You are on page 1of 3

Isyung Kahirapan

Mermil Lepio
Grade 10 | Spa

Ang isa sa mga mabibigat ng problema


ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang
maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may
kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay
katumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga taong
nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali.

Ang rason Kung bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng ating bansa ay ang
mga sumusunod:

1. Ang dahilan ng kahirapan sa


Pilipinas ay kakulangan ng
pagtutulungan.
2. Digmaan.
3. Pagmamalabis
4. Krisis
5. Maling pagtrato sa mga pulubi at
mahihirap.
6. Ibang priority ng may hawak ng pera
7. Kakulangan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga halaman at
hayop.
8. Pagtago ng pera ng ilan at hindi pinaiikot.
9. Nabalitang corruption.
10. Kakulangan ng disiplina ng mga tao.

Kung patuloy nating paiiralin ang ganoong mga pag-uugali, hindi uunlad
ang ating bansa. Walang mangyayari. Walang makakamit na progreso ang
Pilipinas. Ngunit ang naisip ko lamang na solusyon sa kahirapan sa ating
bansa ay pagkakaroon ng DISIPLINA.
Ang hirap lang kasi yung iba
wala naman yata sa bokabularyo
nila ang salitang disiplina. Yun
lang naman ang kelangan natin
talaga. Hindi naman magagawa
ng iisang tao ang pagbabago ng
buong bansa. Tayong lahat ang
dapat gumalaw para magbago.
Tigilan na rin natin siguro ang
crab mentality. Imbes na
matuwa dahil may nararating
ang iba, naiinggit pa ang iba. Imbes na magsikap para sa sarili nila,
naghihintay na may ibigay na lang ang gobyerno sa kanila. Kaya walang
nararating ang iba sa atin.

Disiplina nga ang kailangan. Karamihan sa atin, lahat na ng pangit na


nangyayari sa buhay nila, sa gobyerno nila sinisisi. Hindi sila nakapag aral,
gobyerno ang sisisihin, wala sila trabaho, gobyerno nanaman ang may
kasalanan. Wala silang makain, gobyerno nanaman. Nakakapagtaka tuloy
bakit may mga indibibwal na nagmula din sa miserableng buhay, subalit sa
pagsisikap ay nakaahon.
Disiplina nga ang kailangan. Kapag may disiplina lahat ng magagandang
kaugalian ay susunod na. Matutong magsipag at magtiyaga ang isang tao.
Hindi rin gagawa ng mali. Hindi rin aasa lang sa bigay ng gobyerno at
lalong hindi nito sisisihin ang gobyerno. Pero ang tanong, paano
matuturuan ng disiplina ang taong wala nito?

Kumilos na tayo hangga't may oras pang natitira. Masosolusyunan natin ang
kahirapan basta tayo ay nagtutulungan. Kaya kung ako sayo, tulungan mo
ang sarili mo na magkaroon ng disiplina at maya-maya kapag talagang sa
tingin mong tiyak na mayroon ka ng disiplina, tumulong ka na sa
komunidad upang makagawa tayo ng mas maunlad at mabuting bansa.

You might also like