You are on page 1of 2

MECQ 2021 WEEK 2 BIBLE STUDY

“ANG MGA TAPAT NA LINGKOD NGA DIYOS”


Mapagpalang araw mga minamahal!
Hindi lamang mga pisikal at natural na banta ang kinakaharap ng mga tao sa panahong
ito. Sa pandemiya na ating pinagdaraanan sa ngayon ang itinuturing natin na napakalaking
banta sa pisikal na buhay subalit huwag sana nating kalimutan na pinakamahalaga parin ang
kaligtasan ng ating mga kaluluwa.
Ano ng nga ba ang pangako ng Diyos tungkol dito?
Mula sa aklat ng AWIT 91:14Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga taong tapat sa
akin at iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilalanin.”

I. LAGING MAY NAKALAANG KALIGTASAN SA MGA TAONG TAPAT SA DIYOS.


Iniligtas ng Diyos si Daniel mula sa yungib ng mga leon. Hindi pinabayaan ng Diyos si
Elias sa panahon na siya’y nakaranas ng gutom, maging sa pagharap niya sa mga
propeta ni Baal. Iniligtas ng Diyos ang mga Israelita, sa pangunguna ni Moises nang
tawirin nila ang dagat mula sa pagtugis sa kanila ng mga kawal ng Egipto.

Ilan lamang sila sa mga nabanggit sa mga naitala sa Bibliya na iniligtas ng Diyos. Sila
Daniel, Elias at Mosies ay tapat sa Panginoong Diyos sa kanilang kapanahunan kung
kaya’t sila ay tinulungan ng Diyos.

Ang kapahamakan ng kaluluwa ay naghihintay sa mga taong ayaw kilalanin ang


panukala ng Diyos gayundin sa mga taong hindi mananatiling tapat sa Kaniya. Ang
kabayaran ng kasalanan ay ang walang hanggang kaparusahan ngunit ang sinumang
sumasampalataya sa Panginoon ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay
na walang hanggan.

II. MAY NAKALAANG PAGTUGON ANG DIYOS SA DALANGIN NG MGA TAONG


TAPAT
Ang sabi sa aklat ng mga AWIT 91:15 “Kapag sila’y tumawag, lagging handa ako na
sila’y pakinggan, aking sasamaghan at kung may problema ay sasaklolohan…”
Inihayag nito ang pangako ng Diyos na kailanman ay hindi Siya magiging bingi sa
panalangin ng mga taong tapat sa Kaniya.

III. MAY NAKALAANG PAGPAPARANGAL ANG DIYOS SA MGA TAONG TAPAT


Ayon sa AWIT 91:15 “…Aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.” Sa
makatuwid, kung tayo ay manantiling tapat hindi lamang pala kaligtasan kundi maging
ang karangalan ay ipagkakaloob sa atin ng Diyos na ating sinasampalatayanan.

Mga minamahal, manatili sana tayong tapat at patatagin ang ating mga pananampalataya sa
gitna ng mga pagsubok na ating pinagdadaanan. Laging manalangin at magbasa sa mga salita
ng Diyos upang hindi tayo manghina sa espiritwal at hindi kailanman mawawala ang kaligtasan
na ating ng tinganggap mula sa ating Panginoong Jesu Cristo.

Maikling Panalangin “Panginoon, salamat sapagkat ikaw ang gaming tagapagligtas.


Dumaan man kami sa apoy o sa gitna ng malaking alon ng buhay, naroroon Ka
upang ipadama sa amin ang iyong pag-iingat at pagmamahal. AMEN.

TI APO KOMA TI MANGBENDISYON KEN MANGSALWAD KADAKAYO KAKABSAT KO…


Ptr. Lailane T. Cabato
New Life In Christ Assembly

You might also like