You are on page 1of 1

21. Ano ang kahalagahan ng Lumang Tipan para sa mga Kristiyano? (cf.

CCC 121-
122)
Para sa ating mga Kristiyano, unang una, ang Lumang Tipan ay mahalaga sapagkat
ito’y salita ng Diyos. Ikalawa, ito ay mahalaga sapagka’t dito ay unti-unting inihahanda
ang tao sa pagpapahayag ng Diyos ng kanyang sarili sa pamamagitan ni Hesukristo,
ang kabuuan ng pagpapahayag ng Diyos. Sa puntong ito, huwag tayong
magkakamaling isipin na ang Bagong Tipan ay mas higit bilang Salita ng Diyos kaysa
sa Lumang Tipan dahil ito ay naglalaman ng kabuuan ng pagpapahayag ng Diyos.
Hindi po. Ang kabuuan ng Banal na Kasulatan ay Salita ng Diyos.
Mahalagang maunawaan natin ang Lumang Tipan sapagkat minsan sa ating
pagbabasa, may mga bagay, o maraming bagay na hindi natin lubusang maunawaan at
minsan ay nagbibigay sa atin ng mga katanungan. Minsan naiiskandalo tayo sa
nababasa natin. Bakit may mga ganito? Bakit may ganyan? Ito ay sa kadahilanang hindi
natin binabasa ang mga bagay bagay sa Lumang Tipan sa konteksto nito. Ibig sabihin,
kung para saan ito nasulat o anong panahon nasulat ang partikular na libro o anong
pangyayari noong panahong ito ay isinulat.
Kaya nga alalahanin natin na iba ang ugali at kultura noong mga panahong nasa sulat
ang Lumang Tipan at iba rin hanggang noong panahon ni Hesus. Ang Diyos ang
lumapat sa tao sa Lumang Tipan at unti-unting dinadala ito sa kabuuan ng
pagpapahayag. Sa madaling salita, hindi binigla ng Diyos ang tao na agad agad ay
ipahayag ang kabuuan sa isang pagkakataon lamang. Alam ng Diyos ang limistasyon
ng tao. Kaya nga mapapansin natin na mula sa pamantayang “mata sa mata at ngipin
sa ngipin”, ang Diyos ay unti-unting dinala ang tao sa turo ng “pagmamahal sa
kaaway”, “pagdarasal sa mga ito”, atbp. Makikita natin sa Lumang Tupan na ang Diyos
ay naging mapagpasensya sa tao sa kanyang pagtuturo at paggabay.
Sa Lumang Tipang, inihahanda ng Diyos ang puso ng bayang Israel sa pagdating ng
Mesiyas lalo’t higit sa pamamagitan ng mga propeta.

FrMMAL2022

You might also like