin

‘yan, tiyak masasabi nating KALAMIDAD KA LANG, PILIPINO KAMI!

You might also like