You are on page 1of 1

Name:Risshel A.

Manalo Pilar Asignatura: Educ 215

Yrs/sec: BEED 11-B. Petsa: Hunyo 7,2021

"Ang aking buhay sa gitna ng COVID19"

Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap, biglang nagbago ang lahat, ito’y dahil sa dulot ng
pandemyang kinakaharap natin mula noong huling taon hanggang sa kasalukuyan. Sa isang pitik lang
ng daliri simoy ng hangin ay nag- iba at madaming Bu. hay ang Nawala. Sa sanaysay na ito nais kong
ibahagi sa inyo ang aking karanasan, ang aking Bu. hay sa gitna ng pandemya. Isang ina, isang asawa,
isang mag- aaral at higit sa lahat, isang mamamayan ng ating bayan.

Bago pa dumating ang krisis na ito ay sobrang saYA at payak ang aking pamumuhay sa probinsya,
nagagawa ko at nating lahat ang mga nakasanayang bagay o Gawain tulad na lamang ng pamamasyal
kasama ang ating mga mahal sa Bu. hay at klassmeyt. Sa isang iglap, nagbago ang lahat. Unti- unting
naiiba ang Sistema at paraan ng aming pamumuhay dahil kailangan upang masigurong ligtas ang
aming pamilya. Kami ay sumusunod sa mga patakaran ng pamahalaan kahit na nga ito ay may
malaking epekto sa araw- araw naming kita sa aming tindahan at trabaho. Kung aking gugunitain
lahat ng mga nangyari ay masasabi ko sobrang hiRAP ang naging Bu. hay ko at ng aking pamilya sa
panahong ito ng pandemya, ngunit habang tumatagal nakaka- adjust na kami at natatanggap na
naming na ganito na ang Bu. hay ngayon, mas maingat na kaysa noon.

Ika- nga nila ‘’Pagbabago lamang ang permanente sa mundo’’ kaya naman binuksan ko ang aking
puso’t isipan sa pagbabagong ito at tinanggap ko ang Mabuti at masamang dulot ng pagbabagong
ito. Bilang isang mag-aaral sobrang HI. rap ang ganitong klaseng sitwasyon ngunit gayunpaman
naging maganda na rin ang sitwasyong ito dahil mas nakakasama ko ang aking pamilya at mas
nabibigyan ko ng atensyon ang aking anak at asawa. Buong puso akong nagpapasalamat sa Diyos
dahil nakakaraos kami sa araw- araw at malayo kami sa sakit na ito. Mahirap ang sitwasyon kung
nasaan tayo ngayon, maraming namamatay araw- araw at minsan ay tumataas pa ang kaso ng
COVID- 19, ngunit lagi nating isaisip na sa kabila ng mga ito ay may magandang umagang sasalubong
sa atin, na sa kabila ng bangungot ng kahapon at ngayon ay isang masaya, maganda at mapayapang
kinabukasan ang haharap sa atin pagdating ng araw. Marami ang nahihirapan dahil nawalan ng
trabaho at sya ring dami ng mga taong bukal ang kalooban para tumulong.

Ang COVID 19 pandemya ay muling nagbago ng halos lahat ng aspeto ng ating mundo ngunit
lumusot sa iyong paraan sa kabila ng pandemikong ito. Palaging tandaan na ang tanging
permanenteng bagay sa mundong ito ay ang pagbabago at hindi mo ito mapapanatili sa parehong
paraan tulad ng para sa pinakamahabang panahon na tanggapin at yakapin ito alinman sa mabuti o
masama o kunin ang mabuti at masama sa lahat at matutong sumakay pareho. Hindi mahalaga kahit
na kung pupunta ka sa maraming mga trahedya sa iyong Bu. hay, bawi muli. Sa ngayon, piliin kung
ano ang maginhawa para sa amin, panatilihing ligtas at mas maraming kapangyarihan ang lahat.
Patuloy na mabuhay at huwag tumigil sa pag-aaral.

You might also like