You are on page 1of 3

TOPIA IS TONGUE: POWER OF WORDS

INTRODUCTION:

Ang ating katawan ay mayroong iba’t-ibang parte: may external and internal parts and all of these
have its own function. Right? Pero sa gabing ito, magfofocus tayo sa isang parte lamang ng ating
katawan- ito ang ating Dila.

- Sa anong paraan natin ginagamit ang ating dila? Malamang, ito ay ginagamit natin sa
pagsasalita at maging sa ating pagkain, ‘diba. Ngunit alam niyo ba na ang dila natin,
napakarami nitong pwedeng gawin? BAKIT? Because it has power. At ito ay aalamin natin
ngayon.

So, ang topic natin ay pinamagatang TOPIA IS TONGUE: POWER OF WORDS – Ito ang patotoo mula sa
salita ng Diyos.

In Proverbs 18:21 – The tongue has the power of life and death, and those who love it will eat its
fruit. (Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang nagsisiibig sa kaniya ay
magsisikain ng kaniyang bunga.)

Malinaw na sinabi ng DIyos na ang ating dila ay kayang pumatay at magbigay buhay sa isang
tao. Bagama’t napakaliit lamang ng parte na ito ng ating katawan, napakalaki pala ng maaari niyang
gawin sa atin.

Ngayon, iisipin natin, sa paanong paraan kayang pumatay ng dila? At sa paanong paraan din
nito kayang magbigay buhay?
Kung ating babalikan ang Bibliya mula sa umpisa, lahat ng bagay na nakikita natin ay nilikha ng Diyos
sa pamamagitan ng Kaniyang Salita. Sa pamamgitan nito, Maging ang mga hayop at tayong mga tao
ay nagkaroon ng buhay.

So, ito po ay sa part ng ating Diyos, In contrast naman, sa atin at kay Satanas, sa pamamgitan
din ng salita ay doon na pumasok ang kamatayan. Yun yung panahon na tinukso ni satan Si Eva at
Adan. (Sabi ni Satan, kainin niyo ang prutas na ito). Dahil sa salita ni Satanas, natukso si Eva at Adan at
dito na pumasok ang kamatayan.

So, ibig sabihin lamang po dito na, noon pa man, mula pa sa simula, Salita na ang pinagmulan
ng lahat. So, Ganun ito kapowerful. Kaya nitong pumatay at magbigay buhay. Espiritwal man o pisikal.

Iyon ay panimula ko pa lamang, bukod pa rito, napakarami pang paraan kung paano nga ba kayang
pumatay ng ating mga dila.

MATEO 12:36-37 – Tandaan ninyo, sa araw ng paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang
kabuluhang salitang sinabi niya. Pawawalang-sala ka o parurusahan ka batay sa iyong mga salita. “

So, dito po makikita natin, na sa pagdating po ng araw ng paghuhukom, tayo ay hahatulan ng Diyos
batay sa kung anong mga salita ang lumalabas sa ating bibig.

(Alam natin na ang isang taong hindi nakakakilala sa Diyos ay, kung ano-anong hindi
magagandang salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Tayo bilang mga Kristiyano, iwasan po
natin ang mga salitang hindi magandang pakinggan, iwasan natin ang mga malalasawang usapan,
pagmumura, at mga salita na maaring ikatisod ng ating kapwa. So, kahit anong salita man yan na
alam mong hindi magandang pakinggan, hindi nakalulugod sa pandinig ng iba at lalong hindi
nakakalulugod sa ating Diyos, huwag na nating babanggitin ang mga ito. Dahil lahat pong ito ay may
parte sa ating kaligtasan.)
SANTIAGO 3:6 – Ang dila ay isang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong
pagkatao. Ang apoy na ito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao.

