You are on page 1of 3

Making A Difference: As Ambassadors of Good News

Text: Isaiah 52:7; 2 Corinthians 5:20

Intro:
Magandang umaga po sa lahat. Isang pribilehiyo ko pong muli ang maibahagi ang mga salita ng Diyos sa ating lahat sa
pamamagitan ng Banal na Espiritu na siyang inaasahan nating magpapaunawa nito sa atin. Tayo po ay manalangin.

Nais ko po muna na magbigay ng paunang salita mula sa ating Pang-Nasyonal na tema na: “The IEMELIF Church Amidst
Global Challenges” (Ang IEMELIF sa Gitna ng Pandaig-digang Hamon). Ang temang ito ay totoong nakakalula sapagkat
ang paguusapan ay pandaigdigan na; samantala, sa nakaraang taon nating tema na “Iglesiang Nagsasalita, Gumagawa at
Bumabago sa Bansa” ay marahil tila hindi pa lubusan o babahagyang porsyento pa lang ang ating naisasakatuparan heto
ngayon at pandaigdigan na. Hindi nito tinatalikuran ang nakaraang tema sa halip lalu pang pinaiigting nito ang ating mga
damdamin na hindi na maaaring maghalukipkip pa ng kamay kundi magsipag-alab sa paggawa sapagkat kung hindi
mapapasapanganib na ang ating lipunan ngayon at ang susunod na generasyon. Tingnan na lamang natin ang mga paslit
na mga batang ito kung hindi tayo kikilos ngayon at maninindigan sa ating paniniwala-pananampalataya. Katulad ni
Manny Paquio na mainit na pinag-usapan.

Sa awiting nalikha ng Asin: “Masdan Mo Ang Kapaligiran”


Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran? Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.
Refrain 1:
hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating ngunit masdan mo ang tubig sa dagat dati'y
kulay asul ngayo'y naging itim ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit huwag na nating paabutin upang kung
tayo'y pumanaw man, sariwang hangin sa langit natin matitikman
Refrain 2:
mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan gitara ko ay aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo
magkantahan 
Refrain 3:
mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang matitikman? may mga puno pa kaya silang aakyatin may mga
ilog pa kayang lalanguyan?
Refrain 4:
bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran hindi na masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng
kalikasan darating ang panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan masdan mo ang mga punong dati ay kay
tatag ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Refrain 5:
lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa diyos kahit nong ika'y wala pa ingatan natin at 'wag nang sirain pa
pagkat pag kanyang binawi, tayo'y mawawala na.

Sa Mensahe Episcopal ng ating minamahal na dating General Superintendent Bishop Nathanael P. Lazaro sa pagbubukas
ng Komperensya Heneral 2016 ay kanyang winika (and I quote) na sabi ni Donald Williams, isang American Astronaut, ay
nagsabi: “For those who have seen the earth from space… the experience most certainly changes your perspective. The
things that we share in our world are far more valuable than those which divide us”. Totoo nga naman. Maraming bagay
na pinag-aawayan dito sa daigdig na humahantong sa patayan at digmaan, samantalang kung pagbubulay-bulayan
nating mabuti ay higit na marami ang mga bagay sa daigdig na ating nai-enjoy kung pagsasalu-saluhan – ang hangin,
dagat, lupa, bundok at tubig.
Sabi naman ng isang German cosmonaut na si Sigmund Jahn: “Before I flew I was already aware of how small and
vulnerable our planet is; but only when I saw it from space, in all its ineffable beauty and fragility, did I realize that
humankind’s most task is to cherish and preserve it for future generations”. Ang mga pangungusap na ito ay pawang
nagpapakita ng kahalagahan na ang bawat isa sa atin ay maging tagapangalaga ng daigdig at mailigtas ito sa tuluyang
pagkasira dahil sa kasakiman at awayan ng makasalanang tao. At kung paanong ipinaaalaala sa atin na mayroon lamang
isang planetang Daigdig na dapat pangalagaan at mahalin, magandang lagi din nating itanim sa ating isip na iisa lang ang
IEMELIF. Maraming Kongregasyon, maraming Distrito, subalit iisa ang IEMELIF. At sa gitna ng ating pagkakaiba-iba,
tayong lahat ay may pananagutan na hindi ang interes ng bawat isa ang umiral, kundi ang interes ng Iglesia ang
maingatan.

