Prayer
Prayer
7"Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at
kayo'y pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay
makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.
Ang panalangin ay mahalaga dahil ito ay isang mahalagang dugtungan ng ating kaugnayan sa
Diyos. Ang lahat ng sangkap nito tulad ng pasasalamat, pagpupuri, pagtatanong sa kalooban
ng Diyos at iba pa, ay kapahayagan na tayo ay nakadepende sa Diyos. Kinikilala natin sa
pananalangin na wala nga tayong magagawa kung hindi tayo tutulungan ng Diyos.
Ang unang antas ay ang paghingi (ask). Ito ang pinakamadaling antas ng panalangin. Sa
paghingi, hinihiling natin na gawaran nawa tayo ng Diyos ng mga bagay na malaya niyang
ipinagkakaloob. Ang mga hinihingi ay mga biyayang kaloob ng Diyos ng libre para sa lahat.
Sino nga ba ang mga humihingi sa Diyos ng biyaya? Ang mga matuwid at mga makasalanan ay
parehong dumadalangin ng ganitong uri ng panalangin. Kung ang mga ibon nga ay pinakakain
ng Diyos araw-araw, maging para sa mga makasalanan ay pinasisikat ng Diyos ang araw.
Malayang makakalapit ang mga humingi sa Diyos, at hindi sila mabibigo sa kanilang paghingi
ng biyaya sa Diyos.
Ang panalanging ito ay panalanging may paghahanap dahil ang idinadalangin ay hindi
mahanap. Kailangan dito ang dagdag na paggawa. Ito ay mga pananalangin na may kasamang
pagkilos.
Halimbawa, idinadalangin mo ba sa Diyos na mapuno sana ang mga upuan ng inyong iglesia
dahil wala ang mga miembro? Maganda iyan! Ngunit katulong ka ba ng inyong pastor upang
hanapin sila?
May mga panalangin talaga na pagkatapos mong dumulog sa Diyos, hindi niya agad-agad
ipapakita ang sagot. Dahil ikaw ang maghahanap sa tugon. Ang kasagutan ay ipinagkaloob na.
Ngunit katulad ito ng isang regalo, na nakabalot nang ibigay sa iyo. Kailangan mong kumilos
upang makita mo ang sagot ng Diyos.
Marami pang bagay ang nangangailangan ng panalanging naghahanap. Tulad ng pagkakaisa
at pag-unlad ng iglesia, panalangin para sa kaligtasang espiritual ng iyong pamilya at mga
kapitbahay.
May kwento tungkol sa isang Kristianong babae na laging nananalangin para sa kaligtasang
espiritual ng kanyang asawa. Lagi siyang umiiyak sa paglapit sa altar upang makakilala sa
Panginoon ang asawa niya. Sa loob ng ilang buwan ng pananalangin, hindi niya nakita ang
sagot, kaya nagtanong siya sa Diyos. "Panginoon, bakit hangga ngayon hindi pa rin ma-SAVE
ang asawa ko? Bakit naglalasing parin? Bakit hindi mo ako pakinggan Lord?"
Tumugon daw si Lord, "Anak, matagal na akong sumagot sa panalangin mo. Ang hinihintay ko
naman ay ikaw, kung kailan mo ibabahagi ang ebanghelyo sa asawa mo!!?? Kailan mo ba siya
isasama sa church???"
Ito ay katulad ng minsang sinabi ni Martin Luther, "Pray as if everything depends on God, then
work as if everything depends on you."
Ang kinakatok na pinto ay sarado na. Ang tawag ng iba sa uri ng panalanging ito ay
"persevering prayer". Ito ay uri ng panalangin para sa mga sitwasyong nangangailangan ng
sakrispisyo. Minsan, matinding sakrispisyo. Hindi ito dahil matigas ang puso ng Diyos. Kundi
dahil sa tindi ng pangangailangan dapat tugunan ng Diyos sa pamamagitan ng ating pagkilos.
Tandaan na tayo ang kamay at paa ng Diyos sa mundo.
May kwento ang Panginoong Jesus, tungkol sa isang lalaki na may dumating na bisita ng
hatinggabi. Dahil wala itong maipakain sa bisita, lumapit siya sa kanyang kaibigan upang
humingi ng tinapay. Ngunit sarado na ang pinto at tulog na ang pamilya ng kanyang kaibigan.
