You are on page 1of 7

Pagsusuri sa Pangulong Tudling

I. Pamagat: Walang Bakuna, Walang 'face-to-face'classes

- Binibigyang diin ng Editoryal na ito, na kung walang magiging lunas sa lumalaganap sa


nakahahawang sakit at hindi maaaring bumalik ang sistema ng pag-aaral sa normal.

II. May Akda: Pilipino Star Ngayon (June 10, 2020)

- Ang Pilipino Star Ngayon ay isang tabloid na nakalathala sa Filipino, naghahatid ng mga
maiinit na balita at showbiz news sa buong bansa.

III. Mga Tauhan

a. DepEd ( Sec. Leonor Briones)


b. Estudyante
c. Presidente DuDuterte

IV. Mga Tagpuan

a. Pook - Bansa
b. Panahon-Agosto 24 - Pagbubukas ng klase

V. Buod

Mabuti at nakapagdesisyon na ang Department of Education (DepEd) hinggil sa pagpasok ng


mga estudyante ngayong may banta ng COVID-19. Walang “face-to-face classes” hangga’t
walang bakuna. Dati, nagpapahiwatig ang DepEd na tuloy ang “face-to-face” classes sa kabila ng
pandemic. Hindi raw dapat maatrasado ang pag-aaral ng mga bata kaya ipinaggigiitan nila na
tuloy ang opening ng school year.

Una nang tumutol si President Duterte sa balak ng DepEd na buksan ang klase. Ayon sa Presi-
dente, napakadelikado kung bubuksan ang klase sapagkat posibleng magkahawahan ang mga
estudyante habang nasa classroom. Dikit-dikit umano sa upuan ang mga bata at tiyak na
tatamaan ang mga ito. Sabi ng Presidente, hangga’t walang bakuna, walang pasok ang mga
bata. Hayaan na munang maglaro ang mga bata. Laru-laro na lang muna sila at kapag
nakatuklas ng bakuna, saka buksan ang klase.
Nakumbinsi ang DepEd sa paninindigan ng Presidente na kailangan ay may bakuna bago
mag-“face-to-face” classes. Sa halip na “face-to-face” blended learning ang ipatutupad ng
DepEd.

Sa blended learning, gagamit ng gadgets, computer, radio at TV para maturuan ang mga bata.
Ang mga walang gadgets, susuplayan ng printed modules at ihahatid bawat buwan sa bahay ng
mga ito. Sa pamamagitan ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo, makakahabol din
ang mga estudyante sa mga aralin at maraming matututunan sa kabila na dumaranas ng hirap
ang bansa dahil sa COVID-19.

Sabi ni DepEd Secretary Leonor Briones, sa blended learning na ipatutupad sa pagbubukas ng


klase sa Agosto 24, natitiyak umano niya na magugustuhan ito ng mga estudyante. Pabor si
Briones sa paggamit ng radio sapagkat lumabas sa kanilang survey na maraming school ang may
radio stations. Patuloy umano ang paghahanda ng DepEd sa blended learning.

Sana maging matagumpay ang bagong mode sa pagtuturo na ipakikilala ng DepEd at makasabay
ang mga bata. Kailangang matuto ang mga bata lalo pa’t nakaharap ang bansa sa isang
pagsubok sa pagbagsak ng ekonomiya.

VI. Teoryang Pampanitinkan

Humanismo

Layunin ng Editoryal na ito ang kahalagahan at lagay ng kalusugan ng mga tao sa panahon ng
pandemya.

VII. Mga Pansin at Puna

a. Tauhan

Mahusay ang pagkakaroon ng alternatibong paraan ng DepEd sa usaping pagbubukas ng klase


sa panahon ng pandemya. Kahit hindi sang-ayon ang presidente Duterte sa pagbubukas ng
klase hangga't walang bakuna. Ngunit sa pamamagitan ng mga makabagong pagtuturo,
makakahabol parin ang mga mag-aaral sa mga aralin.

b. Istilo ng Awtor

- Malinaw na nabigyan ng mahalang impormasyon ng awtor ang mfa mambabasa ukol sa


usaping pang edukasyon at kalusugan.
c. Galaw ng Pangyayari

- Iginiit ng DepEd na hindi maaaring maantala ang pagpasok ng mga mag-aaral sa panahon ng
pandemya, dahilan na mayroon namang alternatibong paraan upang maipagpatuloy at hindi
mahuli sa pag-aaral sa kabila ng pagtutol ng pangulo ng bansa.

VII. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip

- Sa kabila ng matinding trahedyang kinakaharap, hindi mahuhuli at mapag-iiwanan ang mga


batang nais mapagpatuloy sa pag-aaral at makamit ang pinapangarap sa hinaharap.

b. Bisa sa Damdamin

- Lubos na pinahahalagahan ng pangulo ang kalusugan ng bawat mag-aaral kung kaya't iginiit
nito na walang face-to-face na magaganap ganggat mayroong problemang kinakaharap anf
ekonomiya.

c. Bisa sa Kaasalan

- Pinatunayang marami ang magiging paraan upang ang pasukan ay hindi maantala.

IX. Aral na Nakapaloob

- Sa kabila ng maraming pagsubok na kinakaharap, mayron at mayroon ding mainam na


solusyon upang makapagpatuloy sa layuning pang edukasyon.

