You are on page 1of 26

PANITIKANG ASYANO Enero 07-12, 2022

MODYUL 1 at 2:
Parabula o Talinghaga
Metaporikal na
Pagpapakahulugan
(UNANG LINGGO)

Guro: G. Michael Angelo Dulman


Maligayang pagdating sa una at ikalawang modyul ng
ating ikatlong markahan! Kumusta ang araw mo?
Malugod kong binabati ang iyong ipinamalas na
kagalingan.

Handa ka na ba? Sa pagkakataong ito, ihanda ang


inyong sarili para sa panibagong kaalaman. Tara at
lakbayin natin ang mundo ng panitikan ng Timog-
Kanlurangang Asya!
Da Who?

Samson
Da Who?

David at Goliath
Da Who?

Noah
Da Who?

Moses
Da Who?

Adan at Eba
Ang inyong mga nabanggit ay pawang mga karakter sa mga tunay
na salaysay mula sa Bibliya. Nasa Bibliya ang iba’t ibang anyo ng
panitikan kabilang na ang parabula. Ang parabula ay naglalaman
ng mga aral ni Hesus, na nakapaloob sa matatalinghagang
pahayag.
Maraming simbolong matatagpuan sa Bibliya na may kahulugang
ispiritwal.
May mga pagkakataong nabanggit ang puting kalapati sa Lumang
Tipan at Bagong Tipan ng Bibliya. Sa Bagong Tipan , ang kalapati ay
kumakatawan sa Banal na Espiritu na lumitaw noong bininyagan ni
San Juan Bautismo si Hesus sa Ilog Jordan.
Ang “bato” ,sa literal na kahulugan nito ay isang bagay na matigas.
Samantalang sa mga Kristiyano, kumakatawan ito sa kalakasang
hinuhugot natin mula sa pananalig natin sa Panginoon, wika nga,
“Ang Panginoon ay ang” batong ating sandigan” sa panahon ng
kasawian o kahirapang nararanasan.
“Sa dulo ng bahaghari ay may gintong kayamanan”. Ang
metaporang ito ay nangangahulugang pagtatagumpay, pagkakamit
ng mga pangarap sa buhay. Sa kabilang dako ,batay sa kuwento ni
Noah sa Unang Tipan ng Banal na Aklat, lumitaw ang bahaghari
matapos humupa ang delubyo. Ang bahaghari ay siyang simbolo na
magpapaalala sa sangkatauhan ng pangakong pagpapala mula sa
Panginoon.
Ano ng ba ang Parabula?
Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na
nagsasaad ng dalawang bagay na maaaring tao, hayop, lugar o
pangyayari para paghambingin. Ito ay makatotohanang
pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad
sa Banal na Aklat.
Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa
marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng
parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ang parabula ay
di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin
kundi binubuo rin nito ang ating moral at espirituwal na pagkatao.
Tinatawag ding talinghaga ang parabula. Ayon sa Diksyonaryong
Sentinyal ng Wikang Filipino ang talinghaga ay “parirala,
pangungusap o isang salaysay na may malalim o hindi tuwirang
kahulugan na kailangang pag-isipang mabuti upang maunawaan.
Sa kahulugang ito maaaring ibilang sa talinghaga ang tayutay,
idyoma at parabula. Ang lahat ng ito ay may kahulugang iba sa
kahulugang literal..
Narito ang mga halimbawa ng mga parabula na mababasa sa
Ikalawang Tipan ng Bibliya:

1. Alibughang Anak ( Lukas 15: 11-32 )

2. Parabula ng Sampung Dalaga ( Lukas 15:11-32 )

3. Ang Mabuting Samaritano ( Lukas 10: 25-37 )

4. Parabula ng Nawawalang Tupa ( Lukas 15: 1-7 )

5. Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin ( Mateo 25: 14-30 )


Sa iyong babasahing parabula ngayon, suriing mabuti
ang mga simbolo at pangyayari na may tagong
kahulugan. Lawakan ang pag-unawa at humingi ng
gabay sa Banal na Espiritu upang ang mensahe sa iyo
ng Panginoon sa parabulang ito ay malantad sa iyong
puso at isipan.
Ang Mabuting Samaritano
( Lukas 10: 25-37 )

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan


Alamin:
Ang parabula ay hindi lamang isang simpleng kuwento kundi Salita
ng Diyos na hango sa Banal na Aklat. Ginamit ng ating Panginoong
Hesusang mga salaysay na ito sa kanyang pangangaral.
Gumagamit ng pagtutulad at metapora ang parabula upang
bigyang - diin ang ispiritwal na kahulugan ng mga simbolo at
pangyayaring nakapaloob dito.
Naglalarawan ito ng mga tunay na nangyayari sa buhay ng tao na
may layuning umakay sa matuwid na landas ng buhay tungo sa
pagiging mabuting Kristiyano .
Tulad sa isang karaniwang kuwento, ang parabula ay mayroon ding mga
elemento:

1. Tauhan – ito ay ang mga gumaganap sa istorya.


2. Tagpuan – ang pinangyarihan ng kuwento, maging ang oras o
panahon kung kailan ito naganap.
3. Banghay-paglalahad ng pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod,
may simula, gitna at wakas.
4. Aral o Mensahe– ito ang moral at ispiritwal na pagpapahalaga na nais
iparating ng parabula sa mambabasa o tagapakinig.

You might also like