You are on page 1of 46

Ang Magdamagang Pagdiriwang Sa

PASKO NG MULING
PAGKABUHAY

PAROKYA NG
SAN ANTONIO DE PADUA
POOC, SILANG, CAVITE
Alinsunod sa pinakamatandang pamana, ang gabing ito ay nakatalaga sa pag-alala sa Panginoon (Exodo
12,42). Sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas (12,35 at sumusunod), may paggunita sa mga tagasunod
ng Panginoon upang sila’y maghintay habang tangan ang ilawang may sindi, katulad ng mga katiwalang
naghihintay para sa pagbabalik ng kanilang Panginoon nang sa gayo’y kapag dumating siya’y madatnan
niya silang handa at nagbabantay at sila’y kanyang padudulugin sa kanyang hapag.
Ang Magdamagang Pagdiriwang na ito ay nahahati sa apat na yugto: 1) pagkaraan ng maikling
pagpaparangal sa ilaw, 2) ang Simbahan ay nagsasaloob sa lahat ng mga kahanga-hangang ginawa ng
Diyos para sa kapakanan ng kanyang sambayanan sa mula’t mula pa; ito ang pagpapahayag ng Salita ng
Diyos. 3) Habang papalapit ang araw ng muling pagkabuhay, ang mga bagong kaanib ng Simbahan ay
muling isinisilang sa pamamagitan ng binyag, at 4) ang buong Simbahan ay inaanyayahang dumulog sa
piging na inihanda ng Panginoon para sa kanyang bayan bilangpakikinabang sa kanyang pagkamatay at
muling pagkabuhay.
Ang kabuuan ng Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ay gaganapin kapag madilim na
ang paligid. Ito’y hindi dapat simulan bago magtakip-silim, dapat itong magwakas bago
magbukangliwayway ang araw ng Linggo.
Kahit na ang pagmimisa sa gabing ito ay maganap bago maghating-gabi, ang Misa ng Muling Pagkabuhay
ang ipagdiriwang.
Ang mga nakikiisa sa pagmimisa ngayong gabi ay maaaring makinabang muli sa ikalawang Misa na
kanilang nanaising lahukan bukas nang Linggo ng Muling Pagkabuhay.
Ang mga nagmimisa o nakikipagmisa sa pagdiriwang na ito sa gabi ay maaaring magmisa o makipagmisa
sa ikalawang Misa bukas nang Linggo ng Muling Pagkabuhay.
Ang tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay magsusuot ng puting damit para sa pagmimisa.
Dapat maghanda ng mga kandila para sa lahat ng mga makikiisa sa Magdamagang Pagdiriwang.
UNANG YUGTO:
Ang Maringal na Pagsisimula
ng Magdamagang Pagdiriwang:
Ang Pagpaparangal sa Ilaw
Lahat ng mga ilaw sa simbahan ay hindi muna sisindihan.
Isang malaking siga ang ihahanda sa isang naaangkop na dako sa labas ng simbahan. Kapag natitipon na
ang mga tao, ang pari ay lalapit doon kasama ng mga tagapaglingkod. Isa sa mga ito ay siyang magdadala
ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.

Namumuno: Ang Banal na gabing ito ang pinakatampok na pagdiriwang


sa buong taon. Tayo ay natitipon ngayon upang ipagdiwang
ang kaganapan ng ating kaligtasan na bunga ng Muling
Pagkabuhay ni Kristong Panginoon.
Sa unang bahagi ay gagawin natin ang Pagbabasbas at Pag-
sisindi sa Kandila ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Ang
liwanag ng apoy ng kandilang ito ay simbolo ni Kristo na
siyang humawi sa dilim ng kasalanan at ng kamatayan.
Ang susunod ay Liturhiya ng Salita ng Diyos. Pakikinggan
natin ang mapagligtas na pagkilos ng Diyos sa buong
kasaysayan ng kaligtasan. Ang Muling Pagkabuhay ni
Hesus ay siyang katuparan ng pagliligtas ng Diyos.
Sa ikatlong bahagi ay gagawin natin ang pagsasariwa ng
ating mga pangako sa binyag. Ito ay paalala sa atin na sa
pamamagitan ng Binyag, tayo ay namatay na sa kasalanan,
nagkaroon ng bagong buhay, at tayo ngayon ay
nakikibahagi na sa Muling Pagkabuhay ni Kristo.
Ang huli ay ang Liturhiya ng Eukaristiya bilang
pagpapahayag ng ating pasasalamat sa Diyos sa bagong
buhay na ipinagkaloob sa atin ni Kristong muling nabuhay.
Babatiin ng tagapagdiwang ang natitipong tao ayon sa kinaugaliang paraan.
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.
Siya’y magbibigay sa kanila ng maikling paliwanag tungkol sa pagdiriwang. Maaaring ang sumusunod o
anumang katumbas nito ang kanyang ihahayag:
Pari: Mga kapatid,
sa kabanal-banalang gabing ito
na pinangyayarihan ng pagtawid
ng ating Panginoong Hesukristo
mula sa pagkamatay patungo sa pagkabuhay
ang Sambayanan niya ay nag-aanyaya
sa lahat ng mga anak na nasa iba’t-,ibang panig ng daigdig
upang magtipun-tipon sa pagganap
ng magdamagang pagdiriwang.
Sa pagganap natin sa alaala ng Pasko
ng Panginoong nagtagumpay
sa pakikinig ng Salita at paghahain ng kanyang buhay
maaasahan nating tayo’y makakapakinabang
sa kanyang pananaig sa kamatayan
at pamumuhay sa piling niya at ng Amang Maykapal.

Namumuno: Ang pagtawid ng Panginoon mula sa kamatayan patungo sa


pagkabuhay ay inilalarawan ng apoy na nagbibigay liwanag
sa kadiliman ng gabi.

Ngayon po ay masasaksihan natin ang pagsisindi ng siga at


ang sayaw sa apoy.
Gagawin ang pagsisindi sa siga at susunod ang pagsasayaw sa apoy ng mga kabataan.
Ang siga ay babasbasan.

Pari: Manalangin tayo.


