You are on page 1of 15

PAGDATAL

Ang salitang advent o Pagdatal ay galing sa salitang Latin na


adventus na may kahulugang pagdating o coming/arrival. Sa panahon
ng pagdatal, ating pinagdiriwang ang pagdating ng ating Panginoon
sa Bethlehem, ang kanyang pagpasok sa ating mga puso at sa
kanyang muling pagbabalik (Second Coming). Sa apat na Linggo
bago nating ipagdiwang ang pasko, ang ating pagsamba ay
tumatawag sa atin sa isang panahon upang maghintay sa pagdating
ng Panginoon. Ang paghahandang ginagawa natin para sa muling
pagparito ni Kristo ay katulad ng mga paghahandang ginagawa ng
Israel para sa pagdating ng Mesiyas. Ang mga termino gaya ng pag-
asa (hope), pananabik (longing or eager anticipation), pagtingin sa
araw (looking toward the day) ay nagpapahayag ng uri ng damdamin
ng Israel habang hinihintay ang pagdating ng Mesiyas. Ang mga
salitang iyon na naglalarawan ay nagsasaad din ng damdamin nating
mga Kristiyano habang hinihintay natin ang muling pagbabalik ni
Kristo at ang pagtubos sa lahat ng bagay.
Ngunit ang kahandaan ay higit pa saating nadarama. Readiness is
more than a feeling. Dahil kabilang dito ang moral at espirituwal na
paghahanda, na gaya sa sinabi ni Pedro sa kanyang sulat, “mamuhay
kayo nang may kabanalan at sikapin ninyong maging maka-Diyos
habang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos” (2 Pedro 3:11-12a). Dahil
dito, ang isang buhay na maka-Diyos na pag uugali ay binibigyang
diin sa mga pagbasa ng banal na kasulatan sa unang dalawang
linggo ng Pagdatal. Ang ikatlong Linggo naman ay napapalitan ng
kagalakan. At habang tayo ay papalapit sa pagsilang ng ating
Panginoon, ang ika-apat na Linggo ay nakatuon sa pagkakatawang-
tao ng Diyos kay Kristo Hesus na ang Diyos ay sumasaatin at
palaging sasaatin.
Ang Panahon sa Pagdatal o Advent Season ay nagmamarka na
pasimula ng panibagong liturhiyang taon. Ang mga pagbasa kada
Linggo ay nakaayos sa tatlong taong siklo o three-year cycle. Bawat
taon ay may partikular na Gospel na kung saan ito ang gagamitin sa
loob ng isang taon. At dahil nga ang katatapos lamang na Year A
cycle na kung saan nakatuon sa Ebanghelyo ayon kay Mateo, ang
Year B naman ay nakatuon sa Ebanghelyo ayon kay Marcos. Ang
Gospel of Mark ay gagamitin ng bilang Gospel readings kada Linggo
hanggang bago mag Advent Season sa susunod na taon.
03 December 2023
Ang Panahon ng PagdatJal ay naglalaman ng apat na Linggo. At ito
1st Sunday of Advent | Advent of Hope
ang mga sumusunod:
Family Sunday
1st Sunday of Advent – Advent of Hope
Pamagat: Pag-asa sa Kabila ng Pagdurusa
2nd Sunday of Advent – Advent of Peace
3rd Sunday of Advent – Advent of Joy Mga Batayang Talata
4th Sunday of Advent – Advent of Love Isaiah 64:1-9; Psalm 80:1-7, 17-19;
1 Corinthians 1:3-9; Mark 13:24-37
Lila o purple ay kulay ng Adbiyento o Pagdatal dahil ito ay
sumisimbolo sa paghahanda, penitensiya at royalty. Ito din ay
panahon upang magsisi sa ating mga kasalanan at ipakita ang ating
katapatan sa Diyos. Sa ating paghahanda sa kapanganakan (birth) at PAGBUBULAY:
muling pagbabalik (second coming) ng ating Diyos, marapat lamang Ang talata ngayong Linggo ay pagtatapos ng mga babala ni
na tayo ay magsisi, humiling ng kapatawaran sa Diyos, ihanda ang Jesus sa kanyang mga alagad. Binigyang-diin ni Jesus ang
ating mga puso, at maging tapat sa ating paglilingkod. Ito ang pangangailangang maging mapagbantay. Ang Anak ng Tao ay
kahalagahan ng ating paghahanda sa muling pagparito ng ating darating nang walang babala; tanging ang Ama lamang ang
Tagapagligtas na si Kristo Hesus ang ating Mesiyas. nakakaalam ng eksaktong oras (Mk 13:32). Kaya nga hindi dapat
mahuli ang mga disipulo na hindi handa pagdating ng panahong ito.
Naniniwala ang mga iskolar na ang Ebanghelyo ayon kay
Marcos ay isinulat noong mga panahon ng pagkawasak ng Jerusalem
ng mga Romano noong A.D. 70. Ang mga tagapakinig ni Marcus
namumuhay sa matinding hirap both social at political times o times of
conflict. Malamang sila ay nakakaranas ng pag-uusig at marami
ngang pinapaslang na mga Kristiyano sa panahong ito. Hindi na bago
ang mga paalalang sinambit ni Jesus noong siya ay kasama pa siya
nila. Lagi niyang pinapaalalahanan ang kanyang mga disipolo na sila
ay makakaranas ng mga pag-uusig, pagdurusa at maging pagkitil sa
kanilang buhay. Ang mga sinaunang Kristiyano ay naglakas-loob
mula sa babala ni Jesus na manatiling alerto at mapagbantay.
Ang paghahanda ang susi (Preparation is the key ika nga)
pagdating sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Ipinapaalala sa atin
ng Ebanghelyo ngayon na ang Pagdatal ay tungkol sa higit pa sa
ating paghahanda sa pagdiriwang sa kapanganakan ni Kristo sa
Pasko. Ang Pagdatal ay tungkol din sa paghahanda ng ating sarili
para sa muling pagbabalik ni Kristo sa katapusan ng panahon. Tulad
ng mga disipulo at mga mananampalataya, kailangan din nating
manatiling alerto at mapagbantay. Ang ating katapatan sa Diyos, sa 10 December 2023
kabila ng magagandang panahon gayundin ng mahihirap na panahon,
2nd Sunday of Advent | Advent of Peace
ay nagpapakita sa atin na handa tayo sa pagdating ng Anak ng Tao.
International Human Rights Sunday
Ngayong unang Linggo ng Pagdatal, ating sisindihan sa
Advent Wreath ang unang kandila – ang Kandila ng Pag-asa. Kung Pamagat: Kahalagahan ng Kapayapaan
ating tutulungan ang mga taong lubos na nangangailangan ng tulong, Mga Batayang Talata
suporta at habag, sila din ay nakakatanggap ng pag-asa mula sa atin. Isaiah 40:1-11; Psalm 85:1-2, 8-13;
Ito ang nagbibigay sa kanila ng kapanatagan na may ibang 2 Peter 3:8-15a; Mark 1:1-8
nagmamalasakit sa kabila ng kanilang nararanasan sa buhay.
