You are on page 1of 117

BANGHAY-ARALIN

SA
IKA-LIMANG BAITANG
2020-2021

Inihanda nina:

Lira Arangoso
Mary Realyn Barotil
Jeremy Batioco
Ma. Theresa Bonafe
Genalyn Baybayan
Florniña Cabiling
Baby Joanna Dumencel
Marites Fortin
Natividad Manuel
Elizabeth Murillo
Angelica Nolledo
Lea Sangalang
Marites Torno
Bro. Glephord Salebal
Eva Ybañez
Jairo Mirafuentes
Jocelyn de Jesus Gaa

Ang Banghay Aralin na ito ay gabay ng mga Katekista sa pagsasagawa ng katekesis sa


pampublikong paaralan.
Malayang baguhin ang ilang bahagi ng Banghay Aralin, maliban sa Pagpapahalaga, Salita ng
Diyos at Turo ng Simbahan.
Isulat sa Banghay Aralin ang anumang pagbabago na inyong gagawin.

Pagpalain tayo ng Poong Maykapal!

1
Catechist’s Prayer

O Jesus, Great and Beloved Teacher.


Thank you for inviting us to share Your teaching mission as catechist.
Thank you for calling to proclaim God’s presence and to announce the Good News of the Gospel
to those we teach.
Guided by Your Holy Spirit and Teaching of the Church, may we always be faithful and
courageous catechists.
May our love and concern for those we teach always be our guiding motivation.
May our hearts be on fire within us as we prepare our lessons and class activities.
May we see our opportunity to share God’s incredible love.
Thank you for calling.
Thank you for Your love.
Amen.

St. Michael the Archangel, defend us in the day of battle.


Be our defense against the wickedness and snares of the devil.
May God rebuke him, we humbly pray and do thou,
O Prince of the Heavenly Host, by the Power of God cast into hell Satan
and all the evil spirits who wander around the world seeking the ruins of souls.
Amen.

2
MGA NILALAMAN
Paksa 1: KAHANGA-HANGA ANG DIYOS NA LUMIKHA NG LAHAT - - - - 5
Pakas 2: HESUS, DAKILANG TANDA NG PAG-IBIG NG DIYOS AMA - - - 10
Paksa 3: ESPIRITU SANTO NANANAHAN SA ATIN - - - - - - - - - - - - - - - - 15
Paksa 4: BANAL NA KASULATAN TANDA NG PAG-IBIG NG DIYOS - - - 20
Paksa 5: SIMBAHAN BILANG SAKRAMENTO NG KALIGTASAN - - - - - - 25
Paksa 6: MGA SAKRAMENTO: PAGDIRIWANG NG MAPANLIGTAS
NA PAG-IBIG NG DIYOS - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 31
Paksa 7: MGA SAKRAMENTAL: MGA BANAL NA TANDA - - - - - - - - - - 37
Paksa 8: BINYAG PAGDIRIWANG NG BAGONG BUHAY KAY HESUS - 42
Paksa 9: SA KUMPIL NAGIGING GANAP ANG ATING PAGIGING
KRISTIYANO - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 47
Paksa 10: BANAL NA EUKARISTIYA: SAKRAMENTO NG
PAGMAMAHALAN - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 53
Paksa 11: SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO, PAGDIRIWANG NG
PAGPAPATAWAD NG DIYOS - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - -- 58
Paksa 12: SAKRAMENTO NG PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT:
PAGPAPAGALING NI HESUS - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 64
Paksa 13: SAKRAMENTO NG KASAL: TAWAG SA KABANALAN - - - - - 69
Paksa 14: SAKRAMENTO NG BANAL NA ORDEN: TAWAG SA
PAGLILINGKOD SA BAYAN NG DIYOS - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 75
Paksa 15: SANTA MARIA, PINARANGALAAN NG DIYOS, PARANGALAN
DIN NATIN SIYA - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 81
Paksa 16: BUNGA NG PAGTANGGAP SA MGA SAKRAMENTO: BUHAY
NA WALANG HANGGAN - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 86

PAKSA 1: KAHANGA-HANGA ANG DIYOS NA LUMIKHA NG LAHAT


TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang

3
Pahayag ng Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
Panananmpalataya (Sources & Means) (Transfer Goal)
(Enduring Understanding)
Katotohanan: Ang Diyos Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang
Ama ay Manlilikha, Siya ang paksang ito ang mga bata ay
pinagmumulan ng lahat ng Salmo 145: 1-13 inaasahang
biyaya. (KIK 279; KPK 271, “Dakila si Yahweh, at karapat-
300)  Makikilala na ang Diyos
dapat na Siya’y purihin; ang
ang lumikha ng lahat.
Pagsamba: Sa Banal na kadakilaan niya ay mahirap
Eukaristiya, pinupuri at nating unawain”.  Makakapagpakita ng
pinasasalamatan natin ang mga gagawing pag-
Roma 11:36
Diyos Amang may likha ng aalaga sa kalikasan.
lahat, sa pamamagitan ni Kristo, Katuruan ng Simbahan:
kaisa ng Espiritu Santo. (KPK KIK 279; KPK 271,300 Makakapag-alay ng
349,1682; 1683,1687; papuri sa Diyos na may
Eucharistic Prayer no.2) KPK 349,1682; 1683,1687 likha ng lahat
Pagsasabuhay: Sa ating KPK 348, KIK 307
patuloy na pagpapahalaga,
paghanga at mabubuting
pangangalaga sa mga nilikha ng
Diyos niluluwalhati natin ang
Manlilikha.
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: Huwaran:
(Essential Questions)
Pagkilala sa Diyos na lumikha Paano inilahad ng Banal na St. Francis ng Asissi
Kasulatan ang kadakilaan ng
Kahalagahan ng Sangnilikha Diyos? VALUE:
Wastong pangangalaga at Paano mo ipapakita ang Pagpapahalaga o paghanga
pagpapahalaga sa mga nilikha. pagpapahalaga o paghanga sa sa mga kaloob ng Diyos
mga nilikha ng Diyos? (Appreciation)
SITWASYON NG BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
May kaalaman na tungkol sa Unti-unting maunawaan na ang Magkaroon ng tunay na
Diyos na lumikha ng mga lahat ng naririto, maging pagkilala sa kadakilaan ng
sangnilikha ang ating mundo ay nilikha ng Diyos na may likha ng
Diyos. sangnilikha.
Mauunawaan na sa kanilang Makapagpuri at
Ngunit hindi sapat ang pangangalaga o paghanga sa makapagpasalamat sa Diyos
kaalaman para purihin at mga nilikha ng Diyos ay sa Kanyang mga likha.
pasalamatan ang Diyos napapapurihan at
napapasalamatan natin ang Makiisa sa pagpapahalaga
Diyos sa mga kapaligiran sa
Dahil di mulat ang kaisipan sa pamamagitan ng
mga nangyayari sa kapaligiran. Mararamdaman sa kanilang pagpapalago at
buhay ang kahalagahan ng pagpapaganda ng mga

4
pakikiisa sa pangangalaga at pag nilikha
iingat sa mga nilikha.

5
PAKSA 1: KAHANGA-HANGA ANG DIYOS NA LUMIKHA NG LAHAT
PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Papatugtugin ang kantang "Kahanga-hanga " bilang pambungad na panalangin.

"Kahanga-hanga "
Kahanga-hanga ang iyong pangalan
O Panginoon sa Sangkalupaan
Ipinagbunyi mo ang iyong kamahalan
Sa buong kalangitan
Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong mga kamay
Ang buwan at bituin na sa langit iyong inilagay

Kahanga-hanga ang iyong pangalan


O Panginoon sa Sangkalupaan
Ipinagbunyi mo ang iyong kamahalan
Sa buong kalangitan
O Sino kaya siyang tong pinagmamasdan mo
Ginawa nyang anghel ang katulad
Pinuno mo ng karangalan

Kahanga-hanga ang iyong pangalan


O Panginoon ng sangkalupaan
Ipinagbunyi mo ang iyong Kamahalan
Sa buong kalangitan

Dasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati…

PAGBATI AT PAGBABALIK ARAL:

Mapagpalang umaga mga bata. Kung inyong mapapansin espesyal ang ating panalangin
ngayon, alam ba ninyo kung bakit, sapagkat sadyang kahanga-hanga ang Diyos. Naaalala pa ba
ninyo ang huling paksa na ating tinalakay? Maari ba kayong magbigay ng inyong natatandaan o
natutunan sa huli nating paksa.

Sa ating paksa ngayon na may pinamagatan na "Kahanga-Hanga Ang Diyos Na Lumikha


Ng Lahat"ay aalamin natin kung bakit nga ba kahanga hanga ang Diyos. May mga ilang
katanungan dito na mamaya ay ating sasagutin.

MAHALAGANG TANONG:

 Paano inilahad ng Banal na kasulatan ang kadakilaan ng Diyos?


 Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga o paghanga sa mga nilikha ng Diyos?
6
Kaya naman atin nang pakinggan ang nilalaman ng Banal na Aklat upang mas higit nating
maunawaan ang ating paksa. Ihanda natin ang ating sarili at tahimik na makinig. Handa na ba
kayong makinig?

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1.1 SALITA NG DIYOS: AWIT 145:1-13

" Dakila si Yaweh, at karapat-dapat na Siya'y purihin; ang kadakilaan niya ay mahirap
nating unawain."

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS:

1. Anong mga salita ang narinig mo na nakatawag sa inyo ng pansin?


2. Ayon sa inyong napakinggan sino ang Kahanga-hangang Lumikha ng Lahat? (Ang Diyos
Ama)
3. Paano natin naipapakita sa Diyos ang paghanga natin sa kanyang mga nilikha
(Pahalagahan po ito, ingatan ang lahat ng nilkha/ purihin ang Diyos, pasalamatan po.)

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS:


Tama! Ang Diyos Ama ang may likha ng lahat ng Kahanga hangang bagay dito sa mundo.
nararapat na Siya ay purihin, pasalamatan, at tularan ang mabuting gawa sa paraan ng
pagpapahayag ng mabuting Balita, nababanggit din sa kasulatan "Sapagkat Kaniya, at sa
pamamagitan Niya, at sa kanya, ang lahat ng bagay. Sumakanya nawa ang kalulwalhatian
magpakailanman. Siya nawa."ROMANS 11:36 Ang kadakilaan ng Diyos sa kanyang mga
nilikha ay walang hanggan. Kaya, buong puso magtiwala sa Ama dahil ang kanyang kabutihan
ay patuloy na nararanasan sa pamamagitan ng mga kaloob niya.

PAG-UUGNAY:
Kaya nga kung ating pakikinggan ulit ang ating pambungad na panalangin dito natin
mauunawaan na tunay ngang kahanga-hanga ang Diyos Ama na may likha ng lahat. Katulad ng
mga larawang ipapakita ko sa inyo.

II.SITWASYON NG BUHAY:

1.1 GAWAIN: Picture Analysis or Song Analysis

Pagpapakita ng mga Larawan ng mga nilikha ng Diyos / Awitin ang Kahanga-hanga

1.2 PAGTATANONG SA GAWAIN.

 Ano ang inyong nakikita sa larawan?


[Mga magagandang tanawin po, mga likas yaman]
 Nakakita na ba kayo ng mga ganito [opo]
 Kanino ba nagmula ang mga ito? [Sa Diyos Ama]
 Kung ang mga ito ay nagmula o ibinigay ng Diyos, ano ang tawag natin sa mga ito?

7
[regalo, biyaya, bigay]

1.3 PAGTUKLAS SA PAGPAPAHALAGA


Kung ito ay biyaya mula sa Panginoon, ano ang nararamdaman natin tuwing nakakakita tayo ng
ganito kagandang tanawin?
[natutuwa, naappreciate, humahanga, nakakapagpasalamat]

PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA
2.1 VALUE DEFINITION:

 Para sa iyo ano ang ibig sabihin ng paghanga?


[natutuwa sa mga magagandang bagay, nagugustuhan ang isang bagay]
2.2 VALUE CLARIFICATION

Hinahangaan mo ba ang mga nilikha ng Diyos? Bakit? [Opo, sapagkat ito po ay galing sa
Panginoon at paniguradong matutuwa ang Panginoon kapag nakita niyang hinahangaan at
pinahahalagahan natin ang mga ito tiyak na siya ay matutuwa sa atin.]
Paano ninyo ipinapakita ang paghanga sa mga nilikha ng Diyos?
[tinutuklas po ito, pinupuntahan at pinanatili ang kaayusan nito, pahahalagahan,
inaalagaan,iniingatan]

2.3VALUE PURIFICATION
 Ano ang posibleng mangyari kung hindi natin nabibigyan ng pansin, pagpapahalaga o
paghanga ang mga nilikha ng Diyos? [hindi po natin makikila ang kadakilaan at galing
ng Panginoon...]
 Ano ang gagawin mo sa mga nilikha ng Diyos hahangaan at pahahalagahan mo ba ang
mga ito o hindi?
Hahahangaan po at pahahalagahan po

2.4 ACTION PLAN/ACTIVITY

 Magbigay ng mga konkretong paraan upang maipakita natin ang paghanga at


pagpapahalaga sa mga sumusunod:

-Tao-Bagay-Kapaligiran

PAGTATAGPO:
Tama mga bata! ang mga larawang ipinakita ko ay larawan ng mga nilikha ng Diyos. Ito
ay mga biyayang kanyang ipinagkaloob sapagkat alam niyang kailangan natin ang mga ito upang
tayo ay makapamuhay ng maayos at masaya. Kailangan natin ang mga puno na nagbibigay ng
hangin upang tayo ay makahinga. Kailangan natin ng tubig na syang pumapawi ng ating uhaw
upang di tayo matuyuan. kailangan natin ang mga gulay at prutas upang bigyan ng sustansya ang
ating mga katawan. Kailangan natin ang ating kapwa upang tayo ay may makasama at
makatulong. Tulad ng mga ibang regalo nanatatanggap natin, mahalaga na ang mga nilikha ng
Diyos ay ating pahalagahan bilang tanda ng ating pasasalamat, pagpupuri at paghanga sa kanya.
Tunay dakila ang Diyos, at karapat-dapat na Siya'y purihin sa mga magagandang bagay na
nilikha para tao. Patuloy nating hangaan, pahalagahan at ingatan ang mga nilikha Niya para sa

8
tao.

 Kanino nagmula ang lahat ng Biyaya?


[ Sa Diyos Ama]

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA


3.1 KATOTOHANAN: ANG DIYOS AMA AY MANLILIKHA, SIYA ANG
PINAGMULAN NG LAHAT NG BIYAYA. (KIK 279; KPK 271,300)

Ang Diyos Ama ay manlilikha, Siya ang lumikha ng lahat ng bagay at siyang nagbibigay
buhay sa ating lahat. Tayo ay nilikha ng ating Ama mula sa pagmamahal at patuloy na
ginagabayan at pinalalago ng kanyang kahanga hangang kapangyarihan, Ang Diyos ang taga-
gawa at huling hantungan ng bawat bagay na nabubuhay, lahat ng bagay na nakikita at di
nakikita. Ang Ama ay lumilikha sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesus at ng Espiritu
Santo. At patuloy na lumilikha kaya patuloy rin natutugunan ang ating pangangailangan.
Mahalaga ang paghanga sa mga likha ng Diyos sapagkat ito ay biyaya sa atin at pinapakita nito
na ang Diyos ay higit sa lahat.

 Sa paanong paraan tayo sama-samang magpasalamat sa lahat ng nilikha ng Diyos para sa


atin?
[Sa pakikiisa sa Banal na Eukaristiya]

3.2 PAGSAMBA: SA BANAL NA EUKARISTIYA, PINUPURI AT


PINASASALAMATAN NATIN ANG DIYOS AMANG MAY LIKHA NG LAHAT, SA
PAMAMAGITAN NI KRISTO, KAISA NG ESPIRITU SANTO. (KPK 349, 1682, 1683,
1687; EUCHARISTIC PRAYER#2)

Sa Banal na Eukaristiya naipapahayag natin ang ating pasasalamat sa ating Diyos, dahil dito
ay ating nasasariwa at nabibigyang halaga ang pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating
Panginoong Hesukristo. at sa pamamagitan ng paggabay ng Espiritu Santo ating naisasabuhay
ang diwa at kahalagahan nito.