Ilalahad ang mga kamay.
Ama naming makapangyarihan,
sa pamamagitan ng iyong Anak kami’y iyong dinulutan
ng ningas ng iyong kaliwanagan.
Ang bagong ningas na ito ay iyong gawing banal 
at ipagkaloob mong kami’y pagningasin nitong
aming pagdiriwang
upang makasapit kaming may dalisay na kalooban
sa walang maliw na kaliwanagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Hindi wiwisikan ng tubig ang binasbasang apoy.
Ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay ay hindi muna sisindihan mula sa bagong basbas na apoy.
Alinsunod sa kakayanan ng mga tao, maaaring naaangkop na bigyang-diin ang kahalagahan at kahulugan
ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa tulong ng karagdagang sagisag sa ganitong paraan.
Pagkabasbas ng bagong apoy, ang isa sa mga tagapaglingkod ay siyang maghaharap ng kandila ng Pasko
ng Pagkabuhay sa pari. Ito ay guguhitan ng pari ng krus sa pamamagitan ng pang-ukit o pansulat.
Iguguhit din dito ang mga titik na Griego:
1. (Sa pagguhit sa krus mula sa itaas hanggang ibaba)
Pari: Si Kristo ang nagmamahal
noon sa bayang hinirang
ngayon pa ri’y s’yang patnubay:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
2. (Sa pagguhit sa bisig ng krus mula sa kaliwa hanggang sa kanan)
Pari: Si Kristo ang nagmamahal
simula pa noong araw,
wakas natin s’ya’t hantungan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
3. (Sa pagguhit ng alpha sa ulunan ng krus)
Pari: Si Kristo ang pinagmulan:
Alpha’y sagisag n’yang tunay.
S’ya’y ating pinanggalingan:
Si Hesukristo’y nabuhay,
S’ya’y ating kaliwanagan.
4. (Sa pagguhit ng omega sa paanan ng krus)
Pari: Si Kristo ang s’yang hantungan:
Omega’y kanyang larawan,
S’ya ang ating patunguhan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ang ating kaliwanagan.
5. (Sa pagguhit ng unang bilang ng taon, sa itaas na kaliwang sulok ng krus)
Pari: Kay Kristo ay nabibilang
lahat ng panaho’t araw,
bawa’t yugto ng pag-iral:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
6. (Sa pagguhit ng ikalawang bilang ng taon, sa itaas na kanang sulok ng krus)
Pari: Kay Kristo ay nabibilang
mga taong daan-daan,
Hari s’ya ng kasaysayan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
7. (Sa pagguhit ng ikatlong bilang ng taon, sa ibabang kaliwang sulok ng krus)
Pari: Kay Kristo ang karangalan
lahat ng kapangyarihan.
Panginoong dinarangal:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
8. (Sa pagguhit ng ikaapat na bilang ng taon sa ibabang kanang sulok ng krus)
Pari: Kay Kristo ang kapurihan
ng buong sangkatauhan
ngayon at magpakailanman.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

Kapag naiguhit na ang krus at ang mga iba pang palamuti, maaring itusok ng pari ang limang butil ng
insenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa balangkas ng krus, habang ipinahahayag:
Pari: 1. Sasugat na lubhang banal
ni Hesus sa tagiliran lubhang
dugo’t tubig ay lumitaw.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Pari: 2. May sugat sa paang kanan
si Hesus na nabayubay
sa krus na kinamatayan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanangan.
3. Ang kaliwang paa naman

1
Pari:
ni Hesus din ay sugatan
pako’y naglagos na tunay:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Pari: 4. Atsa kanan niyang kamay
Si Hesus di’y pinakuan
kaya’t may sugat na taglay:
4 2 5
Si Hesukristo’y nabuhay

Pari:
S’ya’y ating kaliwanagan.
5. Sakanyang kaliwang kamay
si Hesus ay pinakuan
3
noong buhay n’ya’y ialay.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Isisindi ang kandila sa bagong basbas na apoy habang ipinahahayag:

Pari: Mapawi nawang tuluyan


ang dilim ng kasalanan
sa puso nati’t isipan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Ilan o lahat sa mga binanggit na palamuti ay mailalagay, ayon sa makabubuti sa buhay kristiyano ng
sambayanan. Ang mga Panayam ng mga Obispo ay makapagpapasya tungkol sa mga iba pang uri ng
paraang lalong bagay sa kakayanan ng mga tao.
Kapag talagang mahirap magsiga nang malaki, ang pagbabasbas sa apoy ay ibabagay sa katayuan. Kapag
ang mga nagsisimba ay natitipon na sa simbahan alinsunod sa dating ginagawa nila, ang pari at mga
tagapaglingkod niya, na may dalang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay, ay paroroon sa gawi ng pinto ng
simbahan. Kung magagawa, ang mga tao ay susunod sa tingin sa pari; sila’y haharap sa gawi ng pintuan.
Ang pagbati at ang maiksing paliwanag ay gagawin ayon sa nasasaad sa ika-8 talata. Pagkaraa’y
babasbasan ang apoy (ika-9 na talata) at, kung hinahangad ay papalamutian at sisindihan din ang kandila
ayon sa nasasaad sa mga ika-10 at ika-12 talata.
Mula sa binasbasang siga ang tagapagdala ng insensaryo ay magsisindi ng uling upang gamitin.
Lalapitan ng tagapaglingkod ang pari upang magpalagay ng insenso sa insensaryo.

PRUSISYON
Ang diyakono o ang tagapagdiwang, kapag walang diyakono, ay siyang magdadala sa kandila ng Pasko ng
Pagkabuhay. Ito’y itataas niya habang inaawit:

Pari: Tayo nang magbigay-dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Sasagot ang lahat:

Bayan: Salamat po, Poong banal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Maaring magtakda ang mga Panayam ng mga Obispo ng lalong makahulugan at mahabang pagbubunyi.
Lahat ay papasok sa simbahan, sa pangunguna ng may dalang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay. Kung
ginagamit ang insensaryo, ang tagadala nito ay siyang mangunguna.
Sa pintuan ng simbahan, itataas ang kandila at aawitin sa ikalawang pagkakataon:

Pari: Tayo nang magbigay-dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

Sasagot ang lahat:

Bayan: Salamat po, Poong banal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Lahat ay magsisindi ng kanilang kandila mula sa kandila ng Pasko ng Pagkabuhay. Magpapatuloy ang
pagpuprusisyon.
Pagsapit ng maydala ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa dako ng dambana, haharap siya sa mga tao at
aawitin sa ikatlong pagkakataon:

Pari: Tayo nang magbigay-dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Sasagot ang lahat:

Bayan: Salamat po, Poong banal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Ang mga ilaw sa simbahan ay sisindihan o ang mga ilaw muna sa may ambo o dambana.