Hayaan natin na gawin tayong daluyan ng pagpapala ng Diyos sa iba
upang maranasan nila na ang pag-asang ito ay nanggagaling walang PAGBUBULAY:
iba kundi sa ating mahabaging Diyos. Ang Ebanghelyo ngayon ay hango sa simula ng aklat kay
Kaya sa panahon ng Pagdatal, maging paanyaya nawa ito sa Marcos. Hindi tulad nina Lucas at Mateo, hindi isinama ni Marcos ang
atin na matiyagang maghintay habang kumikilos tayo nang naaayon anumang detalye sa kapanganakan ni Jesus. Sa halip, si Marcos ay
sa kanyang kahabagang-loob. Kailangan nating maging alerto at nagsisimula sa pagpapakita ni Juan Bautista sa disyerto. Ngayong
handa para sa muling pagdating ni Kristo na para bang hindi Ikalawang Linggo ng Pagdatal, inaanyayahan tayong pagnilayan ang
inaasahan tulad ng isang magnanakaw sa gabi. Simulan natin ang papel na ginagampanan ni Juan Bautista, na naghanda ng daan para
panahong ito ng may katiyakan na ang Diyos ang ating pag-asa sa kay Jesus at sa kaligtasang idudulot niya sa atin.
kabila ng pag-uusig at pagdurusa. Ang paglalarawan ni Marcos sa pagpapakita ni Juan Bautista
ay nagtatampok ng pagpapatuloy ni Juan sa tradisyon ng propeta ng
mga Judio. Pinagsama ni Marcos ang mga sipi mula sa mga aklat ng
Lumang Tipan sa Malakias, Isaias, at Exodo. Ang paglalarawan ni
Marcos kay Juan bilang isang naninirahan sa disyerto, nakadamit ng
balahibo ng kamelyo, at kumakain ng mga balang at pulot-pukyutan
ay nagpapaalala sa paglalarawan ng propetang si Elias na
matatagpuan sa 2 Mga Hari. Ang mga tao sa Judea at Jerusalem ay
dumadaloy sa kanya, nakikinig sa kanyang mensahe ng pagsisisi at
kapatawaran, lumalapit din sila sa kanya para magpabinyag. Gayun
pa man, malinaw sa Ebanghelyo ni Marcos na ang papel ni Juan
Bautista ay ihanda lamang ang daan para sa isa pang darating, isang
taong mas dakila sa kanya.
Si Juan Bautista ay prinesenta sa atin bilang huwaran sa
panahon ng Pagdatal. Tayo rin ay tinawag na maghanda ng daan
para sa ating Panginoon. Tulad ni Juan Bautista, tayo ay mga sugo sa
paglilingkod sa isang taong mas dakila sa atin. Ang Diyos ang
nagsugo sa atin dahil tayo ay binawtismuhan sa espiritu ng Diyos. At
dahil tayo ay binawstimuhan sa kanyang Banal na Espiritu, marapat
lamang na gawin ang kalooban ng Diyos sa ating kapwa. Kailangan 17 December 2023
nating tanggapin ang mga obligasyon ng mga taong nangangailangan
3rd Sunday of Advent | Advent of Joy
ng ating tulong. Dahil sa pamamagitan ng pagtulong natin sa mga
nangangailangan, ito ay nagbibigay daan sa atin upang makatagpo Pamagat: Ang Liwanag na Handog ay Kagalakan
ng kapayapaan sa ating mga puso. Habang sinusundan natin ang
mga yapak ni Juan na sumisigaw habang inihahanda ang daan para Mga Batayang Talata
sa Panginoon, tandaan na hindi ito tungkol sa atin. Kailangan nating Isaiah 61:1-4, 8-11; Ps. 126 or Lk. 1:46b-55;
ihanda ang daan nang may pag-asa at kapayapaan dahil ito ay para 1 Thess. 5:16-24; Jn. 1:6-8, 19-28
sa ating Panginoon.
Sa ating paghahanda sa muling daraanan ng ating Panginoon PAGBUBULAY:
sa muli niyang pagbabalik, nawa magsilbi tayong huwaran sa Inaanyayahan tayo ng Ebanghelyo ngayong Linggo na
pagpapalaganap ng kapayaan. Simulan natin ito sa ating pamilya; ipagpatuloy ang pagninilay sa pagkatao at misyon ni Juan Bautista.
kung meron man tayong alitan sa ating mga kapatid, sa ating mga Ang mga sugo mula sa mga saserdoteng Judio, ang mga Levita at
magulang, patawarin natin sila at panumbalikin ang pagmamahal na ang mga Fariseo ay nagtatanong kay Juan tungkol sa kanyang
naudlot dahil sa tigas ng ating mga puso. Gayun din sa ating pagkakakilanlan at ang kahulugan ng mga binyag na kanyang
komunidad, sa ating kapwa, maging sa ating iglesiya. Ang isinasagawa. Binanggit dito na si Juan Bautista ay hindi ang Mesiyas,
pagkakaroon ng peace of mind ay higit pa sa anu mang yaman rito sa ni siya si Elias o ang Propeta. Ang tanging nagpapatibay na tugon na
lupa. Ito ang kahalagahan ng kapayapaan. Hayaan nating kumilos ibinigay ni Juan Bautista ay nang banggitin niya ang mga teksto mula
ang Diyos sa ating buhay habang ating inihahanda ang kanyang kay propetang Isaias. Inihayag din ni Juan na ang tagapagligtas na
daraanan para sa muli niyang pagbabalik at paghahari sa ating lahat. kanilang hinahanap ay kasama na nila, ngunit hindi pa nila nakikilala.
Ang sagot ni Juan ay kapahayagan sa ating pagdiriwang ng Pagdatal
– na si Jesus ay pumarito sa mundo bilang ating Tagapagligtas.
Ipinapaalala rin sa atin na si Jesus ay muling paparito upang tuparin
ang pangako ng kaligtasan. Dalangin natin na patuloy tayong maging
mapagbantay habang inaasam ang dakilang ng muli niyang
pagbabalik.
Ang ikatlong Linggo sa Pagdatal ay tinatawag ding Linggo ng
Gaudete. Ang Gaudete, isang salitang Latin na nangangahulugang
"rejoice," magalak, o magdiwang. Ito ay isang paalala na ang
Pagdatal ay isang panahon ng kagalakan at pagdiriwang dahil ang
ating kaligtasan ay sumasa-atin na sa pamamagitan ng ating
Panginoong Hesus. “16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong
manalangin, 18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon;
sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay
Cristo Jesus” (1 Thess. 5:16-18).
Ang unang kabanata ng Ebanghelyo ayon kay Juan ay isang
kahanga hangang paglalarawan kay Jesus bilang Kristo. Siya ang
liwanag sa kadiliman, ang Salita ng Diyos na nagkatawang tao. Ang
ito ang misyon ni Juan, ang pagpapaalala sa kanyang mga kasama 24 December 2023
na dumating na ang Kristo na siyang magliligtas sa kanila. Ang
4th Sunday of Advent | Advent of Love
kanyang pangunahing tungkulin ay maging isang patotoo na ang Ilaw
ay dumating na sa mundo na magbibigay liwanag sa madilim nilang Pamagat: Ang Diyos ng Pag-ibig
nakaraan. Hindi ba ang ilaw ang nagbibigay sa atin ng liwanag upang
makita nating lubusan ang gusto nating makita? Marahil ang Mga Batayang Talata
paghahanda ay nangangahulugan lamang ng pag-aayos ng ating 2 Sam. 7:1-11, 16; Lk.1:46b-55 or Ps. 89:1-4, 19-26;
mga mata upang makita ang liwanag na sa tingin natin hindi natin Rom. 16:25-27; Lk. 1:26-38
makita. Tinatawag tayo ng Diyos na maging saksi tulad ni Juan na
tuturo kay Jesus na siya ang presensya ng Diyos ng kapayapaan. PAGBUBULAY:
Para kay Juan, nangangahulugan iyan na dapat ituon ang kanilang
sarili kay Jesus at hindi sa kanya. Gaya nung nakaraang Linggo, Ngayong Linggo ay mababasa natin ang kuwento ng anunsyo
tandaan natin na hindi ito tungkol sa atin, ito ay tungkol kay Jesus na ng anghel na si Gabriel kay Maria tungkol sa pagsilang ni Jesus. Ang
magdadala ng kapayapaan sa buong mundo. Gaya sa ating kuwentong ito ay matatagpuan lamang sa Ebanghelyo ayon kay
nararanasan na kapag mayroong brown-out, tumitili o sumisigaw tayo Lucas. Sa ikaapat na Linggo ng Pagdatal, inilipat ang ating pansin
dahil biglang nawalan ng liwanag. Ngunit kapag ang kuryente at ilaw mula kay Juan Bautista patungo kay Maria, ang ina ni Jesus. Sina
ay bumalik muli, tayo ay nagagalak at nagdiriwang. Gayundin si Jesus Juan at Maria ay kapwa nagsisilbing mahahalagang tao para sa ating
sa atin bilang ating Liwanag ng Buhay. Siya ang nagbibigay ng pagninilay sa panahon ng Pagdatal; pareho silang gumanap ng
kagalakan at liwanag sa madilim nating nilalakaran. Sa gitna ng instrument o papel sa paghahanda ng daan para kay Jesus.
