0% found this document useful (0 votes)
76 views4 pages

EXTYHORT

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
76 views4 pages

EXTYHORT

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Magsisimula sa maikling Panalangin

Ano ba ang tunay na kahulugan ng PANALANGIN?

PANALANGIN – ito ay isang pamamaraan upang taos puso tayong


makipag usap o makipag ugnayan sa Panginoon.

-Sinasabi nga po sa Bible MATEO 6:5-14

Katuruan tungkol sa Pananalangin


5
“Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig
silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga
tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6 Ngunit kapag
mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin
sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo
nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.

7
“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang
kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos
dahil sa haba ng kanilang sinasabi. 8 Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong
Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. 9 Ganito
kayo mananalangin,

‘Ama naming nasa langit,


sambahin nawa ang iyong pangalan.
10
Dumating nawa ang iyong kaharian.[a]

Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.


11
Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw; [b]

12
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa
mga nagkakasala sa amin.
13
At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!
[Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian,
magpakailanman! Amen.]’ [c]

14
“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din
kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong
kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”
Mga dapat gawin upang maging makabuluhan ang panalangin:

1. Manalangin na taglay ang matinding paggalang at


kapakumbabaan.
2. Manalangin ng may pusong lipos ng pag-ibig at pagmamahal sa
Diyos.
3. Manalangin ng mula sa puso at hindi memoryado.

Ang mga sumusunod ang iba’t-ibang anyo ng panalangin:

 Papuri
 Pasasalamat
 Paghiling
 Pagsusumamo

MGA ELEMENTO NG PANALANGIN

1. Tumayo Bilang isang Nilalang sa Panalangin

Naitala sa Lucas 18:9-14, “At kaniyang sinalita naman ang talinghagang ito sa
nagsisiasa sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila’y matutuwid, at
pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba: May dalawang lalaking nagsipanhik sa
templo upang magsipanalangin; ang isa’y Fariseo, at ang isa’y maniningil ng
buwis. Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios,
pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig,
mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis
na ito. Makalawa akong nagaayuno sa isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu ng
lahat kong kinakamtan. Datapuwa’t ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa
malayo, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi
dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin,
na isang makasalanan. Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay
ang taong ito na inaaaringganap kay sa isa: sapagka’t ang bawa’t nagmamataas
sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa’t ang nagpapakababa sa kaniyang
sarili ay matataas.”

2. 2. Manalangin sa Diyos Nang May Sinseridad at Katapatan

Sinabi minsan ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga alagad: “At pagka kayo
ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka’t
iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang
daan, upang sila’y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo,
Tinanggap na nila ang sa kanila’y ganti. Datapuwa’t ikaw, pagka ikaw ay
mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong
pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na
nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.” (Mateo 5:5-6)

3. Manalangin Upang Gawin ang Kalooban ng Diyos

Sa Mateo 6:9-10, 13 sinabi ng Panginoong Hesus: “Magsidalangin nga kayo ng


ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano
sa langit, gayon din naman sa lupa. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi
iligtas mo kami sa masama.”

3. Manalangin Upang Gawin ang Kalooban ng Diyos

Sa Mateo 6:9-10, 13 sinabi ng Panginoong Hesus: “Magsidalangin nga kayo ng


ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano
sa langit, gayon din naman sa lupa. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi
iligtas mo kami sa masama.”

4. Manalangin sa Panginoon Nang May Tibay at Pasya—Huwag


Panghinaan ng Puso

Sinasabi sa Lucas 18:1-8, “At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na
sila’y dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay; Na sinasabi, May
isang hukom sa isang bayan, na hindi natatakot sa Dios, at walang taong
pinagpipitaganan: At sa bayang yaon ay may isang babaing bao; at siya’y
naparoroong madalas sa kaniya, na sinasabi, Iganti mo ako sa aking kaalit. At
may ilang panahon na siya’y tumatanggi: datapuwa’t pagkatapos ay sinabi sa
kaniyang sarili, Bagaman di ako natatakot sa Dios, at di nagpipitagan sa tao:
Gayon man, sapagka’t nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya
ako bagabagin ng kapaparito. At sinabi ng Panginoon, Pakinggan ninyo ang
sinabi ng likong hukom. At hindi baga, igaganti ng Dios ang kaniyang mga
hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya’y may pagpapahinuhod
sa kanila? Sinasabi ko sa inyo, na sila’y madaling igaganti niya. Gayon ma’y
pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa
lupa?” I

You might also like