Ang sabi ng Isaias 52:7 “Anong pagkaganda sa mga bundok ng mga paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita, na
naghahayag ng kapayapaan, na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng kaligtasan, na
nagsasabi sa Sion, ang iyong Dios ay naghahari!”

Kapag pinag-araalan natin ang exegesis ng talatang ito ay binabanggit nito ang kagandahan ng mga paa na nagdadala ng
mabuting balita… balita ng kapayapaan, ng magandang balita tungkol sa ikabubuti, ng pagliligtas at pagpapatibay na
“Ang Diyos ay Naghahari!” This is actually a reference to “a messenger who ran from the scene of a battle to bring news
of the outcome to a waiting king and people. (NIV Study Bible) Tulad sa panahon ni Haring David na balisang naghihintay
ng balita mula sa battlefield. Ang malungkot hindi lang mabuting balita ang dala kundi pati masama… mabuti dahil ang
kanyang mga sundalo ay nagwagi sa digmaan, masama dahil ang kanyang paboritong anak na si Absalom ay napatay. (2
Samuel18:26-33). Subalit ang tunay na konteksto dito ay ang pagbabalik ng mga nangalap na bayan ng Diyos mula sa
Babilonia (v.11-12) “…a deliverance that prefigures Christs deliverance from sin.” (NIV Study Bible) Isang uri ng
pagpapalaya na ang paglalarawan ay ang pagpapalayang ginawa ni Cristo sa kasalanan.

Ano ang Challenge sa Iglesia?


Ang rationale sa ating tema ay ipinapahayag lamang na ang ating iglesia “…must be militant or at the forefront in terms
of showing concerns and desire to get involved in addressing issues and problems that prevent humankind from
experiencing Gods Shalom or the abundance of life that God has promised in His Word.” Sa aklat debosyonal ni Pastor
Joey Umali na Shalom ay ganito ang kanyang paliwanag tungkol sa Shalom na binabanggit natin, wika niya “Kapag may
Shalom ay may kapanatagan, kagalakan, kabuluhan, kaarangalan, katotohanan, katatagan, kaunlaran, kasaganaan at
katiyakan”. Kapag sinabihan moa ng isang tao ng Shalom ibig sabihin, hinahangad mo para sa kanya ang kapuspusan ng
buhay, isang buhay na masagana at kasiya-siya na tulad ng hangarin ni Jesus para sa bawat nilikha (Juan 10:10).
(Optional)

The church should not live for itself… it must live for the purpose God meant for it… to partner with Him to redeem all
that was lost in the Garden.

Nangangahulugan lamang na ang Diyos ay nananawagan sa atin in MAKING A DIFFERENCE where we are, in whatever we
can. At sa unang bahagi ng pahayag ni Apostol Pablo sa 2 Corinthians 5:20 na “We are therefore Christ’s Ambassadors…”
Tayo ay mga representative ni Christ / ng Mabuting Balita.

Ano ang inaasahan sa atin?

 IPAMUHAY ang Ebanghelyo sa Araw-araw.


Good News ba talaga buhay mo/natin?

 IBAHAGI ang Ebanghelyo


Nai-share mo na ba ito sa iba?
 IPAGLABAN ang Ebanghelyo
Hindi naman tayo makikipagtunggali o makikipag-away.
O manahimik na lamang tayo.

Mga kapatid, maaaring mabigat ang hamong ito para sa atin subalit tinitiyak naman sa atin ng Diyos mula sa kanyang
salita: Ang sabi ng Isaias 52:7 “Anong pagkaganda sa mga bundok ng mga paa niyaong nagdadala ng mga mabuting
balita, na naghahayag ng kapayapaan, na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng
kaligtasan, na nagsasabi sa Sion, ang iyong Dios ay naghahari!”

pjohnnie030616
Pamplona IEMELIF Church

You might also like