kadiliman at kabiguan, nawa lagi nating tandaan na ipinadala ng
Ano ang gagawin mo kung may anghel na lumapit sa iyo at
Diyos ang Liwanag sa mundo upang magbigay ng kagalakan sa ating
sabihin na ikaw ay kinalulugdan ng Diyos? Matatakot ka ba o
mga puso.
magrereact tulad ng kay Maria? Tiniyak ng anghel sa kanya at
sinabing huwag siyang matakot. Kung tayo ay magtitiwala sa Diyos,
walang rason para tayo ay matakot dahil ito ay nanggagaling sa
kanya. Bilang matatapat na disipulo ng ating Panginoong Jesus, tayo
rin, ay tinawag upang ipahayag ang Mabuting Mensahe ng Kaligtasan
sa ating kapwa. Tayo ay pinagpala ng Diyos ng mga natatanging
kaloob at talento, at inilagay tayo ng Diyos sa mga pagkakataong
gamitin at ibahagi ang mga kaloob na ito. Maaari nag-iiisip tayo kung
nauunawaan natin ang pagkatawag sa atin. Na tila ba napaka-
imposibleng gawin. Alam natin sa mga sarili natin na mayroong din
tayong mga kahinaan at kakulangan sa karanasan. Ngunit tiniyak ng
Diyos gaya ng katiyakan kay Maria na siya din ay sasa-atin. Kung ang
Espiritu ng Diyos ay nagawa ang itinuturing na imposible gaya ng
ginawa kay Elizabeth at Maria, ano pa tayo na kanyang mga anak na
kaya ding gawing posible ang mga bagay na tila imposible sa ating
pagkakaunawa. Ang katiyakan ng anghel kay Maria ay salita rin ng
kapanatagan sa bawat isa sa atin: “Sasaiyo ang Espiritu Santo at
mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos.”
(lucas 1:35a)
Sa ating paghahanda sa muling pagparito ng ating
Panginoong Hesus, nawa itamo natin sa ating mga puso ang
kagandahang-loob ng Diyos sa atin. Ibinigay sa atin ng Diyos ang 25 December 2023
kanyang Anak upang tayo’y hindi mapahamak kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan (Juan 3:16). O kay dakilang pag-ibig ng Christmas Day
Diyos sa atin! Pamagat: Tanging Araw na Ating Pinakamimithi
Sa ating pagdiriwang ng huling Linggo sa Pagdatal, atin ding Mga Batayang Talata:
ipahayag ang pag-ibig na ito sa bawat isa. Ang Pagdatal ay panahon Isaiah 62:6-12; Psalm 97;
ng pagiging mabuti, pagaalala sa iba, at pagbabahaginan. Ito din ay Titus 3:4-7; Luke 2:1-20
panahon upang magmahalan tulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin
sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng kanyang
pinakamahalagang kaloob. Kung paanong ang Diyos ay pag-ibig, tayo
PAGBUBULAY:
din ay tinatawag upang ibahagi itong pagmamahal ng Diyos sa iba. At
nawa sa darating na pasko, tumimo nawa sa ating mga puso “na Sa talatang binasa sa Ebanghelyo ayon kay Lucas, ito ay
walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos” (Lk. 1:37). nagsisimula patungkol kay Emperador Caesar Augustus na
Na sa ating pagsunod sa kanya, tapat ang kanyang pangako na hindi magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Roma sa
niya tayo iiwan at pababayaan dahil siya ang Diyos na buhay, ang panahong iyon. Ang sensus na ito ay dapat ang lahat ng tao ay
Diyos ng pag-ibig. nakarehistro upang magkaroon ng matibay na batayan sa
pagpapataw ng buwis sa iba't ibang bahagi ng Imperyong Romano.
Kaya (v.4) ang mag-asawang si Jose at Maria ay umuwi mula sa
Nazaret papuntang Bethlehem upang magpatala. Hindi ba isa itong
kapansing-pansing pagkakataon na matutupad ang nasasabi sa
propesiya na ang manununo sa Israel ay magmumula sa ng Juda
(Micah 5:2)? Ang talata ding ito ay nagtatapos sa pagpapahayag ng
Mabuting Balita sa mga pastol, na siyang mga hinahamak ng
karamihan sa lipunan noong panahong ito dahil sa kanilang
mababang-uri ng kanilang pamumuhay. Gayun pa man, makikita
natin na ang paglaganap ng Mabuting Balita ay hindi naipahayag sa
mga religious leaders o mga matataas na antas ng lipunan at maging
sa Emperador. Ito ay naipahayag sa mga pastol upang ipakita ng
Diyos ang kanyang pagmamahal sa lahat at hindi sa iilan lamang.
Inihahayag ng Diyos ang pagsilang ng Tagapagligtas sa mga
ordinaryo at mabababang tao.
(v.10) “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang
balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng
tao.” Ang mga salitang iyan ay patuloy na napakahalaga hanggang sa mga kaaway ay pinagkakasundo, kung saan ipinahahayag ang
ngayon. Isang Tagapagligtas ang isinilang na magbabago sa mundo, mabuting balita, ang mga kasalanan ay pinatatawad, at ang mga
magbabago ng buhay hanggang sa ating lahat. Alam natin na hindi buhay ay nagbabago. Sa pagdiriwang natin ng kapanganakan ng
madali ang hindi matakot dahil sa mga nangyayari sa mundo ngayon: Mesiyas, inaasam natin ang araw na ang kanyang paghahari ng
mula sa COVID-19 at sa iba’t ibang virus na lumalaganap sa ibang katarungan, awa, at kapayapaan ay ating makakamtam nang
lugar; ang giyera na nangyayari ngayon sa Russia at Ukraine, at sa masaganang lubos. Sa pagdiriwang nga natin ng kapaskuhan, nawa'y
Israel at Hamas; mga lindol at bagyo; korupsyon sa iba’t ibang antas mapuspos tayo ng kagalakan, pag asa, kapayapaan, at pagmamahal
ng gobyerno, at pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Madalas, ang ating hindi lamang sa ating pamilya at mga kaibigan, kundi sa bawat taong
mga problema sa buhay ay nauugnay din sa ibang tao. Hindi sila nakakasalamuha natin sa buong darating na taon. Maging mabuti
sang ayon sa atin o tayo sa kanila. Nagkakaroon tayo ng argumento tayong kristiyano at maging mabuting kaibigan sa isa't isa dahil sabi
dahil sa iba-ibang pananaw at paniniwala. Sumusuway sila at nga sa Titus 3:6-7, “6 Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang
ginagawa ang mga bagay na hindi natin gusto at may sinasabi sila na Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-
nakaka-offend sa atin. Kaya ang mga sitwasyong tulad nito ay Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang
nagdudulot sa atin na matakot, na baka mawala sila bilang ating mga kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan
kaibigan o maging ka-pamilya. Gayun pa man, ang mensahe ngayong nating buhay na walang hanggan.”
kapaskuhan ay hindi para tayo ay matakot sa mga pagsubok at
Pasko, pasko, pasko na naman muli! Tanging araw na ating
suliranin sa buhay kundi tayong lahat ay magkaroon ng buhay na
minimithi… dahil ang araw na ito ay araw na kung kailan isinilang ang
masaganang lubos (Juan 10:10).