ANG MARINGAL NA PAGPAPAHAYAG NA NGAYO’Y PASKO


NG PAGKABUHAY
Pagsapit sa gawi ng dambana, ang tagapagdiwang ay paroroon sa kanyang upuan. Ilalagay ang kandila sa
patungan o kandelero nito na nasa gitnang dako ng dambana o malapit sa mataas na dakong nakalaan para
sa mga pagbasa. Kung ginagamit ang insensaryo, ito’y lalagyan ng insenso ayon sa ginaganap sa loob ng
Misa, sa bahagi ng paghahayag ng Mabuting Balita.
Hindi kinakailangang gawin ito kung ang pagpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay ay gagampanan ng hindi
naman diyakono.
Ang aklat at ang kandila ay iinsensuhan. Ang diyakono o ang tagapagdiwang, kapag walang diyakono, ay aawit ng
paghahayag ng Pasko ng Pagkabuhay mula sa mataas na dako para sa pagbasa o mula sa pulpito. Lahat ay tatayo na
may tangang kandila.
Kung kinakailangan, ang pagpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay ay magagampanan ng isang tao na hindi
naman diyakono. Sa ganitong katayuan lalaktawan niya ang mga pangungusap na naaangkop sa diyakono lamang.
Ang pagpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay ay maaaring gawin sa mahaba o maikling paraan. Ang mga
Panayam ng mga Obispo ay maaaring magpasya tungkol sa pagkakaroon ng mga pagbubunyi para sa mga tao.
IKALAWANG YUGTO:
Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos
Sa pagdiriwang na ito, na siyang ina ng Magdamagang Pagdiriwang, siyam na pagbasa ang nakalaan,
pito mula sa Matandang Tipan at dalawa mula sa Bagong Tipan (ang Sulat at ang Mabuting Balita).
Ang bilang ng mga pagbasa buhat sa Matandang Tipan ay maaaring bawasan alinsunod sa kaayusang
makabubuti sa pamumuhay kristiyano ng mga nagsisimba, subalit dapat ay huwag kalimutang ang
pagbasa ng Salita ng Diyos ay pangunahing sangkap nitong Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng
Pagkabuhay. Tatlo man lamang sanang pagbasa mula sa Matandang Tipan ay ipahayag bagama’t kung
may mabigat na dahilan, maaari rin namang ito’y maging dalawa. Ang pagbasa mula sa ika-14 na kabanata
ng Exodo ay hindi dapat kaligtaan.
Matapos ang pag-awit ng pagpapahayag na ngayo’y Pasko na ng Pagkabuhay, papatayin ang sindi ng mga
kandila at uupo ang lahat. Bago simulan ang paglalahad ng mga pagbasa, maaaring ang pari ay magsalita
ng ilang pangungusap ng paliwanag katulad ng narito o ng anumang katumbas nito:

Namumuno: Maaari na po nating patayin ang sindi ng ating mga kandila.


Pari: Mga kapatid,
ngayong nasimulan na natin
ang Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay,
makinig tayong mabuti sa Salita ng Diyos,
isaloob natin kung paano niyang ginaganap
sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan
ang pagliligtas niya sa mga hinirang na tao.
Noon ngang sumapit ang itinakda niyang panahon,
ang kanyang sariling Anak ang kanyang sinugo
upang maging ating Tagapagligtas.
Hilingin natin sa Diyos
ang kaganapan ng kaligtasan
na nangyayari ngayon
sa pagdiriwang ng Pasko ng pagtubos sa tanan.
Namumuno: Magsiupo po ang lahat.
lsusunod ngayon ang paglalahad ng mga pagbasa. Isang tagapaglahad ng pagbasa ang paroroon sa mataas
na dakong para sa pagbasa at ipahahayag niya ang Salita ng Diyos. Ang tagapamuno naman ng pag-awit
ang siyang mangunguna sa pag-awit ng salmo at ang mga tao ay tutugon. Tatayo ang lahat at ipahahayag
ng pari ang paanyayang “Manalangin tayo.” Kapag nakapagdasal na nang tahimik ang lahat,
ipahahayag ng pari ang panalangin.
Sa halip na sagutang pag-awit ng salmo, maaari rin namang magkaroon ng saglit na katahimikan. Kapag
ito ang ginawa, hindi na kailangang magkaroon ng patlang pagkatapos ng paanyayang “Manalangin
tayo.”
UNANG PAGBASA Genesis 1, 1. 26-31a
Namumuno: Maririnig natin ang simula ng ating pagkakalalang. Nilikha
ng Diyos ang lahat ayon sa kanyang kabutihan at nilikha
niya ang tao ayon sa kanyang sariling wangis at larawan.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis


(D - Diyos, T - Tagapagsalaysay)
T—Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit, sinabi ng
Diyos:
D—Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan
natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon, at lahat ng hayop,
maging maamo o mailap, malaki o maliit.
T—Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Luma-
lang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya:
D—Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong
daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa
mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging
malalaki o maliliit. Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga
bungangkahoy na inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay
ibibigay ko naman sa maiilap na hayop, malaki man o maliit, at sa lahat
ng mga ibon.
T—At ito nga ang nangyari. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang
ginawa, at lubos siyang nasiyahan.
Ang Salita ng Diyos.
Bayan: Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at 12. 13-14. 24 at 35k
Tugon: ESPIRITU MO’Y SUGUIN
POON, TANA’Y ‘YONG BAGUHIN.

1. Pinupuri
ka, Poong Diyos, nitong aking kaluluwa
ikaw Panginoong Diyos ko, kay dakila mong talaga!
Ang taglay mong kasuota’y dakila ri’t marangal pa.
Nababatbat ka, Poong Diyos, ng liwanag na kay ganda. (T)

2. Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa,


matatag na ginawa mo’t hindi ito mauuga.
Ang ibabaw ng saliga’y ginawa mong karagatan,
at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan. (T)

3. Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan,


sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.
Sa naroong kakahuya’y umaawit ng masaya,
mga ibo’y nagpupugad sa malabay nilang sanga. (T)

4. Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig,


ibinuhos ang biyaya’t lumaganap sa daigdig.
Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka.
Nagkaroon ng halamang masaganang namumunga;
anupa’t ang mga tao’y may pagkaing nakukuha. (T)

5. Sa
daigdig, Panginoon, kay rami ng iyong likha
‘pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa,
ang dami ng nilikha mong nakalaganap sa lupa
Panginoo’y purihin mo, purihin mo, kaluluwa!
Purihin ang Panginoon, o purihin mo nga siya! (T)
PANALANGIN
Pari: Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
lahat ng iyong mga nilikha ay ikaw ang itinatampok.
Nawa’y maisaloob ng iyong mga tinubos
na ang daigdig sa pasimula
ay lalo mo pang pinadakila
sa mga huling panahon ng pagsagip ni Kristo
na siyang inihaing Korderong pamasko
na kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
IKALAWANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18
Namumuno: Nang inatasan ni Yahweh na ialay ni Abraham ang kanyang
nag-iisa at minamahal na anak, agad siyang tumalima. Dahil
dito pinagpala siya ng Panginoon.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis


(D - Diyos, T - Tagapagsalaysay)
T—Noong mga araw na iyon: Sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag
siya ng Diyos at tumugon naman siya. Sinabi sa kanya:
D—Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta
kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo,
at ihandog mo siya sa akin.
T—Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos, gumawa ng dambana si
Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong. Nang
sasaksakin na niya ang bata, tinawag siya ng anghel ng Panginoon at
mula sa langit ay sinabi:
D—Abraham, Abraham! Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo
siyang saktan! Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos,
sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa at pinakamamahal
mong anak.
T—Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga
sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni
Abraham at inihandog kapalit ng kanyang anak. Mula sa langit,
nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon. Wika nito:
D—Akong Panginoon ang nangangako sa iyo: yamang hindi mo
ipinagkait sa akin ang kaisaisa mong anak, pagpapalain kita. Ang lahi
mo’y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat.
Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. Sa
pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig
sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan: Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN Salmo 15, 5 at 8. 9-10. 11

Tugon: D’YOS KO, ANG AKING DALANGI’Y


AKO’Y IYONG TANGKILIKIN.

