You are on page 1of 2

Kabataan Sa Gitna Ng Pandemya

Lumipas na ang isang taon ng school year habang may


Pandemya. Ibig sabihin ay umangat na ng isang taon ang grade level ng
mga estudyante nakapag-aral nitong nakaraang taon, Ito na tila ang
panahon Kung kailan ang lahat ay sabay-sabay na nawalan ng pag-aasa.
Sa panahong Ito marami ang mga kabataang hindi napagpatuloy Ang
kanilang pagaaral pagkat karamihan sa kanila ay nawalan ng hanap
buhay Lalo na ang mga pamilyang naghihirap na bago pa man
magsimula ang pandemya. Sa kasamaang palad Ilan sa mga kabataan ay
naulila dahil sa virus, Hindi lamang Ang mga pasyenteng nahawaan ng
sakit ang nasawi dahil sa virus kundi pati narin ang mga taong
naggagamot para sakanila at ang nag hahanap ng Lunas upang tapusin
ang problema ng buong sangkatauhan. Noong kalagitnaan ng pagsibol
ng sakit na Ito na tinatawag na “Covid 19” Kaagad na inisip ng lahat
“Paano na ang pag-aaral?” “Paano na ang kabataan na magpapatuloy
sa hinaharap?” Maaaring sa alternatibong paraan ay matuto ang mga
estudyante ngunit ang kinasanayang paraan ay masmakakabuti para sa
mental at pisikal na kalusugan ng nga mag-aaral.
Saan na nga ba tayo ngayon? Matatapos naba ang pandemya?
Masasabi natin na Malaki ang pinagbago Kung ikukumpara noong mga
nakalipas na kalagayan ng buong Bansa, nagawa nating pag-aralin ang
mga kabataan gustong mag-aral kahit sa kalagayan ngayon sa
pamamgitan tulong ng mga masisipag at detirminadong mga guro at
mga taong sumusuporta sa layuning pag-aralin ang mga kabataan kahit
sa gitna ng pandemya, may ibat Ibang paniniwala man, kinagisnan,
edad, at kasarian. Tayo ay may iisang kalaban na sumugat sa ating mga
puso, iisa lamang Ang ating nararamdam kaya tayo'y nagkakaisa. Sa
kanilang Banda Naman, bakit may handlang sa pagkakaisa? Ito ba ay
dahil sa kawalan ng kumpiyansa? Ang hindi pagpapabakuna na dahilan
bakit hangang dito lamang ang paghakbang natin papunta sa
kinasanayan nating pamumuhay. Noon, naiisip natin na “Sana ay
mabuo na ang bakuna Laban sa sakit na ito” Kaya lamang ay nang
inilabas na ang bakuna may mga masamang balita o pagsususpetsa ukol
sa kaligtasan ng pagpapabakuna dahilan Kung bakit kukunti pa lamang
ang nagpapabakuna.

Ipinatupad ang pagpapabakuna sa lahat ng mangagawa upang


maiwasan na ang pagkasawi ng mga tao mula sa Covid 19, gayun din
para sa lahat ng tao ngunit Hindi Ito sapilitan, Nais ko lamang sabihin na
sa sitwasyon natin ngayon, Hindi tayo makakahakbang pang muli
papunta sa ating layunin kung hindi tayo magpapabakuna. Malapit na
rin ang face to face sa ilang paaralan kaya lamang Hindi Ito matutuloy
kung walang bakuna ang mga magaaral. Muling babalik ang mga araw
na kinasanayan sa tulong ng Diyos

You might also like