Ang isa pang kwento ng Panginoon ay tungkol sa isang abogado na hindi tinantanan ng isang
ginang. Hindi rin tumigil ang babae sa pagkatok hanggang nakuha niya ang katugunan sa
kanyang kahilingan.
May kwento tungkol sa isang babae mula sa South Korea na dumadalangin para maipagawa
ang kanilang simbahan. Ngunit wala ng pondong salapi ang simbahan, kung kaya hindi
naipagpatuloy ang pagawain. Ang ginawa ng babae, ibinenta niya ang kanyang mga mata sa
isang hospital! Dahil ang halaga ng kanyang mga mata ay sapat upang matapos ang
pagpapagawa ng simbahan. Nang tanungin siya ng doctor kung bakit ibinebenta niya ang
kanyang mga mata, sinasabi niya sa doctor na ito ay para sa kanilang simbahan. Naantig ang
damdamin ng doctor sa ginawa ng babae at hindi na natuloy ang operasyon upang kunin ang
mga mata ng babae. Ang doctor na ang sumagot sa pangangailangan ng simbahan upang
matapos ang pagawain. Miembro din pala ang doctor sa simbahang iyon.
May pagkakataon na ang ating kahandaan upang magsakripisyo, upang matupad ang kalooban
ng Diyos, ang siyang katuparan ng ating sariling panalangin. May panalanging
nangangailangan ng matinding pag-aayuno (Marcos 9:29). Maraming bayani ang humiling ng
kalayaan ng kanilang bansa, at kinailangan silang magbuwis ng buhay para sa katuparan nito.
Ang pagkatok ay maaaring ulit-ulit na sakrispisyo ng mga Kristiano upang mangyari ang
kalooban ng Diyos dito sa lupa na para ng sa langit.
Anong antas na ang iyong pananalangin?
Kaya mo na bang kumatok? Handa ka bang kalimutan ang sarili, makita mo lamang ang
kasagutan ng iyong panalangin?
Humingi, maghanap, kumatok. Tandaan mo kapatid, laging nakahandang tumugon ang Diyos
sa panalangin.
Sermon 2
"KKK NG PANALANGIN"
Luke 11:1-13
Ang ating mga bayaning si Andres Bonifacio ay may KKK sa kanyang bandila ng Katipunan.
Kung aaralin din ang Panalanging itinuro ng Panginoon, ito ay maaring hatiin sa tatlong "K".
1. KAUGNAYAN
Ang Diyos ay nakikipag-ugnayan sa atin bilang mga anak. Ito ay isang magandang paalala sa
atin kung sino tayo - tayo ay mga anak ng Diyos. At ito bunga ng ating pagsampalataya sa ating
Panginoong Jesus. Sabi ng Juan 1:12-13,
Sa 1 Juan 3:1, ang Diyos ang mismong kumikilala sa atin bilang mga anak niya.
" Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga
anak ng Diyos, at iyan nga ang totoo."
Kahit sa Roma 8: 16, sinasabi na ang Espiritu Santo pa mismo ang nagpapatotoo na tayo ay
mga anak ng Diyos. "Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga
anak ng Diyos."
2. KATUNGKULAN
Sa panalangin, hinahanap natin ang kalooban ng Diyos. Hindi po ang kalooban natin ang
susundin ng Diyos. Tignan halimbawa ang sabi ng 1Juan 3:9,
"Ang tinanggap ng Diyos bilang anak niya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat
nananatili sa kanya ang buhay na galing sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama niya, hindi siya
maaaring magpatuloy sa pagkakasala."
b. Ang panalangin ay kahandaan upang sumunod sa kalooban ng Diyos - "sundin ang loob Mo".
Ang kawalan ng pagsunod sa Diyos ay paglaban sa Diyos. At ito ay gawain ng Diablo! Kay
ahindi maaring tawaging anak ng Diyos ang sinumang nananatili sa kasalanan.
3. KAHILINGAN
"Bigyan mo kami ng pagkain sa araw-araw, patawarin mo kami sa aming mga sala, ilayo mo po
kami sa masama."
b. ang Diyos ang tagapagpatawad ng ating mga kasalanan. Hindi natin maililigtas ang ating
sarili mula sa ating sariling kasalanan. Tanging ang Diyos ang may karapatang magpatawad.
