You are on page 1of 2

Scripture Reading

Psalms / Awit 128:1-6

v1 Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa
kanyang utos.
v.2 Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang
pamumuhay.
v.3 Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag
ang anak niya.
v.4 Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin, buhay niya ay uunlad at laging
pagpapalain.
v.5 Mula sa Zion, pagpapala nawa ni Yahweh ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad
ng Jerusalem;
v.6 ang magiging iyong apo, nawa iyong makita rin, nawa'y maging mapayapa itong bayan ng
Israel!

Message

Magandang umaga po sa inyo! Kamusta po kayong lahat? Kamusta po ang pagdidiwang ninyo
ng pasko? Naisasabuhay po ba natin ang ating mga napag-aralan patungkol sa pasko? Salamat
sa Panginoon dahil patuloy Niyang ipinaparanas ang kaniyang pagmamahal, kadakilaan,
katapatan at kabutihan sa ating mga buhay. Sa simpleng pagdiriwang nito ay nakikita natin ang
kahalagan ng pamilyang sama-samang naglilingkod sa Kanya. Sa oras pong ito ay patuloy tayong
mag-aral at pagbulay-bulayan ang mag Salita ng Diyos, ihanda natin ang ating mga sarili, buksan
natin an gating puso’t isipan upang maging bukas tayo sa anumang pagtutuwid ng Diyos.

Ang pamagat ng ating pag-aaralan ay “BLESSEDNESS OF FEARING THE LORD” ang lahat ng tao
ay pinagpapala ng Diyos, lahat ng bagay dito sa mundo ay pag-aari Niya. Lubos ang biyaya at
pagpapala na tinatanggap ng tao sa araw-araw ngunit wag din nating alisin sa riyalidad na may
mga tao rin na hindi pinalad sa buhay. May mga taong pinagpala, mga mayayaman, may kaya sa
buhay, at sapat ang pangangailangan sa araw-araw. Minsan hindi natin maiwasang
ipagkumpara ang mga bagay na meron tayo, kagaya ng “BAKIT ANG IBANG TAO AY HINDI
NAUUBUSAN NG BIYAYA, PARANG HINDI NAGKAKAPROBLEMA SA PERA, PERO TAYONG
NAGLILINGKOD SA DIYOS BAKIT PARANG LAGING KULANG, BITIN, AT NAHIHIRAPANG
MAGHANAP NG PANGANGAILANGAN UPANG MAIRAOS ANG ISANG ARAW” kung tutuusin mas
mapalad tayo, kasi tinuturuan tayo ng Diyos na makuntento sa bagay na meron tayo, hindi
nagiging sukatan ng kaligayan ang mga materyal na bagay dito sa mundo, bagkos mas mapalad
ang isang taong may takot at pagsunod sa Diyos. madalas ko pong sinasabi sa inyo, walang
saysay ang kayamanan sa mundong ito kung hindi ito inilalaan sa Diyos at kung ito ay walang
tunay na pagkakakilala sa Kanya. Sabi nga po sa Kawikaan 15:16, “ANG MAHIRAP NA
GUMAGALANG AT SUMUSUNOD KAY YAHWEH, AY MAS MAINAM KAYSA MAYAMANG PANAY
HIRAP NAMAN ANG KALOOBAN.” AMEN?! At sabi po sa Awit 103:17 “NGUNIT ANG PAG-IBIG NI
YAHWEH AY TUNAY NA WALANG HANGGAN, SA SINUMAN NA SA KANYA'Y MAY TAKOT AT
PAGMAMAHAL; ANG MATUWID NIYANG GAWA AY WALA RING KATAPUSAN.”

ano ang nagiging bunga ng pagkatakot sa Diyos?

una, PAGSUNOD, Sa v.1 at v.2, pagsunod sa mga utos ng Diyos. mapalad ang taong masunuring
sa Diyos, bakit? Dahil magkakaroon siya ng matuwid na pamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos.
iba ang nagagawa ng pagkatakot kay Yahweh, nakakaiwas tayo sa paggawa ng masama o
kasalanan. Alam nating mahirap mamuhay sa panahon natin ngayon, hindi nawawalan ng
kabuluhan ang ating pagpapagal sa Diyos. hindi madamot ang Diyos, sapat na at higit pa ang
mga pagpapala na natatanggap natin, huwag lang natin kakaligtaan na ang pagpapala ng Diyos
ay nakabatay rin sa pagsunod sa Kanyang mga utos. Sa huli magbubunga ang ating pinaghirapan
gaya ng isang punong punong-puno ng bunga, may panahong aanihin natin ito dahil sa ating
pagsunod sa makapangyarihang Diyos. sabi nga po sa Awit 34:8 “TINGNAN MO AT LASAPIN
ANG KABUTIHAN NI YAHWEH; MAPALAD ANG MGA TAONG NANANALIG SA KANYA.”

Pangalawa, PAGGALANG, sa v.3 at v.4, ipinapakita po dito na kung tayo ay may paggalang kay
Yahweh, buong puso natin Siyang susundin, dahil dito ay uunlad ang ating buhay, patuloy
tayong pagpapalain ng Diyos. God is searching in the heart of every people. Alam ng Diyos kung
anong motibo ng ating puso sa paglilingkod sa Kanya. Lagi natin ichecheck ang ating puso, dapat
po sa bawat ginagawa natin na para sa Diyos ay dito nagmumula. Masarap sa pakiramdam na
masaya tayong naglilingkod dahil ito ay galing sa puso. Ang Diyos na po ang bahalang magpala
sa inyo dahil Siya lamang ang nakakaalam nito. Sabi nga po sa Kawikaan 3:9 “PARANGALAN MO
SI YAHWEH SA PAMAMAGITAN NG IYONG MGA KAYAMANAN, AT MULA SA IYONG MGA
PINAKAMAINAM NA ANI, SIYA AY IYO RING HANDUGAN.”

Pangatlo, PAGPAPALA, sa v.5 at v.6, kapag tayo ay may takot sa Diyos, mas pagpapalain tayo sa
lahat ng aspeto ng ating mga buhay. Habang buhay Niya tayong bibigyan ng dapat para sa atin.
Kahit ang magiging apo at magiging lahi natin ay patuloy Niyang pagpapalain kung tayo ay
susunod at gagalang Sa Diyos. magkakaroon tayo ng buhay na mapayapa, dahil ito ang pangako
ng Diyos sa lahat ng tao. Sabi po sa Awit 1:1-2 “MAPALAD ANG TAONG HINDI NAKIKINIG SA
PAYO NG MASAMA, AT HINDI SUMUSUNOD SA MASAMA NILANG HALIMBAWA. HINDI SIYA
NAKIKISAMA SA MGA KUMUKUTYA AT HINDI NAKIKISANGKOT SA GAWAING MASAMA. 2 SA
HALIP, KASIYAHAN NIYANG SUMUNOD SA KAUTUSAN NI YAHWEH. BINUBULAY-BULAY NIYA ITO
SA ARAW AT GABI.” Ang pagsunod at paggalang sa Diyos ay sumisimbolo ng pagkatakot at
pagsunod sa Kanyang mga salita. Dito magsisimula ang pagpapala ng Diyos.

Maraming salamat po, nawa maisabuhay po natin itong mga Salita ng Diyos na ating pinag-
aralan. Pagpalain po tayo ng ating Panginoon!

You might also like