You are on page 1of 13

PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay


partikular na idinisenyo
upang matulungan ang
mga bata na paunlarin
ang kanilang panloob na
potensyal sa paghawak
ng pagkapagod sa oras
ng pandemya. Inaasahan
din na ang modyul na ito
sa maikling kurso ay
magbibigay sa kanila ng
mga kasanayan upang
manatiling malusog sa
lahat ng aspeto ng
kanilang buhay.
Inilitahala ng Diyosesis

VCS@HOME MODULE
ng Romblon at Mindoros
.

Rev. Jose D. Falogme,


April 16, 2021 Jr. Ph.D
1

UNANG ARAW
A. TEMA NG ARAW: “Ang Diyos ang ating kanlungan at lakas”

"Ang Diyos ang ating tanging lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may
kaguluhan. Di dapat matakot." - Awit 46:1-2a, MBB.

B. Oras ng Pagbabatian (batiin ang mga bata ng may kagalakan at tuwa upang matulungan
silang muling maitaguyod ang kanilang mga damdamin)

C. Panimulang Pananalangin (humiling ng isang bata at hayaan siyang manalangin sa


kanyang sariling mga salita)

D. Mga Layunin
1. Bigyang-diin sa mga mag-aaral na hindi dapat pangunahan ng takot ang kanilang
damdamin
2. Kumbinsihin ang mga mag-aaral na sumilong mula sa Diyos

E. Mga Materyal na Kailangan:


 Pangkulay na panulat (krayola)
 Pirasong papel

F. Kanta sa Bibliya (kahit 2 awitin lang)

G. Pangunahing punto sa tema: “Ang takot ay isa sa pinakamalakas na


damdamin ng karamihan sa mga Kristiyano ngayong Panahon ng
Pandemya.”

H. Pagmuni-muni sa tema:
1. Narito ang dalawang pangkat na inilarawan sa Awit 46. Ang isang pangkat ay
protektado ng Panginoon, at isang pangkat ang nakikipaglaban laban sa
Panginoon.
2. Ang tunay na kapayapaan ay hindi darating hangga't hindi natin kasama ang
Panginoon sa "lungsod ng Diyos, ang banal na lugar kung saan nananahan ang
Kataastaasan" (Awit 46: 4). Hindi tayo dapat sumalungat sa Kanyang kagustuhan
upang mapanatili ang paglukob sa gitna ng karamdaman at kaapihan.
2

3. Ang takot sa ating puso at isip ay dapat nating paglabanan sa tulong ng Diyos na
nanatiling kasama natin sa habang panahon.

I. Kwento: Ang paglakad ni Hesus sa ibabaw ng tubig at ang pagkatakot ni Pedro

Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo.
Samantala, pinauwi naman niya ang mga tao. Matapos niyang paalisin ang mga ito, mag-isa
siyang umakyat sa bundok upang manalangin. Nag-iisa siyang inabutan doon ng gabi.
Samantala, ang bangka ay nasa laot na ngunit sinasalpok ito ng mga alon dahil pasalungat ito sa
hangin. Nang madaling-araw na'y sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig.
Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig.
“Multo!” sigaw nila. Ngunit nagsalita agad si Jesus at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot,
ako ito!”

Sinabi ni Pedro, “Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, papuntahin mo ako diyan sa
kinaroroonan mo sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.”

Mula sa bangka ay lumakad si Pedro sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. Ngunit nang
mapansin niya na malakas ang hangin, siya'y natakot at nagsimulang lumubog. “Panginoon,
sagipin ninyo ako!” sigaw niya.

Agad siyang hinawakan ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong


pananampalataya!” sabi niya kay Pedro.

Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin at sinamba siya ng mga nasa bangka.
“Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.

J. Mga Aral sa Kwento:


1. Malapit sa kapahamakan ang mga taong takot ang ipinairal sa kanilang puso at
isipan.
2. Manampalataya at maniwala tayo sa kakayahan ng Diyos kahit na sa pinakamahirap
at nakakatakot na sitwasyon.
3. Humingi ng tulong at tawagin ang Diyos kapag tayo’y natatakot at hindi natin kaya.

K. Maikling Gawain: Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa at hayaang gumuhit sila ng
larawan na nagpapakita ng isang kalagayan na ang kanilang pamilya ay tinulungan ng
Diyos ngayong panahon ng pandemya.

