You are on page 1of 1

PAGSIBOL NG BAGONG PAG-ASA

Ni Ma. Ela M. Sarmienta

Ang Coronavirus o COVID-19 ay isang sakit na dulot ng SARS-CoV-2 virus na maaring


kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao.
Kailan kaya ito matatapos at tuluyang mawawala. Marami na ring kasing naapektuhan ng
sakit na ito. sa isang iglap lang nagbago ang lahat ng bagay . ang dating maingay at masayang
bansa ay naging magulo at mapanganib. Punong-puno ng takot ang mga tao. Sa bawat paglabas
ng kanilang bahay hindi nawawala ang pangamba na baka sa kanilang pag-uwi dala nila’y sakit
na kinakatakutan. Hindi na natin mabatid kung sino ang dapat samahan at saan ang ligtas na
lugar na puntahan.
Maraming nawalan ng trabaho at naghirap dahil dito. Marami na ring nagbuwis ng
kanilang buhay. edukasyon ay lubha ring nabago.Ang eskwelahan na dating masaya at
maraming bata na pumapasok araw-araw ay ngayon isa ng tahimik na lugar na nagkakaroon
lamang ng tao kapag module na ay kanila nang ibabalik. Halos dalawang taon nang nakalilipas
ng huli kong masilayan ang mga ngiti ng mga batang sabik na matuto ng aralin.
Talagang napakalungkot ng pagyayaring ito. ngayon ko lamang naranasan ang ganito.
Sana ay masulusyonan na ang suliraning ito. Kawawa ang mga mamamayan kung hindi ito
matatapos.
Kung totoo man na tao rin ang may gawa ng sakit na ito, ang tanong ay bakit. Paano nila
nasikmura na ganito ang mangyari sa atin?
Dapat na tayong magtulungan upang wakasan ito. kailangan ng disiplina sa sarili.
Sumunod sa safety health protocol upang maiwasan ang paghahawaan. Dapat rin na ang
gobyerno ay umisip na ng hakbang kung paano ito puksain at wakasan.
Ngunit dahil hindi basta -basta ito maaalis nag-isip ang ating gobyerno ng mga alternatib
na puwedeng gawin upang ipagpatuloy ang mga proyekto.
Sana dumating na ang araw na tayo’y maging Malaya muli sa mapanirang sakit na ito.
Tatagan lang natin ang ating mga sarili at alagaan natin ang isa’t isa. Huwag natin
kalimutan na sa bawat unos ay may bagong pag-asang darating.

You might also like