You are on page 1of 13

“ANG TUNAY NA SUPERHERO”

DAY 2
SINO ANG IYONG INIIDOLONG SUPER HERO?
JUAN: MANUNULAT NG AKLAT NG PAHAYAG A.D 96
• Isa sa labindalalawang desipolo
• Tinaguriang “Anak ng Kulog” at nakilala bilang isang ‘’minamahal na desipolo’’
• Nag sulat ng 5 aklat (Gospel of John, 1 Jhon, 2 Jhon, 3 Jhon, Revelation
“Ang aklat ngaba ng Pahayag ay aklat ng katatakutan?”
“Ang aklat ng Pahay ay isang makulay na
paglalarawan sa ating panginoon”
Para malaman natin na totoo ito basahin natin ang unang mga talata ng aklat na ito:

Ito ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay ng Diyos sa kanya at kanyang inihayag


kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel na kanyang isinugo. Ang layunin
ng paghahayag na ito'y ipakita sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit
nang maganap. Pinatotohanan ni Juan ang lahat ng kanyang nakita. Ito ang kanyang
patotoo tungkol sa mensahe ng Diyos at sa katotohanang ipinahayag ni Jesu-Cristo.
Pinagpala ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa propesiya nito, at
tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat malapit na itong maganap. (Pahayag 1:1-3).
• Mayroong syang 38 na katawagan

Ilan na ditto ang “Ang Una at ang Pinakahuli, Ang Anak ng Dios, Ang
Banal at Totoo, Ang Leon ng Tribu ni Juda, Ang Salita ng Dios, Ang Hari
ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, Ang Alpa at ang Omega.

Isa sa mga kapangyarihan ng panginoon na naipakita sa aklat ng
revelation ay ang Paglikha.

Revelation 3:14
ay sinasabi sa atin na si Hesus ay “Ang Siya Nawa, ng saksing tapat at
totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios.”

Ang salitang “panimula,” na ginamit sa talatang ito ay mula sa salitang


Griego na archē, na ang ibig sabihin ay tagalikha o tagapamahala.
Cordero.
Ginamit ang pangalang ito sa revelation ng 28 beses upang tukuyin si
Hesus! dahil ang larawan ngcordero o ng tupa ay nagpapaalala sa atin ng
karupukan at kahinaan. Kung sa karamihan ang simbolo ng tupa ay
sumasagisag sa kahinaan, sa Biblia ito ay sumisimbolo sa kapangyarihan
at pananagumpay.
Sinasabi sa Pahayag kabanata 5, talatang 9 at 10 patungkol sa cordero:

“Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat,


at magbukas ng mga tatak nito:
sapagka't ikaw ay pinatay,
at binili mo sa Dios ng iyong dugo
ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios;
at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.
Katapusan:
Ang kwento ni John Franco
Mga Katanungan sa Pagninilay-Nilay at Pag-aaral

1. Sino ang sumulat ng aklat ng Pahayag?


2. Ano ang ibig sabihin ng salitang “Pahayag”?
3. Ilang mga pangalan ang ginamit ni Juan sa Pahayag?
4. Ayon sa Pahayag 1:5-6, ano ang nagawa ng ating superhero para sa bawat
isa sa atin?

You might also like