L. Paglalapat (limiin ang sumasalamin sa kanilang mga guhit)


M. Pagbabahagi ng Oras (hayaan silang ibahagi ang kanilang karanasan sa buhay kung saan
ang Diyos ay nagiging kanilang kanlungan at lakas)
3

N. Panatapos na Panalangin (ito ay ibibigay mismo ng guro)

PANGALAWANG ARAW
A. TEMA NG ARAW: “Sapagkat nabubuhay tayo sa pananampalataya, hindi sa
paningin.”

For we live by faith, not by sight.” – 2 Corinthians 5. Ang coronavirus ay hindi nakikita
ng mata. Gayunpaman, nangangamba kami na ito ay dakilang kapangyarihan at
kakayahang sirain ang ating buhay..

B. Oras ng Pagbabatian (batiin ang mga bata ng may kagalakan at tuwa upang matulungan
silang muling maitaguyod ang kanilang mga damdamin)

C. Panimulang Panalangin (humiling ng isang bata at hayaan siyang manalangin sa


kanyang sariling mga salita)

D. Mga Layunin

1. Ibahagi sa mga mag-aaral ang pamamaraan sa kung paano mamuhay sa


pamamagitan ng pananampalataya
2. Hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang pananampalataya sa mga
oras ng mga nakababahalang sitwasyon

E. Mga Materyal na Kailangan:


1. Pangkulay na panulat (krayola)
2. Pirasong papel
F. Kanta sa Bibliya (kahit 2 awitin lang)

G. Pangunahing punto sa tema: Ang pananampalataya ay mas malakas kaysa sa


ating pandama
H. Pagmuni-muni sa tema:

1. Ipinaliwanag ni Paul kung bakit siya at ang iba pang mga apostol ay nagpatuloy
na subukang ikalat ang Kristiyanismo kahit na inilagay nila sa panganib ang
kanilang buhay sa pamamagitan nito.
4

2. Tiwala silang ang mundo ay isang pansamantalang tahanan lamang hanggang


makapunta sila sa Langit kasama ng Panginoon.

I. Kwento: Ang Pagkatawag kay Jeremias

Sinabi sa akin ni Yahweh, “Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang


maging propeta para sa lahat ng bansa.”

Ang sagot ko naman, “Panginoong Yahweh, hindi po ako magaling na tagapagsalita; bata
pa po ako.”

Subalit ang sabi niya sa akin, “Huwag mong sabihing bata ka pa. Pumunta ka sa mga
taong sasabihin ko sa iyo. Ipahayag mo sa lahat ang aking sasabihin sa iyo. Huwag kang matakot
sa kanila sapagkat ako'y kasama mo at iingatan kita. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.”

Pagkatapos, iniunat ni Yahweh ang kanyang kamay, hinipo ang aking mga labi, at sinabi,
“Ngayon ay ibinigay ko na sa iyo ang mga mensaheng dapat mong sabihin. Ibinibigay ko rin
ngayon sa iyo ang kapangyarihang mangaral sa mga bansa at kaharian, upang sila'y bunutin at
ibagsak, wasakin at itapon, itayo at itanim.”

Bagamat bata pa si Jeremias ng suguin ni Yahweh na mangaral sa mga tao, subalit hindi
ito naging hadlang para sya ay sumunod sa Diyos. Kahit na mahirap para sa kanya na ipahayag
ang mensahe ni Yahweh sa mga taong nakakatanda sa kanya; ay hindi parin ito nagpakita ng
pagsuko o pagkahina bagkus dahil sa kanyang lubos na pananampalataya sa Diyos ay kanyang
buong puso na ginawa ang isinugo sa kanya ni Yahweh. Pananampalataya ang Siyang nag udyok
sa kanya upang siya ay mamuhay sa kagustohan ni Yahweh para sa kanya at mapagtagumpayan
niya ang kanyang gawain na pagpapayahag ng paghahari ng Diyos.