Ang lahat ng pagkakasala ay paglabag sa kanyang kalooban. Siya ang ating sinusuway kapag
tayo ang nakagagawa ng pagkakasala. At siya lamang ang nakapagpapatawad sa atin.
c. Ilayo mo po kami sa Masama - ang Masamang tinutukoy dito ay ang diablo. Ang panalangin
ay hindi lamang pakikipag-usap sa Diyos - ito ay pananatili sa piling ng Diyos. At ito rin ay
paglayo sa Masama.
Humihiling tayo bilang pagtitiwala sa Diyos. Nakadepende po tayo sa Diyos. Wala tayong
magagawa kung hiwalay tayo sa Kanya.
Sermon 3:
Nakatalaga sa Pananalangin
(Renewing Our Prayer Commitment)
Matthew 21:21-22
“If you believe, you will receive, whatever you ask for in prayer."
Ngunit higit pa rito, ang panalangin ay “lifting one’s soul to God” (Awit 25:1). Ito ay pagtataas ng
ating kaluluwa sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi pamimilit sa Diyos para gawin niya
ang gusto natin. Ito ay pagpapasakop sa mga nais ng Diyos para sa atin.
2. Ang panalangin ay mabuting paraan sa pagkilala sa kung sino ang Diyos. Mas makikilala
natin ang Panginoon kung palagi ang ating pakikitagpo sa Kanya. Ayon sa Juan 17:3, “Ito ang
buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si
Jesu-Cristo na iyong isinugo.”
3. Ang panalangin ay pagiging bukas sa kayang gawin ng Diyos para sa atin. Sabi ng
Panginoon, “Anuman ang hilingin ninyo ay ibibigay sa inyo.”
1. Basahin at aralin ang Juan 14:13-14
2. Basahin at aralin ang Juan 15:7-8
Dahil magagawa ng Diyos ang anumang bagay na kanyang nanaisin, walang imposible sa ating
Diyos!
Tamang Pananalangin
3. Manalangin na may pagpapasakop sa kalooban ng Diyos. Ang Diyos ang sinusunod natin,
hindi tayo ang sinusunod ng Diyos.
Ang Panginoong Jesus ay laging pagod at walang panahon minsan para kumain o matulog
(Mark 3:20; 6:31) pero hindi niya nakakaligtaan ang pananalangin ayon sa Mateo 19:23.
Mahalaga ang panalangin upang tayo ay magtagumpay sa gawain ng Diyos. Walang dapat
humadlang dito. Ayon sa 1Pedro 3:7b, “Sa gayon walang maging sagabal sa inyog
pananalangin.”
Minsan ang maraming gawain at pagod ay sagabal sa panalangin. Ang kasalanan at kawalan
ng pagkakaisa sa iglesia ay sagabal din. Ngunit hindi ito dapat mangyari sa ating mga
Kristiano, upang magtatagumpay tayo sa ating gawain.
Paano Manalangin?
3. Ilista ang mga ipapanalanging tao at mga gawain ng iglesia. Ang planadong panalangin ay
mabisa.
4. Ipanalangin ang mga pastor ng iglesia para magtagumpay tayo at marami ang maliligtas.
Ayon sa Biblia nagtagumpay si apostol Pedro dahil idinadalangin siya ng iglesia (Gawa
7:5).
Sermon 4
Mabisang Pananalangin
“Kung nananatili kayo sa akin, at ang salita ko ay nananatili sa inyo, hingin ninyo ang inyong
maibigan at ipagkakaloob sa inyo.” -Juan 15:7
Nais ng lahat ng Kristiano na maging mabisa ang kanilang pananalangin. Wala na yatang
sasaya pa sa isang taong tinugon ng Diyos pagkatapos niyang manalangin. Maraming tao ang
nanalangin, at marami rin ang nabibigo sa kanilang kahilingan sa Diyos. Ang dahilan ay wala
ng iba kundi: ang hindi natin pagtupad sa mga tuntunin na nais ipagawa ng Panginoon sa atin,
upang maging mabisa ang ating panalangin.
Tuntunin ng Mabisang Pananalangin
Nais ng Panginoon na maging palagian at personal ang ating pakikitagpo sa Kanya. Hindi
mabuti na tinatawag lamang natin siya tuwing tayo ay may maigpit na pangangailangan. Hindi
tama na ang Diyos ay ikinukumpara sa isang medicine cabinet, na hinahanap lamang kung may
nagkakasakit. Sa maraming tao, ang Diyos ay ina-alala kung may problema, nalilimutan naman
ang Diyos kapag masaya.
Sabi ng Panginoon, “If you abide in me, and I abide in you, your prayers will be answered.”
