You are on page 1of 2

PANGALAN : CYRA ABBEGAILE BANTILLO

ANG AKING KARANASAN SA KAPANAHUNAN


NG PANDEMYA

Mabilis ang mga pagbabago sa daigdig natin sa


kasalukuyan. Ngayong dinadagsa tayo ng masasamang
balita. Sa panahon ngayon dapat tayo manatili sa ating mga
tahanan upang hindi mag dikit – dikit ang mga tao. Sa loob
ng anim buwan ay nanatili ako sa aming tahanan. Ang aking
karanasan sa kapanahunan ng pandemya ay masasabi kong
napakahirap. Isa itong napakalaking pagsubok sa bawat
indibidwal sa ating bansa, maging sa buong mundo. Sa loob
ng ilang buwan, madaming bagay ang hindi ko nagawa at
nasirang mga plano dahil sa pandemyang ito. Hindi naging
maganda ang mga balita nitong mga nakaraang buwan,dahil
sa patuloy na pagtaas ng mga kaso. Sa kabilang banda
naman ay mayroon ding magagandang bagay na nangyari.
Nakagawa ako ng mga bagong gawain ,kagaya ng pag
tatanim, pag luluto at marami pang iba. Nakagawa ako ng
mga bagong gawain, nasubukan ko ang mga bagay na bago
sa akin at ang pinakamahalaga at maganda sa lahat ay
nakasama ko ang aking pamilya. Mas nag karoon kami nang
mas mahabang oras ng pagsasama.
Sa panahon ngayon ang mga tao ay naghihirap, merong iba
na wala ng makain, at meron din ibang nasa kalsada dahil
walang matirhan,kaya dapat matututayong mag pasalamat
sa diyos dahil meron pa tayong nakakain ,natitirhan at higit
sa lahat tayo ay ligtas sakabila ng pandemyang ito.

You might also like