J. Mga Aral sa Kwento:


1. Ang pananampalataya sa Diyos at ang kanyang pagtawag sa atin ay hindi base sa
ating edad.
2. Binibigyan ng karunungan at kalakasan ng Diyos ang mga taong may
pananampalataya sa kanya.
3. Huwag nating isipin ang mga magiging hadlang sa ating gawain, katulad ng pag-iisip
na di natin kaya dahil bata pa tayo, dahil maliit lang tayo, dahil mahirap lang tayo,
dahil sa nakakaba at nakakabahalang kalagayan at iba pa; sapagkat lahat ng gawain
at pagsubok ay malalagpasan natin kung buo ang ating pananampalataya sa Diyos.
5

K. Maikling Gawain: Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa at hayaang gumuhit sila ng
larawan na nagpapakita ng isang kalagayan na sila ay nakaranas ng karamdaman,
kawalan ng pagkain, subalit ang mga ito’y kanilang napagtagumapayan sa tulong ng
Diyos.

L. Paglalapat (limiin ang sumasalamin sa kanilang mga guhit)


M. Pagbabahagi ng Oras (hayaan silang ibahagi ang kanilang karanasan sa buhay kung saan
ang pananampalataya ang batayan ng pamumuhay)
N. Panatapos na Panalangin (ito ay ibibigay mismo ng guro)

IKATLONG ARAW
A. TEMA NG ARAW: “Kapayapaan ang ibinibigay ko sa Iyo”

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo;
hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag mabagabag ang inyong
kalooban at huwag kayong matakot."- Juan 14:27, MBB.

B. Oras ng Pagbabatian (batiin ang mga bata ng may kagalakan at tuwa upang matulungan
silang muling maitaguyod ang kanilang mga damdamin)

C. Panimulang Pananalangin (humiling ng isang bata at hayaan siyang manalangin sa


kanyang sariling mga salita)

D. Mga Layunin

1. Ilarawan sa mga mag-aaral ang kakanyahan ng kapayapaan sa mga oras ng


pandemya
2. Kumbinsihin ang mga mag-aaral na makahanap ng kapayapaan sa Diyos anuman
ang sitwasyon

E. Mga Materyal na Kailangan:


1. Pangkulay na panulat (krayola)
2. Pirasong papel

F. Kanta sa Bibliya (kahit 2 awitin lang)


6

G. Pangunahing punto sa tema: Ang kapayapaan ang tanging paraan upang


makapagpahinga ang iyong puso at isip

H. Pagmuni-muni sa tema:
1. Marami na ang mga naghanap ng kapayapaan subalit hindi nila ito natagpuan
2. Ang isa sa mga paraan upang makamit ito ay wakasan ang alitan at
magpatawaran
3. Ang kapayapaan ay matatagpuan natin sa ating puso at sa piling ng Diyos.
4. Sa gitna ng pandemya kailangan nating manatiling kalmado dahil may Diyos
tayong kasama lagi sa lahat ng ating mga gawain.

I. Kwento: Si Esau at Jacob


Sina Isaac at Rebeca ay may ng kambal na anak na lalaki. Ang mga batang lalaki
ay pinangalanang Esau at Jacob. Si Esau ang unang ipinanganak sa dalawa, sa medaling
salita siya ang mas nakatatanda sa kanila ni Jacob. Hilig niya ang mangaso samantalang
si Jacob ay nasa tahanan lamang, Sa mga panahong iyon ay binibigyan ng ama ng isang
pagbabasbas ang unang anak na lalaki kung saan ay tinatawag na pagbabasbas ng
pagkapanganay.
Isang araw ay dumating si Esau sa kanilang tahanan na gutom na gutom mula sa
pangangaso at si Jacob naman ay nagluluto ng pagkaing may sabaw. Kay naman humingi
si Esau kay Jacob ng kaunting makakain. Sinabi ni Jacob, “maaari kang kumuha ng kaunti
subalit kailangan mong ibigay sa akin ang iyong mamanahing kayamanan sa hinaharap”.
Dahil sa sobrang gutom, hindi inisip ni Esau ang mawawala sa kaniya kung siya ay
papayag sa kagustuhan ni Jacob. Sa madaling sabi, siya ay pumayag na manang
tatanggapin niya bilang panganay ay mapupunta kay Jacob, sa kaniyang bunsong
kapatid.
Hanggang si Isaac ay tumanda na’t malapit ng mamatay. Tinawag niya si Esau
ang kaniyang panganay at inutusan itong mangaso ng karneng paborito niya at iluto siya
ng makakain. Upang sa oras na siya ay makabalik ay ipagkakaloob na sa kaniya ang
basbas ng panganay. Walang pagdadalawang isip na sinunod ito ni Esau. Siya ay
tumindig at lumakad.
Sa kabilang banda, narinig ito ni Rebeca. Batid niyang paboritong anak ni Isaac si
Esau at bilang panganay ay dapat niyang matanggap ang basbas. Subalit kung
ihahambing ang ugali ng dalawa, mas karapatdapat si Jacob na tagapagmana. Kaya
naman ay tinawag ni Rebeca si Jacob at inutusan itong kumuha ng karne at ipaghahanda
niya ng makakain ang ama upang si Jacob ang makatanggap ng basbas.
Kahit na may pag-aalinlangan ay sinunod ni Jacob ang utos ng kaniyang ina.
Inihanda ni Rebeca ang karne, kinuha ang kasuotan ni Esau at ipinasuot ito ay Jacob. At
7