1. Ikaw lamang, Panginoon, ang lahat sa aking buhay.


Ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan;
ang biyayang kaloob mo ay kahanga-hangang tunay.
Nababatid ko na ika’y kasama ko oras-oras,
sa piling mo kailanma’y hindi ako matitinag. (T)

2. Kaya’tako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak,


ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,
sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas. (T)

3. Ituturomo ang landas na buhay ang hahantungan,


sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan. (T)
PANALANGIN
Pari: Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
pinararami mo sa sanlibutan
ang mga anak na sa pangako mo’y sumilang
bunga ng paglawak ng saklaw ng iyong paghirang.
Sa pagbibinyag, ginagawa mong matupad
ang iyong pangakong si Abraham ay maging ama ng lahat.
Ipagkaloob mong ang iyong sambayanan
ay marapat na makatugon sa iyong panawagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
IKATLONG PAGBASA Exodo 14, 15 - 15, 1
Namumuno: Tumakas ang mga Israelita sa pagkaalipin sa bayan ng
Egipto. Dahil hinabol sila ng Egipcio, niloob ng Diyos na
patawirin ang bayang Israel sa dagat habang nalunod
naman ang mga Egipcio. Ang pagkakaligtas na ito sa
pamamagitan ng tubig ng karagatan ay siyang sagisag ng
ating pagkakaligtas mula sa kasalanan at kamatayan sa
pamamagitan ng tubig ng binyag.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo


(D - Diyos, T - Tagapagsalaysay)
T—Noong mga araw na iyon: Sinabi ng Panginoon kay Moises:
D—Bakit mo ako tinatawag? Palakarin mo ang mga Israelita. Itapat mo
sa ibabaw ng dagat ang iyong tungkod; mahahati ang tubig at
matutuyo ang lalakaran ninyo. Lalo kong pagmamatigasin ang mga
Egipcio at pasusundan ko kayo sa kanila, ngunit doon sila lilipulin: ang
mga Egipcio, ang mga kawal ng Faraon, pati ang kanilang mga
karwahe. Ipakikita ko sa kanila ang aking kapangyarihan. Sa gayon,
malalaman ng mga Egipciong iyan na ako ang Panginoon.”
T—Ang anghel ng Diyos na pumapatnubay sa paglalakbay ng mga
Israelita ay nagpatihuli sa kanila, gayon din ang haliging ulap. Ang
ulap ay lumagay sa pagitan ng mga Israelita at ng mga Egipcio at
lumatag ang kadiliman. Dumating ang gabi at ang mga Egipcio ay di
makalapit sa mga Israelita. Itinapat ni Moises ang kanyang tungkod sa
ibabaw ng dagat. Magdamag na pinaihip ng Panginoon ang isang
malakas na hangin mula sa silangan at nahati ang tubig. Ang mga
Israelita’y bumagtas sa dagat na ang nilakara’y tuyong lupa, sa pagitan
ng animo’y pader na tubig. Hinabol sila ng mga Egipcio, ng mga kawal,
karwahe at kabayuhan ng Faraon. Nang magbubukang-liwayway na,
ang mga Egipcio’y ginulo ng Panginoon mula sa haliging apoy at ulap.
Nalubog ang gulong ng mga karwahe at hindi na sila makatugis nang
matulin. Kaya sinabi nila, “Umalis na tayo rito sapagkat ang Panginoon
na ang kalaban natin.” Sinabi ng Panginoon kay Moises:
D—Itapat mo ang iyong tungkod sa ibabaw ng dagat at tatabunan ng
tubig ang mga Egipcio pati ng kanilang karwahe.
T—Ganoon nga ang ginawa ni Moises, at pagbubukang-liway-way,
nanumbalik sa dati ang dagat. Ang mga Egipcio’y nag-sikap makatakas
ngunit pinalakas ng Panginoon ang dating ng tubig kaya’t sila’y
nalunod na lahat. Nang manauli ang dagat, natabunan ang mga
karwahe’t kabayo ng Faraon, pati ng kanyang mga kawal at walang
natira isa man. Ngunit ang mga Israelita’y nakatawid sa dagat, na tuyo
ang dinaanan, sa pagitan ng animo’y pader na tubig. Nang araw na
yaon ang mga Israelita’y iniligtas ng Panginoon sa mga Egipcio; nakita
nila ang bangkay ng mga Egipcio, nagkalat sa baybay-dagat. Dahil sa
kapangyarihang ipinakita ng Panginoon laban sa mga Egipcio,
nagkaroon sila ng takot sa kanya at sumampalataya sila sa kanya at sa
alagad niyang si Moises. Ito ang inawit ni Moises at ng mga Israelita
para sa Panginoon: “Ang Panginoo’y atin ngayong awitan sa kanyang
kinamtang dakilang tagumpay; ang mga kabayo’t kawal ng kaaway sa
pusod ng dagat, lahat natabunan.”
Ang Salita ng Diyos.
Bayan: Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN Exodo 15, 1-2. 3-4. 5-6. 17-18

Tugon: POON AY ATING AWITAN


SA KINAMTAN N’YANG TAGUMPAY.

1. Ang Panginoo’y atin ngayong awitan


sa kanyang kinamtang Dakilang tagumpay;
ang mga kabayo’t kawal ng kaaway
sa pusod ng dagat, lahat natabunan.
Ako’y pinalakas niya’t pinatatag,
Siya ang sa aki’y nagkupkop, nag-ingat,
Diyos ng magulang ko, aking manliligtas. (T)

2. Siya’ymandirigma na walang kapantay,


Panginoo’y kanyang pangalan.
Nang ang mga kawal ng Faraon
sa Dagat ng mga Tambo ay mangagsilusong,
ang lahat ng ito ay kanyang nilunod
pati na sasakya’y kanyang pinalubog. (T)

3. Sila’y
natabunan ng alon ng dagat,
tulad nila’y batong lumubog kaagad.
Ang mga bisig mo ay walang katulad,
wala ngang katulad, walang kasinlakas,
Sa isang hampas mo, kaaway nangalat,
nangadurog mandin sa‘yong mga palad. (T)

4. Sila’ydadalhin mo sa pinili mong bundok.


Sa lugar na itinangi mo, para maging iyong lubos
at sa santwaryong natayo ayon sa iyong loob.
Ikaw, Poon, maghahari magpakailanman. (T)
PANALANGIN
Pari: Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
ang idinudulot mong pagpapalaya
noon ay sa iyong sambayanan
mula sa pang-aapi ng haring sa kanila’y nagpapatay
ay nababanaagan namin kahit sa aming kapanahunan
sa inyong pagliligtas na iyong ginaganap
sa muling pagsilang
ng mga bininyagang mula sa iba’t ibang bansa at bayan.
Ipagkaloob mong ang pagiging anak ni Abraham
at ang dangal na sa Israel mapabilang
ay maging lubos na kapalaran ng sanlibutan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pagkatapos ng huling pagbasa mula sa Matandang Tipan at ng salmong sagutan at kaugnay na
panalangin, ang mga kandila sa dambana ay sisindihan, at pasisimulan ng pari ang pag-awit ng Papuri
sa Diyos, na itutuloy namang awitin ng lahat ng nagsisimba. Tutugtugin ang mga batingaw, alinsunod
sa umiiral na kaugalian.