X. Mga Mungkahi

a. Sa Lipunan

- Mahalagang sundin ang mga protokol at mag-ingat hindi pamang para sa sariling kapakanan
maging sa ating lipunan.

b. Sa Ekonomiya

- Patuloy na magkaroon ng matalinong disisyon at mga kaparaanan upang hindi lubusang


bumagsak ang ekonomiya ng bansa

c. Sa Sarili

- Patuloy na magkaroon ng pagtitiwala sa mga nakatataas, dahil hindi lamang ito para sa kanila,
maging sa ating sariling kapakanan.
Pagsusuri sa Anekdota

I. Pamagat : Batas sa Classroom

- isang pagpapakahulugan ng isang alituntunin sa loob ng silid-aralan.

Isang alituntunin na dapat sundin sa loob ng silid-aralan. Ngunit isa itong pahayag patungkol sa
pambabatikos tungkol sa ABS-CBN shutdown na kung saan siya nagtatrabaho.

II. May Akda: Ulat ni MJ Felipe (ABS-CBN news)

III. Mga Tauhan

a. Kim Chiu - isang aktress na mayroong magulong pahayag na nag ani ng samu't-saring
reaksyon mula sa netizen.

IV. Mga Tagpuan

a. Pook: Facebook live

b. Panahon: Mayo 8

V. Buod

- Binalikan ni Kim Chiu ang mga pinagdaanan niya bunsod ng kontrobersiyal na pahayag niyang
“bawal lumabas,” mula sa pamba-bash hanggang sa makahanap siya ng lakas na bumangon sa
pagsubok.

Binitiwan ni Chiu ang nakakalitong pahayag sa isang Facebook Live noong Mayo 8, kung saan
binatikos nila ng mga kapuwa Kapamilya stars ang pagpapatigil ng gobyerno sa free broadcast
operations ng ABS-CBN.

Sa panayam kamakailan ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Chiu na mas positibo na siya, ilang
linggo matapos umiwas sa social media dahil sa pambabatikos na kaniyang natanggap mula sa
netizens.

Lumabas na ako with a different perspective, more happy me. ‘Yon, hindi ako lumabas noong
mga panahong nagsilabasan lahat ng memes ko,” ani Chiu.

“I stopped talking to people, even ‘yong mga Viber group ko, nag-out ako, wala akong kinausap
except sa lahat ng tao dito sa bahay namin,” kuwento niya.
Bukod sa memes, nagkaroon din ng Tiktok videos ng mga taong sumasayaw sa mga kantang
hango sa kaniyang mga pahayag. Doon umano napagtanto ni Chiu na may mga tao naman
siyang napasaya dahil sa nangyari.

“Tapos sabi ko, 'ah, madami pa lang sumaya'. Hindi naman pala nila ako jinudge na bobo ako...
hindi naman pala lahat ‘yon ang sinabi,” aniya.

Kalaunan ay ni-release ni Chiu sa digital streaming platforms ang kantang hango sa kaniyang
mga pahayag.

Napabilang na sa Top 12 ng iTunes Philippines chart ang kanta at nag-launch din ang aktres ng
T-shirts hango rito.

Gagamitin umano ni Chiu ang pondong malilikom para makatulong sa mga pamilyang apektado
ng lockdown.

“Gusto kong makatulong sa families na bawal pa rin lumabas, para bigyan natin sila ng food
package,” ani Chiu.

Sa classroom, may batas

Bawal lumabas, oh, bawal lumabas

Pero 'pag sinabing, 'pag

Nag-comply ka na bawal lumabas

Pero may sina... May ginawa ka

Sa 'pinagbabawal nila

Inayos mo 'yung law ng classroom niyo

At sinubmit mo ulit

Ay, pwede na pala ikaw lumabas.

VI. Teoryang Pampanitikan

Humanismo
- Binigyang tuon ang Anekditang ito ang pagiging positibo sa pangyayaring ito sa kabila ng
samu't sarung kontroberyal mula sa pangbabash, nkahanap siya ng lakas na bumangon sa
pagsubok.

VII. mga Pansin at Puna

a. Sa Tauhan

- Sa kabila ng mga negatibong pangungutya, imbis na magmukmok at magtago, ang naging


pahayag na "bawal lumabas" ay ginawang isang awit at kumita na kaniyang umanong
gagamutin sa pagtulong sa pamilyang apektado ng lockdown.

b. Istilo ng Awtor

- Naipamalas ng awtor ang mga detalye ukol sa pagbabalik ni Kim Chiu sa publiko matapos ang
mga samu't saring pambabatikos na natamo ng aktres.

c. Galaw ng Pangyayari

- Matapos umere ang kaniyang magulong pahayag na nag-ani ng mga pambabatikos, lumitaw
muli ang aktres sa publiko bilang positibo, sa katunayan ay kalaunan ay ni-release niya sa digital
streaming platforms ang katang hango sa kaniyang "magulong pahayag".

VIII. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip

Solusyunan ang ano mang kinahaharap na problema sa positibong paraan, madapa ka man sa
harap ng maraming mapang-matang tao, tumayo nang may taas noo at magpatuloy nang
walang tinatapakang tao.

b. Bisa sa Damdamin

Sa kabila ng maraming negatibong akusasyon dahil sa kaunting pagkakamali, suklian ito ng


pagpapatawad.

c. Bisa sa Kaasalan

Ipinakita sa pahayag na ito ang pagtanggap ng pagkakamaling nagawa at mula sa magulong


pahayag ng aktres.

IX. Aral na Nakapaloob

- Pag-isipang mabuti ang bawat salitang bibitawan.


X. Mga Mungkahi

a. Sa Lipunan

Maging maingat sa mga binibitiwang salita, huwag basta-basta manghuhusga.

You might also like