2. Kung ang Salita Ko ay nanatili sa inyo
Ang pangalawang tuntunin ng mabisang panalangin ay ganito: “If my Words abide in you,
whatever you ask in prayer shall be given to you”. The first condition is to abide in Christ, the
next condition for a successful prayer is abiding in His word.
Ang panalangin ay “dialogue” at hindi “monologue”. Nagsasalita tayo sa Diyos, ngunit ang
Diyos ay nangungusap din sa Kanyang Salita sa atin.
c. Hanapin lagi ang kalooban ng Diyos sa Kanyang Salita. Tanging sa Biblia lamang mababasa
ang mga kalooban ng Diyos, maging ang kanyang mga plano para sa ating personal na buhay,
sa ating pamilya, para sa iglesia at para sa mundo.
Hindi lahat ng panalangin ay tinutugon ng Diyos. Tanging ang mga naaayon sa kanyang
kalooban ang kanyang tinutugon. Hindi siya maaring pilitin ng labag sa kanyang kalooban. Sa
tunay na panalangin, hindi ang Diyos ang susunod sa ating kalooban, tayo ang susunod sa
kanya kalooban. Bago manalangin, tanungin muna natin ang ating sarili;
Sermon 5
Ang Ating Ministeryo ng Pananalangin
1 Timoteo 2:1-7
Ang panalangin ay mahalagang gawain ng bawat Kristiano. Ito ay ang ating pakikiniig sa
presensya ng Diyos, tulad ng pagyakap ng isang sanggol sa kanyang ina. Ang panalangin ay
paghinga ng kaluluwa, tulad sa kung paanong ang ating katawan ay nangangailangan ng
hangin.
Ang panalangin ay tungkulin ng buong iglesia. Ang ating palagiang pagdulog sa Diyos ay
nagpapatunay ng ating pagtitiwala na gagawin ng Diyos ang kanyang mga pangako, at
tutuparin niya ang kanyang layunin para sa iglesia at sa sanlibutan.
Ang panalangin ay ministeryo ng buong iglesia. Ibig sabihin, ito ay tungkuling dapat gampanan
ng bawat Kristiano, para sa ikasusulong ng ebanghelisasyon ng mundo. Sa isang bayan o
siyudad, kailangang gumawa tayo ng malawakang pananalangin sa iglesia para ihandad ang
pagsakop ng Diyos sa puso ng mga mamamayan at sa mga nangangasiwa sa pamahalaan. Ito
ay isang opensiba ng pagsakop.
Sa isang bayan, nahirapan ang mga Kristiano doon na makapagtatag ng simbahan. At kung
mayroon mang simbahan, hindi ito umuunlad. Napag-alaman na sa lugar na iyon ay may
maraming mangkukulam at sumasamba sa mga espiritu. Ito pala ang dahilan kung bakit
nahirapan ang mga Kristiano upang makapagmisyon sa lugar na iyon, kung kaya, gumawa ng
malawakang pananalangin ang mga Kristiano upang buwagin sa pamamagitan ng
pananalangin ang depensa ng mga espiritual na pwersa sa lugar. Pagkatapos ng mga pag-
aayuno at panalangin, nasakop ng mga Kristiano ang nasabing lugar, at umunlad ang mga
simbahan doon.
Maraming Kristiano ang nananalangin lamang para sa kapakanan ng iilan. Ang mga Judio, ay
kadalasang nananalangin para sa Israel lamang. Marami din ang nananalangin para sa sarili
lamang. Kung ang “intercession prayer” at “fasting” ay gagawin upang idulog ang isang bayan
o ang isang bansa, ang tagumpay sa pananakop ng Diyos ay walang dudang masasaksihan
nating mga Kristiano.
Sa panalanging itinuro ng Panginoong Jesus, mababasa ang ganito sa Mateo 6:10, “Nawa'y
maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.” Dapat
ding masakop ng Diyos ang mga maykapangyarihan dito sa lupa.
Itinuturo din ni Pablo na tungkulin ng mga Kristiano ang idalangin ang mga nasa ay
mapapailalim sa kapangyarihan ng Diyos, mas malawak ang kapangyarihang politikal. Dahil
kung ang mga nasa gobyerno maaabot ng Panginoon at mawawala ang pagnanakaw sa
gobyerno.
Kung talagang minimithi nating palawakin ang Ebanghelisasyon sa ating lokal na pamayanan,
simulang gawin ang mga regular na pagtitipon para manalangin.