GLORIA
Ang lahat ng kampana ng simbahan ay tutugtugin .
Sa katapusan ng pag-awit, isusunod ng pari ang pagpapahayag ng pambungad na panalangin sa dating
paraan.

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan,
ang kabanal-banalang gabing ito
ay pinagliliwanag mo
sa kadakilaan ng pagkabuhay ni Kristo.
Antigin mo ang Espiritu ng pagkupkop mo
upang sa pagbabago ng aming buong pagkatao
kami’y wagas na makapaglingkod sa iyo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

Ipahahayag ng tagapaglahad ng pagbasa ang Salita ng Diyos mula sa Sulat ni Apostol San Pablo.

SULAT Roma 6, 3-11


Namumuno: Hinahamon ni San Pablo ang mga bagong binyag na mga
Kristiyano na mag-pakatatag, talikuran ang kasalanan, at
simulang magbagong-buhay.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma


Mga kapatid: Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na
nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan?
Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa
pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay na muli si
Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo
nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.
Sapagkat kung nakaisa tayo ni Kristo sa isang kamatayang tulad
ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling
pagkabuhay tulad ng kanyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati
nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang mamatay ang
makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng
kasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa
kapangyarihan ng kasalanan. Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay
tayong kasama ni Kristo kung namatay tayong kasama niya. Alam
nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay.
Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Nang siya’y
mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang
buhay niya ngayo’y para sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang
inyong sarili na patay na sa kasalanan datapwa’t buhay naman para sa
Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan: Salamat sa Diyos.
Pagkabasa ng sulat ay tatayo at maringal na pasisimulan ng pari ang pag-awit ng Aleluya na uulitin
naman ng lahat ng nagsisimba.

Namumuno: Magsitayo po ang lahat.


Pari: Aleluya! Aleluya! Aleluya!
Maaaring awitin ng Pari ang Alleluia.
Uulitin ng sambayanan ang inawit na Aleluya ng Pari bilang tugon sa bawat Salmo.

Bayan: Aleluya! Aleluya! Aleluya!


Ipahahayag ng taga-awit ang salmo at sa bawat taludtod ang lahat ay sasagot ng Aleluya. Kung
kinakailangan, maaari rin namang ang taga-awit na ito ang siyang magpasimula sa Aleluya.
SALMONG TUGUNAN Salmo 117, 1-2. 16ab-17. 22-23
1. Opasalamatan
ang D’yos na Panginoon, pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang- pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.” (T)

2. Ang lakas ng Poon,


ang siyang nagdulot ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing
di ako papanaw, mabubuhay ako upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko. (T)

3. Ang batong natakwil


ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.
kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod. (T)
Maaaring gumamit ng insenso sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, subali’t hindi na dapat dalhin ang
mga kandila.
Isusunod naman ang homilya. Pagkatapos nito ay pasisimulan ang pagdiriwang ng pagbabasbas ng tubig.
TAON B
MABUTING BALITA Marcos 16, 1-7

Pari: ✠Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos.


Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.
Pagkaraan ng Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena,
si Mariang ina ni Santiago, at si Salome ay bumili ng pabango upang
ipahid sa bangkay ni Hesus. At nang Linggo ng umaga, pagsikat ng
araw, sila’y nagpunta sa libingan.vNag-uusap-usap sila habang daan:
“Sino kaya ang ating mapakikiusapang pagpagulong ng batong
nakatakip sa pintuan ng libingan?” Napakalaki ng batong iyon kaya
gayon ang sabi nila. Ngunit nang tanawin nila ang libingan, nakit
nilang naigulong na ang bato.
Pagpasok nila sa libingan, nakita nilang nakaupo sa gawing
kanan ang isang binatang nararamtan ng mahaba at puring damit. At
sila’y natakot. “Huwag kayong matakot,” sabi ng lalaki. “Hinahanap
ninyo si Hesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito
– siya’y muling nabuhay! Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.
Kaya, humayo kayo at sabihin ninyo sa mg aalagad, lalo na kay
Pedro, na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon,
gaya ng sinabi niya sa inyo.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Bayan: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA
IKATLONG YUGTO:
Ang Pagbabasbas ng Tubig Pang-
Binyag at Tubig Pangbasbas
Ang tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay paroroon sa pook ng kinalalagyan ng tubig na babasbasan.
Kung may bibinyagan, sila’y tatawagin upang lumapit sa unahan at maiharap ng mga ninong at ninang
nila sa pari. Kung mga bata ang bibinyagan, ang mga magulang at mga ninong at ninang ang magdadala
sa mga ito sa harapan ng mga natitipong tao.
Kung mayroong mga bibinyagan:

Namumuno: Sa pamamagitan ng binyag, tayo’y kabahagi ni Kristo sa


kanyang kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa
pagdiriwang nating ito, ating pagtitibayin ang mga
panagako natin noong tayo’y binyagan.
Kung ang kinalalagyan ng tubig pambinyag ay babasbasan, bagama’t walang bibinyagan, ganito ang
maaaring sabihin ng pari:

Pari: Ang pagbabasbas ng Ama nating makapangyarihan


ay ating hilingin, mga kapatid kong minamahal,
upang ito ay lumukob sa tubig na pagbibinyagan
para mapabilang kay Kristo ang mga muling isisilang.
Dito sa bahaging ito ay sasayawin ng mga nakatalagang mananayaw ang Sayaw sa Tubig. Mananatiling
nakaupo ang madla.
Matapos ang pagsayaw, aanyayahan ng tagapamuno ang mga tao para tumayo.

Namumuno: Magsitayo po ang lahat


PAGBABASBAS SA TUBIG PAMBINYAG
Ngayo’y babasbasan ng tagapagdiwang ang tubig pambinyag. Ipahahayag niya ang panalangin nang
magkadaop ang mga kamay.