Tagapagligtas – ang naglitas sa atin sa kasalanan at nagkaloob sa
Gaya ng pagtawag ng Diyos sa mga pastol, tayo din ay atin ng buhay na walang hanggan!
ginagamit ng Diyos upang ipahayag ang Mabuting Balita sa mga
lubos na nangangailangan regardless of age, gender, o social status,
dahil lahat tayo ay pantay-pantay at dapat lamang na ang Mabuting
Balita ng kaligtasan ay maipahayag sa bawat isa. Hindi nawa natin
makalimutan na ang rason kung bakit tayo ay nagdiriwang ng
kapaskuhan ay dahil: “…gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa
sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak,
upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,
kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
(v.11) Ang Tagapagligtas ay isinilang para sa atin, kahit na
ilang siglo na ang lumipas, at ang kanyang pagsilang ay Mabuting
Balita para sa lahat ng tao. Siya ay naparito upang magdala ng
kapayapaan sa lupa sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa atin sa
Diyos at sa isa't isa sa kapangyarihan ng pag-ibig na nagpapalayas
ng takot. Patuloy nating nararanasan ang kanyang paghahari sa
mundo na kung saan itinataas ang mga maralita — kung saan
tinatanggap ang mga itinakwil, kung saan pinapakain ang mga
nagugutom, kung saan ang mga maralita ay binibihisan at binibigyan
ng tahanan, kung saan ang mga bihag ay pinalalaya, kung saan ang
Panginoon. Ipinakikita nito na ipinanganak si Jesus sa isang
mapagpakumbaba at tapat na pamilya na sumunod sa kalooban ng
Diyos. Ang gawaing ito ay nagpapakita ng halimbawa para sa mga
magulang na gabayan ang kanilang mga anak nang naayon sa gabay
at mga turo ng Diyos.
2. Ang Paghihintay sa Pangako ng Diyos. Sina Simeon at
Ana ay matiyang naghintay sa pagdating ng Mesiyas at sila’y
31 December 2023 ginantimpalaan ng Diyos na makita nilang mukhaan ang magliligtas
sa sanlibutan. Tulad nina Simeon at Ana, tayo din ay mga
1st Sunday in Christmastide tagapagmana ng pangako ng Diyos. Ito din ay nasasaad sa Galatia
4:7, “Ginawa na kayo ng Diyos na mga anak at hindi na mga alipin, at
Pamagat: Bagong Taon ay Magbagong-buhay
kung gayon kayo'y mga tagapagmana niya.”
Mga Batayang Talata:
3. Ang Pagkilala kay Jesus bilang Tagapagligtas. Kinikilala
Isaiah 61:10-62:3; Psalm 148;
nina Simeon at Anna si Jesus bilang ipinangakong Tagapagligtas.
Galatians 4:4-7; Luke 2:22-40
Nakikita ni Simeon si Jesus bilang katuparan ng mga pag-asa at
PAGBUBULAY: pangarap ng mga Hudyo, habang si Ana ay nakikita Siya bilang
tagapagligtas ng Jerusalem. Bagama’t ito ay nangyari dalawang-
Ang Ebanghelyo ngayong Linggo ay isang mahalagang talata libong taon nang nakalipas, patuloy nating nakikilala si Jesus dahil sa
sa Bagong Tipan. Isinasalaysay nito ang pagdadala kay Jesus sa kanyang kaluwalhatian at pagliligtas sa atin. Sina Simeon at Anna ay
Templo sa Jerusalem na kung saan ang pamilya ni Jesus ay parehong propeta na nagsalita din ng mga propesiyang mangyayare
sinalubong ni Simeon at Ana na matagal na ding naghihintay sa sa buhay ni Jesus at Maria. Ito ay nagpapatunay na si Kristo ang
pagdating ng Tagapagligtas. Nang makita ni Simeon si Jesus, pinuri pangako ng Diyos na maglilitas ng sanlibutan.
niya ang Diyos at ipinahayag na nakita na niyang mukhaan ang
Tagapagligtas na inihanda para sa lahat ng bansa, at sa anumang 4. Pagpupuri sa Diyos. Binibigyang diin ng talatang ito ang
oras ay handa na siyang yumao nang mapayapa. Si Ana, isang kahalagahan ng pagpupuri sa Diyos. Gaya nina Simeon at Ana,
propetang babae, ay nagpasalamat din sa Diyos nang makita niya bagaman sila ay matanda na, sila ay patuloy pa ding nagpupuri sa
ang sanggol na si Jesus. Siya ay 84 na taong gulang na araw’t gabing Diyos. Hindi naging hadlang kanilang edad at lupang katawan sa
sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pagpupuri, pag-aayuno at pananalangin sa Diyos. Tayo din sa ating
pananalangin. murang edad ay hinihikayat na sambahin ang Diyos sa lubos nating
makakaya.
Ano ba ang matututunan natin sa talatang ito? Ano ba ang
kahalagan nito sa ating buhay bilang mga kristiyano at papaano natin Ipinaaalala sa atin ng talatang ito ang kahalagahan ng
ito maipapahayag sa ating mga sarili ngayong pagsapit ng bagong pagtitiis, katapatan, pagsunod sa Salita ng Diyos, at pagkilala sa
taon? Kanyang gawain sa ating buhay. Sa pagsapit ng bagong taon, nawa
ay tumimo sa ating mga puso ang kahalagahan Kristo sa ating buhay.
1. Ang Pagsunod sa Mensahe ng Diyos. Ang pagdadala kay Sinusunod ba natin ang Mensahe ng Diyos nang may pagmamahal at
Jesus sa templo ay tanda ng pagsunod ni Jose at Maria sa Mensahe pasasalamat? Nagtitiwala ba tayo sa Diyos kahit na tayo ay
ng Diyos. Dinala nila si Jesus sa Jerusalem upang ilaan siya sa nahaharap sa matinding pagsubok at paghihirap? Kinikilala ba natin si
Panginoon at mag-alay dahil ito ang nakasaad sa Kautusan ng Jesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas? Pinupuri ba natin ang
Diyos sa kabila ng ating nararanasan sa buhay? Handa ba tayong iniulat sa bawat isa sa tatlong Ebanghelyong Sinoptiko—Mateo,
maging mabuting magulang sa mga bata na gabayan sila nang Marcos, at Lucas. Sa makatuwid, ang pagbawtismo ni Jesus ay isang
naayon sa kagustuhan ng Diyos? Nawa ngayong bagong taon sikapin kaganapan na may malaking kahalagahan o impact para sa kanya at
nating mabago ang ating buhay nang naayon sa dakilang kalooban para sa unang pamayanang Kristiyano. Ayon sa sulat nina Marcos at
ng Diyos. Tulad nina Jose at Maria, sila ay nagsumikap dahil ito ang Lucas, ang tinig mula sa langit ay naka-addressed o nakadirekta kay
kalooban ng kanilang Panginoon. Gayun din sina Simeon at Ana na Jesus mismo. Sa Ebanghelyo ni Mateo, ang tinig mula sa langit ay
nagsumikap upang makita nilang mukhaan ang kanilang para sa lahat ng naroroon. Ang pagbaba ng Banal na Espiritu kay
Tagapagligtas. Tayo din ay dapat na magsumikap tungo sa Jesus sa kanyang pagbawtismo ay nag-uudyok na sila ay binabago
pagbabago ng ating buhay ngayong nagbabagong panahon. para sa pasimula ministeryo ni Jesus sa mga tao. Ito ay nagsasabi sa
atin na bago pa man tayo maging disipulo ni Jesus ay dapat muna
7 January 2024
tayong bawtismuhan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang ang
1st Sunday after Epiphany Day mensaheng ating ipapahayag ay nanggagaling mismo sa ating
Baptism of the Lord Sunday Panginoon at Tagapagligtas.

