You are on page 1of 3

Creating a Technology-Integrated Plan

Subejct Matter: Araling Panlipunan


Grade Level: 9
Quarter: Una
Objectives: Sa loob ng isang oras, ang mga mag aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa
pangangailangan (needs) bilang batayan sa pagbuo ng
matalinong desisyon.
2. Naipakikita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at
pangangailangan sa suliranin ng kakapusan.
3. Nasusuri ang hirarkiya ng pangangailangan.
4. Natutukoy at naipaliliwanag ang mga salik na
nakakapagpabago ng mga pangangailangan.
Digital Instructional Material: Powerpoint presentation and pre-recorder video
Procedure/Instruction: Ang guro ay magpapakita ng lampara na naglalaman ng isang
Genie. Bawat mag-aaral ay maglilista ng tatlong bagay na
kanilang nais hilingin sa kapirasong papel na ibibigay ng
guro. Pipili ang guro ng limang mag-aaral na magbabasa ng
kanilang sagot.

Pamprosesong Tanong:
1. Nahirapan ba kayong ilista ang nais ninyong hilingin?
Bakit?
2. Ang mga nailista niyo ba ay makokonsidera ninyong
pangangailangan para sa araw-araw? Bakit?
3. Masasabi mo ba na kaya mo pa ring mabuhay kahit wala
ang mga hiniling mong ito?

Paglalahad
Ang pangangailangan ay tumutukoy sa mga bagay na
mahalaga upang mabuhay ang tao samantalang ang
kagustuhan ay mga bagay na nais makamit upang mabigyan
ng kasiyahan ang sarili at kahit wala ito, maaari pa ring
magpatuloy ang buhay.Panlinang na Gawain:

Mga Gabay na Tanong:


1. Bilang isang mag-aaral, anong salik ang pinakadapat mong
ikonsidera sa pagtugon ng iyong pangangailangan?
2. Bakit mahalagang ikonsidera ang mga sumusunod na salik
na nakakaapekto sa iyong pangangailangan at kagustuhan sa
iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
3. Ano ang kaugnayan ng ating aralin sa suliranin sa
kakapusan?

Dalawang Uri ng Pangangailangan


1. Materyal - Mga bagay na materyal na kailangan upang
mabuhay.
2. Di-Materyal - Mga bagay na nakatuon sa damdamin o
emosyon na nais makamit ng tao.

Hirarkiya ng Pangangailangan (Hierarchy of Needs)


Ito ang nagpapaliwanag kung bakit ang bawat indibidwal ay
may iba’t ibang pangangailangan. Ayon kay Abraham Harold
Maslow, ang mga pangangailangan ng tao ay may iba’t-ibang
digri ayon sa kakayahan ng tao na maisakatuparan ito upang
magtamo ng kasiyahan. Batay sa teoryang ito, dapat munang
matugunan ng isang tao ang kanyang mga pangunahing
pangangailangan bago umusbong o bigyang-pansin ang mga
matataas niyang pangangailangan.

Pagpapahalaga
Bakit mahalagang malaman ng isang tao ang kaniyang
pangangailangan at kagustuhan?
Bakit mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mga
mamamayan kung paano tutukuyin kung ang kanilang nais ay
pangangailangan o kagustuhan?

Paglalahat
Ano ang kailangang pairalin ng tao upang matugunan niya
ang lahat ng kaniyang pangangailangan sa araw-araw nang
hindi nakokompromiso ang kaniyang mga kagustuhan?

Pagtataya
Isulat sa patlang kung ang sumusunod na pangangailangan ay
materyal o di-materyal.
_________1. Pakikisalamuha sa iba’t-ibang mga tao.
_________2. Magkaroon ng pagkain sa hapag-kainan.
_________3. Pakikipagkaibigan
_________4. Pagmamahal sa Diyos at kapuwa.
_________5. Isang tirahan kasama ang pamilya
_________6. Paggalang ng ibang tao.
_________7. Kasuotan sa araw araw.
_________8. Pagkakaroon ng mga cellphone, bag at iba pa.
_________9. Pagtanggap ng lipunan.
_________10. Gamot para sa oras ng karamdaman.

Technology Integration: Ang mga mag-aaral ay kailangang panooring mabuti ang pre-
recorded video na naglalaman ng mga impormasyon tungkol
sa aralin. Makikia sa video ang guro habang nagsasalita at
ang powerpoint presentation ang nagsilbing background.
Gumamit ang guro ng video-editing app upang ma-overlay
ang kaniyang video sa powerpoint presentation nan a-convert
din bilang isa pang video. Ang mga mag-aaral ay sasagutin
ang pagtataya sa isang platform na ginawa ng guro.

You might also like