Professional Documents
Culture Documents
Ang akdang aking nais gawin, ay patungkol sa kung papaano malulunasan ng tao
ang panghihina at pagkawala ng pag-asa, napaka halaga nito sa kasalukuyan.
Napakaraming tao ang nahihirapan sa buhay, dahil sa nangyayaring pandemya, at
kabilang na kami doon na mga mag-aaral. Kailangang sila ay mabigyan ng pag-asa
upang sa sila ay makatawid at mapagtagumpayan nila ang malaking pagsubok na ito sa
ating buhay. Ang pangunahing layunin ko dito ay makapagbigay ng lakas, inspirasyon, at
pag-asa sa sinumang makakabasa nito. Ito ay para a lahat at walang itong pinipiling edad.
“Let us all come forward and draw near with true (honest and sincere) hearts in
unqualified assurance and absolute conviction God in absolute trust and confidence
in His power, wisdom and goodness]…”
Ipinahahayag nito ang aking mensahe sa aking gagawing akda, na dapat ay magkaroon
ng matibay na pananampalataya sa Diyos nang sa gayon ay matulungan Niya at
mabigyan tayo ng pag-asa sa lalo na sa kasalukuyang panahon.