You are on page 1of 5

SEEING THE GOLDSMITH’S FACE

NAKIKITA ANG MUKHA NG PLATERO

READ : Romans 8:29; Job 23:1–10; Matthew 25:31–46;


Daniel 12:1–12; Ephesians 4:11–16

2 Corinthians 3:18
“Tayong ay walang takip na tela sa mukha. Nakikita ng mga tao sa
ating paligid na mayroon tayong dala-dalang liwanag galing sa ating
Panginoon. At ang ating dala-dalang liwanag ay patuloy sa kaniyang
pagliliwanag kagaya nang sa Kanya. Ang Panginoon, ang Banal na
Espíritu na gumagawa nito ay pinapaging katulad tayo sa Diyos.
~Paraphrase M.O.
WE “All of us have no cloth over our faces. People can see that we
have some of the bright and wonderful light that the Lord has.
And we are becoming brighter and brighter, more and more like
[the same as] him. It is the Lord, the Spirit, who does this [makes
us the same as God]”
CEV  So our faces are not covered. They show the bright glory of
the Lord, as the Lord's Spirit makes us more and more like our
glorious Lord. 
BBE  But we all, with unveiled face giving back as in a glass the
glory of the Lord, are changed into the same image from glory to
glory, even as from the Lord who is the Spirit.
ERV  And our faces are not covered. We all show the Lord's glory,
and we are being changed to be like him. This change in us
brings more and more glory, which comes from the Lord, who is

(A GOLDSMITH is a metal worker who SPECIALIZES IN WORKING


WITH GOLD and other precios metals. Nowadays they mainly specialize in
jewelry-making BUT HISTORICALLY, goldsmiths have also made
silverware, platters, goblets, decorative and serviceable utensils, and
ceremonial or RELIGIOUS ITEMS.)
the Spirit.
A STORY ILLUSTRATION:

Page 1 of 5
Dinala ni AMY CARMICHAEL ang isang grupo ng mga bata sa isang
goldsmith sa India. Ang goldsmith o panday ng ginto ay mayroong
maningas apoy sa kanyang pagawaan. Ang nasabing goldsmith ay
naglagay ng isang maliit na parisukat ng niluto (baked) na putik sa apoy.
Sa parisukat na putik, ang goldsmith ay naglalagay ng asin, ilang espesyal
na prutas (katas), at alikabok. Pagkatapos ay sinindihan niya ang mga
pinaghalong sangkap sa apoy. Sa gitna ng nasusunog na halo na ito ay
isang bukol ng ginto. Nasunog ng apoy ang dumi at maliliit na bato sa
loob ng ginto. Gumamit ang goldsmith ng ilang espesyal na kagamitan
upang alisin ang ginto sa apoy. Pagkatapos ay sinuri niya ang ginto. Kung
hindi pa handa ang ginto, ibinalik ito sa apoy. Pagkatapos ay pinainit
niya ang apoy. Tinanong ng grupo ng mga bata ang goldsmith, "Paano mo
malalaman kung handa na ang ginto?" Sumagot ito ng, “Kapag nakikita
ko ang aking mukha dito.” —Amy Carmichael, Learning of God (Fort
Washington, PA: Christian Literature Crusade, 1989), p50, adapted.
Nais din ng Diyos na ihanda tayo. Gusto niyang gawin tayong pareho ng
ginto. Nais ng Diyos na makita ang Kanyang sarili sa atin . Paano tayo
binabago ng Diyos upang tayo ay magmukhang katulad Niya?
Pinahihintulutan Niya tayong magdusa at magkaroon ng mga mahihirap na
pagsubok, mga mapapait, masasakit at mga karanasang tila imposible
nating malagpasan sa pananampalataya sa ating buhay. Ang mga pagsubok
na ito ay nagpapakita sa atin kung ano ang nasa ating mga puso sa huli.

1. Ang LAYUNIN:
MADE TO LOOK THE SAME AS GOD (Romans 8:29)
 PAGNINILAY SA LARAWAN NG DIYOS
— Sa umpisa, nilikha ng Diyos ang sangkatauhan ayon sa Kanyang
larawan (Genesis 1:27). Gayunpaman, sinisira ng kasalanan ang
imaheng iyon sa mga tao sa loob ng maraming siglo
— Isa sa mga layunin ng Ebanghelyo ay ibalik ang larawan ng
Diyos sa atin (Roma 8:29).
— Nabubuhay tayo sa gitna ng cosmic conflict. Nakatingin ang
buong mundo at lahat ng makalangit na nilalang. Dapat nilang

Page 2 of 5
makita ang repleksyon ng karakter ni Jesus sa atin (1 Corinto 4:9;
Efeso 3:10).