sa kadahilanang matanda na si Isaac, hindi niya napansing si Jacob ang nagdala sa kaniya
ng pagkain. Agad-agad niya itong binasbasan at sinabing, “ikaw ay magiging isang
dakilang tao at magiging pinuno ng maraming tao.”
Makalipas ang ilang oras ay dumating naman si Esau, dala ang karneng iniutos sa
kaniya ng ama. Ngunit huli na ang lahat bagkus ay naibigay na ni Isaac ang basbas ng
panganay kay Jacob. Nalungkot at nagalit si Esau bagkus hindi niya nakuha ang para sa
kaniya. Napoot siya sa kaniyang kapatid.
Si Esau at Jacob ay tumantada na rin at nagsipag-asawa. Si Jacob na hindi dapat
magpakasal sa sinumang babaing mula sa Canan, dapat ay magpunta siya sa ibang
lupain at doon mag-asawa. Lumipas ang taon at napangasawa ni Jacob ang isa sa mga
anak ni Laban at sila ay nagkaroon ng anak.
Isang araw sinabi ni Jesus kay Jacob na bumalik siya sa kanyang sariling lupain.
Kaya kanyang kinuha ang kanyang mag-anak at mga hayop at umalis sila sa tahanan ni
Laban. Nagpunta sila sa lupang pangako.
Pauwi na siya nang makasalubong ni Jacob si Esau. Inakala ni Jacob na napopoot
pa rin sa kanya si Esau, kaya’t lumuhod siya sa harap nito upang humingi ng tawad.
Subalit hindi na kinapopootan ni Esau ang kapatid. Sa makatuwid ay hinagkan niya si
Jacob at sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay.

J. Mga Aral sa Kwento:


1. Gaano man kalaki ang galit mo sa iyong kapwa, sa paglipas ng panahon ay
maghihilom din ito at ikaw ay makapagpapatawad.
2. Higit na nakagagalak ng puso ang walang kaalitan. Kaya mahalaga na marunong
tayong magpatawad.
3. Blood is thicker than water. Anuman ang gawin sa atin ng ating kapatid, saan man
tayo man mapunta, ang pagmamahal ng kapamilya ay hindi matutumbasan ng kahit
na sinuman.
4. Matutong humingi ng tawad sa iyong kapwa, malaki o maliit mang kasalanan ang
iyong nagawa. Gayundin naman tularan si Esau na hindi nagtanim ng galit sa
kaniyang kapatid.

K. Maikling Gawain: Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa at hayaan silang gumuhit ng
larawan na nagpapakita ng kapayapaan sa bahay o saan man.

L. Paglalapat (limiin ang sumasalamin sa kanilang mga guhit)


M. Pagbabahagi ng Oras (hayaan silang ibahagi ang kanilang karanasan sa buhay kung saan
nakaranas sila ng kapayapaan)
N. Panatapos na Panalangin (ito ay ibibigay mismo ng guro)
8

PANG-APAT NA ARAW
A. Tema ng Araw: “Ang Diyos ay nagbibigay sa atin ng Lakas”

“Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang


buhay.”-Awit 29:11, MBB.

B. Oras ng Pagbabatian (batiin ang mga bata ng may kagalakan at tuwa upang matulungan
silang muling maitaguyod ang kanilang mga damdamin)

C. Panimulang Pananalangin (humiling ng isang bata at hayaan siyang manalangin sa


kanyang sariling mga salita)

D. Mga Layunin

1. Ipakita sa mga mag-aaral na ang kakanyahan ng lakas sa mga tuntunin ng pisikal,


sikolohikal at espiritwal ay mahalaga sa gitna ng pandemya
2. Ibahagi sa mga mag-aaral ang mga diskarte sa kung paano paunlarin ang kanilang
lakas.

