You are on page 1of 6

IKALIMANG ROUNDTABLE

ANG PINAKAMAHALAGANG RELASYON

Ito ay isang opsyonal na sesyong ginawa ni John C. Maxwell upang talakayin ang
kaniyang pananampalataya. Kung naisi mong makiisa, pwede kang magpatuloy sa
roundtable na ito tulad ng iba.

Tandaan: Ang tinatayang oras para sa bawat hakbang ng "roundtable" ay ibinase sa walong
kataong “roundtable”.

Unang Hakbang- Pagbabahagi ng mga kinalabasan (10 minuto)


Anong aksyon ang ginawa mo noong nakaraang linggo? Ano ang naging resulta?

Ikalawang Hakbang- Panonood ng bidyo, pagbabasa, at pagsasalungguhit (15 minuto)


Panoorin ang nakatakdang bidyo para sa sesyon na ito at isulat ang mga mahahalagang
bagay na iyong napakinggan.

KAALAMAN

Panuto: Basahin nang salitan ang mga talata sa ibaba. Habang binabasa ninyo ito,
salungguhitan ang mga ideyang nakakuha ng iyong pansin.

Ngayong natapos niyo na ang roundtable tungkol sa pagkakaroon ng mga relasyon,


binibigyan ko kayo ngayon ng pagkakataon upang malaman ang pinaka importanteng
relasyon na mayroon ako: ang aking relasyon sa Diyos, ang pinaka dakila kong kaibigan.

Minsan ay natatanong ko ang aking sarili kung bakit maraming tao ang walang relasyon
sa Diyos. Marahil kung nakikilala nila ang Diyos kung paano ko Siya nakikilala, nakikita
kung paano ko Siya nakikita, sila ay magiging mananampalataya.

Kaya naman, humantong ako sa konklusyong marahil karamihan sa mga tao ay may
maling paglalarawan kung sino ang Diyos. Dahil dito, hindi nila naiintindihan kung sino nga
ba talaga ang Diyos at nawawalan sila ng pagkakataon na magkaroon ng magandang
relasyon sa Diyos. Kaya ngayon, nais kong talakayin sa inyo ang apat na imahe na kung
paano ninyo nakikita ang Diyos. Tatlo sa imaheng ito ay mali at ang isa naman ay tama. Ang
panghuling imahe ay nagpapakita ng kung sino ang Panginoon bilang Siya at kung paano
Niya nais makita ng mga tao.

Isang Bakod

Ilan sa mga tao kapag iniisip nila ang Diyos, nakikita nila ang isang bakod o isang pader.
Isang sobrang taas at imposibleng pasukin o daanang pader. Kung saan wala itong pinto, at
walang kahit anumang paraan upang buksan at daanan. Ang mga taong ganito ang
paglalarawan sa Diyos ay naniniwala sa Kaniya at nararamdaman nila na ang Diyos ay nasa
IKALIMANG ROUNDTABLE

ANG PINAKAMAHALAGANG RELASYON

kabilang bahagi ng bakod na iyon, ngunit sa tingin nila ay walang paraan upang makapunta
sa Kaniya. Hindi Siya kayang abutin, kaya naman ay sumuko na sila sa pagsubok. At iniisip
nila na kahit kailan ay walang tyansa na makita ang Panginoon.

Kaibigan, iyon ay maling paglalarawan sa Diyos. Alam mo kung bakit ko ito nasabi?
Noong nagkasala si Adan at Eba sa Hardin ng Eden, nagtago sila sa Diyos. Pero anong
ginawa ng Diyos? Hindi Niya ito hinayaan, at hinanap Niya ang mga ito. Ang nais Niya ay
makita at magkaroon ng koneksyon kina Adan at Eba. Nais ng Panginoon na mahanap ka, at
handa Siyang tumalon sa bakod na iyo para sa iyo!

Isang Hagdan

Ilan sa mga tao kapag iniisip nila ang Diyos, nakikita nila ang isang hagdan. Para sa
kanila ang Diyos ay sobrang taas, at nais nila itong akyatin upang makapunta sa Kaniya.
Paano? Sa paggawa ng mabuti, sa paggawa ng tama, at sa pagsubok maging mabuting tao.
Umaasa sila na ang pagiging mabuti ay siyang magiging dahilan upang makaakyat at balang
araw ay makasama ang Diyos.

Ito ay isa ring maling paglalarawan sa Diyos. Wala tayong kayang gawin na sarili lang
natin upang makapunta sa Diyos. Hindi magiging sapat ang ating kabutihan at hindi rin
magiging sapat ang ating mga nagawa upang maging daan patungo sa Kaniya.

Alam ko ito dahil nakasaad ito sa Bibliya, na kung saan ito ang mensahe ng Panginoon
sa atin, imposibleng pagtrabahuhan natin ang ating daan patungo sa Diyos. Sinasabi sa Efeso
IKALIMANG ROUNDTABLE

ANG PINAKAMAHALAGANG RELASYON

2:8-9 “8 Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito


ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. 9 Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi
magmalaki ang sinuman.” Kailan man ay hindi magiging resulta ng ating mga nagawa ang
relasyon sa Diyos. Ito ay matatanggap lamang natin bilang isang regalo, bilang bunga ng
pagpapadala ng Panginoon kay Hesus upang mamatay para sa atin.

