You are on page 1of 1

Pangalan: Amtianco, Jerry

Seksyon: BSED FILIPINO 2-A

Sanaysay
"Makabagong mundo sa makabagong panahon"
Sigla, saya, tuwa at halakhak ng tunog na naririnig noon, halakhak at tawanan na nagwawariy walang
unos na darating, kasiyahang walang humpay na wari'y di dadaan sa pagsubok. Ngunit nitong dec.
2019 muling nagpasilip na naman ng pagkabihag, di nalang nasakop ang ating bayan maging ang
sanlibutan. Dumampa ang bagong digmaan di makita ang kalaban, napalugmok, nagpahirap at
nagpasakit sa sangkatauhan! Walang dugong dumanak, walang baril na pumutok at lalong walang
bombang sasabog! Sinubok tayo ni covid19, dinala sa unos at binago ang lahat! Nabago ang lahat may
liwanag tayong nakikita pero puro dilim ang sumakop saatin. Maraming naperwesyo, maraming
buhay ang nwala, maraming trabaho ang di na umasenso at maraming tao ang naghirap dahil sa hatid
nitong pandemya, ngunit itoy di naging sukatan upang tayoy magpatalo, tayos nakipaglaban at naging
disiplinado.

Ang isang napaka positibong ibinunga ng ECQ ay ang solidong pagsasama-sama ngayon ng
magkapamilya. Natupad ang pangarap ng mga anak na mas mahabang oras nilang makasama ang mga
magulang nila. Ang social media ang nagbigay pag-asa upang hindi mainip sa bahay ang mga tao kahit
nasa community quarantine, nagkaroon ng iba't ibang paraan ang mga tao upang hindi sila mainip sa
kanilang mga bahay. Sa paraan din ng Tiktok kung saan sumasayaw ang mga tao para lang mawala
ang kanilang mga stress sa kanilang mga saril

Ang Covid-19 Pandemic ay nagbigay sa atin ng ibat ibang pagsubok. Patuloy pa rin ang pagpapahirap
nito sa atin ngunit kung titingnan sa magandang pananaw, nandito pa rin tayo. Lahat tayo lumalaban
para sa isang hangarin. Hindi man natin makita ang kalaban, maaari naman natin makita ang paraan
para masolusyonan ito. Kailangan nating manampalataya at manalig dahil hindi naman tayo bibigyan
ng isang pagsubok na hindi natin malalampasan.

You might also like