You are on page 1of 2

KC: Kamusta kayo, alam mo ba nag kasakit ang iba nating kaklase dahil hindi sila sumunod sa patakaraan

na dapat palaging mag suot ng face mask at face shield lalo na kapag nasa pampublikong lugar. Ayon sa
kanila hindi rin daw kasi nasunod ang patakarang social distancing sa mga pagdiriwang at kasiyahang
kanilang dinaluhan. Kaya napakaimportnte talaga na hindi pa rin tayo maging kampante sa situasyon
ngayon, upang maiwasan ang hawahan at pagkakasakit. Ugaliin parin nating magsuot ng face mask, para
sa kaligtasan natin at ng ibang mga taong makakasalamuha natin. Ipagdasal natin ang ating mga kaklase
na may Covid para gumaling agad sila.. Ang buong mundo ay naghihirap dahil sa Covid 19 ito ay isang
nakakatakot na sakit, Subalit naniniwala pa rin ako na may awa ang Dyos, matatapos din ito kung
sasamahan natin ng matinding panalangin at pagkakaisa. Ano ang iyong nasa isip Theo? Kayo, kamusta
naman ang pamilya nyo?

Theo: Tama ka KC dapat tayo ay palagi sumunod sa mga ipinatutupad na “Health Protocols” dahil ito ay
para rin sa ating ikakabuti. Nararapat lamang nating pahalagahan ang sakripisyo ng frontliners na
lumalaban para sa ating kaligtasan. Napakahirap ng situasyon ngayong pandemic, ng dahil sa Covid ay
madami ding nawalang ng trabaho. Kagaya na lamang ng aking ama, nagsara ang kompanyang
pinagtratrabahuhan nya kaya nawalan din sya ng trabaho. Sobrang nakakalungkot, pero mabuti na
lamang at napakasipag at napakatatag ng aking ama kaya nakapagbukas sila ni nanay ng tindahan na
syang pinagkukunan naming ng pangtustos sa mga pangangailangan ng aming pamilya. Pero pasalamat
parin tayo, nang dahil sa kabutihan ng Dyos ay nakakaraos sa bawat araw sa kabila ng kahirapang dulot
ng pandemya.

Kurt: Sumasang-ayon ako sa inyo. Nalulungkot din ako kapag nakikita ko ang mga masama at
kahirapang dulot ng pandemyang ito lalung lao na sating mga kabataan. Dahil sa pagkalat ng COVID 19,
nawalan tayo ng kalayaang makalabas at makapaglaro ng walang kinatatakutang sakit. Dahil din sa
Covid, Nawala ang” face to face class” .Kaya nakakamiss talaga na makapagkita kita tayo sa paaralan
kasama ng ating guro, makapaglaro at makapagdiwang ulit ng mga masasayang programa. Ang dating
pamamasyal sa labas kasama ng ating pamilya ay nalimitahan din dahil sa pag-iingat na di tayo
magkasakit. Salamat na lamang ng dahil sa “internet” at makabagong teknolohiya , ito ay nagiging daan
para makapagkwentuhan tayo, makapaglaro at makapag-aral.

Xhiannon: Napakadami talagang masamang naapektuhan ng pagkalat ng Covid 1. Saludo ako sa ating
mga frontliners na tinataya ang buhay nila para sa kaligtasan nating lahat. Ang ama ko ay isang
frontliner din. isa syang Doktor. Dahil sa pagtaas ng bilang ng may Covid, ay di na halos umuuwi ng
bahay para sa pagtulong sa pagliligtas ng napakadaming maysakit. Pero dahil rin sa matinding
pagmamahal nya para sa bayan at sa mga taong nangangailangan ay patuloy syang naglilingkod sa
kabila ng takot sa nakakahawang sakit na ito.

Jeremiah: Tama kayong lahat, napakadaming masamang dulot ang pandemyang ito, gaya ng kahirapan,
gutom, kawalan ng trabaho, kamatayan at mawala ng ng mga mahal sa buhay. Sadyang nakakadurog ng
puso na mapanood at masaksihan ang mga pangyayaring ito. Subalit sa kabila ng mga masasamang
dulot nito ay masasabing nakita lalo ang katatagan ng bawat Pilipino. Dahil sa Covid ay may mga
nagutom, pero madami rin ang natutong magbigay at tumulong. Lumabas ang bayanihan at pagtutulong
-tulungan para makaraos. May mga nag-alay ng buhay para sa paglilingkod at pagliligtas ng kapwa.
Naging daan din ito upang mapalapit ang bawat myembro ng pamilya at makita ang kahalagahan ng
pagbibigay ng oras para sa pamilya higit sa material na bagay. Dahil rin sa takot sa Covid, madami ang
nanumbalik magdasal at mapalapit sa Dyos. Naliwanagan tayo na napakaiksi lamang pala ng ating buhay
at di natin ito hawak, kaya nararapat lamang na maging handa tayo at gumawa ng kabutihan habang
nabubuhay. Napakadaming hatid na mabubuting aral ang pandemyang ito na syang magpapatatag sa
atin. Tama ka, KC, manatili lamang tayong nanampalataya sa Dyos, tapat na manalangin, pagkakaisa at
pagmamahal sa kapwa ang sandata natin para malagpasan ang hirap na dulot ng Covid 19.

You might also like