Pari: Ama naming makapangyarihan,


bagama’t natatago sa aming paningin,
ang kapangyarihan mong maggawad
ng iyong buhay sa amin
ay inilalahad ng mga pananda
ng iyong paglagi sa aming piling
anupa’t ang tubig na iyong nilikha
ay naging tagapagpahayag ng iyong pagpapala.
Ama namin, noong ang daigdig ay iyong lalangin
ang iyong Espiritu ay lumulukob na sa tubig
bilang simoy ng hangin
upang ang kakayanan nitong bumuhay
ay maging tagapagdulot ng iyong kabanalan.
Ama namin, ang sansinukob ay iyong panibagong ginawa
noong ipahintulot na magkaroon ng malaking baha
upang ipahiwatig na ang tubig ay may katangian
na tumapos sa kasamaan at magpasimula ng kabutihan.
Ama namin, ang mga anak ni Abraham
ay pinatawid mo sa karagatan
noong sila’y palayain mo sa pagkaalipin sa Ehipto
upang ipahiwatig ang mangyayari sa mga bibinyagan
bilang mga kaanib sa iyong sambayanan.

Ama namin,
niloob mong noong binyagan ni Juan
sa Ilog-Jordan ang Anak mo
ay maganap ang paglukob sa kanya ng Espiritu Santo.
Niloob mong dumaloy ang dugo at tubig
sa sinibat na puso ng Anak mong iniibig.
Niloob mong mabuhay muli ang iyong Anak
na nag-utos sa mga alagad:
“Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng
bansa.
Binyagan ninyo sila
sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”
Magtaglay nawa itong tubig ng pagpapalang
kaloob ng Espiritu Santo
na idinudulot ng mahal na Anak mo
upang ang mga tao na pawang nilikha
ayon sa iyong larawang dakila
ngunit nasadlak sa lusak ng kasalanan
ay mahugasan ngayong sila’y bibinyagan
para makabangong taglay ang iyong kalinisan
sa muling pagsilang sa tubig at Espiritu Santo
bilang mga kaanib ng iyong angkan.
Maaaring ilubog ng tagapagdiwang ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay nang minsanan o makaikatlong
ulit, habang patuloy niyang ipinahahayag:

Pari: Ama namin, iniluluhog namin sa Iyo,


manaog nawa sa tubig na ito
ang kapangyarihan ng Espiritu Santo
sa pamamagitan ni Hesukristo
upang mapuspos ng iyong Espiritu
itong pambinyag na tubig
Ang kandila ay hahawakan ng pari habang ito’y nakatayo sa tubig.

At sa gayo’y lahat ng nakikiisa


sa kamatayan niya sa pamamagitan ng binyag
ay muling mabuhay na siya rin ang kasama
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

Maaaring umawit ng anumang pagbubunyi na bagama’t naiiba ay dapat na katugma nito sa diwa at may
angkop na nilalaman. Maaring awitin ang “Tubig ng Buhay.”
PAGBABASBAS SA TUBIG NA PANGWISIK
Kung walang binyag.
Ang panalanging sumusunod ay darasalin lamang kung walang binyag.

Pari: Mga kapatid kong minamahal,


hilingin natin sa Ama nating Makapangyarihan
na marapatin Niyang basbasan
itong tubig na iwiwisik ngayon
bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon.
Pagkalooban nawa tayo ng panibagong lakas
para sa pamamalaging matapat
sa Espiritu Santo na ating tinanggap.
Lahat ay tahimik na mananalangin nang saglit. Ang pari ay magpapatuloy sa pagdarasal nang magkadaop
ang mga kamay:

Pari: Ama naming Makapangyarihan,


ipinahayag Mong Ikaw ay kapiling ng Iyong sambayanan
sa pagdiriwang na ito ng gabi ng pagkabuhay.
Ginugunita namin ang Iyong paglikha
na talaga namang kahanga-hanga
at gayundin ang Iyong pagtubos sa amin
na lalo pang pambihira at walang kahambing.
Basbasan Mo  itong tubig
na iyong ginawa upang aming magamit
para ang mga tanim ay madilig,
para makapawi sa uhaw at init,
at para maganap namin ang paglilinis.
Ito rin ay iyong itinalagang gamitin sa pagbibigay
ng Iyong kagandahang-loob sa lahat.
Ginamit ito sa pagpapalaya sa kaalipinan
ng iyong hinirang na sambayanan.
Habang sa disyerto sila’y naglalakbay,
tubig ang pumawi sa kanilang pagkauhaw.
Tubig din ang ginamit ng Iyong mga propeta
upang ang sisimulan Mong pakikipagtipan sa tao ay
maipahayag nila.
Sa pamamagitan ng tubig na itinalagng maging banal
ng Anak Mong mahal
noong Siya’y lumusong sa Ilog-Jordan,
pinagbabago Mo kaming mga makasalanan.
Ito nawang tubig na ngayo’y iwiwisik sa amin
upang ang pagbibinyag ay aming gunitain
ay magpahiwatig din nawa ng aming pakikigalak
sa kaligayahan ng aming mga kapatid na tatanggap ng
binyag
sa Paskong ito ng Pagkabuhay ng Iyong Anak
na namamagitan kasama ng Espirtu Santo
magpasawalang hanggan
Bayan: Amen.

PAGSARIWA SA PANGAKO SA PAGBIBINYAG


Kapag ang pagbibinyag (at pagkukumpil) ay naganap na o, kung walang pagbibinyag, matapos mabasbasan
ang tubig, ang lahat ng mga tao ay tatayo at, samantalang hawak nila ang kanilang mga kandilang may
sindi, gagawin nila ang pagsariwa sa pangako sa pagbibinyag. Aanyayahan ng tagapagdiwang ang mga
tao sa ganito o katumbas na mga pangungusap:

