You are on page 1of 2

Mga Tagalog na Panalangin

Mga Tagalog na Panalangin o Dasal na Maaaring Bigkasin sa Sarili o sa Harap ng Tao | Dasal
Panalangin Filipino | Panalangin sa Araw-araw | Panalangin sa Okasyon o Pagdiriwang | Pag-usal
ng Maikli at Mahaba | List or Collection of Tagalog Christian Songs


Kahalagahan ng Panalangin
Ano ang Panalangin? Ang panalangin ay ang paraan ng tao upang makipag-usap sa Diyos. Ito ay
isang uri ng komunikasyon upang sumamba, magpasalamat, humingi ng tawad, humiling,
dumaing at magpuri. Maaari niya itong gawin sa umaga (panalangin sa umaga), sa tanghali at sa
gabi (panalangin bago matulog). Kung tutuusin, ang isang kristiyano ay maaaring umusal ng
panalangin kahit na anong oras. Sapagkat ang pakikipag-usap sa Panginoon ay hindi
nangangailangan ng limitasyon at walang hangganan. Wala rin itong itinakdang oras o panahon.

Manalangin kayo sa araw at gabi.

Kahalagahan ng Panalangin

Ang panalangin o ang pagdarasal sa ating Diyos ay pagpapatunay na tayo ay may malakas at
matibay na pananampalataya sa Diyos. Ang pakikipag-usap natin sa Kanya – sa pamamagitan ng
pagdarasal ,ang siyang nagiging daan upang makalapit tayo sa Kanya at maging karapat-dapat sa
kanyang harapan. Kung ang isang tao ay mapananatili ang ganitong gawain, susuklian siya ng
mabuting kalooban galing sa Itaas. Kahit na ito ay isang tula na panalangin, sanaysay, maikli o
mahaba, basta't naroroon ang taimtim na pagnanais na makausap ang Diyos, tiyak na pakikinggan
ang mga ito.

Pinatutunayan ng mga dasal sa Diyos na tayo ay naniniwala sa kanyang pag-iral. Sa panalangin


natin ipinakikita ang ating pagpapakumbaba - ang pag-amin sa ating kahinaan at kasalanan, at ang
pangako na pipilitin nating maitatwa ang kasamaan sa ating buhay. Ito rin ang nagsisilbing
tagapamagitan upang patuloy tayong konektado sa Itaas.

Ang panalangin ang siyang nagiging daan ng ating pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang
ating natatanggap sa araw-araw. Sa pamamagitan ng ating panalangin, naipapadala natin sa Diyos
ang mga pasasalamat natin sa kanyang kabutihan at pangangalaga sa atin at sa ating pamilya at
mga mahal sa buhay.

Ang panalangin ang paraan natin kung saan natin naipararating ang ating mga pangangailangan.
Dito natin ipinamamanhik ang ating mga kahilingan tungo sa isang masagana, mapayapa at
mabuting buhay tungo sa ating walang pag-aalinlangang paglilingkod sa Kanya.

Ugaliing makipag-usap sa Panginoon. Umusal ng kahit maikling panalangin upang mairating mo


ang iyong mga hangarin.
Share
No comments:
Post a Comment


Home
View web version
Powered by Blogger.

You might also like