Professional Documents
Culture Documents
(Orihinal na Ingles- Norbert Becker; Isinalin sa Tagalog ni Rev. Reece Ven Bico, 2020)
Ang kailangan sa panahon ngayon ay ang mga Tagapanguna na itinalaga ang sarili kay
Hesus at ang prinsipyo na nagsasaad na ang mga Layko ay para sa Iglesya. Sa mga
nagbabasa nito ngayon, dapat na maintindihan na ang pag-asa ng Iglesya ay hindi
matatagpuan sa ibang lugar o panahon, datapwat ito ay mag-uumpisa sa sarili,
“Panginoon dumating ang Iyong kaharian, at magsimula ito sa akin!”
Sa puntong ito, ating binibigyan ng pansin na ang mga Layko ay magkaroon ng mas
malaking responsibilidad. Ngunit ito ay kalahati lamang ng kabuoan. Ang sunod na
kalahati naman nito ay totoo rin: Ang mga Manggagawa ng Iglesya at mga
Tagapanguna sa Iglesya ay mga tagapagdala ng pagbabago at pagpapanibago. Sa
ganitong aspeto, malaking responnsibilidad ang nakaatang sa kanilang mga balikat.
"Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan
ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami. " Ang ganitong prinsipyo
ng pagkakatiwala ay nagtitiyak na ang mga nabiyayaan at nasanay na mga lider ay
inaasahan na maging tiyak na daluyan patungo sa pagpapanibago at pinalakas na mga
Layko.
Kung ang mga Layko ang pag-asa ng Iglesya, ang mga Manggagawa ay nariyan upang
sumuporta. Sa praktikal na kalagayan, ang mga Lider ng Iglesya ang nasa posisyon
upang tumugon sa pangangailangan para sa pag-angat ng kalagayan ng mga layko at
kanilang mga gawain. Parang sa sasakyan, sila ang nagmamaneho. Ang mga layko ay
nasanay na mga pasahero at dahil dito bihira na ipakita ng isang layko ang kakayahan
niya na magbahagi ng kanyang kaisipan sa sarili lamang niyang pasya. Matagal na
nanatiling tagasunod kaysa mga tagapagdala ng inobasyon. Hangga’t si Juan dela Cruz
ay palagi na lamang pasahero sa jeep ng Simbahan, hindi sya magkakaroon ng
pagkakaton na makapagmaneho kahit may kakayahan siya na gawin ito. Ang mga Lider
ng Simbahan ang mangunguna upang maging responsable sa pagtupad sa pag-asa ng
Iglesya. Responsable sila sa mga Layko. Sa kasaysayan ng Iglesya, palagi nating
nakikita na kung saan ang Manggagawa, nandoon ang mga Layko. Madalas, ang mga
Layko ay nag-iisip lamang ng hindi hihigit sa mga Manggagawa. Nakontento na lamang
sa pagiging tagasunod na siya nga namang inaasahan sa kanila. Dahil dito, na-
obserbahan ng mga nag-aaral tungkol sa Kasaysayan ng Iglesya na dito nag-uumpisa
ang kasamaan ng Clericalism at Institutionalism (Higit na pagpapahalaga sa mga
Ordinado/Diakono at pagiging striktong istruktura ng Simbahan). Tinanggap ng mga
layko ang ganitong mukha ng pangunguna. Ang mga Manggagawa naman sa dahilan
ng pagkakataon at kahinaan sa posisyon ng kapwa manggagawa at maging ng ilan
ding layko, ay mas lalong lumaganap ang ganitong kalakaran. Mas naging madali ang
manguna at maglingkod sa kalakaran na nakasentro sa mga manggagawa kaysa sa
magpalakas at magturo sa isa’t-isa lalo na sa kakayahan ng mga layko. Dahil dito,
nanatili ang ganitong sistema sa palipas ng panahon bagaman hindi ito ang nais na
mangyari. Maaring isisi din ito sa mga layko sapagkat hindi naging mapanuri sa
kanilang bahagi ngunit mas malaki na sisi ay nasa mga Lider ng Iglesya, sa mga
Mangggagawa sa paghantong dito. Isang halimbawa dito ang Cursillo Movement na
kung saan ay mayroong maraming bilang ng Laykong Romano Katoliko pero nanghina
sapagkat hindi ito sinuportahan ng mga Pari. Sa mga protestante din, masasabi na
epektibo ang mga Layko kung ito ay susuportahan at bibigyan ng lakas ng loob mula sa
mga Manggagawa ng Iglesya.
Sa ganitong kalagayan, batid ng mga Lider ang bigat ng tungkulin at maaring itanong
din nila ang tanong ni Apostol Pablo “Sino ang may sapat na kakayahang gumawa ng
mga bagay na ito?” (2 Corinto 2:16) Ang sagot, “wala kundi ang mga sugo ng Diyos!”