 Ano ang maari nating gawin upang manatili ang mga kahanga-hangang nilikha ng Diyos
para sa atin? [ingatan po at alagaan]

3.3 PAGSASABUHAY: SA ATING PATULOY NA PAGPAPAHALAGA, PAGHANGA


AT MABUBUTING PANGANGALAGA SA MGA NILIKHA NG DIYOS
NILULUWALHATI NATIN ANG MANLILIKHA.. (KPK 348, KIK 307)

Sa patuloy nating pangangalaga sa ating kapaligiran at pagpapahalaga sa nilikha ng Diyos


Ama naibabalik natin at nabibigyan natin ng pagpapahalaga ang kaloob ng Diyos sa atin, sa
gayon ay niluluwalhati natin ang ating Diyos Ama.. Hindi tayo nalalayo sa isang huwarang Santo
na lubos ang pagmamahal at pagpapahalaga sa lahat ng nilikha ng Diyos Ama, siya si St.
Francis of Assisi para sa kanya mahalaga at minamahal niya ang lahat ng nilikha ng Diyos
kinakausap niya ang mga puno't halaman, kaibigan para sa kanya ang lahat ng hayop, araw-araw
niya itong ginagawa at pinasasalamatan sa panalangin.
Nawa’y matularan natin si San Francisco sa kanyang pngangalaga, pagpapahalaga at

9
paghanga sa mga nilikha ng Diyos.
3.4 BUOD:
Ang Diyos Ama ay manlilikha, Siya ang pinagmulan ng lahat ng biyaya. Sa Banal na
Eukaristiya, pinupuri at pinasasalamatan natin ang Diyos Amang may likha ng lahat, sa
pamamagitan ni Kristo, kaisa ng Espiritu Santo. Niluluwalhati natin Siya sa ating patuloy na
pagpapahalaga, paghanga at mabubuting pangangalaga sa mga nilikha Niya.

3.5 PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad ng Banal na kasulatan ang kadakilaan ng Diyos?


2. Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga o paghanga sa mga nilikha ng Diyos?

IV. TUGON SA PANANAMPALAYATA:

4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na Kahanga-hanga ang Diyos na lumikha ng lahat.

4.2 PAGTATLAGA: Makiisa sa pagpapahalaga at pagpapatuloy ng pag-unlad ng kapaligiran


sa pamamagitan ng pagpapaganda at pag-iingat sa lahat ng nilikha.

4.3 PAGDIRIWANG: Luwalhatiin natin purihin at pasalamatan ang Diyos sa Kahanga-hanga


niyang nilikha. Awitin ang kahanga-hanga. Dasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria,
Luwalhati….

PAGNINILAY:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

10
PAKSA 2: Hesus, Dakilang Tanda ng Pag-ibig ng Diyos Ama
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
Panananmpalataya (Sources & Means) (Transfer Goal)
(Enduring Understanding)
Katotohanan: Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang
Si “Hesus ang pinakanaunang Juan 3: 16 paksang ito ang mga bata
Sakramento” at dakilang tanda .” Gayon na lamang ang Pag- ay inaasahang
ng Pag-ibig ng Diyos Ama. ibig ng Diyos Ama sa
(Juan 3:16; KPK 1524,1526) sanlibutan kaya’t ibinigay Niya  Makikilala na si Jesus
ang kanyang bugtong na Anak, ang dakilang tanda ng
Pagsasabuhay: upang ang lahat ng Pag-ibig ng Ama.
Tinawag tayo na maging tanda Sumasampalataya ay hindi  Mahahamon na mag-
din ng pagmamahal ng Diyos sa mapahamak, kundi magkaroon ipon ng 25 sentimos
iba. (Juan 15:12), (Integrate ng buhay na walang hanggan” para sa Pondo ng Pinoy
Diwa ng Pondo ng Pinoy; Pag- bilang tanda ng pag-
Ibig ng Panginoon, Pag asa ng 1 Juan 4: 9-11 ibig sa Diyos at sa
mga Pilipino) “Inihayag ng Diyos ang kapwa.
kanyang pag-ibig sa atin ng  Makakapagbigay ng
Pagsamaba: suguin Niya ang kanyang papuri sa Diyos.
Sa pagdiriwang natin ng mga Bugtong na Anak.”
Sakramento patuloy nating
tinatanggap ang pag-ibig ng Katuruan ng Simbahan:
pagliligtas ng Diyos. (KPK KPK 1524, 1526
1531, 1519, 1525) KPK 1531, 1519,1525
KPK 558
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: Huwaran:
(Essential Questions)
Si Hesus ang dakilang pag-ibig. *Paano inihayag ng Banal na St. Gemma Galgani
Pagpapakita ng mga gawaing Kasulatan ang dakilang tanda
nagpapakita ng pag-ibig sa ng pag-ibig ng Diyos sa atin? VALUE:
Diyos at sa kapwa. *Sa paanong paraan natin Pagmamahal
Ang pag-ibig sa kapwa ay pag- maipapakita ang pag-ibig sa
ibig sa Diyos Diyos at sa ating kapwa? DepEd Value:
Pagmamalasakit sa kapwa

SITWASYON NG BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Habang sila ay may kaalaman Unti-unting maunawaan ang Mapahalagahan ang tunay
tungkol sa pag-ibig ng Diyos sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa na pag-ibig ng Diyos.
tao may kakulangan pa rin sa atin.
pag-unawa kay Jesus bilang Maisabuhay ang tunay na
dakilang tanda ng pag-ibig ng Maging bukas ang kaisipan kahulugan ng pag-ibig sa
Diyos tungkol sa pag-ibig ng Diyos at Diyos sa pamamagitan ng
Kaya hindi rin ito maisabuhay pagkakaroon ng pag-ibig sa kapwa.
nang maaayos ng pagmamalasakit sa kapwa
pagmamalasakit sa Madama ang pag-ibig ng
kapwa’bagkus sariling Magkaroon ng malalim na Diyos sa mga
kapakanan lamang ang ugnayan sa Diyos ng pag-ibig. sakramentong tinatanggap
nasasaisip 11
At walang ibinibigay na panahon
para makapiling ang Diyos ng
pag-ibig.
12
PAKSA 2: JESUS, DAKILANG TANDA NG PAG-IBIG NG DIYOS AMA

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Diyos Amang lumikha ng langit at lupa, salamat sa araw na ito na ipinagkaloob mo sa


amin upang magsama-sama kami sa pag-aaral ng Iyong salitang nagbibigay-buhay. Hinihiling
namin na kami’y Iyong gabayan ng Iyong pagmamahal upang maunawaan namin at maisabuhay
ang lahat ng aming matututunan. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ng matamis na pangalan
ni Hesus kasama ang Espiritu Santo magpawalang hanggan. AMEN

Dasalin: Ama Namin… Aba Ginoong Maria…Lualhati…

Pagbabalik Aral:

Magandang umaga mga bata, natatandan ninyo pa ba ang nakaraan nating paksa? Tama,
ito ang “Kahanga Hanga Ang Diyos Na Lumikha Ng Lahat”. Ang Diyos Ama ay manlilikha,
Siya ang pinagmulan ng lahat ng biyaya. Sa Banal na Eukaristiya, pinupuri at pinasasalamatan
natin ang Diyos Amang may likha ng lahat, sa pamamagitan ni Kristo, kaisa ng Espiritu Santo.
Niluluwalhati natin ang Siya sa ating patuloy na pagpapahalaga, paghanga at mabubuting
pangangalaga sa mga nilikha Niya.

Ngayon naman ay may bago tayong pag-aaralan ang bagong paksa, “Hesus, Dakilang
Tanda Ng Pag-Ibig Ng Ama.” Pagkatapos ng ating talakayan ay sasagutin natin ang mga mga
sumusunod na tanong.

MAHALAGANG TANONG:
1. Paano inihayag ng Banal na Kasulatan ang dakilang tanda ng pag-ibig ng Diyos sa atin?
2. Sa paanong paraan natin maipapakita ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa?

Ihanda natin ang ating mga sarili sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

I. PAHAYAG KRISTIYANO

1.1 SALITA NG DIYOS:

Juan 3:16

“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang
Kanyang bugtong na Anak upang ang lahat ng sumasampalataya ay hindi mapahamak kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan”

1.2 KATANUNGAN SA SALITA NG DIYOS


 Sino ang ibinigay ng Ama sa sanlibutan?
 Ano ang makakamit ng mga sumasampalataya sa Kanyang Anak?
 Bakit nais ng Diyos na magkamit ang mga tao ng buhay na walang hanggan (Mahal tayo
ng Diyos at nais Niyang makapiling tayo sa buhay na walang hanggan)

13
1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS:

Ipinapahayag ng ating pagbasa ang wagas na pag-ibig ng Ama sa sanlibutan. Ibinigay


Niya si Hesus, ang Kanyang nag iisang Anak na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ito
rin ang sinasabi sa 1 Juan 4:9-11. “Inihayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang suguin
Niya ang kanyang Bugtong na Anak”. Samakatuwid si Hesus ay tanda ng pag-ibig ng Ama sa
sangkatauhan.
Sa patuloy na pagtatalakay natin ay matutunghayan natin kung paano ipinakikila si Hesus
sa atin.

II.SITWASYON NG BUHAY:

2.1 Gawain: Pagbabahagi:

1. Paano ninyo ipinapakita o ipnadarama ang iyong pagmamahal sa iyong:


Magulang
Kapatid
Kaibigan/kalaro
Guro

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA:

A VALUE DEFINITION
 Para sa inyo, ano ba ang kahuluguhan ng salitang “pagmamahal”? (Pagmamalasakit sa
kapwa)

B VALUE CLARIFICATION

 Paano ka nagpapadama ng pagmamahal sa iyong pamilya?


 Gayun din naman, paano mo nararanasan ang pagmamahal sa iyong pamilya?
 Ano ang kaya ang magiging epekto kung ang lahat ng tao ay nagmamahalan?

C VALUE PURIFICATION
 Paano kung walang pagmamahal?
 Ano ang mas pipiliin mo ang magmahal o hindi magpadama ng pagmamahal?

D ACTION PLAN: Awit

O mahal kita sa Panginoon(2x)


Nakikita ko sa yong mga mata
O mahal kita sa Panginoon

Or

Oh I love you with the love of the Lord


Yes I love you with the Lord
I can see in you the glory of my King
14
Yes I love you with the love of the Lord

2.3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY

Ang mga magagandang pamamararan ng kilos na ating ginagawa para sa ating mga
magulang, kapatid, kaibigan, guro at iba pa ay mga tanda ng ating pagmamahal sa kanila.
Kailangan nating ipadama ito sa pamamagitan ng mga kilos upang maipakita natin ang ating
dalisay na pagmamahal sa kanila.
Gayun din ang Diyos Ama, ang dakilang tanda ng pag-ibig Niya sa atin ay ipinadama Niya
sa pamamgitan ng pagpapadala o pagbibigay Niya ng Kanyang Anak na si Hesus sa atin.
Ipinadala ng Diyos Ama ang kanyang Anak sa para sa ating kaligtasan at sa pangakong buhay na
walang hanggan, si Hesus ang dakilang tanda ng pagpapadama ng Diyos Ama ng Kanyang
pagmamahal sa atin. At dahil sa pag-ibig ng Diyos kaya tayo rin ay patuloy na inaanyayahan
Niyang nagmamahal sa iba.

 Sino ang dakilang tanda ng pag-ibig ng Ama sa atin?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: SI HESUS ANG PINAKA- NAUNANG SAKRAMENTO AT


DAKILANG TANDA NG PAG-IBIG NG DIYOS AMA. KPK 1524, 1526

Si Hesus ang pinaka naunang sakramento sapagkat siya ang dakilang tanda ng pag-ibig
ng Ama. Si Hesus ang sakramento ng Ama. Si Hesus ang bukal, ang Tagapagpaganap at
hantungan ng lahat ng pagdiriwang ng mga sakramento. Ipinakita ni Hesus ang pagmamahal ng
Ama sa Kanyang salita at gawa: pangangaral, pagpapagaling, pagpapatawad ng mga kasalanan,
pagpapakain sa mga nagugutom, at iba pa. Hanggang sa pag-aalay ng buhay para sa ating
kaligtasan. Inibig niya tayong lahat sa pamamagitan ng pusong-tao. Dahil dito, ang Mahal na
Puso ni Hesus, pinaglagusan dahil sa ating mga kasalanan at kaligtasan (Jn 19:34), “itinuturing
na pangunahing tanda at sagisag ng pag-ibig ng Mananakop sa Amang walang hanggan at sa
lahat ng tao”(Pio XII,)

• Sa anong pagdiriwang natin patuloy na natatanggap ang pag-ibig ng Diyos?

3.2 PAGSAMBA: SA PAGDIRIWANG NATIN NG MGA SAKRAMENTO PATULOY


NATING TINATANGGAP ANG PAG-IBIG AT PAGLILIGTAS NG DIYOS AMA. KPK
1531, 1519,1525]

Balikan natin ang sinabi sa pagbasa: Dahil sa pag-ibig ng Ama sa atin ibinigay Niya sa
Hesus upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang pag-ibig ng Diyos at
pagliligtas ay nararanasan natin sa mga sakramentong ating ipinagdiriwang at tinatanggap.
Sapagkat ang mga sakramento ay daluyan ng mga biyaya ng Diyos na nagdudulot sa atin ng
kaligtasan. Katulad ng patuloy na pagtanggap natin sa katawan at dugo ni Hesus sa Eukaristiya.
Ibinibigay ni Hesus ang kanyang sarili sa anyo ng tinapay at alak at ito ay daan sa buhay na
walang hanggan.

15
Kung si Hesus ay tanda ng pag-ibig, ano kaya ang nais niyang ipadama natin sa iba?

3.3 PAGSASABUHAY: TINATAWAG TAYO NA MAGING TANDA DIN NG


PAGMAMAHAL NG DIYOS SA IBA.
(Note for Catechist: Integrate the Diwa ng Pondo ng Pinoy; Pag-Ibig ng Panginoon, Pag asa ng
mga Pilipino o Balik Handog Program ng Parokya)

“Ito ang Aking Utos:(Jn.15-12) Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal Ko sa inyo.”


Tulad ng inyong mga nabanggit kanina, papano natin matutulungan ang ating kapwa at kung
papano natin maipadarama ang ating pag ibig sa kanila at sa Diyos? Kanina ay binanggit natin
ang ating mga pamamaraan o tanda ng pagmamahal natin sa iba, subalit, marami pa ring mga
kongkretong mga pamamaraan o mga gawain upang tayo ay patuloy na magpadama ng
pagmamahal sa iba. Maari tayong makiisa sa pagpapatuloy ng programa ng ating Simbahan tulad
ng Pondo ng Pinoy o iyong Balik Handog Program ng Parokya (ilahad ang programa ng Parokya
na may kaunayan sa pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa).

Ngayon, alamin natin ang buhay ni St. Gemma Galgani, kong paano siya naging tanda ng
pagmamahal at malasakit sa iba at naging matulungin sa mga nangangailangan. Kahit na siya ay
isang mahirap ay nagagawa pa rin niyang magbigay ng tulong sa kanyang kapwa. Sa tuwing
lumalabas siya ng bahay, humihingi siya ng pera sa kanyang ama ngunit kapag tumatanggi ang
kanyang ama, ay sinisiguro niya na mayroon siya kahit tinapay o damit man lang para
maipamigay sa mga nangangailangan. Nang siya ay pinagbawalan ng kanyang ama na tumulong,
wala siyang nagawa kundi tumangis at magdasal. Ipinagdasal niya ang lahat ng mga walang
trabaho at mahihirap, sa gayon ay patuloy pa rin niyang nagagawa ang kanyang mga tanda ng
pagmamahal at pagmamalasakit sa iba.

Sa pamamagitan ng kabutihang ginagawa natin sa ibang tao at sa ating sarili ay


naipapadama natin ang pag-ibig ng Diyos na Siyang nagturo at unang nagpadama ng
pagmamahal sa atin.

3.4 BUOD:

Si Jesus ang pinaka-unang sakramento at dakilang tanda ng pag-ibig ng Diyos. Tinatawag


tayo na maging tanda rin ng pagmamahal ng Diyos sa iba. Sa pagdiriwang natin ng mga
sakramento, patuloy nating tinatanggap ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos.

MAHALAGANG TANONG:
1. Paano inihayag ng Banal na Kasulatan ang dakilang tanda ng pag-ibig ng Diyos sa
atin?
2. Sa paanong paraan natin maipapakita ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa?
3. Sino ang pinakaunang tanda ng pag-ibig ng Diyos?
4. Sino ang banal na nakilala natin ngayon?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

16
4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na si Jesus ang “pinaka-naunang Sakramento” at dakilang
tanda ng pag-ibig Diyos Ama.

