You are on page 1of 5

PULUNGMASLE UNITED METHODIST CHURCH

Capilla, Pulungmasle, Guagua, Pampanga

SUNDAY SCHOOL LESSON March 27, 2022

MASAYANG KOMUSTAHAN

PAMUKLAT A PANALANGIN
ANG KALOOBAN NG DIYOS
(Pagbabalik Loob ng mga Taong Nagkasala)
Oseas 11:1-11

INTRODUCTION
Nagtaksil ang Israel sa Diyos kaya siya ay hahatulan. Gayon man, mananaig din sa huli ang di
nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos sa kanyan bayan at mahihikayat silang manumbalik.
Ang pag-ibig na ito ay inihayag sa madamdaming pangungusap sa versiculo 8. Pababayaan
ba kita “Efraim”? Ikaw ba ay aking ibibigay sa kaaway kong Israel? Nagtatalo ang loob ko
at nanaig sa akin puso ang malasakit at awa.

1. ISRAEL: SUWAIL NA BAYAN


Malinaw na ang pagsuyaw ng Israel ay paggawa niya at pagsamba kay Baal (hari ng mga
diyos-diyosan). Sino ang dapat sisihin sa pagiging suwail ng Israel sa panahong ito? ang mga
hari, propeta, saserdote sino?
Sa totoo wala naman dapat sisihin kundi sila mismo na may katigasan ang ulo at sadyang marupok

Kailan nagiging mabuting tao ang tao? Ang bansang Pilipinas? Sang ayon sa gusto ng Diyos
at kailan naman siya nagtataksil sa Diyos? (Pag-usapan at tumingin sa paligid)

2. SASAKUPIN ANG ASIRIA


Sa kanilang pagtataksil sila ay itatapon muli sa Asiria at doon muli silang magiging alipin.
Malilipol, lulusubin, wawasakin pa ang mga salita na parusa ang kanilang tatanggapin kay Yahweh.
Pero sa mga anak niyang sumusunod ng buong katapatan at pag-ibig ay pawang kabutihan at
pagpapala ang kanilang tatamuhin. Sila at ang kanilang susunod na lahi.
Maaari po ba kayong magpatotoo sa kabutihan at pagpapala ng Diyos sa buhay nyo?

3. PABABAYAAN BA KITA EFRAIM?


Ang Efraim ay ang Northern Kingdom at ang Juda ay ang Southern Kingdom. (Oseas 4:17)
Ang talamak na kasalanan na pagsamba sa mga diyos-diyosan ay sa Efraim. Pero ang galit ni
Yahweh pati Juda ay kanya sanang parurusahan. Yan ang nangyari sa Adama at Zeboaim. Katabi
niya ang Sodoma at Gomorra (Genesis 14:23). Ang parusa ng Diyos ay nahawa ang iba, nagkasala
ang Efraim damay na rin ang Juda. Pinagpala ang mga magulang damay na rin ang mga anak.
Parurusahan ang mga magulang hindi kaya ang mga anak ay damay na rin?
(Kaya napakaganda na ang buong sambahayan ay naglilingkod sa Diyos?
Mayroon ba kayong patotoo nito?

PANGWAKAS NA PANALANGIN
PULUNGMASLE UNITED METHODIST CHURCH
Capilla, Pulungmasle, Guagua, Pampanga

SUNDAY SCHOOL LESSON: April 03, 2022

MASAYANG KOMUSTAHAN

PAMBUKAS NA PANALANGIN

ANG KALOOBAN NG DIYOS


(Lubos na Pagtitiwala)
Isaias 1:1,10-20
INTRODUCTION:
Nakita ni Isaias na hindi lamang lakas ng Asiria ang tunay na banta sa buhay ng Juda. Kundi ang
kasalanan at pagsuway at ang kawalan nila ng pagtitiwala sa Diyos. Binabalaan sila na ang di
pagtalima sa Diyos ay tiyak na maghahatid sa kapahamakan at pagkawasak sabi sa Kawikaan 3:5
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.

1.ANG KASALANAN NG ISAREL


Sa mga naunang pag-aaral kay Amos at Hosea ang kasalanan nagkasala ang Israel dahil gumawa
sila ng ibang diyos na sinasamba. Kay Isaias naman ang diyos nila ay ang kanilang sarili, sa
pamamagitan ng hindi pagtigil na kasalanan na kanilang ginagawa.
Anong kasalanan? Batayan v.15
Sapagkat naninira kayo ng buhay na pinatay. Ang kasalanan ay nagiging hadlang kaya anuman
gawing paglilingkod hindi ito tinatanggap ni Yahweh. Kung manalangin sila hanggang ulap lamang
hindi ito umaabot sa langit. Kung naghahandog sila susunugin ang usok hanggang ulap lamang hindi
umaabot sa Diyos ang lahat ng kanilang ginagawa dahil sa kasalanan.

2. PANAWAGAN NI YAHWEH v.16


Magpakabuti na kayo
Magbalik loob
Tumigil na kayo sa paggawa ng masama
Sa panahong ito ano kaya ang kasalanan ng Pilipinas na dapat magsisi at magbalik loob sa Diyos?
Sa panahon ni Jesus tinutuligsa niya ang mga mayayaman. Mayayaman na walang Diyos, dahil
ang diyos nila ang kanilang kayamanan.