Our tongue is a fire. At sabi pa diyan, ang apoy na ito ay mula sa impyerno. So, ibig sabihin po diyan,
ang ating dila pala ang pinakamakasalanang parte ng ating katawan dahil kaya nitong sunugin ang
buhay ng tao.
Alam naman natin na ang apoy ay napakainit. At walang sinuman ang kayang humawak nito. Pero
diba, once you touch it, or accidentally, napaso ka ng apoy, diba masakit? Kahit sabihin pa nating
daplis lang yan, it will leave you a mark, mamumula, diba? Paso pa lang yan, masakit na, what more
kung apoy sa impiyerno ang dumampi sa katawan natin? Asupre na yan. As in sobra pa sa
lumalagablab na apoy. Eh di, BURN, diba?
Dito po, pinapakita na hindi lang sa kapahamakan ang maaring maidulot ng bawat salita, maaari itong
magdulot ng sakit ng damdamin sa ating kapwa. Kahit pa sabihin nating simpleng salita man yan para
sayo, pero sa pandinig ng iba, mag-iiwan na po yan ng kirot.
1. Sabi nga po sa KAWIKAAN 12:18 – Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin,
Lahat ng mga masasakit na salita na ating mabibitawan sa kawpa natin, can cause depression
and stress to them. You may not hurt them physically, but emotionally and spiritually, pwede
po sila manghina. At hindi po yun ang nais na makita sa atin ng Panginoon. As brothers and
sisters and Christ, He commanded us to love one another, even our enemy, diba. How could you
say you love that person, kung halos masasamang salita ang pinaparinig mo sa kanya? Example
na lang, sa ating mga magulang. Mahal mo magulang mo, pero panay ang sagot mo ng
pabalang sa tuwing napagsasabihan ka niya. You can’t even say I love you, Ma. I love You pa.
Pero sa mga kaibigan at special someone mo, sobrang sweet mo?? How unfair naman ata. May
mga anak na, sinasabihan ang kanilang mga magulang na “wala kang kwentang magulang. Sana
hindi na lang ikaw ang nagging nanay ko” …. (Give another example).
So may mga ganun pong scenario talaga, but hopefully, wala naman dito sa inyo ang ganun.
Yun po, iwasan po natin ang mga masasakit na salita sa ating kapwa. Hindi lang buhay ng isang tao
ang pwedeng masira, kundi pati relasyon mo sa iyong kapwa at yung integridad mo din. Express our
love to them not because you think they don’t deserve that love from you, but because, this is what
the Lord has commanded us to do. Ingatan natin yung relasyon na meron tayo sa kanila, marahil, ito
ay binuo niyo nang matagal, kaya huwag natin hayaang masira, dahil kahit isang salita lang yan,
maaaring gumuho ang lahat ng anumang meron kayo. Diba, mas matagal at mas mahirap pahilumin
ang sugatang puso kesa sa sugat sa katawan.
2. Ang dila din po natin ay maaaring magpabagsak sa atin. Sa paanong paraan? Simple lang- Sa
pamamagitan ng pagmamayabang natin. Sabi nga po sa James 3:5- Ganyan din ang dila ng
tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng mga ipinagyayabang. Ito po
yung mga salita ng pagmamalaki at pagmamataas mo sa tao. Yung ang taas-taas na ng tingin
mo sarili mo, at ang baba na ng tingin mo sa kawpa mo. At alam naman po natin na nakasulat
din po ito sa Bible, na ibinibagsak ng Diyos ang sinumang nagmamataas. Marahil ngayon,
inienjoy mo yung buhay mo, natutuwa ka na nasa itaas ka at nakalalamang ka sa iba, pero
darating din ang araw, babaliktad ang mundo mo.
Tandaan po natin na kahit gaano man kataas ang ating narating, gaano man tayo kagaling,
isang pitik lang ng ating Panginoon, maaaring bawiin Niya sa atin ang lahat ng ipinagmamalaki
natin. Tandaan din po natin, na wala tayong pag-mamay-ari ni kahit alikabok sa mundong ito.
Wala kahit ni isa. Kaya wala tayong karapatan na magyabang at magmalaki ng mga bagay-
bagay na meron tayo.
Pero diba, once you achieved something, sanay tayo na ikwento kasi nga masaya ka, and syempe
proud ka kaya minsan hindi mo mapigilan ipagyabang din kung ano man na achieved mo. Likas ito sa
atin na hindi natin kayang pigilan ang ating mga dila. Sabi nga sa James 3:7-8 – Lahat ng ibon at hayop
na lumalakad o gumagapang, o nakatira sa tubig ay kayang paamuhin at mapaamo ng tao, ngunit
wala pang nakakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng kamandag na
nakamamatay. (Kung sa hayop, ang dila natin ay katulad na ng isang makamandag na ahas). So,
ganun talaga ito ka-destructive and powerful. Siguro kung talagang nais natin ibahagi kung ano meron
tayo, let’s make sure na we bring back all the glory and honor to the Lord kasi tanging Siya lamang ay
karapat-dapat na maitaas. Let’s always practice humbleness dahil ito ang nais ng Lord.

