You are on page 1of 3

Paano ako magkakaroon ng malapit na relasyon sa Diyos?

Tanong: "Paano ako magkakaroon ng malapit na relasyon sa Diyos?"


Sagot: Ang paghahangad ng isang mas malapit na kaugnayan sa Diyos ay isang kapur
i-puring layunin at sumasalamin sa puso ng isang taong tunay na isinilang na mul
i, dahil sila lamang ang nagnanais na magkaroon ng mas malapit na kaugnayan sa D
iyos. Dapat din nating maunawaan na sa buhay na ito, hindi natin lubos na makaka
mit ang pinakamalapit na kaugnayan sa Diyos na kagaya ng ating magiging kaugnaya
n sa Kanya sa ating paguwi sa ating tahanan sa langit. Ang dahilan nito ay ang p
resensya ng kasalanan sa ating mga buhay. Hindi ito kakulangan para sa Diyos kun
di para sa atin. Nananatiling hadlang ang ating mga kasalanan para sa isang gana
p at kumpletong pakikisama sa Diyos na magaganap lamang sa sandaling tayo ay luw
alhatiin na ng Diyos.
Maging si Apostol Pablo na nagkaroon ng malapit na relasyon sa Diyos na maaaring
higit sa kaninumang nabubuhay ngayon ay umasam pa rin ng isang higit na malapit
na relasyon sa Diyos: Oo, inari kong kalugihan ang lahat ng bagay bilang kapalit
ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang la
hat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtan ko lamang si Cristo, a
t lubos na makiisa sa kanya. Hindi ko na hangad na maging matuwid sa pamamagitan
ng kautusan kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayon ay ka
loob ng Diyos batay sa pananampalataya. Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusa
ng makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang pagkabuhay na maguli, makihati sa kanyang mga hirap, at matulad sa kanya---pati sa kanyang kamata
yan (Filipos 3:8-9). Anuman ang kalagayan ng ating paglakad kasama ni Kristo, maa
ari pa rin tayong magkaroon ng mas malapit na kaugnayan sa Kanya, at kahit nasa
langit na tayo, mayroon tayo ng walang hanggan upang lumago sa ating pakikipagre
lasyon sa Kanya.
May limang pangunahing bagay na maaari nating gawin upang magkaroon ng mas malap
it na relasyon sa Diyos.
Ang unang bagay na ating magagawa upang mas mapalapit sa Diyos ay ang pagkakaroo
n ng araw-araw na pagtatapat sa Kanya ng ating mga kasalanan. Kung kasalanan ang
hadlang sa ating relasyon sa Diyos, ang pagtatapat sa Kanya ng ating mga kasala
nan at pagsisisi sa mga iyon ang magaalis ng hadlang. Kung ipagtatapat natin ang
ating mga kasalanan sa Diyos at hihingi tayo sa Kanya ng tawad, ipinangako Niya
ang kapatawaran (1 Juan 1:9), at ang Kanyang kapatawaran ang magpapanumbalik ng
ating relasyon sa Kanya. Dapat nating tandaan na ang pagsisisi ay hind lamang s
impleng pagsasabi na nagsisisi ako sa aking mga kasalanan. Ito ay buong pusong pag
kalungkot sa ating kasalanan na nauunawaan na ang ating kasalanan ay pagsalangsa
ng sa isang banal na Diyos. Ito ay ang pagsisisi ng isang tao na nauunawaan na a
ng kanyang mga kasalanan ang dahilan ng pagkapako ni Hesus sa krus. Ito ang isin
isigaw ng Publikano sa Lukas 18, O Diyos mahabag ka sa akin na isang makasalanan!
Gaya ng isinulat ni Haring David, Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang
pakumbaba't pusong mapagtapat (Awit 51:17).
Ang ikalawang bagay na ating magagawa upang magkaroon ng mas malapit na relasyon
sa Diyos ay ang pakikinig sa Kanyang sinasabi sa atin. Marami ngayon ang naghah
abol sa mga hindi pangkaraniwang karanasan ng pagkarinig sa tinig ng Diyos nguni
t sinabi sa atin ni Apostol Pedro, At kami ay mayroong lalong panatag na salita n
g hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan (2 Pedro 1:19)
. Ang panatag na salita ng hulang ito ay ang Bibliya. Sa pamamagitan ng Bibliya,
maaari nating marinig ang tinig ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga kasulatang hininga
han ng Diyos, tayo magiging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, manggagawang walan
g dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan (2 Timoteo 3:16-17). Kaya ku
ng nais nating magkaroon ng mas malapit na kaugnayan sa Diyos, dapat tayong regu
lar na magbasa ng Kanyang Salita. Sa pagbabasa ng Kanyang salita, nakikinig tayo s

a sinasabi ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu na Siyang nagpapaliwanag