4.2 Pagtatalaga: Pagdalo sa Banal na Eukaristiya na kung saan ay patuloy nating tinatanggap
ang pag-ibig ni Hesus at makiisa sa mga programa ng Parokya.
4.3 Pagdiriwang: Papurihan natin ang Diyos na walang sawang nagmamahal sa atin. Iaalay
natin sa kanya ang awit na ito:

“Tell the World of His Love”

For God so loved the world he gave us His Only Son,


Jesus Christ our Savior, His most precious One
He has sent us His message of love, and sends those who hear
To bring the message to everyone in a voice loud and clear.

Let us tell the world of His love, the greatest love the world has known
Search the world for those who have walked astray, and lead them home.
Fill the world’s darkest corners with His light from up above
Walk every step, every mile, every road
And tell the world, tell the world of His Love… Luwalhati…

Pagninilay:____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

17
PAKSA 3: ESPIRITU SANTO NANANAHAN SA ATIN
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Katotohanan: Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang
Tayo ay templo ng Diyos at 1 Corinto 3:16-17 paksang ito ang mga bata ay
nananahan sa atin ang Espiritu Santo “Hindi ba ninyo alam na kayo inaasahang;
(KIK 797,813,809, Juan 14:17) ay Templo ng Diyos, at
naninirahan sa inyo ang Kanyang Mauunawaan na ang Espiritu
Pagsasabuhay: Espiritu” Santo ay nananahan sa atin.
Nagagawa nating ibigin ang Diyos,
at ibigin ang lahat ng tao sa Roma 5:5 Mahahamong makapaglaan ng
pamamagitan ng Espiritu Santo. “Ang pag-ibig ng Diyos ay oras upang ipakita ang pag-ibig
(KPK 972), mga kawanggawang ibinuhos sa ating mga puso sa sa kapwa.
pang-katawan ; KPK1311) pamamagitan ng Espiritu Santo na
ipinagkaloob niya sa atin” Makakagawa ng panalangin at
Pagsamba: makakapagdasal sa Espiritu
Sa sakramento ng Binyag nanahan sa Katuruan ng Simbahan: Santo.
atin ang Espiritu Santo at sa Kumpil KIK 797,813,809
pinagkakalooban tayo ng di KPK 972, KPK 1311
karaniwang lakas ng Espiritu Santo KPK 1626,1628
(1KPK 1626-1628)
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: SANTO:
(Essential Questions) St. John XX111
*Ang Espiritu Santo *Paano inilahad ng Banal na VALUE:
Kasulatan ang tungkol sa Espiritu Pagmamalasakit sa kapwa
*Ang sakramento ng Binyag at Santo?
Kumpil *Paano mo ipapakita na ang DepEd Value:
Espiritu Santo ay nananahan sa Pagmamahal at
*Mga kawanggawang pangkatawan iyo? pagkakawanggawa

SITWASYON NG BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
*Habang sila ay nagdarasal ay Unti-unting maunawaan ang Magkaroon ng ganap na
kulang pa ang pang-unawa sa panananahan ng Espiritu Santo kaalaman tungkol sa Espiritu
pananahan ng Espiritu Santo sa sa kanilang buhay Santo
kanilang buhay.
Nagiging mulat sa pagkilos ng Maipakita sa kanilang
*Dahil hindi makita sa kanilang Espiritu Santo sa araw araw pamumuhay ang pagkilos ng
pamumuhay ang patuloy na nilang pamumuhay Espiritu Santo
paggabay nito
Maliliwanagan na Espiritu Mapahalagahan ang pananahan ng
*Pagkat ang sentro ng kanilang Santo ay tinatanggap natin sa Espiritu Santo sa kanilang buhay
espiritwal na buhay ay makatanggap sakramento ng Binyag at
lamang ng sakramento. Kumpil.

18
PAKSA 3: ESPIRITU SANTO NANANAHAN SA ATIN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Halina, Espiritu Santo


(Panalangin sa Espiritu Santo)
Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin
mo sa kanila ang init ng iyong pagmamaha. Isugo mo ang Iyong Espiritu at lahat sila’y muling
magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.
Manalangin tayo…
O Panginoon, sa pamamagitann ng liwanag ng Iyong Espirito, tinuruan mo ang puso ng Iyong
mananampalataya, nawa’y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami’y manatiling mulat sa
katotohanan at laging nagagalak sa Iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon. Amen. Dasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati…

Pagbati at pagbabalik aral:

Mga bata tayo ay pinagpala ngayong araw dahil muli tayong pinagtipon ng Panginoon
upang mag-aral ng Salita ng Diyos. Balikan muna natin ang huling paksa na ating tinalakay. Sino
ang dakilang tanda ng pag-ibig ng Ama? Ano ang makakamit ng mga sumasampalataya kay
Hesus? Si Jesus ang pinaka-unang sakramento at dakilang tanda ng pag-ibig ng Diyos.
Tinatawag tayo na maging tanda rin ng pagmamahal ng Diyos sa iba. Sa pagdiriwang natin ng
mga sakramento, patuloy nating tinatanggap ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos.

Ngayon naman ang ating paksa ay “Espiritu Santo Nanahan Sa Atin”. Ang mahalagang
tanong na ating sasagutin ay;

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang tungkol sa Espiritu Santo?


2. Paano mo maipapakita na ang Espiritu Santo ay nananahan sa iyo?

Pakinggan natin ang pagpapahayag na nagmula sa Banal na Kasulatan.

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1.1 Salita ng Diyos:

1 Corinto 3:16-17 “Hindi ba ninyo alam na kayo’y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo
ang Kanyang Espiritu...”

1.2 Katanungan mula sa Salita ng Diyos

19
 Sino ang templo ng Diyos? (Tayo po)
 Sino ang naninirahan sa bawat isa? (Ang Espiritu ng Diyos)
 Ano ang gagawin ng Diyos sa hindi magpapahalaga sa Kanyang templo?
(parurusahan)
 Paano natin mapapanatili ang pananahan ng Espiritu Santo sa atin? (sa pamamagitan ng
pagmamahal/pagsunod, pagmamalasakit sa kapwa)

1.3 Pagbubuod ng Salita ng Diyos:


Ayon sa ating pagbasa ang katawan ng tao ay ang templo ng Diyos kung saan
naninirahan ang kanyang Espiritu. Ang katawan ng tao ay banal sapagkat ito ay kanyang tirahan,
bahay ng kanyang Espiritu. Ika nga ni San Pablo sa mga Taga-Roma 5:5 “Sapagkat ang pag-ibig
ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa
atin.” Sa pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa ay nanatili ang Espiritu ng
Diyos sa ating mga puso. Tingnan natin ang mga larawan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa
kapwa.

II. SITWASYON NG BUHAY

1.1 Gawain: Pagpapakita ng Larawan na nagpapakita ng Pagmamalasakit:

2.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA GAWAIN

 Ano ang nakikita ninyo sa larawan? (tinutulungan po iyong tao)


 May karanasan ka na din ba na tulad ng nasa larawan? Opo (Ibahagi)
Bakit mo ito ginagawa sa iyong kapwa? (para makatulong, kasi po mabuti po na tumulong)

III. PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION
Ano ba ang ibig sabihin ng pagmamalasakit sa kapwa?

B VALUE CLARIFICATION
Bakit mahalaga na may pagmamalasakit tayo sa kapwa?

C Value Purification
Ano ang epekto kung wala tayong pagmamalasakitan sa isat isa?
Ano ang mas pipiliin mong isabuhay ang magmalasakit sa kapwa o hindi?

20
D Action plan
(Sabay-sabay bigkasin) “MAGMALASAKIT SA KAPWA”
Magtala ng 3-5 na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.

Pagtatagpo

Ang pagmamalasakit ay maari nating ipakita sa ibat ibang paraan ng pagtulong at


pagdamay sa kapwa. Ito ay pagpapadama ng pagmamahal sa bawat isa. Bilang komunidad na
kristiyano, katangian natin at dapat isabuhay ang pagmamalasakitan. Nagmamalasakit tayo sa
kapwa sapagkat ang bawat isa ay templo ng Espiritu ng Diyos. Naninirahan sa atin ang kanyang
Espiritu kaya tayo ay tinutulungan upang magsabuhay ng kabanalan katulad ng pagmamalasakit
sa kapwa. Ang Espiritu Santo ay bunga ng pagmamahal ng Diyos Ama at ng Anak mahalaga na
maunawaan natin mga bata na dapat ay mayroon tayong pagmamalasakit sa ating kapwa
sapagkat sa pamamagitan nito naipapakita natin ang pag-ibig natin sa Diyos, laging tatandaan na
kung ano ang ginagawa mo sa iyong kapwa ay siya ring ginagawa mo sa Diyos, masaya at
magaan sa pakiramdam na tayo ay nakakatulong at nagmamalasakit sa ating kapwa tulad ng mga
karanasan ninyo. Ipagpatuloy ang kabutihang ginagawa bilang tanda ng pagsunod sa aral at turo
ni Hesus..

Sino nga ba ang templo ng Espiritu Santo? (Tayo)

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: TAYO AY TEMPLO NG DIYOS AT NANANAHAN SA ATIN


ANG ESPIRITU SANTO. (KIK 797.813809, JUAN 14:17)
Sino ang Espiritu Santo? Ang Espiritu Santo ang Ikatlong Persona ng Diyos, ang
pagmamahalan ng Ama at ng Anak, ang ibinuhos sa ating mga puso dahil sa pag-ibig, ang
Espiritung nagbibigay buhay, walang hugis, walang katawan hindi nga natin nakikita ngunit
kumikilos sa ating buhay. Ang Espiritu ay Taga aliw. Ang Espiritu Santo ay para sa lahat ng
kaanib ng Katawan ni Kristo o ng Simbahan. Siya ay ibinigay sa atin ng Diyos. Tayo ay
Templo ng Diyos at nananahan sa atin ang Espiritu Santo. Sapagkat ang Espiritu ay nasa atin
kaya kailangan makita sa atin ang pagmamalasakitan.

 Dahil ang Espiritu Santo ay nasa atin, ano ang kaya nating gawin?

3.2 PAGSASABUHAY: NAGAGAWA NATING IBIGIN ANG DIYOS, AT IBIGIN


ANG LAHAT NG TAO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU SANTO. (KPK972;
MGA KAWANGGAWANG PANGKATAWAN: KPK1311)
Ang pagmamalasakit sa kapwa na ginagawa natin ay isang paraan din ng pagpapakita ng
pag-ibig sa Diyos at sa kapwa dahil sa gabay ng Espiritu Santo. Hindi tayo natatakot gumawa ng
mabuti kahit nahihirapan tayo dahil sa gabay ng Espiritu Santo. Alam ba ninyo na ang mga ito ay
kabilang sa tinatawag nating Pagkakawanggawang Pangkatawan? Ano-ano ba ng
Pagkakawanggawang Pangkatawan?

PANGKAKAWANGGAWANG PANGKATAWAN:

21
1. Pakainin ang nagugutom
2. Painumin ang nauuhaw
3. Bigyan ng damit ang mga walang maisuot
4. Patuluyin ang walang tirahan
5. Dalawin ang mga maysakit
6. Dalawin ang nasa bilangguan
7. Ilibing ang mga patay

Ang Espiritu Santo ay gumagabay sa atin upang tayo ay gumawa ng mabuti, katulad ng
naranasan ni St. John XXIII. Siya ang isang Santo papa noon na nagpasimula ng pagbabago ng
Sistema sa loob ng ating Simbahang Katolika. Ninais niya na ang simbahan ay umayon sa
makabagong panahon kung saan mas mapapalapit ang tao dito. Kaya pagkalipas ng tatlong
buwan matapos siyang iluklok bilang Santo Papa ay nagpatawag siya ng isang pagpupulong na
tinatawag na “ECUMENICAL COUNCIL” na ginanap lamang matapos ang isangdaang taon na
ang nakalipas. Matapos iyon ay nabuo ang “Vatican II” na ginagamit natin sa ngayon kung saan
ang simbahan ay nakibagay sa panahon ng makabagong mundo ngunit ang pananampalataya nito
ay hindi kailanman nagbago. Sinabi niya pa noon na “Hinayaan kong ang kagalakan at
pagbabago sa aking buhay. “tandaan natin na ang kagalakan ay isa sa mga bunga ng Espiritu
Santo. Ang Espiritu Santo, ang hininga ng Diyos, ay dumadaloy magpakailanman at hindi
humihinto. Kaya nabuo ang ikalawang Vatican Council. Ito ay tungkol sa ating
pananampalataya. Ang pananampalataya natin ay hindi nagbago ngunit nakikibagay. Ang ating
pananampalataya ay masalimuot ngunit napakasaya.” Tayo rin ay inaanyayahan ng Diyos na
kilalanin at makiisa sa Espiritu Santo na magbubunga ng Pag-ibig at kagalakan sa ating kapwa at
sa Diyos.

 Sa anong sakamento, una nating natanggap natin ang Espiritu Santo?

3.3 PAGSAMBA: SA SAKRAMENTO NG BINYAG, NANANAHAN SA ATIN ANG


ESPIRITU SANTO AT SA KUMPIL PINAGKAKALOOBAN TAYO NG DI PANG-
KARANIWANG LAKAS NG ESPIRITU SANTO. (KPK1626-1628)

Una nating tinanggap ang Espiritu Santo noong tayo’y bininyagan, at nakibahagi tayo sa
bagong buhay ng Diyos. Ngunit nagiging ganap ang biyaya ng ating binyag sa pamamagitan ng
sakramento ng kumpil na kung saan pinagkakalooban tayo ng Espiritu Santo ng natatanging
lakas upang maging ganap na saksi ni Kristo at maging aktibo sa kanyang Simbahan.

3.4 BUOD:

Tayo ay templo ng Diyos at nananahan sa atin ang Espiritu Santo. Nagagawa nating
ibigin ang Diyos, at ibigin ang lahat ng tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sa sakramento ng
Binyag, nananahan sa atin ang Espiritu Santo at sa Kumpil pinagkakalooban tayo ng di pang-
karaniwang lakas ng Espiritu Santo.

3.5 PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad ng banal na kasulatan ang tungkol sa Espiritu Santo?


2. Paano mo maipapakita na ang Espiritu Santo ay nananahan sa iyo?

22
IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na tayo ay templo ng Epiritu Santo

4.2 Pagtatalaga: Magtala ng mga gawain na nagpapakita ng pagtulong sa kapwa. Maglalaan


ako ng oras sa pananalangin at sa Espiritu Santo upang magkaroon ng kakayahang umibig sa
Diyos at sa kapwa.
4.3 Pagdiriwang: Awit: Halina Espiritu Santo

HALINA ESPIRITU SANTO


Halina Espiritu Santo, kinakailangan kita
Sigla at lakas ng mahina, pag-asa ka naming lahat

Halina tulad ng batis sa aming kaluluwa


Taglay ang kapangyarihan, sala ay kalusugan

PAGNINILAY:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

23
PAKSA 4: BANAL NA KASULATAN, TANDA NG PAG-IBIG NG DIYOS
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng pananampalataya Pinagkunan/Pamaamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Source and Means) (Transer Goal)

Katotohanan: Ang Banal na Salita ng Diyos: 2Timoteo 3:16- Pagkatapos na maituro ang
Kasulatan ay kinapapalooban ng 17 “Lahat ng Kasulatan ay paksang ito ang mga bata
Salita ng Diyos, nasusulat dito kinasihan ng Diyos at magagamit ay inaasahang:
ang kasaysayan ng pag-ibig ng sa pagtuturo ng katotohanan.”  Maunawaan na ang
Diyos sa tao. ( Vat.II DV 24, Juan 6:66-68 Banal na Kasulatan ay
KIK 135, KPK 69-70 ) Ang Salitang nagbibigay-buhay tanda ng Pag-ibig ng
Pagsasabuhay: Sa pagbabasa at Hebreo 4:12 Diyos.
pakikinig sa Salita ng Diyos ay “Sapagkat ang Salita ng Diyos ay  Makakapaglaan ng
natutulungan tayo na ibigin ang buhay at mabisa, higit na matalas oras sa pagbabasa ng
Diyos at ang ating kapwa. (KIK kaysa alinmang tabak na Biblia at mahamong
141, KPK 112) magkabila’y talim.” isabuhay ang mensahe
Pagsamba: Sa liturhiya ng nito.
salita ng Diyos, sa Banal na Katuruan ng Simbahan:  Mabigyan ng
Eukaristiya, patuloy nating *Vat.II DV 24, KIK135 paggalang at parangal
naririnig ang Salita ng *KPK 69-70 ang Banal na
Pagmamahal ng Diyos. ( Vat.II *KIK 141, KPK 112 kasulatan.
SC 33, KPK 87) *Vat.II SC 33, KPK 87