Sa panahon bago ang Pentecostes, ang mga alagad/disipulo ay hindi makagawa ng
mga bagay higit sa Panginoong Hesus, ngunit sa panahon matapos ang Pentecostes,
ang mga alagad/Apostol ay nakagagawa ng higit sa nagawa ng ating Panginoong
Hesu-Kristo. Sinumang Pastor o Pari na naniniwala na si Kristo ang Liwanag ng
Sanglibutan at tayo bilang mga tagasunod ay mga liwanag na tatanglaw sa
sandaigdigan ay may kakayahan na manguna patungo sa layunin.. Kung saan
mayroong pagtatalaga para sa pagpapalakas sa Katawan ni Kristo, ang Panginoon
mismo ang magbibigay ng kakayahan, pasensya at ang katatagan na kailangan upang
languyin ang mga pagsubok.
Sa kasalukuyan, mayroon tayong mga programa na kung saan ang mga Pastor ng
Iglesya Lokal ay makakapagbigay ng oportunidad na palakasin ang mga layko para sa
ministeryo. Mahalaga ang programa ngunit dapat batid natin na may mga bahagi ng
paglilingkod na hindi maituturo kundi dapat na tanggapin. Ito ay naipapasa mula sa
isang tao patungo sa kasunod. Ito ay mahalagang bahagi sa proseso ng pagsasanay
upang magbigay ng inspirasyon sa mga Layko upang gumampan sa mas malawak na
paglilingkod. Lakip ang mga natutunan at kaalaman mula sa mga pagsasanay, mayroon
din dapat ang Alab ng Espiritu na may pagtatalaga at lakas ng loob. Ito ay nagsisimula
sa mga pinagkalooban nito na buong pusong magtuturo at magpapasa ng kanyang
natutunan sa bawat Layko.
Mahalaga na maintindihan ng mga Layko na ang Espiritung nag-uudyok para sa
paglilingkod ay kasing halaga ng kanilang mismong paglilingkod. Ang magsabi sa isang
nagugutom na “Mahal kita kapatid” ay mabuti ngunit ang magbigay ng kanin/bigas sa
nagugutom ay mas mabuti. Ang pinakamabuti sa lahat ay ang pagsasabi ng iyong pag-
ibig sa nagugutom, kasama ang pagbibigay ng kanin o bigas at pagkain, at pagpapakita
ng malasakit bilang mananampalataya para sa mga nagugutom. Kung ang salita, gawa
at pag-uugali ay magkakasama, makukumpleto ang Komunikasyon ng Pag-ibig
Kristyano. Ito ang uri ng komunikasyon o katuruan na nag-uudyok at nagbibigay
inspirasyon upang magklingkod ang mga Layko sa bisa ng Espiritu ng Panginoon.
Nagsisimula ang lahat sa personal na pagtatalaga sa ating Panginoon at sa Kanyang
Mabuting Balita.
Bilang pangwakas, upang matulungan ang mga Layko na maging pag-asa ng Iglesya,
ang mga Nag-uudyok ay maging seryoso upang putulin ang tunggalian sa pagitan ng
mga Lider at mga Layko. Unawain na nagpapatuloy ang agwat na ito, ang mga layko ay
bumababa ang tingin sa sarili. Upang mapaliit ang agwat, ang mga Nag-uudyok ay
magpakita ng kanilang pamumuhay na kung saan ang paglilingkod ay nakaangkla sa
pagsasama-sama ng buong kapatiran at hindi nangingibabaw o nagpapailalim sa bawat
isa; ito ang pinakamalakas na impluwensyang magagawa. Maging ang pagpapakita na
wala sa edukasyon, wala sa kasarian, at wala sa iba pang pamantayan ang buhay
paglilingkod kundi sa pagpapakita natin ng halimbawa kung ano ang may
pakikipagkaisa kay Kristo at pagkakaisa din sa ating kapwa. Maaring hindi ganap na
mawawala ang agwat na ito ngunit mas liliit ang agwat, uunlad ang pagkakaisa at ang
buong Katawan ni Kristo ay tatatag sa pag-ibig.
Narito ang Pag-asa ng Iglesya: Na ang mga kaanib ng katawan ni Kristo, Manggagawa
at Layko na magkasama, ay hahayaan ang Espiritu ng Diyos upang manguna sa
paggampan sa iisang katawan gamit ang mga kaloob ng Espiritu upang maging
Tagapamagitan at Tagapaglingkod ng Diyos.
Isang lumang kasabihan ang nagsasabi: "Kung nagbabalak ka sa isang taon, magtanim
ng isang butil, kung nagbabalak ka para sa 10 taon, magtanim ng mga puno. Kung
nagbabalak ka para sa isang siglo, magtanim/magsanay ng mga tao.” Ang kinabukasan
ng Iglesya ay nakabatay sa paghahasik at pagsasanay ng mga Layko.”
Mga Manggagawa sa Iglesya, totoong mahalaga. Pero dapat ang Iglesya ay mabatid
ang pangangailangan na magtanim at magsanay ng mga Layko bilang pag-asa ng
Iglesya Lokal
PANGALAN: __________________________________________
IGLESYA LOKAL: _____________________________________
PETSA: ______________________________________________
2. Saan mo mas nakikita ang iyong sarili kung gagamitin natin ang halimbawa
na ginamit ni Apostol Pablo sa 1 Corinto 12:12-31a, anong bahagi ng
katawan ka at bakit?