Pamagat: Ang mga Anak ng Diyos Ang epipanya ay kahalingtulad sa manifestation o revelation
ng Diyos sa mga tao. Ang pagbawtismo ni Jesus ay itinuturing na
Mga Batayang Talata: isang mahalagang pagpapakita ng Diyos sa katauhan ni Jesus. Ang
Genesis 1:1-5; Psalm 29; pagbawtismo ni Jesus ay pagpapasimula sa kanyang misyon. Kung
Acts 19:1-7; Mark 1:4-11 ating itutuloy ang Ebanghelyo ayon kay Marcos 1:12-13, ito ay kung
saan siya ay tinukso sa disyerto patungo sa kanyang ministeryo sa
Galilea. Tayo ay pinapaalalahanan na bagamat tayo ay
PAGBUBULAY: binawtismuhan sa Banal na Espiritu ay makakaranas din tayo ng mga
pag-uusig, mga tukso, at maging ng mga pagsubok. Ngunit dahil sa
Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Pagbawtismo
ating pagpupursigi at buong-tiwala sa ating Panginoon, may
ng ating Panginoon, at ito ay ipinagdiriwang tuwing Linggo
kasiguraduhan tayo na ang Diyos ang siyang kasama natin ang mag-
pagkatapos ng Epipanya. Sa Ebanghelyo ngayon ay mababasa natin
aakay sa ating paghayo ng Mabuting Balita.
ang paghahambing ni Juan sa kanyang bautismo sa pagsisisi sa
bautismo na ipapahayag ni Jesus. Sinabi ni Juan na siya ay Sa katatapos lamang na Christmas Season, na kung saan ay
bininyagan sa pamamagitan ng tubig, ngunit ang darating sa kanilang may labindalawang araw, ang Ebanghelyo sa atin ngayon ay hindi
kalagitnaan ay babawtismuhan sila sa pamamagitan ng Banal na nag-uumpisa kung ano buhay ni Jesus sa kanyang pagkabata. Sa
Espiritu. Ang pagbawtismo ni Juan sa kanyang mga tagakinig ay hindi halip, inihahayag sa atin ang kaugnayan ni Jesus sa Diyos na ang
binyag ng mga Kristiyano; ito ay paghahanda para sa Kristiyanong anak ni Maria at Jose ay Anak din ng Diyos. Naniniwala tayo na sa
Binyag (Christian Baptism) na ipinagdiriwang natin ngayon, at sa ating bawtismo ay tayo din ay ginawang mga anak ng ating Diyos.
pamamagitan nito ay pinatatawad ang mga kasalanan at tinatanggap
ang kaloob na Banal na Espiritu. Si Jesus, na bagaman walang bahid Sa patuloy nating paghayo bilang mga kristiyano ngayong
ng kasalanan, ay nakipagkaisa sa lahat ng makasalanan upang ang bagong taon, maisapuso natin nawa ang kahalagahan ng ating
sinuman ang bawtismuhan sa Banal na Espiritu ay tumatanggap sa bawtismo. Na sa ating bawtismo tayo ay binago at patuloy na
kanya bilang kanyang Panginoon at Tagapaglitas. binabago ng Banal na Espiritu. Gaya ng sinabi ng Diyos sa kanyang
Anak na si Jesus, na kung ating tatanggapin ang kaloob sa atin na
Mababasa natin ang pagbawtismo kay Jesus sa tatlong Banal na Espiritu, maririnig din natin ang tinig na mula sa langit at
Synoptic Gospels – Mateo, Marcos, at Lucas. Ang binyag ni Jesus ay
nagsasabing, “Ikaw ang minamahal kong anak; lubos kitang Pinapakita sa ating sa Ebanghelyo sa Linggong ito kung
kinalulugdan.” Tayo ay mga anak ng Diyos. Marapat lamang na paano tinawag ni Jesus ang kanyang mga unang disipulo at inihayag
ipahayag natin ito sa mga tao at maging instrumento tayo ng ang kanyang pagkakakilanlan at misyon sa kanila. Sa talatang ito,
pagbabago sa ating komunidad, sa ating pamilya, sa ating iglesiya, at makikita nais na ipunto ni Jesus: (1) Ipinapakita nito na si Jesus ang
sa buong mundo. pumipili at tumatawag sa kanyang mga disipulo. Alam niya ang lahat
tungkol sa kanila, bago pa man siya makilala ng kanyang mga
disipulo; (2) Agad sumunod si Felipe kay Jesus nang siya ay tinawag
niya. Ibinahagi rin niya ang mabuting balita sa kanyang kaibigang si
Natanael, at sinabi sa kanya na natagpuan niya ang Mesiyas na
ipinangako sa Kasulatan. Ipinakikita nito na ang pagsunod kay Jesus
14 January 2024 ay kinapapalooban ng personal na katapatan at pag-eebanghelyo; (3)
Namangha si Natanael sa pagsasabing nakita siya ni Jesus sa ilalim
2nd Sunday after Epiphany Day ng puno ng igos bago pa man siya tawagin. Ipinakikita nito na si
Prayer for Christian Unity Sunday Jesus ay may di-pangkaraniwang kaalaman at kapangyarihan. Alam
Niya ang lahat tungkol sa atin, maging ang ating mga iniisip at
Pamagat: Pagkakaisa ng may Pagmamahalan, Layunin, at Misyon
ginagawa. Nakikita rin Niya tayo saan man tayo naroroon, kahit hindi
Mga Batayang Talata: natin ito namamalayan.
1 Samuel 3:1-20; Psalm 139:1-6, 13-18;
Ngayong Linggo sa ating pagdiriwang ng Prayer for Christian
1 Corinthians 6:12-20; John 1:43-51
Unity Sunday, nawa maging inspirasyon ang ating talata sa
Ebanghelyo ngayon na ang pagkakaisa ng mga Kristiyano sa mundo
ay makakamit natin kung patuloy tayong mananalangin at iintindihin
PAGBUBULAY: ang ating pagkakaiba-iba. (1) Si Jesus na siyang tumawag sa mga
Ngayong Linggo tayo ay nagdiriwang ng Prayer for Christian disipulo ay siya ding tumawag sa atin tungo sa ating pagkakaisa
Unity Sunday. Ito ay tawag sa mga Kristiyano sa buong mundo na bilang mga Kristiyano. (2) Gaya kay Felipe, tayo din nawa’y sumunod
ipagpatuloy ang panalangin ng pagkakaisa anuman o saan mang sa yapak ng ating Panginoon at iparangal ang Mabuting Balita na siya
Christian Denominations tayo napapabilang. Ito ay isang mahalagang ang ating Diyos na magliligtas sa atin dahil tayo ay pinagkalooban
konsepto sa Kristiyanismo na tumutukoy sa ideya na magkaisa sa niya ng buhay na walang hanggan. Sa ating paghayo bilang mga
pananampalataya at paniniwala. Ito ay batay sa panalangin ni Jesus mabubuting disipulo ng ating Panginoon, mas mapapatibay natin ang
na magkaisa ang lahat ng mga Kristiyano (Juan 17:20-23). Ang ating pagkakaisa kung sinusunod natin ng may katapatan ang ating
pagkakaisa ng mga Kristiyano ay batay sa ibinahaging buhay kay Panginoong Jesus. Sa ganitong paraan, makikila ang ating
Kristo at ito ay isang pangunahing pinagmumulan ng patotoo sa Panginoon na ang kanyang mensahe ay upang magkaroon ng
mundo. Ito ay ipinapahayag sa pamamagitan ng karaniwang kapayapaan at pagkakaisa saan man sulok ng mundo. (3) Alam ng
pagmamahal (common love), layunin, at misyon. Ang kahalagahan ng Diyos ang ating mga kalakasan at kahinaan. Alam ng Diyos ang lahat
pagkakaisa ng mga Kristiyano ay namamalagi sa katotohanan na ito ng bagay sa atin tulad ng nabanggit sa Mga Awit 139:13-18. Higit sa
ay isang patotoo sa pagiging Diyos ng ating Panginoong Jesus. lahat, alam ng Diyos kung tayo ba ay nananalangin sa patuloy na
Kapag hindi magkasundo ang mga mananampalataya, pinipigilan nito pagkakaisa ng mga Kristiyano sa buong mundo. Hinihikayat tayo na
ang mundo na maniwala na pumarito si Jesus upang magkaroon ng maging tapat sa ating pagsunod at paghayo ng karaniwang
kapayapaan at pagkakaisa. pagmamahal (common love), layunin, at misyon.