KAALAMAN (Knowledge) MAHALAGANG TANONG SANTO


*Ang Banal na Kasulatan (Essential Questions) St. Jerome
*Kahalagahan ng pagbabasa at *Paano inilahad ng Banal na
pakikinig sa Salita ng Diyos Kasulatan ang tungkol sa VALUE: Pananampalataya
*Ang liturhiya ng Salita ng Salita ng Diyos? sa Panginoon/
Diyos *Paano mo ipapakita na ang Pagpapahalaga sa Banal na
pagpapahalaga sa Banal na Kasulatan
Kasulatan?
SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*Habang sila ay nagbabasa ng Unti-unting maunawaan ng mga * Mapahalagahan ang
Biblia ay kulang pa ang pang- bata ang kahalagahan ng Biblia sa Biblia
unawa sa pagpapahalaga sa kanilang Kristiyanong
Salita ng Diyos. pamumuhay. *Maging bukas sila sa
*Dahil hindi nila maunawaan na *Tunay na maramdaman nila na pakikinig ng Salita ng
ang Bilia ay naglalaman ng kapag nagbabasa o nakikinig ng Diyos at maisabuhay ang
Salita ng Diyos. Banal na Kasulatan, ang Diyos mga mensahe ng Diyos.
*Ang pagbabasa ng Biblia ay mismo ang nagsasalita para sa
para lamang sa mga kanila. *Makapanalangin sa Banal
relihiyosong tao. *Maunawaan na ang Banal na na Espiritu upang lubos na
Kasulatan ay tanda ng pag-ibig ng maunawaan ang nilalaman
Diyos. nito.
PAKSA 4: BANAL NA KASULATAN, TANDA NG PAG-IBIG NG DIYOS
24
PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Amang mapagmahal, tulungan mo po kaming lubos na maunawaan ang Banal na


Kasulatan. Tulungan mo po kaming maisabuhay ang ipinapahayag ng Salita ng Diyos. Hinihiling
naming ito sa pamamagitan ng matamis na pangalan ni Hesus kasama ang Espiritu Santo
magpawalang hanggan. Amen

Dasalin: Ama Namin… Aba Ginoong Maria…Lualhati…

PAGBATI AT BALIK ARAL:


Kumusta na kayo mga bata? Ano ang naalaala ninyo sa ating nakaraang paksa? Tungkol
po sa Espiritu Santo na nananahan sa atin. Sino ang Espiritu Santo? Tayo ay templo ng Diyos at
nananahan sa atin ang Espiritu Santo. Nagagawa nating ibigin ang Diyos, at ibigin ang lahat ng
tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sa sakramento ng Binyag, nananahan sa atin ang Espiritu
Santo at sa Kumpil pinagkakalooban tayo ng di-karaniwang lakas ng Espiritu Santo.

Ang tatalakayin natin ngayon ay ang tungkol sa Banal Na Kasulatan, Tanda Ng Pag-Ibig
Ng Diyos at ang mahalagang tanong na sasagutin natin mamaya.

MAHALAGANG TANONG:
1. Ano ang Banal na Kasulatan?
2. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa Banal na Kasulatan?

Malalaman natin ang kahalagahan ng Banal na Kasulatan. Bakit kailangan natin itong
bigyan ng paggalang. Kaya naman umupo tayong lahat ng maayos at pakinggan natin ang
pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

I. PAHAYAG KRISTIYANO

1.1 PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS: (2 Timoteo 3:15-17)


"Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng
kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Jesus. Lahat ng Kasulata’y kinasihan ng
Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan sa pagpapabulaan sa maling aral sa pagtutuwid
sa likong gawain at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon ang lingkod ng Diyos ay
magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.”

1.2 KATANUNGAN UKOL SA SALITA NG DIYOS

 Ano ang aklat o kasulatan na nagututro ng kaligtasan? (Banal na Kasulatan)


 Ano ang ginawa ng Diyos sa Banal na Kasulatan? (kinasihan ng Diyos)
 Saan magagamit ang Banal na Kasulatan? (sa pagtuturo ng katotohanan, sa
pagtutuwid sa likong gawain, sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay)

25
 Paano mo ipapakita na mahalaga ang Banal na Kasulatan o ang Bibliya?
(pahalagahan ang bibliya)

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Sa ating narinig mula sa Salita ng Diyos nalaman natin na ang Banal na Kasulatan ay
kinasihan ng Diyos at ito ay siyang nagtuturo sa daan patungo sa kaligtasan, nagtatama ng mga
maling paniniwala, at nag aakay sa mabuting pamumuhay. Sabi nga sa Hebreo 4:12 “Sapagkat
ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa higit na matalas kaysa alin mang tabak na
magkabila’y talim…”

 Ano ba ang pagkakaiba ng ibang aklat sa Banal na Kasulatan?

II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 GAWAIN : ( Ipapakita ng mga bata ang ibat-ibang aklat na meron sila)

Pagtatanong tungkol sa Gawain


 Anu-anong mga aklat ang meron kayo? (Math po, English, Science)
 Sino sa inyo ang merong Bibliya?
 Ano ang pagkakaiba ng Bibliya sa ibang aklat? (ang Bibliya ay banal, naglalaman ng
Salita ng Diyos, puro katotohanan ang nilalaman nito)
 Ano ang nararapat mong gawin sa aklat na Banal na Kasulatan o Bibliya?
 Paano mo pinapahalagahan ang iyong bibliya?

2.2 PAGPAPALALIM SA PAGPAPAHALAGA

A Value DefinitionAno ang ibig sabihin ng pagpapahalaga sa bibliya?

B Value Clarification
 Ano ang magandang maidudulot kung tayo ay may pagpapahalaga sa Banal na kasulatan?
(ginagalang din natin ang Diyos, ito ay nagpapakita ng pagmamahal
sa Diyos)

C Value Purification

 Paano naman kong wala kang pagpapahalaga sa Banal na Kasulatan? kawalan ng


pagmamahal sa Diyos)

 Paano mo hihikayatin magpahalaga mga tao na hindi nagpapahalaga sa bibliya?

26
D Action Plan: Sasabihin
“Bibliya ko, iingatan ko, bibliya ko, babasahin ko, Salita ng Diyos ibabahagi ko”

2.3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY


Marami tayong mga aklat sa bag. May aklat sa Filipino, sa Math, sa English at iba pa. Iba
iba ang nilalaman nito at mahalaga na basahin ang mga ito sapagkat mayroon kang matutunan.
Ngunit ngayon, nalaman na rin natin ang kahalagahan ng Banal na Aklat o Bibliya - na ito ay
kinasihan ng Diyos at ito ay siyang nagtuturo sa daan patungo sa kaligtasan, nagtatama ng mga
maling paniniwala, at nag-aakay sa mabuting pamumuhay, marapat lamang na pahalagahan natin
ang ating mga Bibliya sapagkat aakayin tayo nito sa totoo at mabuting pamumuhay. Kong
magkagayon, ang “Bibliya ko, iingatan ko, Bibliya ko, babasahin ko, Salita ng Diyos ibabahagi
ko”

Ano ang nilalaman ng Banal na Kasulatan?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: ANG BANAL NA KASULATAN AY KINAPAPALOOBAN NG


SALITA NG DIYOS. NASUSULAT DITO ANG KASAYSAYAN NG PAG-IBIG NG
DIYOS SA TAO. (VAT.II DV24, KIK135, KPK69-70)
Ang Diyos ang may akda ng Banal na Aklat at kinasihan ng Espiritu Santo ang mga sumulat
nito. Sa Banal na Aklat mababasa ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa mga tao, mula sa
paglikha hanggang sa pagliligtas sa atin ni Kristo. Ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa Banal na
aklat. Ang lahat ng kasulatan ay liwanag sa ating pamumuhay. Ang Salita ng Diyos ay
nagbibigay sa atin ng buhay.
Ang banal na aklat ay nahahati sa dalawang bahagi: ang Lumang Tipan na may 46 na aklat
at ang Bagong Tipan na may 27 aklat, kaya ang isang buong Bibliya ay mayroong 46 na aklat. Si
Hesus ang nilalaman at hantungan ng Banal na Aklat, siya lang din ang tagapamagitan natin sa
Ama.
 Paano makakatulong sa atin ang Banal na Kasulatan?

3.2 PAGSASABUHAY: SA PAGBABASA AT PAKIKINIG SA SALITA NG DIYOS


AY NATUTULUNGAN TAYO NA IBIGIN ANG DIYOS AT ANG ATING KAPWA
(KIK141, KIK112)
Sapagkat ang Diyos ay nagungusap sa atin sa Banal na Aklat at nagtuturo sa atin sa tamang
pamumuhay ang paglalaan ng oras upang ang Banal na Aklat ay basahin at makinig sa Salita ng
Diyos, aakayin ka nito sa pagmamahal. Ang dakilang utos sa atin ni Hesus ay mahalin ang Diyos
at mahalin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Itinuro sa atin ni Hesus ang pagkakawanggawa
na tanda ng pag-ibig. Katulad ng sinasabi sa atin mula sa Unang Sulat ni Juan (1Juan 3:18) “Mga
anak huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita o wika lamang. Ipakita natin ang tunay na
pag-ibig sa pamamagitan ng gawa. Mahalaga ang bibliya sa buhay natin sapagkat sinabi ni St.
Jerome na kapag hindi ka nagbabasa ng Biblia, hindi mo lubos na makikilala si Kristo (Ignorance

27
of Scripture is ignorance of Christ). Sino si St, Jerome? Siya ay isang matalinong bata, at
sinusunod kung ano ang kanyang naisin at naging pasaway din nung kanyang kabataan ngunit
isang kaibigang kristiano si Bonusos at ito ang naka inpluwensiya sa kanya upang maging
kristiyano. Si St. Jerome ay naging dalubhasa sa pagsasalin ng Biblia at ang buong buhay niya
ay inilaan niya sa pag-aaral ng Salita ng Diyos.
.
 Saan natin patuloy na naririnig ang salita ng Diyos?

3.4 PAGSAMBA: SA LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS SA BANAL NA


EUKARISTIYA, PATULOY NATING NARIRINIG ANG SALITA NG
PAGMAMAHAL NG DIYOS (VAT.II SC 33,KPK87)

“Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig
ng Diyos.” (Juan 6:6-68) Ang Salitang nagbibigay buhay.
Inaanyayahan ng Simbahan ang lahat ng binyagan na makiisa sa pagdiriwang ng Banal
na Eukaristiya, makapagsimba tayo lalo na sa araw ng Linggo upang mapakinggan natin ang
Salita ng Diyos na ipinapahayag. Ang Salita ng Diyos ay pagkain sa atin na nagbibigay buhay.
Kung tayo ay nakikinig ng Banal na Kasulatan na may kasabay na panalangin, magiging ganap
ang pagtatagpo ng Diyos at ng tao, yayamang nagsasalita tayo sa Diyos kung nagdarasal at
nakikinig sa Diyos kung binabasa ang kanyang mga Salita (KIK 2653). Sa bawat Linggo na
tayo’y nagsisimba, iba-iba ang mensahe ng Diyos na mahalagang pinagsisikapan nating
gawin/sundin. Tinutulungan tayo ng mga pari sa kanilang Homiliya na ipaliwanag ng mabuti ang
Salita ng Diyos. Makinig tayong mabuti sa kabuuan ng Banal na Eukaristiya, naroon ang Salita
ng Diyos na nagpapa-abot sa atin ng kanyang pagmamahal.

3.4 BUOD:
Ang Banal na Kasulatan ay kinapapalooban ng Salita ng Diyos, nasusulat dito ang
kasaysayan ng Pag-ibig ng Diyos sa tao. Sa ating pagbabasa at pakikinig ng Salita ng Diyos ay
tinutulungan tayo na mahalin ang Diyos at ang ating kapwa.

MAHALAGANG TANONG
1. Ano ang Banal na Kasulatan?
2. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa Banal na Kasulatan?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA (FAITH RESPONSE)

4.1 Paninindigan
Naniniwala ako na ang banal na Aklat ay tanda ng pag-ibig ng Dyos.
4.2 Pagtatalaga
Sagutin sa notebook. Magbigay ng mga gawain ng nagpapakita ng papahalaga sa pag
gamit ng banal na kasulatan.
Pumili ng isang verse mula sa biblia nanaka-antig sa iyo, pagnilayan at sikaping isabuhay
ito.

28
NOTE: Ihanda ang activity sa lesson 5 at maaari ng banggitin.
4.3 Pagdiriwang Awit: “Wika Mo’y Aming Diringgin”
PAKSA 5: SIMBAHAN BILANG SAKRAMENTO NG KALIGTASAN
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng pananampalataya Pinagkunan/Pamaamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Source and Means) (Transer Goal)
Katotohanan: Itinatag ni Kristo ang Salita ng Diyos: Mateo 28:19-20 Pagkatapos na maituro ang
Simbahan upang ipagpatuloy ang “Kaya humayo kayo at gawing mga paksang ito ang mga bata
mapanligtas na misyon sa daigdig. alagad ko ang lahat ng bansa, ay inaasahang:
(KPK 1412, 1448, KIK 780) binyagan sila…  Maliwanagan na ang
Pagsasabuhay: Ang Bawat kasapi Mateo 5:13-14 Simbahan ay
ng Simbahan ay tinatawag maging “Asin at ilaw ng Sanlibutan” Sakramento ng
“ASIN at ILAW ng SANLIBUTAN” Juan 15:4-5 Kaligtasan.
(KPK 1415-1416) Ikalawang talata; “Manatili kayo sa akin at  Makapagplano ng
Mt. 5:13-14 (KIK 782-pampitong mananatili ako sa inyo. Hindi mga gagawin upang
talata, KIK 849) makapamumunga ang sangang maipakita na sila ay
Pagsamba: Sa pagdiriwang ng hindi nananatiling nakakabit sa “asin at ilaw ng
Banal na Eukaristiya, ang Simbahan puno…” sanlibutan”
ay sama-samang nagpupuri at  Makakapagpasalamat
nagpapasalamat sa Diyos Ama sa Katuruan ng Simbahan: sa Diyos sa biyaya ng
kaligtasang dulot ni Kristo, kaisa ng *KPK 1412,1448 Simbahan bilang
Espiritu Santo. (KIK 1358-1360; *KIK 780, 782, 849 Sakramento ng
KPK 1696) *KPK 1415-1416; 1696 Kaligtasan.
*KIK 1358-1360
KAALAMAN (Knowledge) MAHALAGANG TANONG SANTO:
*Kaugnayan ng Simbahan bilang (Essential Questions) San Damien ng Molokai
Sakramento ng Kaligtasan *Paano inilahad ng Banal na
*Bilang kasapi ng Simbahan, Kasulatan ang Misyon ng VALUE: pakikiisa sa
maging asin at ilaw ng sanlibutan. Simbahan? misyon
*Nagpupuri at nagpapasalamat sa *Paano mo
Diyos sa Banal na Eukaristiya. maisasakatuparan/maipapakita ang Misyon ng simbahan
iyong misyon bilang bahagi ng
simbahan?
SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*Bilang bahagi ng *Unti-unting maunawaan ang * Mapahalagahan ng mga bata ang
Simbahan ay hindi pa rin kanilang gagawin o misyon bilang kaalaman ukol sa
lubusan ang kanilang mga binyagan o Kristiyano. paglilingkod/misyon ng Simbahan.
kaalaman tungkol sa *Pahalagahan ng mga bata ang *Maging bukas sa panawagan ng
kanilang misyon. kanilang paglilingkod at gawin ito Simbahan at maisabuhay nila ang
*Sapagkat hindi pa nila ng may kalakip na pagmamahal. misyon na kanilang tinanggap.
lubusang nalalaman ang *Maliwanagan ang mga bata na ang *Maunawaan nilang lubos na ang
kahalagahan ng Sakramento ay pagpapatuloy ng misyon ng Simbahan ay misyon ng
paglilingkod. pagliligtas ni Kristo. lahat.
*Ang pagtanggap ng
isang Sakramento ay
isang obligasyon lamang
at hindi bilang isang
Misyon.
Wika Mo’y aming diringgin
29
Wika Mo’y aming susundin
Wika Mo’y aming tutupdin
Pagninilay:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

30
PAKSA 5: SIMBAHAN BILANG SAKRAMENTO NG KALIGTASAN
PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

AWIT 132:7-9
“…Ang Templo ni Yahweh, ay puntahan natin, sa harap ng trono siya ay sambahin”. Sa iyong
tahanan, Yahweh, pumasok ka kasama ang kaban, ang kabang sagisag ng kapangyarihan. Iyong
mga pari, hayaang maghayag ng iyong pagliligtas, ang mga hinirang sumigaw sa galak!

