You are on page 1of 1

Name: HAZEL ANN A.

DACALLOS
Taon at Antas: BSED MATH I

"Ang Kahirapan"

Ang kahirapan ang pinakamalaking kinakaharap na problema sa ating


bansa.Bakit ngaba marami ang mga taong mahihirap o naghihirap at nagdurusa
dahil dito ?

Dahil sa kahirapan maraming pilipino ang hindi nakakapagtapos ng pag-


aaral,at maraming tao na ngayon ang gumagawa ng kasalanan, katulad ng
paggamit ng shabu,pangrarape at pagnanakaw.Dala ng kanilang kakulangan sa
pera ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais na
gawin,Dahil dito patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa at
nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay.

Ang rason kung bakit patuloy parin ang paghihirap ng mga tao ay kakulangan
ng pagtutulungan at pagkaka-isa,kakulangan ng disiplina ng mga tao, kung
Patuloy nating paiiralin ang ganitong pag-uugali ay walang magandang
mangyayari .

Kapag may disiplina lahat ng magandang kaugalian ay masusunod, Tayo ay


magsipag at magtiyaga at magkaroon ng didikasyon sa buhay.

Huwag tayong gumawa ng mali ,Huwag tayong umasa sa gobyerno,Kumilos


tayo habang may oras pang natitira.

Masusulusyunan ang kahirapan kung tayo ay nagtutulungan at may pagkaka-


isa at may disiplina, tayo rin ay magbigay respeto sa ating kapwa pilipino,

Lagi nating isipin na hinding hindi tayo pababayaan ng ating panginoong


maykapal,

Maging positibo lang palagi sa mga araw na dumarating ,

At tayo ay maging matapang sa mga pagsubok na ating haharapin.

You might also like