___________________________________________________________________________________

Sa kabila nga ng nakamamamatay na kamandag ng ating dila, gaya nga ng nabanggit kanina sa
Proverbs 18:21, ito din ay nagbibigay buhay. Tapos na tayo doon sa kamatayan.

1. By our tongue, we can be saved. Sabi sa Romans 10:9- Kung ipapahayag ng iyong bibig na si
Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na Siya’y muling nabuhay, maliligtas
ka. So, we have to confess by our tongue that Jesus is our Lord and Savior. Hindi lang sa isip
natin. Nais ng ating Diyos na marinig ito mula sa ating mga bibig.

2. By our tongue, we can be forgiven. 1 JOHN 1:9 – Subalit kung ipapahayag natin ang ating mga
kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating mga
kasalanan., sapagkat siya’y matuwid.

Kailan natin to ginagawa? Syempre sa ating pananalangin. Lahat ng uri ng kasalanan natin,
maliit man yan o malaki, we need to confess it to the Lord by our tongue. Tayo nga, pagka may
nakagawa satin ng mali, gusto natin marinig mismo ang salitang SORRY. So, ganun din Si Lord.
Let’s use our tongue to communicate to our Lord constantly. Use our tongue to worship Him in
Spirit and in truth. By doing these, we can have the Christlike character. Kasi diba, sabi,
sapagka’t Siya’y matuwid. Tandaan natin, ang walang komunikasyon at relasyon sa Lord ay
patay sa kanyang Espiritu.

3. By our tongue, we can receive miracles from God. Diba tayong mga Kristiyano, naniniwala
tayo na, if we declare blessings, then we will be blessed, we declare healing, then we will be
healed. But remember that miracles can happen if we only have faith in Him. Kung may doubt
ka lang naman, wag ka ng magdeclare. Take note that declaration is always accompanied with
faith. Kaya kung anuman yung mga dinidesire ng puso natin, anuman yung mga bagay na nais
nating hingiin sa Panginoon, declare it with with faith at ibibigay din naman Niya mga yan satin
kung ito ay Kanyang kalooban.
Wag nating sanayin na puso at isip lang natin nakikipag ugnayan sa Lord. Gamitin lagi natin ang
ating mga bibig. Pero syempre, yung mga mabubuting bagay lang ang dapat na dinideclare po
natin, Iwasan nating magdeclare ng curse sa kapwa natin. Because there’s power in
declaration. There’s power in our words.

Bago po ako magtapos, mag-iiwan ako ng isang verse na sobrang helpful din sakin everytime na
may dinideclare ako..MARK 11:24 Whatever you ask for in prayer, believe that you have
receive it and it will be yours.

Hopefully, may natutunan po tayong lahat. Bilang pagtatapos po, Nawa tayong mga
nakakakilala na kay Kristo ay walang ibang ibang mamutawi sa ating mga bibig kundi ang
dakilang pag-ibig ng ating Panginoon, mga words of encouragements, at kung ano pang mga
salitang nakakalugod sa ating kapwa at higit lalo sa ating Diyos. Dahil kung ano ang lumalabas
sa ating mga bibig, yan po ay nagpapakita ng totoo nating pagkatao. Mag-ingat sa mga
bibitawang salita. NOT JUST THINK BUT PRAY BEFORE YOU SPEAK.

Lagi nating piliin ang mga salitang magbibigay buhay at ang lahat ng ito ay magagawa natin sa
Gabay at tulong ng ating Panginoong Jesus. AMEN.

You might also like