You are on page 1of 16

PAGHAHANAP

SA DIYOS
Humanda
"Saan ako pupunta mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas mula sa harapan
mo? Kung ako'y umakyat sa langit, ikaw ay naroon! Kung gawin ko higaan sa
Sheol, ikaw ay naroon! Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at ang
aking sa mga pinakadulong bahagi ng dagat ako'y tumira, doon ma'y
papatnubayan ako ng iyong kamay, at hahawakan ako ng iyong kanang kamay.
-Awit 139:7-10

May natatanging karanasan ka na kung saan nagparamdam ang Diyos ng


pagiging napkalapit at napakabuti? Maaari mo ba itong ibahagi sa klase?
Alamin!

May Diyos nga ba? Paano


natin malalaman na mayroong
Diyos? Tunay na napakahirap
para sa isang taong naniniwala
sa eksistensiya ng Diyos na
patunayan ito subalit higit na
mahirap ang ito ay pabulaanan.
May katibayan ba na magpapatunay na may Diyos?
Tumingala ka sa kalangitan at magmasid sa iyong paligid. Pansinin
ang kagila- gilalas na kalawakan, ang mga planeta, bituin, at kometa.
Masdan ang mga ulap sa himpapawid, ang araw na nagbibigay liwanag
at kulay sa lahat ng bagay, ang mga halaman at bulaklak, ang mga
mumunting insektong gumagapang sa lupa, ang mga hayop sa
kagubatan, ang mga ibong maririkit, ang mga isdang lumalangoy sa
ilalim ng dagat, ang tubig at hangin, at ang ating kamangha-manghang
katawan na binubuo ng maraming bahagi at sangkap ngunit nagkakaisa
ng gawain. Kaya bang gawin ang mga ito ng pinakamakapangyarihang
tao? Kung may mga taong may kapangyarihan, saan nanggaling ang
kapangyarihan nila?
Tunay na hindi mabilang ang mga katibayang magpapatunay na
mayroong iisang Diyos na siyang lumikha ng lahat ng bagay. Maaaring
hindi natin Siya nakikita, subalit sa kaibuturan ng ating mga puso ay
nararamdaman natin ang kanyang presensiya. Simula pa lamang sa
sinapupunan ng ating ina, ang Panginoong Diyos na ang ating kasa-
kasama. Siya ang nagbigay sa atin ng buhay, lakas, talino, at lahat ng
ating kailangan. Siya ang lihim na nag-iingat sa atin sa araw-araw at
nagbabantay sa ating paghimlay. Siya ang tunay na nagmamahal at
nagmamalasakit sa atin. Mawala man ang lahat, iwan man tayo ng ating
mga mahal sa buhay, hindi tayo pababayaan ng Panginoong Diyos
kailanman. Saanman tayo magpunta, naroroon siya. Nasusulat sa
Bibliya: "Walang makapagtatago sa akin; nakikita ko siya saanman siya
pumunta. Sapagkat ako'y nasa langit, nasa lupa, at nasa lahat ng lugar"
(Jeremias 23:24). Ang Diyos ay nasa lahat ng Kaniyang nilalang, kung
gayon, Siya ay nasa iyo rin at nasa bawat isang tao sa mundo.
Marahil ay itatanong ng ilan: "Kung mayroong
Diyos na nagmamahal sa atin, bakit Niya
pinahihintulutang dumanas tayo ng hirap, pagdurusa,
kabiguan, at kalungkutan?" Kung minsan, ang mga
pagsubok sa buhay ay paraan ng Diyos ng
pagpapaalaala sa atin tungkol sa Kaniyang eksistensiya
sa mga panahong tayo ay nakalilimot sa Kaniya-mga
sandaling wala tayong suliranin kung kaya hindi natin
naaalaalang tumawag sa Kaniya. Kung minsan naman,
ang mga ito ay maihahalintulad sa pagdisiplina. Tulad
ng isang mapagmahal na ama,
pinaaalalahanan niya ang kaniyang anak kung nagkakamali o nagkakasala
upang magbago. Kung sa kabila ng pagpapaalaala ay paulit-ulit pa rin ang paggawa
ng kasalanan ng anak, pinapalo niya ito at pinarurusahan hindi dahil kinapopootan
niya ito kundi dahil nais niyang itama ang landas ng anak. Layon ng Diyos na
paalalahanan tayo kung tayo ay nagkakamali o nagkakasala dahil nais Niyang tayo
ay magbago at mapabuti ang ating kalagayan at pamumuhay. Subalit ito ay
mangyayari lamang kung ating susundin ang lahat ng Kaniyang kautusan at lubos
tayong sasampalataya at magtitiwala sa Kaniya. Kung minsan din, ang mga
pagdurusang ating nararanasan ay ibinibigay ng Diyos upang tayo ay patatagin sa
pagharap sa buhay nang sa gayon ay maging handa tayo sa higit na mabigat na mga
pagsubok sa hinaharap. Sadyang ang paghihirap ay kaakibat ng buhay. Kung si
Hesus na Anak ng Diyos ay niloob ng Ama na magdusa para tubusin ang tao sa
kasalanan, may dahilan ba tayong tao para maghinanakit o magreklamo sa Diyos
kung tayo ay nagdurusa? Sa kabila ng Kaniyang pagdurusa ay buong
pananampalataya at pagtitiwala pa ring inihabilin ni Hesus ang Kaniyang kaluluwa
sa Ama. Gayundin ang nais ng Diyos na gawin natin: Ang magkaroon ng buo at di-
natitinag na pananampalataya sa Kaniya hanggang sa huling sandali ng ating buhay
gaano man ang hirap na ating pinagdaraanan.
Sa mga taong walang pananampalataya o mahina ang pananampalataya, kailangan pa munang
magkaroon ng himala bago sila maniwalang may Diyos nga. May mga pagkakataong hinahamon
pa nila ang Diyos na gawin ang himalang nais nila, tulad ng pagpapagaling sa mahal nila sa buhay
na may malubhang sakit, muling pagkabuo ng nawasak nilang pamilya, at iba pa, na kung hindi
mangyari ay tuluyang magpapalayo sa kanila sa Diyos. Ano-ano ang hamon o pagsubok na iyong
napagtagumpayan? Paano ka nagkaroon ng katatag bilang tao? Walang sinumang tao sa mundong
ito na sumunod, nagtiwala, at sumampalataya sa Diyos ang makapagsasabing hindi siya kinalinga
at iniligtas ng Panginoon sa panahon ng kapahamakan at pagsubok. Kung mayroon mang
nakararamdam ng kawalan ng Diyos sa mga sandali ng pagdurusa, iyon ay dahil sa kakulangan ng
pananampalataya. Makabubuti marahil na pagnilayan niya ang ilang linya mula sa tulang "Mga
Yapak sa Buhangin" ("Footprints in the Sand") ni Mary Stevenson (1939):
"Nagulumihanan ang tao at nagtanong, 'Panginoon, sinabi Mong sa sandaling magpasya
akong sumunod sa Iyo, sasamahan mo akong lagi sa aking paglalakad. Subalit napansin kong
nang panahong puno ng suliranin ang aking buhay, mayroon na lamang isang pares ng yapak sa
buhangin. Hindi ko maunawaan kung bakit sa mga sandaling higit kitang kailangan ay saka Mo
ako iniwan.'"
"Sumagot ang Panginoon,
'Pinakamamahal kong anak, mahal kita at
hindi ko magagawang iwan ka kailanman.
Sa mga panahon ng iyong pagdurusa,
kung kailan Isang pares lamang ng yapak
ang iyong nakikita, yaon ang mga
panahong pasan- pasan kita,,"
"Sumagot ang Panginoon,
'Pinakamamahal kong anak,
mahal kita at hindi ko
magagawang iwan ka kailanman.
Sa mga panahon ng iyong
pagdurusa, kung kailan Isang
pares lamang ng yapak ang iyong
nakikita, yaon ang mga panahong
pasan- pasan kita,,"
GAWIN!
Gawain 1
Ikaw ay hinamong sumali sa isang gawaing tulad ng scavenger hunt.
Ang gawaing ito ay tinawag na "Paghahanap sa Diyos." Hahanap ka ng
mga katibayan ng presensiya ng Diyos sa iyong buhay. Ang iba ay hindi
madaling makita kaya kailangan ng malalim na pagsusuri.