sa atin ng Kanyang mga sinasabi.
Ang ikatlong bagay na ating magagawa upang magkaroon ng mas malapit na relasyon
sa Diyos ay ang magpaabot sa Kanya ng ating mga niloloob sa pamamagitan ng panal
angin. Kung ang pagbabasa ng Bibliya ang pakikinig sa sinasabi gn Diyos, ang pan
alangin naman ang pagpapaabot ng ating mga saloobin sa Diyos. Ang mga Ebanghelyo
ay naglalaman ng paglayo ni Hesus sa karamihan upang makipagugnayan sa Kanyang
Ama sa pamamgitan ng panalangin. Ang panalangin ay hindi lamang paghingi ng atin
g mga pangangailangan sa Diyos. Ikunsidera natin ang modelong panalangin na ibin
igay ni Hesus sa Kanyang mga alagad sa Mateo 6:9-13. Ang unang tatlong bahagi ng
panalanging ito ay nakasentro sa Diyos (sambahin ang Kanyang pangalan, dumating
ang Kanyang kaharian at masunod ang Kanyang kalooban). Ang huling tatlong bahag
i ay ang mga kahilingan pagkatapos nating banggitin ang unang tatlong bahagi, (b
igyan tayo ng ating kakainin, patawarin sa ating mga kasalanan, at iiwas tayo sa
tukso). Ang isa pang bagay na magagawa natin upang manumbalik ang ating init sa
pananalangin ay ang pagbabasa sa aklat ng Awit. Sa Aklat ng Awit, makikita nati
n ang mga halimbawa ng pagsamba, pagsisisi, pasasalamat at paghingi na maaari na
ting gawing modelo sa ating sariling panalangin.
Ang ikaapat na bagay na ating magagawa upang magkaroon ng mas malapit na relasyo
n sa Diyos ay ang humanap ng isang grupo ng mananampalataya na regular na nagtit
ipon para sa pagsamba. Ito ay kinakailangan para sa ating paglagong espiritwal.
Madalas na sumasamba tayo sa Diyos ngunit ang nasa isip natin habang nasa loob n
g bahay sambahan ay paano ako makakalabas dito? Bihira tayong naglalaan ng panahon
upang ihanda ang ating puso at isip sa pagsamba. Muli, ipinakikita sa atin ng A
klat ng Awit ang maraming halimbawa ng pagtawag sa atin ng Diyos na lumapit sa K
anya at sumamba (halimbawa, ang Awit 95:1-2). Inaanyayahan tayo ng Diyos at inuu
tusan na lumapit sa Kanyang presensya para sa pagsamba. Paanong hindi tayo lalap
it sa Kanya bilang Kanyang mga Anak? Hindi lamang tayo binibigyan ng pagkakataon
ng regular na pagsamba sa pagpupuri sa Diyos kundi binibigyan din tayo nito ng
pagkakataon na makisama sa ating mga kapatid sa Panginoon. Sa ating pagpunta sa
bahay sambahan para sa pagsamba at pakikisama sa aitng mga kapatid sa pananampal
ataya, lumalago tayo sa ating pakikipagugnayan sa Diyos.
Panghuli, ang isang mas malapit na kaugnayan sa Diyos ay natatatag sa isang buha
y ng pagsunod sa Diyos. Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad habang nagsasalu-s
alo sila sa huling hapunan, kung iniibig ninyo Ako, tutuparin ninyo ang Aking mga
utos (Juan 14:23). Sinabi sa atin ni Santiago na ipasakop natin ang ating mga sa
rili sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod, paglaban sa Diyablo at paglapit sa Diy
os at sa gayon, lalapit Siya sa atin (Santiago 4:7-8). Sinabi sa atin ni Pablo s
a aklat ng Roma na ang ating pagsunod ay tulad sa isang buhay na handog ng pasasal
mat sa Diyos (Roma 12:1). Dapat nating tandaan na ang lahat ng mga katuruan ng B
ibliya tungkol sa pagsunod ay ipinahayag bilang tugon natin sa biyaya ng kaligta
san na ating tinanggap sa Diyos. Hindi natin kayang bayaran ang ating kaligtasan
sa pamamagitan ng ating pagsunod; sa halip, ito ay isang pamamaraan upang ating
ipakita ang ating pag-ibig at pasasalamat sa Diyos.
Kaya nga, sa pamamagitan ng paghingi ng tawad, pagaaral ng Salita ng Diyos, pana
nalangin, regular na pagsamba at pagsunod, maaari tayong magkaroon ng isang mala
pit na kaugnayan sa Diyos. Masasabing simple lamang ang mga bagay na ito ngunit
isaalang alang natin ito: paano tayo nagkakaroon ng malapit na kaugnayan sa atin
g kapwa tao? Gumugugol tayo ng panahon sa pakikipag-usap sa kanila, ibinubukas n
atin ang ating puso sa kanila at nakikinig sa kanila. Kinikilala natin ang ating
pagkakasala at humihingi tayo sa kanila ng kapatawaran. Maayos natin silang pin
akikisamahan at isinasakripisyo natin ang ating sariling kagustuhan para sa kani
lang pangangailangan. Hindi ito malayong halimbawa sa ating pakikipagrelasyon sa
ating Ama sa langit.

You might also like