Ang katawan ng ating Panginoong Hesus ay iisa lamang
ngunit maraming bahagi. At bawat bahagi ay may espesyal na gawain
para sa misyon, ngunit ang lahat ng bahagi ay dapat nagkakaisa sa
Ulo ng Katawang ito na walang iba kundi ang ating Panginoon. Tulad
sa nasasaad sa Efeso 4:13, hindi natin ma-aabot ang ganap na
pagkakaisa ng mga Kristiyano hangga't hindi natin nakakamit ang
buong sukat ng kabuuan ni Kristo. Kaya malamang hindi natin lubos
na mapagtanto ang pagkakaisa ng mga Kristiyano sa mundong ito
ngunit dapat natin itong pagsumikapan. Ang pagkakaisa na hatid ng
pananampalataya kay Kristo ay nagpapalawig sa pagmamahal ng
Diyos sa mundo at nagpapakita ng katotohanan kung sino at gaano
kadakila ang ating Panginoon. Kaya sa ating patuloy na paghayo, 21 January 2024
ating iparanas ang pagmamahal sa bawat isa. Dahil sa ating pag-ibig
sa kapwa masisimulan natin ang pagkakaisa tungo sa layunin at 3rd Sunday after Epiphany Day
misyon ng ating Panginoong Jesus. Pamagat: Ang Pagsunod ng Walang Pag-aatubilin
Mga Batayang Talata:
Jonah 3:1-5, 10; Psalm 62:5-12;
1 Corinthians 7:29-31; Mark 1:14-20

PAGBUBULAY:
Kung ating mapapansin, ang Ebanghelyo ni Marcos ay hindi
nagsisimula sa isang salaysay tungkol sa kapanganakan ni Jesus. Sa
halip ay nagsisimula si Marcos sa pangangaral ni Juan Bautista.
Inilarawan si Juan bilang tinig sa ilang na isinugo upang ihanda ang
daan ng Panginoon. Matapos ilarawan ang gawain ni Juan, iniulat ni
Marcos ang bawtismo ni Jesus at ang kanyang tukso sa disyerto.
Nagsimula ang ministeryo ni Jesus sa publiko matapos madakip si
Juan Bautista na siyang Gospel Reading ngayong Linggo. Nais ni
Marcos na maunawaan ng kanyang mga mambabasa ang
mahalagang koneksyon sa pagitan ng pagtatapos ng ministeryo ni
Juan Bautista at ang simula ng ministeryo ni Jesus.
Tulad ng natututuhan natin sa simula ng pagbasa ng
Ebanghelyo ngayon, ipinangangaral ni Jesus ang Kaharian ng Diyos
gaya ng pangangaral ni Juan Bautista. Tulad ni Juan Bautista, ang
pagpapahayag ni Jesus ng kaharian ay panawagan sa pagsisisi.
Subalit ang pangangaral ni Jesus ay higit na dakila kaysa kay Juan.
Sinimulan ni Jesus ang panahon ng katuparan; nandito na ang Diyos sa atin, na kung tapat ang ating mga puso, susundin natin siya
Kaharian ng Diyos. Ang mga pagpapagaling at pagpapatawad ni nang walang pag-aatubilin.
Jesus sa mga kasalanan ay mga tanda ng Kaharian ng Diyos na
ipinapahayag niya sa kanyang pagtuturo.
Sinasabi sa ating Ebanghelyo ngayon na si Jesus ay tumawag
sa apat na mangingisda—sina Simon, Andres, Santiago, at Juan.
Magkapatid sina Simon at Andres gayun din sina Santiago at Juan.
Ipinangako ni Jesus na gagawin niya silang "mangingisda ng mga
tao." Hindi naisulat sa Marcos ang mga salita ng paanyaya ni Jesus
sa kanila, ngunit nasasabi dito na agad silang umalis sa pangingisda;
ang kanilang ama na si Zebedeo ay naiwan sa bangka.
Kung ating mapapansin, ang Ebanghelyo ayon kay Marcos ay 28 January 2024
madaling mag shift from one to story to another. Dahil gusto niya na
4th Sunday after Epiphany Day
ang focus ng kanyang mga sulat ay nakatuon sa ministeryo ni Jesus,
National Bible Sunday
ang kanyang mga pagpapagaling sa mga tao, at ang kanyang
dinanas sa krus ng kalbaryo. Gaya ng mga tinawag na mga disipulo ni Pamagat: Ang Salita ng Diyos ay Mayaman
Jesus, agad silang kumilos at sumunod sa kanya. Ang oras at
panahon ay mahalaga sa kanila kaya isinantabi nilang pangingisda at Mga Batayang Talata:
ang kanilang kabuhayan para maging alagad ni Jesus. Deuteronomy 18:15-20; Psalm 111;
1 Corinthians 8:1-13; Mark 1:21-28
Sinabi ni Jesus na ito na ang panahon ng katuparan, ibig
sabihin natutupad ang plano ng Diyos sa pamamagitan niya. Sinasabi
rin niya na ang kaharian ng Diyos ay malapit na, ibig sabihin ang PAGBUBULAY:
paghahari at pamamahala ng Diyos ay nagaganap na sa mundo sa
pamamagitan niya. Inaanyayahan niya ang mga tao na magsisi, na Ang Ebanghelyo ngayong Linggo ay nagpapatuloy sa ating
nangangahulugang baguhin ang kanilang mga isip at puso, at pagbabasa mula sa Marcos at naglalarawan na karaniwang araw sa
maniwala sa ebanghelyo, na nangangahulugang magtiwala sa kanya ministeryo ni Jesus – ang pagpapagaling sa mga may sakit. Si Jesus
at sa kanyang mensahe. Ganun din ang ginawa ni Jonah nang siya at ang mga disipulo na piniling sumunod sa kanya sa Ebanghelyo
ay tawagin ng Diyos at ipahayag ang mensahe sa Nineveh. Agaran noong nakaraang linggo ay dumating sa Capernaum, isang maliit na
din siyang kumilos upang iparating sa mga taong naroon na kailangan nayon sa Dagat ng Galilea. Si Jesus ay nagtuturo sa sinagoga sa
na nilang talikuran ang masasamang gawain at magsisi sa kanilang Araw ng Pamamahinga. Sinasabi dito na ang mga tao ay tumugon sa
kasalanan. Ipinahihiwatig din sa atin na kung nais nating sundin si turo ni Jesus nang may pagkamangha, napansin ang awtoridad ni
Jesus, kailangan nating talikuran ang buhay na mayroon tayo ngayon Jesus at inihambing ito sa mga eskriba.