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati…

Natandaan ba ninyo ang paksa ng huli nating pinag-aralan? Very good! Pinag-aralan
natin ang paksang Banal Na Kasulatan, Tanda Ng Pag-Ibig Ng Diyos. Ano nga ang aking
ipinakitang napakahalagang Aklat? Banal na Kasulatan o Bibliya (Bible) Sino nga ang may akda
ng Bibliya? Banal na Espiritu (Holy Spirit)
Ang Banal na Kasulatan ay kinapapalooban ng Salita ng Diyos, nasusulat dito ang
kasaysayan ng Pag-ibig ng Diyos sa tao. Sa ating pagbabasa at pakikinig ng Salita ng Diyos ay
tinutulungan tayo na mahalin ang Diyos at ang ating kapwa.

Naniniwala ako na lalo pang lalago ang inyong kaalaman tungkol sa Diyos dahil ang
nilalaman ng Bibliya ay mga Salita ng Diyos at Mabuting Balita kaya nga tuwing magtuturo ako
sa inyo ay Bibliya ang aking pangunahing aklat at nilalaman ng aking mga paksa para sa inyo.
Ngayon naman ay napakaganda rin ng ating pagksang pag-aaralan at inaasahan ko na
kayong lahat ay makinig at makiisa sa ating aralin na ang pamagat ay…Paksa # 5 Simbahan
Bilang Sakramento Ng Kaligtasan.

MAHALAGANG TANONG
1.Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang misyon ng Simbahan?
2.Paano mo maisasakatuparan / maipapakita ang iyong misyon bilang bahagi ng Simbahan?

I. PAHAYAG KRISTIYANO
1.1 SALITA NG DIYOS: Mateo 28:16-20
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
“Pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus. Nang
Makita nila si Jesus, siya’y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-aalinlangan.
“Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit
at sa lupa. Kaya’t humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa.
Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo
silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo
hanggang sa katapusan ng panahon.”

1.2 KATANUNGAN MULA SA SALITA NG DIYOS

 Ano ang nais ni Hesus na gawin ng kanyang mga alagad sa mga tao? (Gawing alagad ang
lahat ng tao sa lahat ng mga bansa)
 Paano nila babautismuhan ang mga tao? (sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo.)

31
 Ano ang kanilang ituturo sa mga tao? (tuturuan sila kung paano sumunod sa mga iniuutos
ni Hesus)
 Ano ang pangako ni Hesus sa kanila? (palagi nilang kasama si Hesus hanggang sa
katapusan ng panahon)

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Inaatasan ni Hesus ang kanyang mga alagad na humayo sa lahat ng bansa, gawing
alagad ang mga tao at turuan silang sumunod sa mga utos ni Hesus. Ito ang misyon ni Hesus na
ipinagkatiwala Niya sa Kanyang mga alagad.

At sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa
inyo. Hindi makapamunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno…” Juan 15:4-5
Ipinagkatiwala ni Hesus sa mga alagad ang pagpapatuloy ng Kanyang misyon. At mula sa mga
alagad, ang natatanging misyon na ito ay ipinagpapatuloy ng simbahan. Ipinangako ni Hesus na
mananatili Siya sa kanilang piling hanggang sa katapusan at hanggang sa ngayon, nananatili si
Hesus at ang kanyang Misyon sa kanyang Simbahan.

Ngayon, bilang kasapi ng Simbahan, tayo rin ay kabahagi ng Misyon ni Hesus at ng mga
apostol. Sa papaanong paraan natin maisasabuhay ang misyon na ito? Naalala ninyo ba ang
nakatakdang gawain na iniwan sa inyo noong nakaraang Katekesis?

II. SITWASYON NG BUHAY

 Gawain: PICTURE FRAME (Group activity: Bawat grupo ay isasalarawan ang


nabunot na sitwasyon sa pamamagitan ng picture frame at may isang magpapaliwanag
kung ano ang nakuha nilang sitwasyon)

Mga sitwasyon:
 Nagpapahayag ng Salita ng Diyos sa mga mahihirap na lugar/tao
 Outreach program/Gift giving
 Medical Mission
 Feeding Program

Pagtatanong

 Ano-ano ang mga sitwasyon na ipinakita ng bawat grupo? (Nagpapahayag ng Salita ng


Diyos sa mga mahihirap na lugar/tao, Outreach program/Gift giving, Medical
Mission,Three Planting)
 Naranasan ninyo na bang ang ganitong gawain? (Opo/Hindi po)
 Anong naramdaman ninyo noong kayo'y nakiisa sa ganitong gawain? (Masaya,
nagagalak)
 Ano ba ang tawag sa mga ganitong gawain? (Misyon ng Simbahan, ng bawat isa)

PAGTUKLAS SA PAGPAPAHALAGA

32
2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A. VALUE DEFINITION
 Ano ba ang ibig sabihin ng pakikiisa sa misyon? (Pagbibigay, pagmamahal,
pagmamalasakit sa kapwa, pagtulong sa mga nangangailangan)

B. VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba ang pakikiisa sa misyon ng Simbahan? Bakit? (opo, kasi ito nagpapakita ng
pagsunod sa turo at halimbawa ni Hesus)

C. VALUE PURIFICATION
 Kung walang misyon ang Simbahan, ano ang mangyayari sa mga kasapi nito?
(magkakawatak-watak, hihina ang pananampalataya, malulungkot)

 Kung gagawin natin ang misyon ng Simbahan, anu-ano ang mga magagandang
naidudulot nito? (Mas napapalapit at pinagpapala po tayo ng Diyos)

D Action Point: Anong gawain pa ng Simbahan ang nais mong salihan / lahukan? Sabihin mo
sa iyong katabi at ipahayag ang nais mong salihan bilang iyong gagawin misyon.

2.3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY

Ang mga sitwasyon na ipinakita ng bawat grupo katulad ng nagpapahayag ng Salita ng


Diyos, outreach program at iba pa ay mga gawain ng Simbahan. Ito ay pakikiisa sa misyon at
pagsunod sa utos ni Hesus. Ibinigay nga ni Hesus sa mga alagad ang pagpapatuloy ng Kanyang
misyon. At mula sa mga alagad, ang natatanging misyon na ito ay ipinagpapatuloy ng Simbahan.
Ipinangako ni Hesus na mananatili Siya sa kanilang piling hanggang sa katapusan at hanggang sa
ngayon, nananatili si Hesus at ang kanyang Misyon sa kanyang Simbahan. Dahil….

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: ITINATAG NI KRISTO ANG SIMBAHAN UPANG


IPAGPATULOY ANG MAPANLIGTAS NA MISYON SA DAIGDIG. (KPK 1412, 1448,
KIK 780)
Bilang isang Simbahan, mahalagang maunawaan natin na tayo mismo, ang mga tao ang
tinatawag na Simbahan. Hindi ang gusali kundi ang lahat ng binyagan at sumasampalataya sa
Diyos. Tayo ay tinatawagan ni Hesus na ipalaganap ang salita ng Diyos, hindi lamang sa salita
kundi pati sa gawa, upang ipagpatuloy ang mapanligtas na misyon niya dito sa daigdig. Ito ay
isang misyon na tinanggap na natin noong tayo ay bininyagan.
Kaya, upang maging matatag tayo sa ating misyon, ano ang nararapat gawin ng bawat
kasapi ng Simbahan?

33
3.2 PAGSASABUHAY: ANG BAWAT KASAPI NG SIMBAHAN AY TINATAWAG
MAGING “ASIN AT ILAW NG SANLIBUTAN” (KPK 1415-1416,IKALAWANG
TALATA: MATEO 5:13-14, KIK 782 – Pampitong Talata, KIK 849)

(Mateo 5:13-14) Ang maging asin at ilaw ay pagkakaroon ng kabuluhan sa


misyon/gawain natin sa Simbahan. Hindi lamang tayo nagsisimba upang tumanggap ng biyaya
sa Diyos kundi ito rin ang biyaya Niya na ibinabahagi rin natin sa iba upang maipagpatuloy ang
misyong pangkaligtayan ng Simbaha.. Tayo ay nagbibigay ng pag-asa at liwanag sa pagganap
ng ating misyon.
Tulad ng halimbawa na ipinakita ni St Damian ng Molokai. Si St. Damien o Father
Damien na ang tunay na pangalan ay Joseph de Veuster ay ipinanganak noong January 3, 1840
sa Tremelo, Belgium. Siya ang bunso sa pitong magkakapatid. Noong 1858 sumali sa Society of
the Sacred Heart of Jesus and Mary (Picpus fathers) sa Leuven, Belgium. Kapalit ng kanyang
nagkasakit na kapatid na isa rin pari, si Fr. Pamphile, nagpunta siya sa Sandwich (Hawaiian)
Islands noong 1863 bilang isang misyoneryo. Nakarating ng Honolulu, Hawaii noong 1864 at
naordinahan bilang pari sa parehong taon. Nahabag sa kalagayan ng mga taong may ketong na
ipinatapon ng gobyerno sa Kalaupapa sa islang Molokai, nagboluntaryo siya upang pangunahan
ang pagsasaayos ng kanilang kalagayan. Si St Damien na kilala sa kanyang pagiging mahabagin,
ay nagbigay ng espirituwal, pisikal at emosyonal na kaginhawaan sa mga naghihirap mula sa
nakamamatay at walang lunas na sakit. Nagsilbi siya bilang pastor, doktor at pinangunahan ang
mga proyekto upang maging maayos ang kanilang kalagayan. Naisaayos ang mga supply ng
tubig, pagkain at pabahay. Nagtayo din siya ng dalawang bahay-ampunan. Noong 1884, siya ay
nahawaan ng ketong at tumangging umalis upang magpagamot. Namatay siya noong April 15.
1889. Doon siya inilibing ayon na rin sa kanyang kahilingan ngunit ang kanyang mga labi ay
inilipat sa Leuven noong 1936. Ang kanyang kanang kamay ay ibinalik sa kanyang unang
pinaglibingan noong 1995. Idineklarang santo ni Pope Benedict XVI noong 2009. Si St. Damien
ay patron ng mga may sakit na ketong.
Sa magandang halimbawa ni San Damian, siya ay naging tunay na asin at ilaw sa mga
taong kanyang pinagsilbihan, tayo rin ay tinatawagan na maging asin at ilaw sa loob ng atin
pamilya, paaralan at komunidad. Matuto tayong maging misyonero sa ating abot na makakaya
saan man tayo kailangan.

Tayong lahat ay hinihikayat na makiisa….

3.3 PAGSAMBA: SA PAGDIRIWANG NG BANAL NA EUKARISTIYA, ANG


SIMBAHAN AY SAMA-SAMANG NAGPUPURI AT NAGPAPASALAMAT SA DIYOS
AMA SA KALIGTASANG DULOT NI KRISTO, KAISA NG ESPIRITU SANTO. KIK
1358-1360, KPK 1696
Sa bawat pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ay patuloy nating ginugunita ang
kagandahan loob ng Diyos Ama sa gawain pangkaligtasan ni Hesus kasama ng Espiritu Santo.
Nararapat na tayo ay maki-isa sa pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos Ama dahil sa
kagandahan loob Niya, tayo ay nabibiyayaan ng kaligtasan dulot ni Hesus at ng Espitiritu Santo.
Nawa ang ating pagiging asin at ilaw ay maging ating alay ng pasasalamat at pagpupuri
sa ating Diyos na atin mismong ilaw at asin sa pang-araw araw na buhay.

BUOD:

34
Itinatag ni Kristo ang Simbahan upang ipagpatuloy ang mapanligtas na misyon sa
daigdig. Ang bawat kasapi ng Simbahan ay tinatawagang maging “Asin at Ilaw ng Sanlibutan”
upang maipagpatuloy ang misyong pangkaligtasan ng Simbahan. Sa pagdiriwang ng Banal na
Eukaristiya, ang Simbahan ay sama-samang nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos Ama sa
kaligtasang dulot ni Kristo, kaisa ng Espiritu Santo.

3.5 Pagsagot sa Mahalagang Tanong


1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang misyon ng Simbahan?
2. Paano mo maisasakatuparan / maipapakita ang iyong misyon bilang bahagi ng Simbahan?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.I Paninindigan: Naniniwala ako na ang Simbahan ay Sakramento ng Kaligtasan.

4.2 Pagtatalaga
Ano ang iyong gagawin upang maipakita mo na ikaw ay nakikiisa sa misyon ni Hesus
inyong tahanan, paaralan, pamayanan at Simbahan?

4.3 Pagdiriwang: Awitin ang kantang "The Mission"

There's a call going out


Across the land in every nation
A call to those who swear allegiance to the cross of
Christ
A call to true humility, to live our live responsibly
To deepen our devotion to the cross at any price

Let us then be sober, moving only in the Spirit


As aliens and strangers in a hostile foreign land
The message we're proclaiming is repentance and
forgiveness
The offer of salvation to a dying race of man
To love the Lord our God
Is the heartbeat of our mission.
The spring from which our service overflows
Across the street
Or around the world
The mission's still the same
Proclaim and live the Truth
In Jesus name. Amen

PAGNINILAY:

35
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

36
PAKSA 6: MGA SAKRAMENTO: PAGDIRIWANG NG MAPANLIGTAS NA PAG-
IBIG NG DIYOS
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Pinagkunan/Pamaamaraan Layunin
pananampalataya (Source and Means) (Transer Goal)
(Enduring
Understanding)
Katotohanan: Si Hesus, Salita ng Diyos: 1Juan 4:9 Pagkatapos na maituro ang
sa kanyang pagiging tao “Inihayag ng Diyos ang kanyang paksang ito ang mga bata ay
ay ang sakramento ng pag-ibig sa atin nang suguin niya ang inaasahang:
Mapanligtas na pag-ibig kanyang Anak upang magkaroon  Maunwaan ang
ng Diyos para sa lahat. tayo ng buhay sa pamamagitan kahulugan ng mga
Ang Simbahan ay ang niya.” Sakramento.
Sakramento ni Hesus at Juan 15:4-5  Maipahayag ang
ang 7 sakramento ay “Manatili kayo sa akin at mananatili pananampalataya sa
mga Sakramento ng ako sa inyo. Hindi makapamumunga mga Sakramento sa
Simbahan. (KPK 1524- ang sangang hindi nananatiling pamamagitan ng
1526) nakakabit sa puno…” pagtatala sa mga
Pagsasabuhay: Ang Sakramentong malimit
mga Sakramento ay Katuruan ng Simbahan: tanggapin.
pagdiriwang ng *Vat.II DV 24, KIK135  Makakapagpuri sa
mapanligtas na Pag-ibig *KPK 69-70 Diyos sa pag-awit ng
ng Diyos. (KPK 1518, *KIK 141, KPK 112 “Tanging Yaman”.
1524-1525, KIK 1131) *Vat.II SC 33, KPK 87
Pagsamba: Sa
pagtanggap ng mga
Sakramento ng may
pananampalataya ay
unti-unti tayong
hinuhubog sa pagiging
kawangis ni Kristo.
(KPK 1529-1531)
KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO
(Knowledge) (Essential Questions)
*kahulugan ng *Paano ipinapaliwanag ng Salita St. Dominic Savio
Sakramento Ng Diyos ang kahulugan ng
*Sakramento, Banal na mapanligtas na pag-ibig ng VALUE:
Tanda na itinatag ni Diyos? pagtanggap ng mga
Kristo upang *Sa paanong paraan natin Sakramento / pag-asa
ipagpatuloy sa simbahan maipapakita ang mapanligtas na
at para sa Simbahan. pag-ibig ng Diyos sa mga
*7Sakramento Sakramentong ating natanggap?
Binyag, Komunyon,
Kumpil, Kumpisal,
Kasal, Banal na Orden,

37
Santo Oleo.
SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*Nabinyagan, *Unti-unting maunawaan ng mga * Mapahalagahan ang mga
nagkumpisal, bata ang biyaya ng Sakramentong Sakramento.
nagsisimba, pero di tinatanggap.
sapat ang kaalaman sa *Maisabuhay ang
pagtanggap ng mga *Maramdaman ng mga bata ang mapanligatas na gawain ni
Sakramento. mapanligtas sa pag-ibig ng Diyos sa Kristo sa pamamagitan ng
pamamagitan ng mga Sakramentong mabuting gawa.
*Hindi nakikita sa tinanggap.
kanilang gawa ang *Pasalamatan ang Diyos sa
kahalagahan nito sa *Patuloy na tumanggap ng mga pamamagitan ng madalas na
kanilang buhay. Sakramento. pagtanggap sa Banal na
*Ang mga Sakramento Eukaristiya.
ay isang paraan lamang
na mapalapit sa Diyos.