Pari: Mga kapatid, sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay at


Pagkabuhay ni Kristo, tayo’y nalibing kasama niya noong
tayo’y binyagan upang kasama rin niya tayo’y
makabangon at makapagbagong-buhay. Naganap na natin
ang Apatnapung Araw na Paghahanda, kaya’t sariwain
natin ngayon ang ating pangako sa pagbibinyag. Talikdan
natin ang kasamaan at kasalanan. Harapin natin ang
matapat na paglilingkod sa Diyos bilang mga maaasahang
kaanib ng kanyang banal na Simbahang Katolika. Kung
kayo’y makapangangakong tatalikod sa lahat ng hadlang
sa katuparan ng panukala ng Diyos upang kayo’y
makapamuhay bilang matapat at maaasahang kaanib ng
kanyang angkan, pakisagot ninyo itong tatlong
katanungan.
Itinatakwil ba ninyo si Satanas?
Bayan: Opo, itinatakwil namin.
Pari: Itinatakwil ba ninyo ang mga gawain ni Satanas?
Bayan: Opo, itinatakwil namin.
Pari: Itinatakwil ba ninyo ang mga pang-akit ni Satanas upang
sumuway ang tao sa Diyos?
Bayan: Opo, itinatakwil namin.
Pari: Ngayon nama’y ating harapin ang ating pananampalataya.
Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay
bilang mga ikinararangal na anak ng Diyos Ama, kung
tutularan ninyo siya sa kanyang kabutihan, pagmamahal
sa lahat, at pagmamalasakit para sa pangkalahatang
kapakanan, pakisagot ninyo ang katanungang ito:
Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat at Lumikha ng langit at lupa?
Bayan: Opo, sumasampalataya kami.
Pari: Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay
bilang mga tunay na kapatid ng Panginoong Hesus, kung
gagawin ninyong simulain sa buhay ang kanyang
katwiran, katarungan, at paglilingkod sa lahat alinsunod
sa kanyang pagmamahal, Pakisagot ninyo ang
katanungang ito:
Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong
Hesukristo, na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing, muling nabuhay at
naluluklok sa kanan ng Ama kayo ba ay
sumasampalataya?
Bayan: Opo, sumasampalataya kami.
Pari: Kung kayo’y makapangangakong susunod sa patnubay ng
Espiritu Santo at kung sisikapin ninyong mapaunlad ang
kaloob niyang buhay at pagmamahal upang maging mga
maipagmamalaking anak ng Diyos Ama at kapatid ng
Panginoong Hesus, pakisagot ninyo ang katanungang ito:
Sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa
kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga
kasalanan, sa muling pagkabuhay ng mga namatay, at sa
buhay na walang hanggan kayo ba ay sumasampalataya?
Bayan: Opo, sumasampalataya kami.
Pari: Bunga ng pagmamahal ng Diyos na makapangyarihang
Ama ng ating Panginoong Hesukristo, tayo ay pinatawad
sa ating kasalanan noong tayo’y muling isilang sa tubig at
Espiritu Santo. Tulungan nawa niya tayong mamalaging
tapat sa ating Panginoong Hesukristo ngayon at
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

PAGWIWISIK NG TUBIG SA TAO


Ang nagsisimba ay wiwisikan ng tubig.
Maaaring umawit ng angkop na awitin habang ginagawa ang pagwiwiwsik. Ang awit na “Isang
Pananampalataya” ni Fr. Avelino Santos ay isa sa mga angkop na awit sa pagwiwiwsik.
Patayin ang sindi ng mga kandila matapos ang pagwiwisik.

Namumuno: Maaari na po nating patayin ang sindi ng ating mga kandila.


Ang Sumasampalataya ay hindi ipahahayag.
PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Taglay ang galak na dulot ng muling pagkabuhay ni Kristo,


dumadalangin kami ngayon sa iyo, Ama. Sa pamamagitan ng
binyag, kami ay iyong pinagindapat bilang mga tunay mong
minamahal na anak. Buong puso kaming dumadalangin:
AMA NG MULING NABUHAY NAMING PANGINOON,
DINGGIN MO KAMI.
1. Sa pagpapanibago ng pangako ng aming binyag, patuloy nawa
kaming lumago sa pananampalataya at pag-ibig habang kami’y
nananabik sa kaganapan ng iyong paghahari. Manalangin tayo!
2. Ipahayag nawa nang may tapang at sigasig ng mga pinuno ng
Simbahan ang Mabuting Balita ng Muling Pagkabuhay ni Kristo
sa gitna ng throw-away culture, kultura ng pagpatay, at
pagkamuhi. Manalangin tayo!
3. Sa pamamagitan ng kapayapaan ni Kristo, makapagpatawad
nawa ang mga taong may mabibigat na dalahin dahil sa hindi
pagkakaunawaan at alitan upang tuluyang maghari ang
pagkakaisa’t pag-ibig sa bawat isa. Manalangin tayo!
4. Magalak nawa ang bawat pamilyang Kristiyano sa pagdiriwang
ng Muling Pagkabuhay. Maiayon nawa nila ang kanilang
pamumuhay sa kalooban mo, O Diyos, upang maging tanda sila
ng iyong pag-ibig at kapayapaan sa mundo. Manalangin tayo!
5. Buksan mo ang aming mga puso, Panginoon, upang manatili
kaming puno ng pag-asa sa iyong paglingap sa tuwing
nakararanas kami ng pagkasadlak
6. Patuluyin mo nawa sa iyong kaharian ang mga kapatid naming
pumanaw na nananalig at umaasa sa grasya at kagalakang hatid
ng Muling Pagkabuhay. Manalangin tayo!
Pari: Ama naming lubhang maawain, lubos ang aming galak at
pagpapasalamat sa pagkakaloob mo sa amin ng manunubos na
magliligtas sa amin mula sa aming pagkamasuwayin. Dinggin
Mo kaming patuloy na umaasa sa iyong paglingap at pag-ibig
alang-alang kay Kristong anak Mo at aming Panginoon.
Bayan: Amen.
IKAAPAT NA YUGTO:
Pagdiriwang ng Huling Hapunan
Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang aklat ng
pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay
ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.
Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay
nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya ng pabulong:

Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Ang diyakono o pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal ng pabulong:

Pari: Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa
dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Pari: Kapuri-puri Ka, Diyos Amang lumikha ng sanlibutan.


Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa, ang
alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Pari: Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga


makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo ng buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan
ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang
pabulong niyang dinarasal:

Pari: O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway
Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muli
niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Pari: Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyag banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Pari: Ama naming Lumikha,
tanggapin mo ang aming mga panalangin
na sumasaliw sa aming paghahain
upang sa nagsimulang Pasko ng Pagkabuhay
kami’y itaguyod nito sa kagalingang walang katapusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
PREPASYO
Ngayoy sisimulan ng tagapagdiwang ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang
kanyang mga kamay habang kanyang sinasabi:

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumainyo rin.
Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.
Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.
Pari: Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw
ay aming pasalamatan ngayong gabing
ipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas,
ang maamong tupa na tumubos sa aming lahat.

Ang iyong Anak na minamahal


ay naghain ng sarili niyang buhay.
Siya ang tupang maamong umako sa kaparusahan
upang mapatawad ang kasalanan ng sanlibutan.
Sa pagkamatay niya sa banal na krus
ang kamatayan namin ay kanyang nilupig.
Sa pagkabuhay niya bilang Manunubos,
pag-asa’t pagkabuhay ay aming nakamit.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakialaan.

SANCTUS (aawitin)
UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal

Pari: Ama naming maawain,


ipinaaabot namin ang pasasalamat sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.

