You are on page 1of 2

Exultet

Magalak kayong lahat sa kalangitan,


kayong mga anghel ay mangag-awitan!
Magalak kayong lahat na mapapalad na nilkha
na nakapaligid sa luklukang dakila.

1. Si Kristo na ating Hari ay nabuhay na mag-uli!


Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan!
Magalak, O sanlibutan, sa maningning nating Ilaw!
Si Kristo na walang maliw ang pumaram sa dilim.

Tugon sa mahabang paraan ng pagpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay:


Magalak ng lubos ang buong sambayanan!
Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang (sa kalwalhatian) !
Sa ningning ni Jesu-Cristo,
sumagip sa sansinukob,
Siya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos.

2. Itaas sa kalangitan ating puso at isipan!


D’yos Ama’y pasalamatan sa Anak Niyang nabuhay.
Sapagkat tapat S’yang tunay sa Kanyang pananagutan
para sa kinabilangan Niya na sambayanan.

3. Ngayon nga ang kapistahan ni Hesukristong nag-alay


ng Kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan.
Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipina’y
sa tubig pawang naparam, kalayaa’y nakamtan!

4. Ngayon nga ang pagdiriwang ng ating muling pagsilang


sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan,
pagkat mula sa libingan bumangon na matagumpay
Mesiyas ng sanlibutan – si Hesus nating mahal.

5. Diyos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay


pag-ibig Mo’t katapatan para sa mga hinirang.
Handog Mo’y kapatawaran sa lahat ng kasalanan.
Higit sa lahat Mong alay – si Hesus naming mahal!

6. Dahil sa kaligayahang sa ami’y nag-uumapaw


Hain namin itong ilaw, sagisag ng Pagkabuhay.
Tunay na kaliwanagang hatid ni Hesus na
Tanglaw, ang dilim ng kamatayan ay napawi’t naparam!

7. Ang Araw ng Kaligtasan, si Hesus, bukang-liwayway,


walang maliw na patnubay sa landas ng kaligtasan,
hatid N’ya’y kapayapaan, lakas Mo at pagmamahal
upang aming magampanan aming pananagutan.

You might also like