You are on page 1of 3

Depresyon sa Gitna nang Pandemya

ni Jenny Rose J. Bautista ng BSIT-2

Sa panahon natin ngayon, lalo na sa


pandemyang nararanasan natin sa nagdaang
dalawang taon, marami ang nagbago sa ating
buhay. Nagsimulang magkahiwahiwalay ang mga
magkakapamilya na nais lamang makasama at
mayakap ang kani-kanilang pamilya, ngunit dahil sa
birus na COVID-19 na syang dahilan ng pagsisimula
ng pandemyang nararanasan natin ngayon, hindi ito
naging posible. Sa paglala nang nasabing birus,
nagbagsak ng kautusan ang gobyerno nang mga
alituntunin pangkalusugan na maaaring mapababa
at magligtas sa atin sa pagkuha ng sakit na dulot ng
COVID-19 birus. Maaaring maililigtas tayo ng mga
alituntuning iyon sa nasabing birus, ngunit papaano
naman ang kalusugan pangkaisipan ng mga tao?
Ang mga alituntuning pinagtibay ng gobyerno
ang naglimita sa interaksyon natin sa bawat isa.
Ipinagbawal ang pag hahawak-kamay, nagkaroon ng
pag lalayo-layo sa tuwing tayo ay makikipag-usap,
natigil ang ilan sa mga trabaho kung saan ilan dito
ay nagsara ng tuluyan, at nagsara rin ang mga
daungan ng mga barko at mga paliparan kung saan
ang mga kababayan nating OFW ay hindi makauwi,
gayundin ang mga dayuhan. Dahil sa mga
pagbabagong ito, di maiwasang magkaroon ng
depresyon ang ilan sa atin, lalo na at nawalay tayo
sa ating pamilya at mga kaibigan. Ang depresyon ay
isa sa mga pangkaraniwang sakit na hindi natin
namamalayan na mayroon tayo. Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit ang mga ginagawa
natin ay parang walang katuturan para sa atin, ito
ay dahil ang depresyon ay may negatibong epekto
sa ating nararamdaman, pagkilos at pag-iisip, at
dahil ito ay isang sakit sa pag-iisip, ang mga
nangyayari sa ating buhay ngayon, ay nagpapataas
sa depresyon. Ayon sa mga pananaliksik, isa sa mga
nakababahalang sakit ang depresyon, kung saan
kung ito ay hindi agad maagapan o napigilan ay
nagkakaroon ng pag-iisip ang isang tao patungkol sa
kamatayan. Karamihan sa mga taong nagpatiwakal
ay dahil sa depresyon na nararamdaman nila, at ilan
sa dahilan ng depresyon nila ay konektado sa
kawalan ng interaksyon nila sa kanilang pamilya o
kaya ay matalik na kaibigan, at sa pagkakataong ito,
iyon ang nangyayari dahil sa pandemya.
Marami pa rin ang ‘di naniniwala sa depresyon,
ngunit totoo ito, at di dapat ito kina kalimutan dahil
ang kalusugan ng isang tao ay hindi nagtatapos sa
magandang pangangatawan, dapat at pagtuunan
din ng pansin ang pag-iisip dahil hindi lahat ng sakit
ay pisikal lamang. Hindi biro ang magkaroon ng
depresyon, lalo na sa panahon natin ngayon.
Marami sa atin ang hindi namamalayan na ang mga
taong pinahahalagahan natin ay wala na sa ating
paningin dahil pilit nating hindi intindihin ang mga
nararanasan nila, na maaaring depresyon na pala.

You might also like