STAYING STRONG DURING TIMES OF SUFFERING (Job


23:1–10)
 PAGIGING PARANG GINTO
— Pinagtibay ng Diyos na si Job ay isang “walang kapintasan at
matuwid” na tao (Job 1:1). Pagkatapos ay naghasik ang kaaway ng
mga pagdududa sa pamamagitan ng pagtatanong sa motibasyon ni
Job (Job 1:9-11).
— Nasa bingit ng desperasyon si Job. Hindi niya maintindihan
kung bakit nangyayari ang lahat ng trahedyang iyon, ngunit
naunawaan niyang sinusubok siya. Natitiyak niyang ang prosesong
iyon ay magpapaningning sa kanya na parang ginto sa bandang
huli, na siya ay magiging perpekto.
— Ang ating tunay na pagkatao ay makikita sa pinakamahihirap na
pagsubok, at ito ay dinadalisay ng mga ito. Sa mga kritikal na
sandali na iyon, pinagbubuti ng Diyos ang mga aspeto ng ating
pagkatao na hindi sana makikita.

2. Ang RESULTA:
JESUS’ FINAL WORDS (Matthew 25:1–13, 31–46)
 PAGPAPAUNLAD NG ATING KARAKTER
— Ang pagkakaiba ng dalawang grupo ng mga dalaga ay ang
suplay nila ng langis
— ( Mateo 25:1-4 ). Ang unang kahulugan ng langis ay ang Banal
na Espiritu, ngunit maaari rin itong bigyang kahulugan bilang
karakter.
— Magtatagumpay tayo sa labanan kung lalago ang ating mga
karakter o ugali sa pamamagitan ng malapit na kaugnayan kay
Jesus.
— Pinagtibay ni Jesus na ang ating karakter ay makikita sa paraan
ng pakikitungo natin sa iba (Mateo 25:34-36).

Page 3 of 5
THE WISE (Daniel 12:1–12)
 PAGTATAGUMPAY SA LABANAN
— In Daniel and Revelation, we see that humankind will be divided
into two groups in the End Time: the pure and the wicked, those
who understand and those who don’t
— Sa aklat ng Daniel at Apocalipsis, makikita natin na ang
sangkatauhan ay mahahati sa dalawang grupo sa End Time: ang
dalisay at ang masama; ang mga nakakaunawa at ang mga hindi
(sila yung mga panatiko sa mga nasa sa sanlibutan na sarado
ang pag-iisip) -Daniel 12:10; Apocalipsis 22:11.
— Ayon kay Jeremias, ang panahong iyon ay magiging “panahon
ng kabagabagan ni Jacob” (Jeremias 30:7). Kapag natapos na ang
panahon ng biyaya, ang mga tinubos ay magkakamit na ng huling
tagumpay at dadalisayin at lalong pakikinangin. Samantala, ang
masasama ay magpapatuloy sa kanilang paghihimagsik laban sa
Diyos at magpapakasama pa. (isipin nyo na ang katangian at
ginagawa ng mga masasama na nababalitaan natin, ang mga
yaon ay walang panama sa makikita natin sa End Time na
uugaliin ng mga tao.) - Daniel 12:10; Revelation 22:11.

3. Ang Ating TULONG:


OUR HEARTS AND OUR COMMUNITIES (Ephesians 4:11–16)
 KUMUNIDAD
—Obviously, developing our character is an individual work.
However, what about the character of the community? Can the
Church develop and perfect its character?
—Malinaw, ang pagpapaunlad ng ating karakter ay isang indibidwal
na gawain. Gayunpaman, paano naman ang karakter ng Iglesia?
Maaari bang paunlarin at gawing perpekto ng Iglesia ang karakter
nito?
—Ang karakter ng Iglesia ay ang kabuuan at pinagsama-samang ng
karakter ng bawat miyembro. (Mga pinagsama-samang karakter
o mga pag-uugali o mga talent, na nagko-complement o

Page 4 of 5
kumukumpleto sa kaubuuhan ng samahan, na may layunin na
buuin o bumuo ng isang katawan na tutugon sa panawagan ng
Diyos sa patuloy na pagtatapat sa pananampalataya.-M.O.)
—Ang karakter na ito ay pinadadalisay kapag tayo ay nagtutulungan
sa pagtulong sa iba. Ito rin ay isang makapangyarihang patotoo
para sa lahat ng nilalang sa langit (Efeso 3:10).

Disclaimer:
This copy is adapted, tagalized and modified from ER/TE of quarterly lesson and
from fustero Eng. M.O.

Page 5 of 5

You might also like