E. Mga Materyal na Kailangan:


 Pangkulay na panulat (krayola)
 Pirasong papel

F. Kanta sa Bibliya (kahit 2 awitin lang)

G. Pangunahing Punto sa Tema: Ang pinakamahalagang lakas ay ang lakas na


espiritwal

H. Pagmuni-muni sa tema:
1. Ang lakas ay hindi tungkol sa pagsuko sa isang labanan.
2. Ang lakas ay nabuo sa pamamagitan ng paghihirap.
3. Ang lakas ay nabuo sa lambak. Ito ang nagpapalakas ng iyong pagkatao.
4. Hindi mo mapapanatili ang lakas kung lalayo ka sa Diyos o dili kaya ay
magsasawang magbasa ng Bibliya at sumamba sa Kanya.
9

I. Kwento: Dumating ang Banal na Espiritu ng Araw ng Pentekostes


Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, silang lahat ay nasa iisang pook na
nagkakaisa. Sila ay nakaupo sa loob ng isang bahay. Biglang may umugong mula sa langit
tulad ng humahagibis na marahas na hangin at pinuno nito ang buong bahay. May
nagpakita sa kanila na nagkakabaha-bahaging mga dila tulad ng apoy at ito ay lumapag
sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagsimulang
magsalita sa ibang mga wika ayon sa ibinigay ng Espiritu sa kanila na kanilang sasabihin.
Sa Jerusalem ay may mga Judiong naninirahan ng mga panahong iyon. Sila ay
mga lalaking palasamba sa Diyos na mula sa bawat bansa sa ilalim ng langit. Nang
marinig nila ang usap-usapan ng kanilang pagsasalita, maraming tao ang sama-samang
pumunta at sila ay nabalisa sapagkat narinig nila ang mga apostol na nagsasalita sa
sariling wika ng mga nakikinig. Ang lahat ay namangha at nagtaka. Sinabi nila sa isa’t isa:
Narito, hindi ba ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea? Papaanong
nangyari na naririnig natin ang bawat isa sa kanila na nagsasalita ng sarili nating wika na
ating kinagisnan? Tayo ay taga-Partia, taga-Media at taga-Elam. May mga naninirahan sa
Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocea. May mga naninirihan sa Pontus at sa Asya.
May mga naninirahan sa Frigia, sa Pamfilia, sa Egipto at sa mga bahagi ng Libya na nasa
palibot ng Cerene. May mga dumalaw na mula sa Roma, kapwa mga Judio at mga naging
Judio. May mga taga-Creta at taga-Arabya. Sa sarili nating mga wika ay naririnig natin
silang nagsasalita ng mga dakilang bagay ng Diyos. Lahat ay namangha at nalito. Sinabi
nila sa isa’t isa: Ano kaya ang ibig sabihin nito?

J. Mga Aral sa Kwento:


1. Ang kakayahan at lakas ay ibinibigay ng Diyos sa mga taong sumusunod at tapat sa
Kanya.
2. Ang Diyos ang pinagmumulan ng ating karunungan at lakas.
3. Dahil sa banal na Espiritu, binigyan tayo ng lakas na ipahayag ang salita ng Diyos sa
mga taong hindi sumusunod sa kanya.

K. Maikling Gawain Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa at hayaan silang gumuhit ng
isang larawan na nagpapakita kung paano paunlarin ng isang tao ang kanilang lakas sa
pamamagitan ng pagiging matapang sa mga problema at pagsisimba

L. Paglalapat (limiin ang sumasalamin sa kanilang mga guhit)


M. Pagbabahagi ng Oras (hayaan silang ibahagi ang kanilang karanasan sa buhay kung saan
ang kanilang mga magulang ay nagpapakita ng lakas sa oras ng pandemya)
N. Panatapos na Panalangin (ito ay ibibigay mismo ng guro)
10

IKA-LIMANG ARAW
A. TEMA NG ARAW: “Ang mga bata ay pamana mula sa Diyos”

“Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang
mayro’ng galak.” -Awit 127:3, MBB.

