Takot ang namutawi sa mata ng mga tao, dahil sa Pandemya,
covid 19 virus nandito na. Bawat isa’y may kanya kanyang
katanungan sa kanilang sarili at walang sinoman ang may hawak ng kasagutan, sapagkat iisa lang din ang nabubuong tanung na lumalabas sa kanilang kaisipan “PAANO NA?sambit ng karamihan”. Sa ganitong panahon tayo ay pantay pantay. Walang mahirap, walang mayaman, walang pinipili ninoman kamataya’y nasa tabi mo lang. Ganito kabagsik ang pandemya na ang kalaban ay hindi nakikita, at panalangin lang ang tanging nagiisang sandata. Sa panahon ng pandemya ating naranasan ang maging bilanggo sa sarili nating tahanan,para tayong basang sisiw na nawalay sa kanyang ina na di alam ang gagawin nag hahanap ng aruga. Maraming nilalang patuloy na nagdurusa dahil nawalan ng trabaho ang marami sa kanila. Kay saklap isipin na ang ganitong katotothanan ay wala tayong magagawa, marahil ito’y nangyayari dahil narin sa ating kawalan minsan ng disiplina na tayo ang may gawa. Maraming tao patuloy na magugutom at magkakasakit dahil sa pandemya. Ngunit sa kabila ng pagsubok na ito pasasaan bat titigil din ang sakuna, wag mawalan ng pag asa sumunod sa batas at laging manampalataya. Ang tanging kailangan lang ay ang pagkakaisa. “Pamilya” Sa ganitong sitwasyon ng pandemya ang iyong Pamilya, sila yung tumanggap sayu at minahal ka ng sobra dika iniwan sa hirap at ginhawa yung nandyan lng sila sa iyong tabi simula pa nung una. Sila yung Karamay mo sa lungkot, saya o ligaya, yong handa kang damayan pag dimo na kaya na nakakapagpanatag ng loob pag may nangyaring di maganda at sila yung tipong nandyan at palaging sumusuporta lalo na ngayong sa panahon ng pandemya. Pamilya! lalong tumibay, nagka-isa, at sinubok ng tadhana walang bumitaw bagkus lalong pinagtibay netong PANDEMYA. Covid 19 hindi mo kami magigiba. Ito po si shao Mae Maraming Salamat po.