Pari: Ipinakikiusap namin sa pamamagitan ng Anak mong ito


na ang mga kaloob namin ay tanggapin at basbasan mo 
sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Pari: Iniaalay namin ito sa iyo, unang-una


para sa iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa Francisco., na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo Reynaldo.
at ng lahat na nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang katoliko
na galing sa mga apostol.
Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig

Pari: Ama namin,


iyong alalahanin
ang iyong mga anak na ngayo’y aming idinadalangin:
N. at N. (Sandaling katahimikan)
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay.
Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Pari: Ang aming pananampalataya ay nababatid mo


gayun din ang pagsisikap naming maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan namin
at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa aming kalusugan at walang hanggang kaligtasan,
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kailanman.
Pag-alala sa mga Banal

Pari: Kaisa ng buong Simbahan


ngayo’y aming ipinagdiriwang
ang dakilang kapistahan ng paghahain
ng aming Panginoong Hesukristo para sa amin.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen,
gayundin ang kanyang kabyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga Apostol at martir
na sina Pedro, Pablo at Andres,
(sina Santiago, Juan,
Tomas, Santiago, Felipe,
Bartolome, Mateo,
Simon at Tadeo;
gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,
Cornelio, Cipriano,
Lorenzo, Crosogono,
Juan at Pablo,
Cosme at Damian)
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang mga kabutihan
at walang sawang pagdalangin para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain at ipagsanggalang.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen. )
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Pari: Ama namin,


iyong tanggapin
ang handog na ito ng iyong buong angkan
sa pag-alala sa dakilang araw
ng paghahain ng Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
upang pagsaluhan ng mga alagad.
Loobin mong kami’y makapamuhay
araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami ay mawalay
sa iyo kailan pa man.
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Pari: Ama namin,


basbasan mo
ang mga handog na ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
sa Espiritu at katotohanan,
kaya para sa amin
ito ay gawin mong maging Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Pari: Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit


para kami at ang lahat ng tao ay masagip,
nakisalo siya ngayon sa mga alagad niyang iniibig.
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas habang kanyang patuloy na inihahayag.
Pari: Hinawakan ni Hesus ang tinapay
sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.
Ang pari ay titingala.
Pari: Tumingala siya sa langit,
sa iyo, Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.
Pari: TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy.
Pari: Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na
inihahayag:
Pari: hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala
sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:
Pari: TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO,
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya
bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:
Pari: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
ANAMNESIS (aawitin)
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal.

Pari: Ama,
kaming mga lingkod mo at bumubuo sa iyong bayang
banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang pagpapakasakit
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggaling
inihahandog namin sa iyong kataas-taasang kamahalan
ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kailanman
at ang inuming nagbibigay-
kagalingang walang katapusan.
Masdan mo nang buong kasiyahan
ang aming mga alay na ito.
Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo,
sa paghahain ni Abraham, na ama namin sa
pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,
na paring hirang mo.
Paunlakan mo ngayong tanggapin
ang lahat at dalisay na paghahain.
Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay.
Pari: Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming iyong ipaakyat sa banal mong anghel
ang mga alay na ito
sa dakilang dambanang nasa iyong harap
upang sa pagsasalo
sa banal na Katawan at Dugo ng iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon dito sa banal mong hapag
Tatayo ng tuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal.

Pari: kami ay mapuspos ng iyong pagpapala at tanang


pagbabasbas.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)
Pag-alala sa mga yumao sa daigdig
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Pari: Ama namin,


Ama namin, iyo ring alalahanin
ang mga anak mong naunang yumao sa amin
sa paghimlay sa iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng pananampalataya ay kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal:
N. at N.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos ang pari ay patuloy
na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.
Pari: Sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo
ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa iyong
piling.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya ay nagsisimulang magdasal.

Pari: Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod


Patuloy na magdarasal ang pari nang nakalahad ang mga kamay:

Pari: kami rin ay nagtitiwala sa iyong nag-uumapaw na


pagkamapagbigay
sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring kami ay makaugnay at
makapiling
ng iyong mga banal na apostol at martir,
kasama nina Juan Bautista, Esteban,
Matias, Bernabe,
(Ignacio, Alejandro,
Marcelino, Pedro,
Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia,
Agnes, Cecilia, Anastacia)
At ng lahat ng iyong mga banal.
Kami nawa’y makapisan nila
hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang kulang na
kulang
kundi pakundangan sa iyong pagpupuno sa aming
kakulangan.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


At patuloy siyang magdarasal:

Pari: Sa kanyang pamamagitan


ang tanang mabubuting kaloob mong ito
ay lagi mong pinaiiral,
pinababanal, binubuhay, binasbasan
at sa amin ibinibigay.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:

Pari: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya, at sa Kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa
Iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:

DAKILANG AMEN (aawitin)


ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay.

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos,
ipahayag natin nang lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat.

AMA NAMIN (aawitin)


Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Pari: Hinihiling naming


kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng
kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming
pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng
Tagapagligtas naming si HesuKristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong
pagbubunyi:

SAPAGKAT (aawitin)
PAGBATI NG KAPAYAPAAN
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Pari: Panginoong HesuKristo,


sinabi Mo sa Iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo.
Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.”
Tunghayan Mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan at
pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Pari: kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Bayan: Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Bayan: At sumainyo rin.
Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.
PAANYAYA SA PAKIKINABANG
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya
ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Pari: Sa pagsasawak na ito


ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito:

AGNUS DEI (aawitin)


Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa lamang
idurugtong ang “ipagkaloob mo sa aming ang kapayapaan.”
Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Pari: Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan
at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga
utos, at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan.
Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:
Pari: Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa Kanyang piging.
Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa Iyo
ngunit sa isang Salita Mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:
Pari: Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni
Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan ang mga makikinabang, bahagyang itataas
ang ostiya para sa bawa’t nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pari: Amang naming mapagmahal,
padaluyin mo, sa amin ang batis
ng Espiritu ng iyong pag-ibig
upang kaming pinapagsalo mo
sa piging ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo
ay magkaisa sa pananalig sa iyo
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maisusunod kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maiiksing patalastas na sasabihin sa mga tao.
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang tagapagdiwang na nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Pari: S umainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Magsiyuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos.
Sa dakilang kapistahang ito ng Pasko ng Muling
Pagkabuhay ni Hesukristo kayo nawa’y pagpalain ng
makapangyarihang Diyos at sa tanang kasalanan ay kanya
nawang ipagsanggalang ngayon at magpasawalang
hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo
pinagkalooban kayo ng Diyos ng kagalingan at kaligtasan.
Puspusin nawa niya kayo ng kawalang-kamatayan
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: Matapos ipagdalamhati ang pagpapakasakit ni
Hesukristo, ipinagdiriwang ngayon ang maligayang
Pasko ng Pagkabuhay. Pasapitin nawa niya kayo sa
kaganapan ng kanyang kapistahan sa kalangitan
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

Pari: Pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos


Ama,  at Anak at Espiritu Santo.
Bayan: Amen.
Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang
Panginoon ay mahalin at paglingkuran, Aleluya! Aleluya!
Bayan: Salamat sa Diyos, Aleluya! Aleluya!
Kakantahin ang Pangwakas na Awit.

You might also like