at mamuhay ayon sa kanyang wangis at larawan. Ang pangingisda ay Pagkatapos mangaral ni Jesus, isang mas kamangha-
tinuturing ding isa sa mga mababang antas ng pamumuhay noong manghang bagay ang nangyari. Isang lalaking sinapian ng masamang
panahong ito ngunit sila ay tinawag ng Diyos, bagaman kakarampot espiritu ang sumigaw sa kanilang kalagitnaan. Tulad ng nakikita natin
lamang ang kanilang kita sa pang araw-araw, sila ay sumunod sa sa halimbawang ito at sa buong Ebanghelyo ni Marcos, ang mga
tawag ng kanilang Panginoon. Ito ang kahalagahan ng mensahe ng espiritu at demonyo ay tila kilala si Jesus at madalas na natatakot sa
kanya. Sa katunayan, tila mas nauunawaan nila ang pagkakakilanlan tao nang hindi inuunawa ang konteksto nito; sa bandan huli, imbis na
ni Jesus kaysa sa kanyang mga alagad. Inutusan ni Jesus ang makatulong ito, naging hadlang pa ang ating pang-unawa at
espiritu na manahimik at paalisin ang masamang espiritu sa lalaki. interpretasyon sa panghusga ng kapwa. Kaya marapat lamang na sa
Ang kakayahan ni Jesus na pagalingin ang mga inaapi ng mga ating pag-aaral ng Salita ng Diyos ay naiintindihan natin lubos at
demonyo ay indikasyon ng kanyang kapangyarihan laban sa hinihiling na ang Banal na Espiritu ang kumilos upang atin itong
kasamaan. isapamuhay. Tunay nga na kung sasaliksikin natin ang Salita ng
Diyos, may kakamting lugod ang buhay dahil ito ay mayaman at
Noong panahon ni Jesus na hindi pa ganoon ang kakayahan
punong-puno ng pag-asa.
ng siyensa (science), ang lahat ng karamdaman ay naunawaan na
pagpapakita ng kasamaan at pagkamakasalanan. Ang ating
modernong pag-unawa sa sakit ay talagang magkaiba noon. Ang
pagkakaroon ng masamang espiritu ay maaaring mailarawan natin sa
isang tao na may sakit sa pag iisip ngayon. Maaaring naging paraan
pa ito ng paglalarawan ng ilang uri ng pisikal na kalagayan. May
katibayan na maraming uri ng exorcists at healers sa unang siglo sa
Palestine. Si Jesus ay tila katulad ng mga tagapagpagaling na ito, 4 February 2024
ngunit nagpapagaling siya nang may natatanging awtoridad at
iniuugnay ang kanyang mga gawain sa pagpapagaling sa mga salita 5th Sunday after Epiphany Day
ng kanyang pangangaral.
Pamagat: SMS: Sumunod, Manalangin, Sumampalataya
Ang kapangyarihan ni Jesus na magpagaling ay nagbibigay ng
Mga Batayang Talata:
higit na kredibilidad sa kanyang pagtuturo. Pinahanga ni Jesus ang
Isaiah 40:21-31; Psalm 147:1-11, 20c;
mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga salita, na ipinakikita nang
1 Corinthians 9:16-23; Mark 1:29-39
may kapangyarihan sa kanyang mga gawa. Sinasabi sa atin ng
Ebanghelyo ni Marcos na dahil sa awtoridad na kanyang pinagaling,
lumaganap ang katanyagan ni Jesus sa buong Galilea.
PAGBUBULAY:
Ngayong Linggo tayo ay nagdiriwang ng National Bible
Sunday. Gaya ng ginawa ni Jesus sa kanyang pagpapagaling sa Ngayong Linggo ay patuloy ang pag-aaral natin sa
pamamagitan ng kanyang salita, tayo din bilang mga anak ng Diyos Ebanghelyo ni Marcos na may kinalaman sa mga ministeryo na
ay kaya din makapagpabago ng buhay sa pangangaral ng Mabuting ginawa ni Jesus. Pinagaling ni Jesus ang biyenan ni Simon na agad
Salita ng Diyos. Ngunit hindi tayo makakapagsalita nang ganun ding nagsimulang maglingkod sa kanya. Pinagaling din ni Jesus ang
kabihasa gaya ni Jesus dahil siya ay isang Diyos, subalit sa ating marami pang dinala sa kanya, pinagaling ang kanilang mga
pag-aaral ng Bibliya ay matututuhan natin banggitin ang mga karamdaman at pinalayas ang mga demonyo. Tulad ng makikita natin
mabubuting salita na itinuturo sa atin. Ang pag-aaral, pagbabasa, at sa buong Ebanghelyo ni Marcos, hindi pinayagan ni Jesus na
pag-iintindi sa Bibliya ay isang sangkap upang makapagpagaling tayo magsalita ang mga demonyo dahil alam nila ang kanyang
ng isang taong may maliit na pang-unawa sa Diyos. At dapat lamang pagkakakilanlan na siya ay anak ng Diyos na makapangyarihan.
na gamitin natin ang Salita ng Diyos sa paghayo ng Mabuting Balita Mapapansin din natin ang kahalagahan ng panalangin sa
sa kaligtasan at hindi sa pagsira ng relasyon sa iba. Marami sa atin pang araw araw na buhay ni Jesus. Si Jesus ay bumangon nang
ngayon ang gumagamit ng Bible verses para manlait at husgahan ang maaga, at nagpunta sa isang lugar na upang manalangin. Nang
matagpuan siya ng mga alagad, sinabi niya sa kanila na panahon na (3) Sumampalataya. Mababasa natin sa talatang ito na
para magpatuloy sa kanilang misyon sa karatig-bayan. Naniniwala maraming tao ang naghahanap kay Jesus dahil sa mga himalang
tayo na sa kanyang mga panalangin ay nakakita si Jesus ng patnubay ginawa niya sa mga tao. At ang mga taong ito ay hinahanap si Jesus
mula sa Diyos. Idinadala rin natin sa Diyos ang ating pagpapasiya sa dahil sa kanilang pananampalataya. Kung ating pagpapatuloy basahin
panalangin, na humihingi ng kanyang patnubay at direksyon sa ating ang sumunod na talata, isang taong may ketong ang lumapit kay
buhay. Jesus. Ang taong ito ay sinabihang huwag ipagsabi ang nangyare sa
kanya ngunit ipinamalita agad niya sa bayang pupuntahan sana ni
Makikita natin sa larawan ang kumpletong ministeryo ni Jesus:
Jesus. Sabi sa Marcus 1:45, “nanatili na lamang siya sa mga hindi
pangangaral, pagpapagaling sa maysakit, pagpapalayas ng mga
mataong lugar, subalit pinupuntahan pa rin siya ng mga tao mula sa
demonyo, at pagkatapos ay paglipat sa ibang lugar upang ipagpatuloy
iba't ibang dako.” Ang dahilan kung bakit siya ay nilalapitan ng mga
ang mga gawaing ito. Sinasabi sa atin ng Ebanghelyo ni Marcos na
tao ay dahil sa kanilang pananampalataya.
ginawa ito ni Jesus sa buong Galilea.
