kaluwalhatian Sa Iyong kagandahang-loob, sangkatauha’y umiral. Nguni’t dahil sa aming kapangyarihan, Sala namin ay naglayo sa Iyo ng pagkalayo-layo. Dahil dito lalo lamang tumingkad Ang Iyong pagmamahal sa Iyong mga nilikha. Isinugo mo ang Iyong Bugtong na Anak Upang ang sumampalataya ay maligtas sa ganap. Sa araw na ito, dalangin namin na kami’y Iyong samahan Na tuklasin ang misteryo ng Iyong pag-ibig Na Iyong ipinahayag sa Iyong Bugtong na Anak Ito’y aming dinadasal sa ngalan ni Jesus Na aming Panginoon, Amen. JESUS, DIYOS NA NAGKATAWANG TAO PAG-IBIG Ano ang mensahe ng awit? Ano ba ang kahulugan ng Pag-ibig para sa’yo? Magbigay kayo ng kongkretong halimbawa sa inyong sariling karanasan kung bakit ninyo nasabi na ang pag- ibig ay pagbibigayan, pagsakripisyo, pagmamalasakit, atbp.? Salita ng Diyos: Lukas 1:26-38 “…Ikaw ay maglihi at manganganak ng isang lalaki…”
1. Sino angsinugo ng Diyos upang
maghatid ng balita kay Maria? 2. Sino si Anghel Gabriel? 3. Ano ang mensaheng inihatid niya kay Maria? 4. Ano ang naging reaksiyon ni Maria? 5. Ano ang huling tugon ni Maria sa sinabi sa kanya ni Angel Gabriel? SI JESUCRISTO AY IPINAGLIHI, LALANG NG ESPIRITU SANTO AT IPINANGANAK NI SANTA MARIANG BIRHEN.
Naging tao ang Verbo sa ikaliligtas at
ipagkakasundo natin sa Diyos: (1 Juan 4:10). Ang Verbo ay nagkatawang-tao upang kilalanin natin ang pag-ibig ng Diyos: (1 Juan 4:9) Ang Verbo ay nagkatawang-tao upang maging huwaran natin sa kabanalan: (Mateo 11:29) Ang Verbo ay nagkatawang-tao upang bahaginan tayo ng kalikasan ng Diyos: (2 Peter 1:4). IBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIYOS NANG BUONG PUSO, NANG BUONG KALULUWA AT NANG BUONG PAG- IISIP…IBIGIN MO ANG IYONG KAPWA GAYA NG IYONG SARILI. MAGBIGAY NG MGA KONGKRETONG GAGAWIN, BILANG PAGSUNOD SA 2 DAKILANG UTOS NG DIYOS.