38
PAKSA 6: MGA SAKRAMENTO: PAGDIRIWANG NG MAPANLIGTAS NA PAG-IBIG
NG DIYOS

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Awit 62:1-2-5

Tanging sa Diyos lamang ako aasa; ang kaligtasa'y nagbubuhat sa Kanya.


Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay
sa lahat ng oras!
Tanging sa Diyos lang ako umaasa; ang aking pag-asa'y tanging na sa kanya.
Hiniling namin ito sa pangalan ni Kristo na aming tagapagligtas. Amen.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati…

PAGBABALIK ARAL:

Isang maganda at mapagpalang umaga/hapon sa inyong lahat. Sa araw na ito kinagagalak


ko na makasama kayo. Kamusta ang inyong mga araw mga bata? [Mabuti po]. Mabuti naman
kung ganun. Dahil nais ng Diyos na tayo ay mas mapalapit pa sa kanya, katulad nalamang ng
nakaraang nating paksa na ang pamagat ay Simbahan bilang Sakramento ng Kaligtasan.
Sino ang nagtatag ng Simbahan ayon sa ating paksa noong nakaraan?
[Si Hesus po]
Itinatag ni Kristo ang Simbahan upang ipagpatuloy ang mapanligtas na misyon sa
daigdig. Ang bawat kasapi ng Simbahan ay tinatawagang maging “Asin at Ilaw ng Sanlibutan”
upang maipagpatuloy ang misyong pangkaligtasan ng Simbahan. Sa pagdiriwang ng Banal na
Eukaristiya, ang Simbahan ay sama-samang nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos Ama sa
kaligtasang dulot ni Kristo, kaisa ng Espiritu Santo.

Ngayong ay isang magandang paksa ulit ang ating tatalakayin at pag-aaralan at ito ay
may pamagat na Mga Sakramento: Pagdiriwang Ng Mapanligtas Na Pag-Ibig Ng Diyos.

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano ipinapaliwanag ng Salita ng Diyos ang kahulugan ng mapanligtas na pag-ibig ng


Diyos?
2. Sa paanong paraan natin maipapakita ang mapanligtas na pag-ibig ng Diyos sa mga
Sakramentong atin natanggap?

Ngayon mga bata aalamin natin ano nga ba ang sinasabi o ipinapahayag sa ating Banal na
Kasulatan tungkol sa ating Paksa, handa na ba kayong makinig?

I.PAHAYAG KRISTIYANO:

1.1 SALITA NG DIYOS: Juan 15:4-5

“Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi
nanatiling nakakabit sa puno."
39
I.II PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS:

1. Ano ang nais ng Diyos para sa atin ayon sa aking binasa? [nais ng Diyos na tayo po ay
manatili sa kanya.]
2. Ano ang mangyayari sa atin kung hindi tayo mananatili sa kanya?[Tayo po ay hindi
mamumunga]
3. Sa anong bagay inihalintulad ng Diyos ang ugnayan ng Diyos at tao? [sa isang sanga ng
puno ng ubas po]

4. Sa inyong palagay paano tayo mananatiling naka-ugnay kay Hesus? (sa pagtanggap ng
mga sakramento)

BUOD:
Sa ating pagbasa, inilarawan ni Hesus ang kanyang sarili isang puno ng ubas at ang mga
tao naman ang sanga. Sinasabi ni Hesus na hindi makakapamunga ang sanga kung ito ay
hiwalay sa puno. Ang ibig sabihin nito, walang magagawa ang tao kung siya ay hiwalay kay
Hesus o kung wala si Hesus sa kanyang buhay. Sapagkat si Hesus ang buhay katulad ng sinasaad
sa (IJuan 4:9 Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa sa atin nang suguin niya ang kanyang
anak upang – ugnay sa kanya magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya.” Ang Salita ng
Diyos ay paanyaya na manatili sa kanya upang magkaroon ng buhay. Paano nga ba tayo
mananatiling naka ugnay sa kanya?

May ipapakita ako sa inyong mga larawan ang gagawin ninyo lamang ay banggitin kong
ano ang mga ito.

II. SITWASYON NG BUHAY:

2.1 GAWAIN: Guess the Picture

Ex: Binyag, kumunyon, kasal, kumpil at iba pa.

Pagtatanong Tungkol Sa Gawain:


1. Nagustuhan niyo ba ang ginawa natin? [opo]
2. Anu-ano ang nakita nyo sa larawan? [binyag kumonyon. etc.]
3. Natanggap ninyo na ba ng mga Sakramentong nabanggit?
4. Anu-anong sakramento na ang natanggap ninyo?
5. Masaya ba kayo sa pagtanggap na mga sakramento? ? [opo]

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA:

A VALUE DEFINITION

 Para sa iyo ano ang ibig sabihin ng pagtanggap ng mga Sakramento? Hal. Binyag at
komunyon. [ Patuloy na pagtanggap sa biyaya ng Diyos.]

B VALUE CLARIFICATION
Mahalaga ba ang pagtanggap ng mga Sakramento? Bakit?
40
 Ano ang bunga ng pagtanggap ng mga Sakramento sa buhay natin?

C VALUE PURIFICATION
 Paano kung hindi natin tinatanggap ang mga sakramento, ano ang bunga nito?
 Alin ang mas mabuting gawin, ang tanggapin ang mga sakramento o hindi?

D ACTION PLAN:

Isulat ang mga paghahandang gagawin sa pagtanggap ng mga sakramento

2.3 PAGTATAGPO:

Nakita ninyo sa mga larawan ang mga sakramento ng ating Simbahan. Ang ilan dun ay
natanggap na ninyo katulad ng Binyag, Kumpisal at Komunyon. Nalaman natin na mahalaga ang
pagtanggap ng mga Sakramento sapagkat sa pamamagitan nito ay nananatili tayong naka ugnay
kay Hesus. At katulad ng sinabi ni Hesus, “ang sanga na hindi naka ugnay sa kanya ay hindi
mamumunga ng sagana.” May ilang sakramento pa ang kailangan ninyong tanggapin, katulad ng
Kumpil. mahalagang paghandaan ito upang maging makabuluhan ang pagdiriwang ng mga
sakramento.

 Sino ang nagtatag ng mga Sakramento? [Si Hesus po.]

III. PAHAYAG PANANAMPALATAYA:

3.1KATOTOHANAN: SI HESUS SA KANYANG PAGIGING TAO, AY ANG


SAKRAMENTO NG MAPANLIGTAS NA PAG-IBIG NG DIYOS. ANG SIMBAHAN AY
ANG SAKRAMENTO NI HESUS AT ANG 7 SAKRAMENTO AY ANG MGA
SAKRAMENTO NG SIMBAHAN. (KPK 1524-1526)

Si Hesus ang Sakramento ng Ama, Siya ang pinakadakilang tanda ng pag-ibig ng Ama sa
atin. Ang Simbahan ay Sakramento ni Hesus, buhay na palatandaan ng pag-ibig Niya, sapagkat
si Hesus ay nag-alay ng buhay para sa atin. Ang pitong sakramento ay Sakramento ng ating
Simbahan. Tinatawag itong maritwal na sakramento dahil may mga ritu o pagdririwang na
sinusundan. Ang pitong sakramento ay ang mga sumusunod.

Sakramento ng Unang hakbang sa pagiging kristiyano

1. Binyag
2. Kumpisal
3. Komunyon

Sakramento ng Pagpapagaling

4. Kumpisal
5. Pagpapahid ng Langis sa may sakit

Sakramento ng paglilingkod
41
6. Kasal
7. Pagpapari

Ang mga sakramento ay ating tinanggap at tatangapin nang buong puso dahil tayo ay
miyembro ng ating simbahan, ang 7 sakramento na ito ay tanda ni Kristo sa ating pagiging
kristiyano na patuloy na ginagabayan ng Kanyang pag-ibig at biyaya. Tulad na lamang sa ating
pagbasa, sinabi ni Hesus na manatili tayo sa Kanyang piling at tanggapin Siya nang buong puso
upang sa gayon ay dumaloy ang biyayang kaloob Niya sa atin. Sa ating activity naman ginawa
at ipinakita ang pagtanggap sa mga sakramento sa ating buhay ay gaya rin ng mga selebrasyon
o tagumpay sa ating buhay na ating ipinagdiriwang ng may tuwa at galak. At ang mga
sakramento ay ating tinatanggap dahil ito ay isang pagdiriwang ng pag-ibig ng Diyos sa buhay
natin.

 Sa paanong paraan natin ipagdiriwang ang mapanligtas na Pag-ibig ng Diyos.

3.2 PAGSAMBA: ANG MGA SAKRAMENTO AY PAGDIRIWANG NG


MAPANLIGTAS NA PAG-IBIG NG DIYOS. (KPK 1518,1524-1525, KIK 1131)

Ang mga sakramento ay tanda ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Ibinigay ang sakramento upang dito
dumaloy ang biyaya sa atin ng Diyos.

Ano nga ba ang mga biyaya na ating matatanggap sa mga sakramento? Sa sakramento ng...

1.BINYAG: ay tinatanggap tayo bilang ampong anak ng Diyos Ama, nagiging kapatid natin si
Hesus at naaalis ang original nakasalanan mula sa unang taong nilikha ng Diyos, at tinatanggap
tayo ng Simbahan bilang isang myembro,

2.KUMPISAL: ay ating tinatanggap ang kapatawaran ng Diyos,

3.BANAL NA EUKARISTIYA: ay ating tinanggap ang banal na katawan at dugo ni Hesus,

4.KUMPIL: ay umako tayo na maging isang sundalo ng Panginoon, tagapagtanggol ng


pananampalataya, at nagiging saksi ni Kristo sa Kanyang salita at gawa,

5.KASAL: ating tinaggap ang responsibilidad bilang isang responsableng magulang at


tagapagpahayag ng mabuting balita,

6.BANAL NA ORDEN: ay ating tatangapin nang buong puso ang Diyos sa ating buhay at
nagpapatuloy sa mga pagdiriwang ng mga sakramento.

7.PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS: binibigyan ng Diyos ang maysakit ng lakas pang


pangkatawan at espiritwal.

Nararapat natin pahalagahan ang mga Sakramento at patuloy na tanggapin ito ng may
paggalang at pasasalamat sa ating puso at isabuhay ang mga biyaya nito.

42
Si St. Dominic Savio ay ipinanganak noong April 2, 1842 sa Italy. Siya ay isang aktibong
naglilingkod sa Diyos bilang isang altar server. Ang kanyang buhay ay umikot sa pagsisilbi sa
Diyos at sa simbahan, hindi niya kinakalimutang tumanggap ng mga sakramento lalo na ang
Banal na Eukaristiya. Inalay niya ang kanyang buhay sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod
sa kapwa at sa Diyos. Ang kwento ng Santong ito ay nagpapaalala sa atin na nararapat na
patuloy din nating tanggapin ang mga sakramento. Gawin itong inspirasyon at isabuhay rin natin.

Ipinahayag rin sa ating pagbasa na sinabi ng Diyos na kapag tayo ay nanatili sa Kanyang
piling ay patuloy rin nating natatanggap ang kanyang gabay sa diwa ng kanyang pag-ibig. Tayo
bilang kanyang bahagi o katawan ay manatili na nakaugnay sa kanya bilang siya ang ating puno
at pinagmumulan ng ating lakas. At sa pamamagitan nito ay nagiging matatag rin sa ating
pananampalataya.

 Paano natin tinatanggap ang sakramento? [tinatanggap natin ito ng may


pananampalataya,]

3.3 PAGSASABUHAY: SA PAGTANGGAP NG MGA SAKRAMENTO NG MAY


PANANAMPALATAYA AY UNTI-UNTI TAYONG HINUHUBOG SA PAGIGING
KAWANGIS NI KRISTO. (KPK 1529-1531)

Kung totoo at naniniwala tayo sa mga biyaya ng Sakramento, mahalagang makita sa buhay
natin ang mga bunga nito. Sabi nga, hinuhubog tayo sa pagiging kawangis ni Kristo. Ang ibig
sabihin nito ay makita si Kristo sa atin, sa ating mga salita at sa ating mga ginagawa. Makita sa
atin na tayo ay mga anak ng Diyos, marunong magmahal, marunong tumulong sa kapwa, yan
ang mga bunga ng sangang nakaugnay sa puno, na walang iba kundi Hesus.

3.4 BUOD:

Si Hesus sa Kanyang pagiging tao, ay ang sakramento ng mapanligtas na pag-ibig ng


Diyos. Ang simbahan ay ang sakramento ni Hesus at ang 7 sakramento ay ang mga sakramento
ng simbahan. Ang mga sakramento ay pagdiriwang ng mapanligtas na pag-ibig ng Diyos. Sa
pagtanggap ng mga sakramento ng may pananampalataya ay unti-unti tayong hinuhubog sa
pagiging kawangis ni kristo.

IV.TUGON PANANAMPALATAYA:

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na ang sakramento ay tanda ng Pag-ibig ng Diyos sa


atin.

4.2 Pagtatalaga: Isulat ang mga biyaya na maaring tanggapin sa mga sakramento na
dapat nating ipagpasalamat.

4.3 Pagdiriwang: Awit: Purihin si Hesus sa sakramento,

Purihin ng lahat ng tao, Purihin s’ya ng Pilipino,

43
sa pagakakaisa lingapin mo.

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano ipinapaliwanag ng Salita ng Diyos ang kahulugan ng mapanligtas na pag-ibig ng


Diyos?

2. Sa paanong paraan natin maipapakita ang mapanligtas na pag-ibig ng Diyos sa mga


Sakramentong atin natanggap?

PAGNINILAY:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

44
PAKSA 7: ANG MGA SAKRAMENTAL: MGA BANAL NA TANDA
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/ Layunin
(Enduring Understanding) Pamamaraan (Transfer Goal)
(Sources & Means)
Katotohanan: Ang mga Salita ng Diyos:
sakramental ay mga banal na tanda. Pagkatapos na maituro
Ito ay mga bagay, kilos, kinagawian, Marcos 8: 22-26 ang paksang ito ang mga
lugar at iba pa, na tumutulong sa (pinagaling ni Jesus ang bata ay inaasahang:
ating makita ang presensya ni Kristo isang lalaking bulag) Maunawaan na ang
na pinagmumulan ng biyaya. Marcos 5:25-34 mga sakramental ay
(KIK 1667- 1671; KPK 1532 & (pinagaling ni Jesus ang mga banal na tanda.
1578) isang babae)
Pagsamba: Sa paghahanda natin sa Matulungan tayo ng
pagdiriwang ng mga sakramento, mga Sakramental na
ipinagpapatuloy ng mga Katuruan ng Simbahan: maranasan ang
Sakramental ang mga gawain ng presensiya ni Jesus
Sakramento. KIK 1667- 1671
(KPK 1533) KPK 1532 & 1578 Mapahalagahan ang
Pagsasabuhay: Sa ating paggalang KPK 1533 paghahanda sa mga
at tamang paggamit ng mga KPK 1532 Sakramental upang
sakramental tinutulungan tayo upang KIK 167 mas maging mabunga
higit na maging mabunga ang sa pang-araw-araw na
pagtanggap natin ng mga pamumuhay.
sakramento at pinababanal tayo sa
ating pang-araw-araw na buhay.
( KPK 1532; KIK 1677)
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG SANTO:St. Bernadette
TANONG:
Kahulugan ng Sakramental (Essential Value:
Questions) Pagpapahalaga at
Sakramental: mga banal na 1. Papaano inilahad sa pagbibigay galang sa mga
tanda ni Hesus. Banal na Kasulatan ang Sakramental
paggamit ng mga
Tamang paggamit ng Sakramental? DepEd Value:
Sakramental. 2.Paano mo ipapakita na Pananampalataya sa
ikaw ay tunay na Panginoon
nagpapahalaga sa mga
sakramental?
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Habang ang mga bata ay nagdadasal Unti-unting nauunawaan -Magkaroon ng tunay na
at nagsisimba may kakulangan ang kahalagahan ng mga pagpapahalaga at
naman sila sa kaalaman tungkol Sakramental sa ating buhay. kaalaman sa mga
Sakramental. sakramental.
Mauunawaan nila ang -Maging bukas sa mga 45
Sapagkat hindi nila lubos pakakaiba ng Sakramento sa panawagan ng Simbahan
maunawaan ang Sakramental. Sakramental. at maunawaan na ang mga
Sakramental ay
46
PAKSA 7: ANG MGA SAKRAMENTAL: MGA BANAL NA TANDA

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Amang Makapangyarihan sa lahat, kami po ay lubos nagpupuri at nagpapasalamat sa


lahat ng mga biyaya at grasyang ipinagkaloob mo sa amin. Ipadala mo po sa amin ang Banal na
Espiritu upang maunawaan at maisabuhay naming ang kahalagahan ng mga sakramental at
maipagpatuloy pa namin ang buhay ng pananampalataya. Hinihiling naming ito sa pamamagitan
ni Hesus na aming Panginoon at tagapagligtas kasama ang Espiritu Santo. Amen
Dasalin ang Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pagbati at Pagbabalik-aral:
Isang magandang umaga/hapon mga bata. Ngayong araw na ito, bago tayo tumungo sa
ating paksa balikan muna natin ang ating nakaraang paksa. Ano ang paksang tinalakay natin
noong nakaraang lingo. Ano ang natatandaan ninyo tungkol sa Sakramento? At Ilan ang
Sakramento? [7 po]
Ang mga sakramento ay ang pagdiriwang ng mapanligtas na pag-ibig ng Diyos para sa
lahat. Ang Simbahan ay ang Sakramento ni Hesus at ang 7 Sakramento ay ang sakramento ng
simbahan. Sa pagtanggap nito ng may pananampalataya ay unti-unti tayong hinuhubog sa
pagiging kawangis ni Kristo.