Isang Basurahan

Yung ilan sa atin kapag naiisip nila ang Diyos ang agad na pumapasok sa isip nila ay
yung mga negatibong bagay tungkol sa kanila na kanilang nagawa at nais makalimutan. Na
para bang sila ay tumitingin sa isang maruming basurahan. At nahihiya sila. Sinasabi nila sa
kanilang mga sarili na “Hindi ako karapat-dapat na makita ang Diyos. Marami akong
nagawang masama. Hindi ako gusto makita ng Diyos, kaya iiwasan ko nalang Siya.”

Ito ay isa pang maling paglalarawan kung sino ang Diyos. Alam mo kung bakit? Dahil
kahit anong nagawa mong mali, mahal ka pa rin ng Panginoon. Mahal ka Niya at mamahalin
pa.

Nasasabi ko ito dahil sa kung paano ginamit ng Diyos ang kaniyang buhay. Pinuna ng
mga tao si Hesus, dahil ginugol Niya ang kaniyang mga oras kasama ang mga magnanakaw,
mga babaeng nagbebenta ng aliw, at iba pang makasalanan. Kaya naman sinabi ng mga may
mataas na katungkulan sa relihiyon na si Hesus ay hindi ganoong karelihiyoso. Ngunit sinabi
ni Hesus sa kanila na Siya ay isang doktor- espiritwal na doktor. At ang mga doktor ay
naggugugol ng oras sa mga may sakit na tao para pagalingin sila, hindi sa mga taong maayos
naman.
IKALIMANG ROUNDTABLE

ANG PINAKAMAHALAGANG RELASYON

Ang puso ng Diyos para sa atin ay inilarawan sa isang parabula na sinabi ni Hesus. Ito ay
patungkol sa isang mabait na pastol. Kung saan, ang pastol na ito ay iniwalan ang
siyamnapu’t siyam na masunuring tupa upang hanapin ang isang nawawala. Iyon ang
katangian ng Diyos. Siya ang umaabot sa atin. Nais na Niya tayong isalba.

Gusto ko ang sinabi sa 2 Corinto 5:17 na “17 Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay
Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng
bagay ay naging bago.” At binibigyan ako nito ng kaginhawaan, dahil sinasabi dito na may
kakayahan ang Diyos lagpasan ng tingin ang aking nakaraan at mahalin ako. At kaya Niya
rin iyon gawin sa iyo.

Isang Pinto

Ang huling larawan na nais kong ipakita sa iny ao ay isang pinto. Ito ay ang pinto
papasok sa ating mga puso. Ang Diyos ay nakatayo sa kabilang bahagi ng pintong iyon at
marahang kumakatok, nagtatanong na kung maaari ba Siyang pumasok sa ating mga buhay.
Ito ang totoong imahe ng Diyos.

Sinasabi sa Bibliya na, “Narito, ako ay nakatayo sa pintuan at patuloy na kumakatok.


Kapag marinig ng sinuman ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako ay papasok sa kaniya.”
At iyon ay isang pangako kung bubuksan natin ang pintong iyon. Hindi Niya sinabing baka,
kung hindi ay gagawin Niya talaga.
IKALIMANG ROUNDTABLE

ANG PINAKAMAHALAGANG RELASYON

Gusto ng Panginoon na makilala natin Siya. Nais Niya ng relasyon sa atin. At kailangan
mong maintindihan ang ilang bagay. Kung ang Diyos ay 1000 hakbang ang layo mula sa atin,
hahakbang Siya ng 999 para makarating sa iyo. At hihingin Niyang tayo ang gumawa ng
huling isang hakbang.

Kung iniisip mong nais mong makilala ang Diyos na nagmamahal sa iyo nang walang
pasubali, ang kailangan mo lang gawin ay manalangin nang parang ganito sa kaniya:

“Salamat, Hesus, Ikaw ay namatay sa krus dahil sa sobrang pagmamahal mo sa akin.


Ngayon, alam ko na Ikaw ay kumakatok sa pintuan ng aking puso at hinihiling na makapasok
sa aking buhay. Kaya naman ay binubuksan ko ito. Hinihiling kong pumasok ka at mamuhay
kasama ko, na patawarin ang aking pagkakasala, at maging aking tagapagligtas at kaibigan.
Simula sa araw na ito mamumuhay na akong kasama ka, mamahalin ka, at susundin ka.
Salamat dahil ako ay pinatawad mo sa aking mga pagkakamali at ginawa mo akong bagong
indibidwal. Sa ngalan ni Kristo, Amen. “

Kung tunay mong binubuksan ang iyong puso sa Diyos, babaguhin Niya ang iyong
buhay tulad ng ginawa niya sa buhay ko, at magakakaroon ka ng magandang relasyon sa
kaniya. Kung gayon, maligayang pagdating sa pamilya ng Diyos.
IKALIMANG ROUNDTABLE

ANG PINAKAMAHALAGANG RELASYON

Ikatlong Hakbang- Diskusyon (12 minuto)

Pag- isipan at Tugunan


Mamili ng isang importanteng bagay na iyong sinalungguhitan. Maglaan ng isang
minuto upang ipaliwanag bakit mo ito napili at bakit ito importante sa iyo.

Ika- apat na Hakbang- Pagtataya sa Sarili (10 minuto)

Sagutin ang mga katanungang ito (Opsyonal)


Ibahagi ang iyong naging kasagutan sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.

1. Ang pananampalataya ba ay isang bagay na naging mahalaga sa iyo sa nakaraan?


Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Maiuuganay mo ba ang iyong sarili sa alinman sa apat na imahe ng Panginoon? Kung oo,
ipaliwanag. Kung hindi, bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Balak mo ba gumawa ng aksyon bilang pagtugon sa mensahe ni John? Kung oo, ano ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

You might also like