Tayo ay hinihikayat na, sa kabila ng ating balisa sa trabaho,
Si Jesus ay ipinapakita na isang mahabagin at maawaing
marapat lamang na tayo ay sumunod, manalangin at sumapalataya
manggagamot. Ang talatang ito ay repleksyon ng buhay at ministeryo
sa Diyos dahil ito ang kagustuhan niya para sa atin.
ni Jesus, at itinatampok nito ang kanyang pagmamahal sa
sangkatauhan. Binibigyang diin din sa talata ang kahalagahan ng
panalangin. Matapos pagalingin ang maraming tao, umalis si Jesus
11 February 2024
sa isang tahimik na lugar upang manalangin. Ito ay paalala na dapat
din tayong maglaan ng oras para sa ating sarili, makinig sa Diyos, at 6th Sunday after Epiphany Day
gawin ang tama. Transfiguration Sunday
Sa ating talatang binasa ay tatlong bagay ang matututunan Pamagat: Sulyap ng Kaluwalhatian
natin:
Mga Batayang Talata:
(1) Sumunod. Gaya ng biyenan ni Simeon, siya ay sumunod 2 Kings 2:1-12; Psalm 50:1-6;
kay Jesus pagkatapos niyang matanggap ang kagalingan. Marahil 2 Corinthians 4:3-6; Mark 9:2-9
mayroon sa atin ngayon na lumalapit lamang sa Diyos kapag
humihingi ng kagalingan sa lupang katawan. Ngunit pagkatapos ay
hindi na lalapit sa Diyos at hindi na makikita sa iglesiya. Ang PAGBUBULAY:
pagsunod sa Diyos ay dapat tuloy-tuloy o consistent, at hindi sa
tuwing may kailangan lang tayo ay doon lang tayo lalapit sa kanya. Ngayong Linggo tayo ay nagdiriwang ng Linggo ng
Pagbabagong Anyo ni Jesus. Ang konteksto sa Pagbabagong anyo ni
(2) Manalangin. Sa iglesiya, ang pinakamahalagang gawain Marcos ay katulad sa konteksto na matatagpuan sa Ebanghelyo nina
ay ang Prayer Meeting. Dahil dito tayo nagsasama-sama upang Mateo at Lucas. Ang Pagbabagong anyo ay naganap pagkatapos ng
magkaroon ng oras sa pagpapanalangin sa bawat isa. Kung ang pag amin ni Pedro na si Jesus ang Mesiyas at ang hula ni Jesus
iglesiya ay hindi nananalangin, sa papaanong paraan ito lalago? tungkol sa kanyang pagdurusa. Sa talatang ito, dinala ni Jesus ang
Gaya ni Jesus, siya ay nananalangin at humihiling ng tulong at gabay tatlo sa kanyang mga disipulo—sina Pedro, Santiago, at Juan—sa
sa kanyang Diyos. At sa kanyang panalangin, ipinagkaloob sa kanya isang mataas na bundok. Habang naroon sila, nagpakita sina Elias at
ang dapat nilang gawin at iyon ay magpatuloy sa paghayo ng Moises kasama si Jesus. Sa Ebanghelyo nina Mateo at Marcos, may
Mabuting Balita. Ang bawat isa ba sa atin ay nananalangin? pagbanggit sa isang pag uusap nina Jesus, Elias, at Moises, ngunit
ang Ebanghelyo lamang ni Lucas ang kasama sa detalye na ang pag nagbibigay ito ng sulyap sa banal na katangian ni Jesus, muling
uusap na ito ay tungkol sa kung ano ang gagawin ni Jesus sa nagpapatibay sa kanyang pagkakakilanlan bilang Anak ng Diyos, at
Jerusalem. nagsisilbing panghihikayat para sa kanyang mga tagasunod.
Sina Elias at Moises ay parehong makabuluhang mga tauhan Ngayong darating na Miyerkules ay simula na ng Lenten
sa kasaysayan ng Israel. Pinangunahan ni Moises ang mga Israelita Season o panahon ng kwaresma na kung saan ating masisilayan muli
mula sa pagkaalipin sa Egipto at tinanggap mula kay Yahweh ang ang pag-aanuyo at katapatang-loob ng ating Panginoon at
Sampung Utos. Si Moises ay kumakatawan sa Kautusan na sakripisyong ibinigay niya para sa atin. Ngayong Transfiguration
gumagabay sa buhay ng mga Judio. Si Elias naman ay isa sa Sunday, nawa, gaya ni Jesus, mabago din ang ating buhay, ang ating
pinakamahalagang propeta ng Israel na tumulong sa mga Israelita na buong pagkatao para sa paghahanda ng muling pagkabuhay ng ating
manatiling tapat kay Yahweh. May mga naniniwala na ang pagbabalik Panginoon. Dahil sa ating pagbabago, malalaman ng mga tao na si
ni Elias ay hudyat ng pagdating ng Mesiyas para sa mga Judio. Ang Jesus ang nagpabago at patuloy na nagbabago sa ating sarili at
paniniwalang ito ay pinatutunayan sa tanong ng mga disipulo ni Jesus makikilala tayo na tayo ay tapat sa ating Panginoon sa kabila ng mga
matapos nilang masaksihan ang Pagbabagong anyo. Ang pag-uusig at suliranin sa buhay. Gaya sa sinabi sa 1 Corinto 4:6,
pagpapakita nina Moises at Elias mula sa kasaysayan ng Israel ay “Sapagkat ang Diyos na nag-utos na magkaroon ng liwanag sa gitna
nagpapahiwatig ng pagpapatuloy ni Jesus sa Kautusan at sa mga ng kadiliman ay siya ring nagbigay liwanag sa aming isip upang
propeta. Inihahayag din nila na si Jesus ang katuparan ng lahat ng makilala namin ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha
ipinangako sa bayan ng Israel. ni Cristo.” Nawa ang ating pagbabagong anyo bilang mga anak ng
Diyos ay nakaayon sa kaluwalhatian ng Diyos at magdudulot ng
Nang makita ni Pedro si Jesus kasama sina Elias at Moises at
kapayapaan at pag-ibig sa ating kapwa. Hayaan nating sakupin tayo
nasaksihan ang kanyang Pagbabagong-anyo, nag-alok siya na
ng kaluwalhatian ng Diyos upang tayo magpatuloy sa ating misyon
magtayo ng tatlong tolda para sa kanila. Ang Ebanghelyo ni Marcos
bilang kanyang mga anak.
ay nagsabi na ang mga disipulo ay natakot sa kanilang nasaksihan at
hindi alam ni Pedro kung ano ang sasabihin niya. Pagkatapos nito ay
nililiman sila ng makapal na ulap at mula rito'y may isang tinig na
nagsabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!”
Biglang tumingin sa paligid ang mga alagad, ngunit wala silang ibang
nakita maliban kay Jesus.
Sa kanyang Pagbabagong anyo, makikita natin ang pag asa
sa kaluwalhatian ng Pagkabuhay na Mag uli ni Jesus. Sa bawat talata
ng Pagbabagong-anyo, inutusan ni Jesus ang mga disipulo na itago
ang kanilang nakita hanggang sa matapos mabuhay na mag-uli ang
Anak ng Tao. Nagpatuloy ang pagkalito ng mga disipulo habang
iniisip nila kung ano ang ibig sabihin ni Jesus sa "pagbangon mula sa
mga patay." Hangga't hindi rin nila nasaksihan ang kanyang
pagdurusa at kamatayan, hindi nila mauunawaan ang Pagbabagong
anyo ni Jesus. Sa ating pakikinig dito, nakikita natin sa pangyayaring
ito ang pag asa sa Pagkabuhay na Mag uli ni Jesus, ito ay isang
babala sa atin ng kaluwalhatian ni Cristo sa langit, at ang pangako ng
ating sariling pagkabuhay na mag uli. Ito ay makabuluhan dahil

You might also like