You are on page 1of 1

Ang paglaganap ng isang sakit na kalauna’y tuluyan ng naging isang pandemya ay

lubusang nakabahala at nagbigay ng takot at panganib sa buong sanlibutan. Sa


bawat araw na dumaraan libo libo ang patuloy na nahahawaan at nakikipaglaban
sa kalaban na hindi makita at mahawakan. Alang-alang sa kaligtasan ng lahat at
upang maiwasan na rin ang paglaganap ng sakit na nakahahawa ay nagpatupad
ang pamahalaan ng mga protokol o mga pag iingat na dapat sundin.
Bilang isang kabataan sa aming komunidad, nasaksihan ko ang lahat ng mga
pangyayari. Nakabilang ang aming komunidad sa mga nagpatupad ng enhanced
community quarantine (ECQ) upang maiwasan ang paghahawaan ng sakit. Ang
dating kalsadang puno ng mga maiingay na batang naglalaro at mga matatandang
nag uusap ay tuluyan ng naglaho. Mahigpit na pinagbawal ang paglabas o pag
punta sa ibang lugar. Parang mga naging isa na tayong mga ibon na nakakulong sa
isang hawla. Kung lalabas man ay madami pang prosesong pagdadaanan at dapat
ay laging nakasuot ng pang protekta laban sa sakit katulad ng face mask at face
shield. Naapektuhan na rin maging ang trabaho ng ilang mga mamamayan na
natigil at ang edukasyon naming mga mag aaral.
Ngunit nasaksihan ko din ang pagtutulungan ng bawat mamamayan. Nasaksihan
ko kung paano nila ipinaramdam ang pagmamalasakit sa kapwa sa kahit simpleng
paraan lang ng pagtulong. Nagkaroon ng food pantry sa aming lugar sa tulong na
din ng mga taong nagnanais makatulong kung kaya’t nagkaisa silang lahat. May
mga nagbigay ng ayuda at maging ang gobyerno ay naglunsad ng isang programa
na nagbibigay ng kaunting tulong sa bawat pamilya sa kanilang pang araw araw.
Bilang isang tao na humaharap din sa hamon ng buhay, madami man tayong
nagiging problema pero lagi nating tatandaan na malalagpasan natin ito kaya
bilang isang estudyante katulad ko kailangan natin magpatuloy sa buhay kahit
mahirap.

You might also like