B. Oras ng Pagbabatian (batiin ang mga bata ng may kagalakan at tuwa upang matulungan
silang muling maitaguyod ang kanilang mga damdamin)

C. Panimulang Pananalangin (humiling ng isang bata at hayaan siyang manalangin sa


kanyang sariling mga salita)

D. Mga Layunin
1. Bigyang-diin sa mga mag-aaral ang mga ito ay espesyal sa Diyos
2. Ipakita sa mga mag-aaral kung paano sila naging espesyal sa Diyos

E. Mga Materyal na Kailangan:


1. Pangkulay na panulat (krayola)
2. Pirasong papel

F. Kanta sa Bibliya (kahit 2 awiting lang)

G. Pangunahing punto sa tema: Ang mabuting anak ay regalo ng Diyos sa


kanilang mga magulang

H. Pagmuni-muni sa Tema:

1. Sinabi sa atin ng Diyos na ang mga bata ay isang pagpapala at regaling mula sa
Kanya. Ang kanilang espiritu ay puno ng kawalang-kasalanan, kagalakan, at
pagtawa.
2. Patuloy tayong pinaaalalahanan ni Jesus na maging katulad ng mga bata at
lumapit sa Kanya na puno ng pananampalataya at pagtitiwala.
3. Ang mga bata ay nangangailangan ng disiplina at pagwawasto upang manatili sila
sa tamang landas
4. Nais ng Diyos na tayo na ang mga bata ay magtagumpay at magkaroon ng pag-
asa lalo sa panahon ng mga pagsubok.
5. Kailangan nila ng gabay ng mga magulang at nakakatanda upang makamit nila
ang mabuti at maayos na buhay sa tulong ng Diyos.
11

6. Turuan silang palaging manalangin sa Diyos at pumunta sa simbahan upang


sumamba.
I. Kwento: Ang Talinghaga ng Alibughang Anak
May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. Ang nakakabatang anak ay
nagsabi sa kaniyang ama: Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na
nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang kabuhayan.

Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang


anak na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang
kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay ng magulong pamumuhay. Ngunit nang magugol na
niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at nagsimula
siyang mangailangan. Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At
siya ay sinugo niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga baboy. Mahigpit niyang
hinangad na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy na ipinakakain sa mga baboy
sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya.

Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming
upahang utusan. Sagana sila sa tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom.
Tatayo ako at pupunta ako sa aking ama. Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako
laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.
Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan. Sa pagtayo niya, pumunta siya sa
kaniyang ama, ngunit malayo pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay
nahabag sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya.

Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin.
Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.

Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo ang


pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa
kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. Magdala kayo ng pinatabang
guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay
namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay nagsimulang magsaya.

At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumarating at


malapit na sa bahay, nakarinig siya ng tugtugin at sayawan. Tinawag niya ang isa sa
kaniyang mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito.
Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating ang kapatid mo. Nagpakatay ng pinatabang guya
ang iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog.

Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas ang kaniyang ama at
namanhik sa kaniya. Sumagot siya sa kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako
sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit
minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang makipagsaya akong
12

kasama ng aking mga kaibigan. Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa
kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga
patutot.
Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. Ang
magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling
nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.

J. Mga Aral sa Kwento:

1. Ang mabuting anak ay regalo ng Diyos sa kanilang mga magulang. Kaya kailan man
ay hindi matitiis ng magulang ang kanilang mga anak.

2. Makinig tayo sa ating mga magulang sapagkat alam nila ang makabubuti sa atin.

3. Bilang mga kabataan, huwag pasisilaw sa ningning ng mga makamundong bagay.


Ikaw mismo ay kayamanang ipinagkaloob ng Diyos sa iyong mga magulang kaya’t
sikapin mong maging mabuti para sa Diyos at sa iyong ama’t ina.

4. Walang oras ang pagsisisi at pagbabalik-loob. Hindi pa huli ang lahat, kung ikaw ay
nagkasala lumapit ka sa Diyos at ikaw ay patatawarin Niya.
K. Maikling Gawain: Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa at hayaan silang gumuhit ng
larawan na nagpapakita ng pagmamahal ng isang magulang sa kanilang mga anak
O. Paglalapat (limiin ang sumasalamin sa kanilang mga guhit)

L. Pagbabahagi ng Oras (hayaan silang ibahagi ang kanilang karanasan sa buhay kung saan
ang kanilang mga magulang ay naging gabay sa kanilang paglaki)
M. Panatapos na Panalangin (ito ay ibibigay mismo ng guro)

Mga Pinaghalawan:

 Bible
 Reflections from Internet like bestofchristianity.com

You might also like