Ngayong araw na ito, ang ating tatalakayin o paksa ay ang mga Sakramental: Mga
Banal Na Tanda. Bago tayo tumuloy sa ating paksa mayroon tayong mga mahahalagang tanong
na mamaya ay inyong sasagutin.

MAHALAGANG TANONG:
1.Paano inilahad sa Banal na Kasulatan ang paggamit ng mga Sakramental?
2.Paano mo maipapakita na ikaw ay tunay na nagpapahalaga sa mga Sakramento?

 Para mas maintindihan natin ang ating paksa o tema ngayon ako ay magpapahayag ng
Mabuting balita na mula sa Bibliya. Kaya, Ano ang dapat na gawin kapag ako ay
nagpapahayag? umupo po ng maayos, makinig at manahimik po.

I.PAHAYAG NG KRISTIYANO

1.1 SALITA NG DIYOS: Marcos 8:22-26

“Dinala kay Jesus ang isang bulag…. Ipinamanhik na hipuin ito… niluran sa mata,
ipinatong ang kanyang kamay…. Muling hinipo ni Jesus ang mga mata ng bulag, nanumbalik
ang kanyang paningin.”

o KATANUNGAN MULA SA SALITA NG DIYOS


 Sino ang pinagaling ni Hesus? [Ang bulag po]
 Paano pinagaling ni Hesus ang bulag?
 [Tinakpan ni Hesus ng kanyang mga kamay ang mata ng bulag]
 Anong bagay ang ginamit ni Hesus sa kanyang pagpapagaling? (laway)

47
 Ano ang masasabi ninyo sa mga bagay, kilos at lugar na may kaugnayan kay Hesus?
(banal, mahalaga, kailangan)
 Ano ang gagawin natin sa mga bagay, kilos at lugar na may kaugnayan kay Hesus?
 (igalang, pahalagahan, ingatan)

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS:

Sa Ebangelyong ating binasa, narinig o napakinggan natin ang kwento ng isang bulag na
pinagaling ni Hesus, Sa pamamagitan ng kanyang pagluran sa mata nito, paghipo at pagpatong
ng kamay ay muling nakakita ang isang bulag. Pinapakita dito ni Hesus na ang kanyang ginamit
ay ang mga bagay, kilos at salita na nagpadama sa maysakit ng kanyang presensya. Si Hesus ay
nagpapagaling o nagbibigay biyaya sa iba’t ibang paraan kagaya na rin ng isang babae na
dinudugo ng 12 na taon, sinabi niya na “mahawakan ko lamang ang kanyang damit ay gagaling
na ako” Marcos 5:25-34. Ang mga bagay, kilos at salita na ginagamit ni Hesus ay Saramental.
Sa ating napakingan at nalaman ngayon sa ating Diyos, nawa’y tularan natin Siya sa kanyang
mga mabuting gawa para sa ating kapwa, at pahalagahan nating ang kanyang mga turo na
magiging gabay natin sa ating buhay.
Nais kong makibahagi tayo sa ating gawain, may mga ilang larawan akong ipapakita sa
inyo at ibabahagi ninyo kung ano ang inyong saloobin rito.

II.SITWASYON NG BUHAY

2.1. GAWAIN: Pagpapakita ng mga sakramental (larawan o tunay) tulad nga Bibliya,
rosary, scapular, holy water, larawan ng simbahan, crucifix, medals, etc.

KATANUNGAN SA GAWAIN;
 Ano ang nakikita nyo sa larawan?
 Sino sa inyo ang mayroon nitong mga pinakita ko?
 Nakakatulong ba ito sa inyo? Sa paanong paraan ito nakakatulong?

2.2 PAGPAPALALIM SA PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION
Ano ang ibig sabihin ng paggalang sa mga sakramental?

B VALUE CLARIFICATION
 Bakit mahalagang igalang ang mga sakramental?
 Paano mo pinapakita ang paggalang sa mga sakramental?

C VALUE PURIFICATION
 Ano ang mangyayari kung hindi natin igagalang ang mga sakramental?

 Ano ang gagawin ninyo sa mga sacramental?

C ACTION PLAN

 Gumuhit ng mga sakramental sa iyong notebook


48
2.3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY

Mga bata, ang mga ipinakita ko sa inyo ay mga sacramental, yung iba sa inyo may dala,
yung iba nasa bahay. Sinabi natin an mahalaga ang mga sacramental, nakakatulong ito sa atin
para lumago at manatili ang ating pananampalataya sa Diyos. Ang mga sacramental ay hindi
mga anting-ating kaya naman mahalaga na igalang ang mga ito sapagkat ito ay may kaugnayan
kay Hesus. Kaya gamitin ito sa mga tamang pamamaraan. Katulad ng ginawa ni Hesus sa isang
bulag, hinipo at hinawakan nya lang ito at gumaling. At ang babae na matagal ng dinudugo,
naniwala ito na mahawakan nya lang ang laylayan ng damit ni Hesus sya ay gagaling. Naipakita
at naipadama ni Hesus ang kanyang presensiya sa pamamagitan ng mga bagay, pagkilos at mga
salita, ganun din ang mga Sakramental.

 Ano nga ba ang pagkakaiba ng mga Sakramento sa Sakramental?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: ANG MGA SAKRAMENTAL AY MGA BANAL NA TANDA.


ITO AY MGA BAGAY, KILOS, KINAGAWIAN, LUGAR AT IBA PA, NA
TUMUTULONG SA ATING MAKITA ANG PRESENSIYA NI KRISTO NA
PINAGMUMULAN NG BIYAYA AT GRASYA. (KIK 1667- 1671; KPK 1532 & 1578).

Ang Sakramento ay mga banal na tanda kung saan sa pagtanggap nito ay tunay na
nakakasama at nakakatagpo natin si Hesus. Ang mga Sakramental naman ay mga banal na tanda
na tumutulong sa atin na mapalapit sa Diyos para tayo ay maging banal sa pamamagitan ng ating
pananalig o pananampalataya.
Ang mga Sakramental ay tumutulong sa atin kaya’t marapat na ito’y igalang, alalahanin at
gamitin natin ng may pananampalataya at tama. Tulad ng pagrorosaryo, maaari tayong
magrosaryo bago o pagkatapos ng banal na misa. Ang Banal na misa ay mas mahalagang gawain
dahil sa banal na misa ang tinapay at alak ay tunay na nagiging katawan at dugo ni Kristo.
 Ano ba ang naidudulot ng ating paggamit sa mga Sakramental?

3.2 PAGSAMBA: SA PAGHAHANDA NATIN SA PAGDIRIWANG NG MGA


SAKRAMENTO, IPINAGPAPATULOY NG MGA SAKRAMENTAL ANG MGA
GAWAIN NG SAKRAMENTO. (KPK 1533)

Ang mga Sakramental o mga bagay na meron tayo ay pinabebendisyunan natin upang
magamit sa pagdarasal o pagpapaalala sa atin kay Hesus, saan man tayo naroon. Ipinapadama sa
atin ng mga ito na ang Diyos ay lagi nating kapiling.
Subalit, nakakalungkot na maraming umaasa na lamang sa pagdarasal ng rosary, novena at
iba pang debosyon, hindi na magsimba dahil nagdarasal naman, sasama sa prusisyon di naman
magsisimba at marami pa, ito’y mga sacramental, samantalang nakakalimutang tumanggap ng
mga Sakramento. Nawa hindi lamang tayo aasa sa mga sakramental para mapalapit sa Diyos.
Kailangan nating tumanggap ng mga Sakramento. Higit nating pagsumikapan na tumanggap ng
mga Sakramento para makatagpo natin ang Diyos. Mahalaga na maki-isa tayo sa mga
pagdiriwang ng mga Sakramento.

49
 Kung ang mga Sakramental ay ating ginagamit ng tama at iginagalang, Ano ang
magiging bunga nito sa atin?

3.3 PAGSASABUHAY: SA ATING PAGGALANG AT TAMANG PAGGAMIT NG MGA


SAKRAMENTAL, TINUTULUNGAN TAYO UPANG HIGIT NA MAGING MABUNGA
ANG PAGTANGGAP NATIN SA MGA SAKRAMENTO AT PINABABANAL TAYO SA
ATING ARAW ARAW NA BUHAY. (KPK 1532; KIK 1677)

Ang mga Sakramental ay hindi pang-display at hindi ito mga agimat o ating-ating. Ito ay
mga banal na tanda na gagamitin natin ng tama, upang maipakita natin ang ating paggalang at
pangangalaga sa mga ito.
Makikita natin sa buhay n gating santa kong paaano pinahalagahan niya ang paggamit ng
sacramental para sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan. St. Bernadette ay ipinanganak noong
Enero 7, 1884 siya ay ipinanganak at nakilala bilang isang mahirap na batang babae, at
tinaguriang “The sleeping Saint of Nevers” siya ay pumasok sa kumbento ng mga madre sa
Nevers at dito, lingid sa kaalaman ng mga tao si Bernadette ay nabuhay sa kababang loob,
pagtitiis at pagtupad ng mga tungkuling iniaatas sa kanya ng mga pinuno. Ang hika at hindi
gumagaling na sugat sa tuhod ay kanyang tiniis ng buong pagsang-ayon sa mahal na kalooban ng
Diyos. Ayon sa kanyang kwento ng buhay ay nakakita siya ng isang napakagandang babae sa
malaking bato o Grotto ng Massabielle; sa tindi ng takot ng dalagita ay kinuha niya ang kanyang
Rosaryo at nagdasal. Ang babae ay nararamtan ng maputing damit at may hawak na Rosaryo, at
ito ang sinabi niya sa dalagita: “ipinapangako ko na gagawain kitang maligaya kung hindi man
sa buhay na ito, ay sa kabila. Ipagdasal mo ang mga makasalanan. Sabihin mo sa mga pari na
magtayo ng isang simbahan sa pook na ito. Ako ang Immaculada Concepcion!” Ang babaeng
naka puti ay ang mahal na Birheng Maria at ang dalagita ay si Bernadette. Ang pangitaing ito ay
naganap noong Pebrero 11, 1858 at sinundan pa ng labing anim na ulit. Sumalangit ang kanyang
kaluluwa noong Abril 16,1879 hangang ngayon ay hindi pa na aagnas ang katawan ng Santa at
tila natutulog lamang ito, naging madasalin gamit ang rosaryo na siyang bilin sa kanya ng mahal
na Birheng Maria, noong nagpakita sa kanya para sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan.

Nawa ang kwento ng Santa na ito ay maging inspirasyon sa atin upang patuloy nating
sundin ang kalooban ng Diyos para sa atin, at magsilbing pagbubukas sa ating puso’t isip na
kahit tayo ay nakakaranas ng hirap sa mundong ito ay patuloy tayong ginagabayan ng Diyos.
Ang santo rosaryo na palagiang niyang ginagamit sa pagdarasal ay ang kanyang naging paraan
upang lalong mapalapit sa Diyos. Ginamit ni St. Bernadette ang rosaryo sa tamang pamamaraan
ang mapalapit sa Diyos hindi lamang siya kundi para din sa iba.

3.4 BUOD:
Ang mga Sakramental ay mga banal na tanda na tumutulong sa ating makita at madama
ang presensiya ng Diyos at pinagpapatuloy nito ang gawain ng mga Sakramento. Ating itong
igalang at gamitin ng wasto o tama upang matulungan tayong maging banal, at maging karapat-
dapat sa kaharian ng Diyos.

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad sa Banal na Kasulatan ang paggamit ng mga Sakramental?

50
2. Paano mo maipapakita na ikaw ay tunay na nagpapahalaga sa mga Sakramento?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na ang mga Sakramental ay tumutulong sa atin na makita
ang presensya ni Kristo na pinagmumulan ng biyaya at grasya.

4.2 Pagtatalaga: Itala sa inyong notebook ang mga sakramental na mayroon kayo sa bahay?

4.3 Pagdiriwang: Panalangin

Ipikit ang mga mata at sumunod sa katekista.

“Panginoon, Salamat sa mga Sakramental na ipinagkaloob mo sa amin na naging daan


at daluyan ng iyong pagmamahal, awa at grasya,

Dasalin ang Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

PAGNINILAY:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________

51
PAKSA 8: BINYAG, PAGDIRIWANG NG BAGONG BUHAY KAY JESUS
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)
Pagsamba: Sa Sakramento ng Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro
Binyag ay sinisilang tayo sa ang paksang ito ang mga
bagong buhay kay Kristo. (KIK Juan 3: 1-7 (Si Hesus at si bata ay inaasahang:
1216, 1277,1426; KPK 1604, Nicodemo)
1598, 1599 #6) “Maliban na ang tao’y Maipapahayag na ang
(Ipaliwanag dito ang ritu at ipinanganak sa tubig at Espiritu bagong buhay na
simbolo na ginagamit sa binyag) hindi na siya paghaharian ng tinatanggap natin sa
Diyos.” Sakramento ng Binyag, ay
Katotohanan: Ang bagong buhay pakikibahagi natin sa
na tinanggap natin sa Sakramento 2 Cor 5: 17 kamatayan at muling
ng Binyag ay pakikibahagi natin sa “Kaya’t ang simumang pagkabuhay ng Kristo.
kamatayan at muling pagkabuhay nakipagka-isa kay Kristo ay isa
ni Kristo.(KPK 1604, 1599#6) nang bagong nilalang. Wala na Makakapagtala ng mga
ang dating pagkato; siya’y bago gagawin bilang
Pagsasabuhay: Bilang binyagan, na.” pagsasabuhay sa mga
tinatawagan tayong makibahagi sa binhing tinanggap sa
banal na buhay ng Diyos sa Katuruan ng Simbahan: Binyag.
pamamagitan ng pagiging KIK 1216, 1277,1426;
mabuting kristiyano. (KIK 1266; KPK 1604, 1598, 1599 #6 Makakapagsariwa ng mga
KPK 1615) KPK 1604, 1599#6 pangako noong
KIK 1266; KPK 1615 bininyagan.
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: SANTO:
(Essential Questions) St. Josephine Bakhita
Kahulugan ng Sakramento ng 1. Ano ang inilahad ng Banal
Binyag. kasulatan tungkol sa Pagpapahalaga :
Sakramento ng Binyag? Ang pagiging mabuting
Ang bagong buhay sa Binyag 2. Paano mo maipapakita ang Kristiyano
pagiging mabuting kristiyano?
Ang pagiging mabuting Kristiyano DepEd Value:
Pagiging mabuti sa kapwa
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Kahit sila ay binyagan ay may Unti-unting maunawaan ang Mapahalagahan ng mga
kakulangan naman sila sa kahulugan ng sakramento mag-aaral ang
kaalaman tungkol sa sakramento binyag sa kanilang buhay. Sakramento ng binyag sa
ng Binyag kanilang pang-araw-araw
Dahil hindi nakikita sa kanilang Mauunawaan ang pakikibahagi na buhay.
buhay ang pakikibahagi sa buhay sa buhay ni Kristo Maging bukas sa mga
ni Kristo panawagan ng Simbahan
Mararamdaman na ang bagong at maisabuhay ang ang
Para sa kanila ang Binyag ay sa buhay sa binyag ay pagiging mga Sakramento tungo52sa
pangalan lamang upang matawag mabuting Kristiyano. ganap na buhay.
na Kristiyano na. Sa Sakramento tinanggap
nating ang bagong buhay.
53
PAKSA 8: BINYAG, PAGDIRIWANG NG BAGONG BUHAY KAY HESUS

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Panginoon, pinupuri kita at pinasasalamatan sa panibagong araw na ito. Tulungan mo po kami na


maging mabuting Kristiyano upang maging karapat dapat kami sa iyo Hinihiling naming ito sa
pamamagitan ni Hesus na aming Panginoon at tagapagligtas kasama ang Espiritu Santo. Amen

Dasalin: Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

PAGBATI :

Magandang araw mga bata. Kumusta kayo? Natatandaan ninyo ba ang ating nakaraang
paksa?[Opo] Tama, tungkol sa mga sakramental o mga banal na tanda. Ano nga ang pinagkaiba
ng Sakramento sa sakramental?