Isulat ang iyong mga ebidensiya sa kahon na kasunod ng Mga Gabay


na Tanong sa ibaba. Sumulat ng pinakamaraming kaya mong sulatin.
Maaari mong gamiting gabay ang mga tanong sa paggawa ng talaan. Sa
pangalawang kahon na pinamagatang Mga Larawan ng Presensiya ng
Diyos, gumuhit o magdikit ng larawan ng ilan sa mga sagot mo.
GAWIN!
Gawain 1
Ikaw ay hinamong sumali sa isang gawaing tulad ng scavenger hunt.
Ang gawaing ito ay tinawag na "Paghahanap sa Diyos." Hahanap ka ng
mga katibayan ng presensiya ng Diyos sa iyong buhay. Ang iba ay
hindi madaling makita kaya kailangan ng malalim na pagsusuri.
Isulat ang iyong mga ebidensiya sa kahon na kasunod ng Mga
Gabay na Tanong sa ibaba. Sumulat ng pinakamaraming kaya mong
sulatin. Maaari mong gamiting gabay ang mga tanong sa paggawa ng
talaan. Sa pangalawang kahon na pinamagatang Mga Larawan ng
Presensiya ng Diyos, gumuhit o magdikit ng larawan ng ilan sa mga
sagot mo.
Mga Gabay na Tanong

 Ano-ano ang bagay na tinatamasa  Ano-ano ang talent at kakayahang


mo sa kasalakuyan? mayroon ka?
 Ano-ano ang inaasahan mong  Ano-ano ang bagay na magagawa
makamit o mangyari araw-araw? mo?

 Ano-ano ang hamon o pagsubok na  Ano-ano ang nararamdaman mo


iyong napagtagumpayan? kapag ikaw ay nakaalpas sa mga
 Paano ka nagkaroon ng katatagan kagipitan sa buhay ?
bilang tao?  May mga tao bang nagpapakita ng
kanilang pagmamahal at malasakit
sa iyo?
MGA KATIBAYAN NG PRESENSIYA NG
DIYOS
MGA LARAWAN NG PRESENSIYA NG DIYOS
Gawain 2: Kumatha ng isang bukas na liham sa Diyos na
nagpapahayag ng pagtitiwala at pananalig sa Kaniyang presensiya .
Kung kulang ang espasyo sa ibaba, maaaring isulat ang liham sa
hiwalay na stationery at pagkatapos ay idikit sa pahinang ito.

You might also like