3. PAGGAWA NG MABUTI
* Pairalin ang katarungan
(Paano sa kalagayan ngayon ang isagawa ang pagbibigay katarungan sa mga kapwa ninyo
mananamplataya?)
*Itigil ang pang-aapi
(Sino ba ang inaapi sa ating lipunang ginagalawan)
Ang mga ulila at balo
Mayroon ba sa ating lipunan na mga ulila at balo na dapat tulungan at paano?
Habang nagtitiwala tayo sa ating Diyos ng lubos-lubusan.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
PULUNGMASLE UNITED METHODIST CHURCH
Capilla, Pulungmasle, Guagua, Pampanga

SUNDAY SCHOOL LESSON Abril 10, 2022

MASAYANG KOMUSTAHAN

PAMBUKAS NA PANALANGIN

ANG KALOOBAN NG DIYOS


(Ang Naligaw na Landas)
Isaias 5:1-7
INTRODUCTION:
Tinatag ng Diyos ang kanyang iglesiya para ang mga tao lalo na ang mga naliligaw ay
magbalik loob sa Kanya. Sa pamamagitan ng pagtanggap kay Jesu-Cristo bilang kanyang
Panginoon at manunubos at ito ay maglilingkod sa Panginoon.

1.ANG MGA REMNANT NG ISRAEL


Ang Israel ay inaalipin ng mga bansa na sumakop sa kanila pero mayroon naiiwan.
v. 2 Pagdating ng araw na iyon payayabungin ni Yahweh ang lahat ng pananim sa Israel at ang
bunga ng lupa ay magiging dangal at hiyas ng mga matitira sa Israel.
Ang mga “Remnant” na ito ay naglilingkod, nanalangin at sumasamba kay Yahweh para
maligtas ang kanilang mahal sa buhay na naitapon sa ibang bansa. Pero hindi ganoon ang
nangyari sila ay naging masama

2. NAGING LIGAW NA UBAS


Ang tinanim ni Yahweh ay mabuting ubas ng magkaroon ng bunga. Ang ubas na ligaw….
(Nangyari na ba sa inyo na alam mo ang tinamin mo ay puno ng bunga na matamis, nang
magkabunga ay maasim?)
Iba naman ang puno ng Igos sa talinghaga ni Jesus, Ito ay tatlong taon ng inaalagaan pero
wala siyang bunga (Lukas 13:6-9)
Ang ubas sa panahon ni Isaias ay may bunga kaya lang ligaw na bunga. Ang puno ng igos ay
walang bunga. Ang ubas sa panahon ni Isaias ay pinabayaan. (Basahin vv.4-6)

3. ANG UBASAN ITO AY ANG ISAREL


Tinanim siya ng Panginoon sa magandang pagkatanim at inalagaan sa kanyang mga salita sa
pamamagitan ng mga propeta na nagsasalita.
Bakit sa bandang huli naging ligaw na ubas?
Naligaw dahil sila ay naging mamatay tao at nang aapi sa mga dukha at nagkakahit ng katarungan
Hindi kaya sa panahon natin ngayon ang Pilipinas ay isa ding ligaw na ubas?

PANGWAKAS NA PANALANGIN
PULUNGMASLE UNITED METHODIST CHURCH
Capilla, Pulungmasle, Guagua, Pampanga

SUNDAY SCHOOL LESSON Abril 17, 2022

MASAYANG KOMUSTAHAN

PAMBUKAS NA PANALANGIN

ANG KALOOBAN NG DIYOS


(Tawag na Dapat Sundin)
Jeremias 1:4-10
INTRODUCTION:
Ang Diyos ay tumatawag para utusan niya sa isang misyon. Ang mga kilalang propeta sa
Lumang Tipan ay mayroon lahat tawag bago isinagawa ang misyon. Ang mga propeta ay
tinawag para maging tagapagsalita ng Diyos.

1.SINO SI JEREMIAS?
Si propeta Jeremias ay nabuhay nang huling bahagi ng ikapitong siglo at unang bahagi ng
ikaanin na siglo B.C. Ang misyon niya ay sabihin sa kanyang mga kababayan na huminto sila
sa ginagawa nilang pagsamba sa mga diyos-diyosan dahil kung hindi sila ay parurusahan ni
Yahweh.
Sa panahon natin ano ang pagsamba sa mga diyos-diyosan? Sarili? Kayamanan? o ano mang
nilalayo ka sa Diyos na maaring ituring na pagsamba sa Diyos?

2.PAANO SIYA TINAWAG?


Si Jeremias ay isang lalaking may malambot na kalooban at labis na nagmamahal sa
kanyang mga kababayan. Hindi niya ibig magpahayag ng kahatulan sa kanilang dangal.
Kinakailangan ang salita ng Diyos ay parang apoy sa kanyang puso, hindi niya ito masugpo.
Dati na siyang kinakausap ni Yahweh at tinatawag para maging propeta pero ayaw niya.
Ang dahilan niya siya ay bata pa. Ano ang sagot ni Yahweh na siya ay bata pa?
v.4 Nasa tiyan kapa ng iyong ina tinawag na kita para maging propeta sa lahat ng bansa.
Pangalawang dahilan niya hindi siya marunong magsalita dahil daw bata pa siya.
Ano ang sagot ni Yahweh?
vv.9-10 “ Hinipo niya ang labi ko at sinabi” Ibinibigay ko na sa iyo ang dapat mong sabihin”
Ibig sabihin bawat dahilan natin sa hindi pagtugon sa tawag ng Diyos, ito ay kanyang binibigay
para lamang tumugon ka.
Ibinibigay na ng Diyos sa iyo ang dahilan mo dati, kaya ngayon maglilingkod ka na.
Ano ang pagkakaiba ni Amos, Oseas, Isaias at Jeremias? At ano ang kanilang pagkakapareho sa
kanilang pagkatawag sa misyon?
Ihalintulad si Jeremias kay Jesu-Cristo (Jeremias 4:10, Mateo 2:10 pag-aralan)

PANGWAKAS NA PANALANGIN

You might also like