1. Magtalaga ang bawat iglesia lokal ng “prayer coordinator”. Pumili ng isang taong
mapanalanginin upang mamuno sa mga pang-araw-araw na pananalangin para sa mga
manggagawa, at iglesia.
3. Magtatag ng prayer meeting ang buong iglesia kasabay ng pagtatatag ng mga Care Group
Ministries. Magtalaga rin ng araw ng pag-aayuno (maaring Wednesday at Friday Lunch) bilang
personal prayer time ng mga miembro ng iglesia.
____________________________
Sermon 6 Outline
1. Alam ni Jesus na ang mga tao ay magiging tamad sa pananalangin. Nag-iisip siya kung
makakakita ba siya ng tunay na sumasampalataya (o nananalangin) sa kanya sa kanyang
muling pagdating (Lucas 18:8). v
a. “Ang lahat ng ito’y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng
pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin
ang lahat ng hinirang ng Diyos. ...” - Ep 6:18
2. Kapayapaan mula sa Diyos - Efeso 4:6, “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang
bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng
panalanging may pasasalamat.”
4. Pagkakataon Upang Maibahagi ang Salita ng Diyos - Colosas 4:3, “Idalangin ninyo sa Diyos
na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita...”
5. May kagalingan sa panalangin -James 5:15, “Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa
panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon at patatawarin ang
kanyang mga kasalanan.”
______________
Sermon 7 Outline
Ganito ang sagot nila... a. To seek God’s guidance (27%), b. To thank God (23%)
c. To be close to God or the divine (19%), d. To help others (13%), e. To improve a person’s life
(9%), f. Other (4%), g. Don’t know (5%).
1. ADORATION (Pagpupuri)
a. Ang Diyos ay dapat papurihan dahil siya ay mabuti at banal.
b. Maaring papurihan ang Diyos sa mga awit, maari din sa panalangin.
2. CONFESSION (Pagsisisi)
a. Ang biyaya ng Diyos ay nararanasan kug may pagsisisi Kawikaan 28:13
b. Ang kagalakan ng kapatawaran ay nararanasan kapag luminis na tayo mula sa
kasalanan - 1 Jn 1:7-10
HALIMBAWA NG ISANG PINATAWAD ...
a. Ang kwento ng Pariseo at Publikano - Lk 18:10-14
3. THANKSGIVING (Pasasalamat)
1. Maging mapagpasalamat sa Panlangin - Ef 5:20; Co 4:2; 1 Th5:17-18
2. Para makaiwas sa pagka-balisa - Ph 4:6
HALIMBAWA NG SUPPLICATION...
a. Panalangin ni Solomon sa pagtatalaga ng templo - 1 Hari 8:28-29
3. Panalangin ng Panginoong Jesus habag nakapako sa krus- Lucas23:34
_______________________
Sermon 8 Outline
13Kahit pa diligin ninyo ng luha ang altar niya, kahit pa manangis kayo’t dumaing, hindi na niya
kaluluguran ang mga handog ninyo sa kanya. 14Itinatanong ninyo kung bakit. Saksi si Yahweh
na kayo’y sumira sa pangako ninyo sa inyong asawang pinakasalan ninyo nang kayo’y
kabataan pa. Sumira kayo sa pangako ninyo sa kanya, bagama’t nangako kayong magiging
tapat sa kanya.”
”Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran,
sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos na
nagbibigay ng gantimpala sa mga nananalig sa kanya.”
_________________________________
Sermon 9 Outline
“Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung pananalig kayo.” - Mateo
21:22
”Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at
di alam kung ano talaga ang nais niya.” - Santiago 1:8-9
Pananampalataya sa Diyos.
“ Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran, sapagkat
ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos na nagbibigay ng
gantimpala sa mga nananalig sa kanya.” - Hebreo 11:6.
”Ang mga palalo’y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang
kalooban.” - Kawikaan 3:34
"Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin
natin kung ito’y naaayon sa kanyang kalooban.” - 1 Juan 5:14
"Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng
pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay
Cristo Jesus." - 1 Thessalonica 5:16-18.
”Sa araw na iyon, hindi na kayo kailangang magtanong sa akin. Pakatandaan ninyo: anumang
hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo. Hanggang ngayo’y wala pa
kayong hinihingi sa kanya sa aking pangalan. Humingi kayo, at kayo’y tatanggap upang
malubos ang inyong kagalakan.” - Juan 16:23