You are on page 1of 23

Aralin 3

Kagustuhan at Pangangailangan
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:

 Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na


paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng
walang katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao.

Ano ang pagkakaiba ng kagustuhan sa


pangangailangan?
Break muna!

Kung ikaw ay binigyan ng isang libong piso,


paano mo ito gagastusin?
Ano ang iyong naging batayan sa pagpili?
PANIMULA

Araw-araw, ang tao ay nahaharap sa iba’t


ibang uri ng pagpapasya.
Dahil sa kakapusan sa salapi, dapat na
maging matalino sa pagpili ng mga kalakal o
serbisyo na bibilhin.
Ano ang pagkakaiba ng Pangangailangan sa
Kagustuhan?

Pangangailangan Kagustuhan

• Mga bagay na lubhang • Mga bagay na ginusto


mahalaga upang ang tao ay lamang ng tao at maari
mabuhay itong mabuhay kahit wala
ito.
• Kung ipagkakait ito, • Ang pagnanais na tugunan
magdudulot ito ng sakit o ito ay bunga lamang ng
kamatayan. layaw ng tao.
Pangangailangan Kagustuhan
Teorya ng Pangangailangan

Ayon kay Abraham Harold


Maslow, ang pangangailangan
ng tao ay mailalagay sa isang
hirarkiya.
Kailangan munang matugunan
ng tao ang mga pangunahing
pangangailangan bago
umusbong ang panibagong
pangangailangan.
Hirarkiya ng Pangangailangan
Self
-
Act
uali
zati
on
Self-Esteem

Social (Love & Belonging)

Safety

Physiological
Physiological Needs

Kabilang ang mga biyolohikal na pangangailangan


tulad ng pagkain, tubig at hangin.
Ang kakulangan sa antas na ito ay maaring maging
sanhi upang siya ay makaranas ng karamdaman at
panghihina ng katawan.
Safety Needs

Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa


kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng
hanapbuhay, pinagkukunang-yaman at seguridad
para sa sarili at pamilya.
Social Needs (Love & Belonging)

Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan.


Hangad ng isang tao na siya ay matanggap at
mapasama sa iba’t ibang uri ng pangkat at pamilya.
Ang kawalan nito ay maaring magdulot sa kanya ng
kalungkutan at pagkaligalig.
Self-Esteem

Ito ay nauukol sa mga


pangangailangan sa
pagkakamit ng respeto sa
sarili at sa kapwa.
Hangad ng tao na makilala
at magkaroon ng ambag sa
lipunan.
Ang kakulangan nito ay
magdudulot sa mababa o
kawalan ng tiwala sa sarili.
Actualization

Hangad ng tao na magamit


nang husto ang kanyang
kakayahan upang makamit
ang kahusayan sa iba’t
ibang larangan. Tanggap ng
taong ito ang katotohanan
ng buhay.
Ayon kay A.H.Maslow:

Habang patuloy na natutugunan ng mga tao ang


kanilang batayang pangangailangan (basic needs),
sila ay naghahangad ng mas mataas na
pangangailangan (higher needs) ayon sa
pagkakasunod-sunod ng herarkiya.
Ang paghangad ng mas mataas na antas ay
tinatawag na growth force samantalang ang
paghangad ng mas mababang antas ay tinatawag
na regressive force.
ANG AKING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG
PANGANGAILANGAN
Bumuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga
pangangailangan batay sa herarkiya ng mga
pangangailangan. Ilahad ang iyong pamantayan sa
pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat din kung paano
mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkatao.
Pamprosesong Tanong:
1. Paano mo maisasakatuparan ang iyong
pamantayan?
2. Sa iyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na
ito? Bakit?
Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa
Pangangailangan at Kagustuhan
Edad
Antas ng
Edukasyon
Katayuan sa
Lipunan
Panlasa
Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa
Pangangailangan at Kagustuhan
Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ay
nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga kabataan
ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa
kaniyang panlasa. Ngunit sa pagtanda ng tao,
kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring
kainin upang manatiling malusog ang
pangangatawan.
Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa
Pangangailangan at Kagustuhan

Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao


ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag-
aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay
karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging
mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at
kagustuhan.
Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa
Pangangailangan at Kagustuhan

Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng tao sa


kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay
nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at
kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas na
posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng
sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito
upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang
mga obligasyon at gawain.
Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa
Pangangailangan at Kagustuhan

Panlasa. Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago


sa mga pangangailangan ay ang panlasa. Ang
panlasa sa istilo ng pananamit at gupit ng buhok ng
mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga
nakatatanda.
PAGPAPAHALAGA

• Anu-ano ang dapat isaalang-alang ng tao upang


magkaroon ng matalinong pagpapasya sa pagtamo ng
kanyang pangangailangan at kagustuhan?
References:

 EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral


Unang Edisyon 2015
 Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks)
Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
 Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at
Isyu, VPHI
 Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon
(2012), VPHI
 De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, VPHI

You might also like