Ang Sakramento ay mga banal na tanda kung saan sa pagtanggap nito ay tunay na
nakakasama at nakakatagpo natin si Hesus. Ang mga Sakramental naman ay mga banal na tanda
na tumutulong sa atin na mapalapit sa Diyos para tayo ay maging banal sa pamamagitan ng ating
pananalig o pananampalataya. Ang mga ito tumutulong sa ating makita at madama ang
presensiya ng Diyos at pinagpapatuloy nito ang gawain ng mga Sakramento. Ating itong igalang
at gamitin ng wasto o tama upang matulungan tayong maging banal, at maging karapat-dapat sa
kaharian ng Diyos.

Ngayon naman ay tatalakayin natin ang Sakramento Ng Binyag, Pagdiriwang Ng Bagong


Buhay Kay Hesus. Makinig mabuti at may sasagutin tayong mga katanungan mamaya. Sikapin
natin ang maging maayos sa pag-upo at manatiling tahimik upang pakinggan ang Mabuting
Balita.

MAHALAGANG TANONG:

 Paano inilahad ng Banal na kasulatan ang tungkol sa Sakramento ng Binyag?


 Paano mo maipapakita ang pagiging mabuting kristiyano?

I.PAHAYAG KRISTIYANO:

1.1 SALITA NG DIYOS: JUAN 3: 1-7


“May isang iginagalang na pinuno ng mga Judio. Siya ay si Nicodemo. Kabilang din siya sa
grupo ng mga Pariseo........Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay kailangang
ipanganak na muli.’

1.2 KATANUNGAN MULA SA SALITA NG DIYOS

 Sino ang iginagalang na pinuno ng mga Judio? [Si Nicodemo po]


 Ano ang tanong niya kay Hesus?
[Tinanong niya po kung paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na?
Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling isilang?]

54
 Ano naman ang sagot ni Hesus kay Nicodemo?
[Pakatandaan mo: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng
Espiritu, hindi ito makakapasok sa kaharian ng Diyos.]
 Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ni Hesus sa kanyang sinabi?

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Narinig natin sa pagbasa na si Hesus at Nicodemo ay nag-uusap tungkol sa pagsilang.


Sinabi ni Hesus ang pangangailangan, na ang tao ay kailangan isilang muli sa tubig at Espiritu
upang mapagharian ng Diyos. Ang tinutukoy ni Hesus sa kanyang sinabi ay Pagbibinyag. Dahil
sa mahalaga ang binyag para sa kaligtasan kaya inutos ni Hesus sa kanyang mga alagad ,”
Humayo kayo, turuan ang mga tao, gawing alagad ang lahat ng bansa at bautismuhan sila sa
ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.” Mateo 28:19. Ang bawat binyagan ay nagiging
alagad ni Hesus at tinatawag siyang kristiyano.

 Ano ang nararapat na makita sa isang kristiyano? (maging mabuting kristiyano,


nagkakaisa, nagtutulungan)

II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 GAWAIN: Tableau or Make me a Picture

Pangkat Gawain: maari ipangkat ang mga mag-aaral 3 o hangang 4 na grupo na


magpapakita ng mga larawan ng pagkakaisa, pagtutulungan gamit ang kanilang sariling katawan.

 MGA KATANUNGAN SA GAWAIN


 Mga bata nagustuhan niyo ba ang ating Gawain? [Opo]
 Anu-ano ang inyong nakitang magagandang katangian na ginawa sa bawat pangkat?
 [ pagtutulungan, pagkakaisa ]
 Mahalaga ba ang mga katangian na inyong nabanggit? [opo para po maging maayos ang
lahat]
 Dahil sa mga katangian na ipinakita nila anong uri silang kristiyano?
 [ Sila po ay mga mabubuting tao o mabubuting kristiyano]

2.2 PAGPAPALALIM SA PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION

 Ano ang pang-unawa mo sa pagiging mabuting kristiyano?

B VALUE CLARIFICATION

 Sa iyong palagay sa paanong paraan mo rin maipapakita na ikaw ay isa ring mabuting
kristiyano? [Sa pamamagitan po ng pagtulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit
at pag-aaral ng mabuti]

55
 Ibigay ang mahalagang maidudulot kapag ang lahat ay magiging isang mabuting
kristiyano. [Kapag ang lahat ay mabuting kristiyano magkakaroon ng kapayapaan at
pagmamahalan sa mundo, matutuwa ang Diyos sa atin at lahat ay kasundo natin.]

C VALUE PURIFICATION

 Ano ang naidudulot kung hindi tayo magiging mabuting kristiyano?

D ACTION PLAN.

Isulat ang mga ginawa mo na nagpapakita ng iyong pagiging mabuting kristiyano. Magbigay ng
lima.

2.3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY

Sa ipinakita natin kanina ng mga katangian ng pagkakaisa, pagtutulungan, damayan


nakikita ang ating pagiging mabuting kristiyano. Ang mabuting kristiyano ay hindi lang sa salita
kundi pati sa gawa. Kahit na sa maliliit na bagay na paggawa ng kabutihan ito ay tanda ng
mabuting kristiyano. Naging kristiyano tayo ng isilang tayo muli sa tubig at Espiritu o nang
tanggapin natin ang sakramento ng binyag na sa pamamagitan ng binyag tayo ay naging alagad
ni Hesus.

 Sa anong Sakramento tayo binibigyan ng bagong buhay kay Kristo?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 PAGSAMBA: SA SAKRAMENTO NG BINYAG AY ISINILANG TAYO SA


BAGONG BUHAY KAY KRISTO. (KIK 1216, 1277, 1426; KPK 1604, 1598, 1599#6)

Sa pamamagitan ng pagdiriwang natin ng Sakramento ng Binyag tayo ay nagkaroon ng


bagong buhay kay Kristo, ibig sabihin nito tayo ay nakikibahagi sa buhay ni Kristo at sa kanyang
misyon. Bilang isang binyagang kristiyano tayo ay nagkakaroon ng bagong pag-asa na
makakamtan natin ang isang kayamanan na walang kapintasan sa pamamagitan ng
pakikipagkaisa natin kay Kristo sa Sakramento ng Binyag.

Ritu ng Binyag / Mga bagay na ginagamit sa binyag:

*Pagkrukrus sa noo – sagisag na ang binibinyagan ay para kay Kristo at masayang tinatanggap
sa Simbahan
*Pagbubuhos ng tubig – sagisag ng buhay at paghuhugas sa kasalanan
“________________ ay binibinyagan ko sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.”
*Pagpapahid ng krisma – sagisag ng pakikibahagi sa misyon ni Kristo bilang hari, pari at propeta
*Pagbibihis ng putting damit – sagisag ng karangalan
* Pagsisisndi ng kandila – sagisag ni Kristo na liwanag ng sanlibutan

56
Bilang isang binyagan tayo rin ay inaasahang makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Liturhiya
kung saan sinasariwa natin ang pangako noong tayo ay bininyagan, dahil dito mas lalo tayong
nagkakaroon ng malalim na ugnayan sa Diyos.

 Ano ang tinanggap natin sa Sakramento ng Binyag?

3.2 KATOTOHANAN: ANG BAGONG BUHAY NA TINANGGAP NATIN SA


SAKRAMENTO NG BINYAG AY PAKIKIBAHAGI NATIN SA KAMATAYAN AT
MULING PAGKABUHAY NI KRISTO. (KPK 1604, 1599#6)

Ang Sakramento ng Binyag ang pina-kaunang Sakramento na tinatanggap natin bilang isang
Kristiyano at sa pamamagitan nito tayo ay nakiki-bahagi sa misyon ni Kristo. Nakikiisa rin tayo
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag dahil
ayon kay San Pablo “Tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag
upang kung paanong binuhay na muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng
Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay” ibig sabihin tayo ay buhay para sa
Diyos sa pamamagitan ng pakikipagkaisa natin kay Kristo. 2 Cor 5:17 “ Kaya’t ang isang
sinumang makipagka-isa kay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao;
siya’y bago na.” ibig sabihin ang Diyos ay nananahan na sa puso ng sinumang nakipagkaisa kay
Kristo.
Ang mga biyaya ng Binyag ay naging mga ampong anak tayo ng Diyos Ama, kapatid ni Kristo,
templo ng Espiritu Santo at naging kabahagi tayo ng Simbahan.

 Paano tayo nakikibahagi sa banal na buhay ng Diyos?

3.3 PAGSASABUHAY: BILANG BINYAGAN, TINATAWAGAN TAYONG


MAKIBAHAGI SA BANAL NA BUHAY NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG
PAGIGING MABUTING KRISTIYANO. (KIK 1266; KPK 1615)

Bilang mga Binyagang Kristiyano tayong lahat ay tinatawagan na makiisa kay Kristo sa
pamamagitan ng Sakramento ng Binyag. Tayo ay nakikiisa sa misyon ni Hesus bilang mga
bagong nilalang na nagkamit ng bagong buhay kay Kristo. Tayo ay inaasahang maging mga
mabuting kristiyano sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag, katulad na lamang ni St.
Josephine Bakhita, bata pa lamang siya ay hindi na niya naranasan na mahalin siya, mamuhay
ng hindi natatakot at di malayang naglalaro bilang isang bata, dahil, iba ang kanyang naging
buhay, siya naging alipin. Subalit dumating ang pagkgkataon na noong nakatagpo siya ng isang
mabuting tao ay tinulungan siya at inaruga hanggang binigyan siya ng pagkakataon na
mabinyagan. Simula noon ay napatunayan niya ang pagmamahal ng Diyos kahit kaylan ay hindi
siya pinabayaan, patuloy siyang minahal. Kaya naman naging mabuti rin siyang tao at
tagapaglingkod ng Simbahan.
Kagtulad ni St. Josephine Bakhita na ating nakilala ngayon, nawa ay pahalagahan din natin
ang ating binyag na tinanggap at panindigan ang pagiging mabuting Kristiyano at maglingkod sa
ating Simbahan.

3.4 BUOD

57
Sa Sakramento ng Binyag ay isinilang tayo sa bagong buhay kay Kristo. Ang bagong
buhay na tinanggap natin sa Sakramento ng Binyag ay pakikibahagi natin sa kamatayan at
muling pagkabuhay ni Kristo. Bilang binyagan, tinatawagan tayong makibahagi sa banal na
buhay ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging mabuting kristiyano.

MAHALAGANG TANONG

1. Paano inilahad ng Banal na kasulatan ang tungkol sa Sakramento ng Binyag?


2. Paano mo maipapakita ang pagiging mabuting kristiyano?

IV.TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Panindigan: Ako ay nakikiisa kay Kristo sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag.

4.2 Pagtatalaga: Isasabuhay ang pagiging isang mabuting kristiyano sa loob ng tahanan,
paaralan at komunidad.

4.3 Pagdiriwang: Aanyayahan ang mga bata na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa ng
may pang-unawa at pakikiisa.

PAGNINILAY:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

58
PAKSA 9: SA KUMPIL, NAGIGING GANAP ANG ATING PAGIGING KRISTIYANO
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)
Pagsamba: Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro
Sa pagtanggap ng Sakramento ng ang paksang ito ang mga
Kumpil ay pinalalakas at binibigyan Gawa 8:14-17 bata ay inaasahang:
tayo ng kapangyarihan ng Espiritu “At ipinatong nina Pedro at
Santo upang aktibong maipalaganap Juan ang kanilang kamay sa Malalaman na tinanggap
ang pananampalataya. kanila at tumanggap sila ng natin ang mga kaloob ng
(KIK 1285; KPK 1626) Espiritu Santo.” Espiritu Santo sa
(Ipaliwanag ang ritu at simbolo na Sakramento ng Kumpil
ginagamit sa Kumpil) Juan 20:21-22 upang maging ganap
Katotohanan: "Sumainyo ang Panginoon! ang mga biyayang
Tinatanggap natin ang mga kaloob Kung paanong sinugo ako ng tinaggap natin sa
ng Espiritu Santo sa Sakramento ng Ama, gayundin naman, Binyag.
Kumpil upang maging ganap ang isinusugo ko kayo -
mga biyayang tinaggap natin sa Pagkatapos, sila"y hiningahan Makakapagbigay ng
Binyag. niya at sinabi - tanggapin mga gagawin sa araw-
(KIK 1285, 1303; KPK 1628-1629) ninyo ang Espiritu Santo" araw bilang
Pagsasabuhay: pakikibahagi sa 3
Ang mga nakumpilan ay tinatawag Katuruan ng Simbahan: misyon ni Kristo.
sa higit na matinding pakikibahagi KIK 1285; KPK 1626
sa misyon ni Kristo bilang Hari, Pari KIK 1285, 1303; Makakapanalangin ng
at Propeta. KPK 1628-1629 buong puso sa Espiritu
(KIK1303; KPK1629, 1631) KIK1303; KPK1629, 1631 Santo.
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG Santo:
TANONG: San Juan Bautista de La
Kahulugan ng Sakramento ng (Essential Questions) Salle
Kumpil. 1. Paano inilahad ng Banal na Value:
Kasulatan ang tungkol sa Pagbibigay o pag-aalay
Bunga at kaloob ng Espiritu Santo Sakramento ng Kumpil? ng sarili sa iba
sa Sakramento ng Kumpil. 2. Ano ang inyong gagawin
upang maisabuhay ang ating DepEd Value:
Pakikibahagi sa misyon ni Kristo. ganap na pagiging paglilingkod/mapanagutan
Kristiyano?
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Hindi pa lubos na maunawaan ang Unti-unting nauunawaan ang Magkaroon ng tunay na
Sakramento ng Kumpil dahil ang kahalagahan ng Sakramento kaalaman sa Sakramento

59
alam pa lang nila ay binyag, ng Kumpil. ng Kumpil.
kumpisal, komunyon.
Mauunawaan nila ang Maging bukas sa mga
Kaya ang kaganapan ng biyaya ng kahalagahan ng pagtanggap panawagan ng
binyag ay kulang pa sila sa pang- ng mga biyaya/kaloob ng Simbahan ang
unawa. Espiritu Santo sa Kumpil. pagtanggap ng
sakramento ng Kumpil.
At kulang pa rin sa pagganap sa Mabibigyan ng buhay ang
pagsasabuhay ng mga biyaya ng kanilang pagiging kristiyano. Maisabuhay ang mga
Espiritu Santo kaloob/biyaya ng
Espiritu Santo sa
Kumpil.

60
PAKSA 9: SA KUMPIL, NAGIGING GANAP ANG ATING PAGIGING KRISTIYANO

PANIMULANG PANALANGIN:
Diyos naming makapangyarihan pinupuri Ka namin at pinapasalamatan sa
napakahalagang araw na ibinigay mo sa amin. Nawa ay ipadala mo sa amin ang Iyong Espiritu
Santo upang bigyan kami ng lakas harapin ang mga pagsubok na dumaraan sa aming buhay. At
tulungan kaming umunawa sa magiging paksa namin ngayong araw. Ito ay itinataas namin sa
matamis na pangalan ni Hesus kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Dasalin: Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

PAGBATI AT PAGBABALIK ARAL

Ihanda natin ang ating sarili para sa isang paksa na ating pag-aaralan, ngunit bago tayo
mag simula, ating balikan ang mga pinag-aralan natin noong nakaraang linggo. Anong
sakramento ang nagbibigay sa atin ng bagong buhay at nakikiisa tayo sa muling pagkabuhay ni
Hesus? [Sakramento ng binyag] Sa Sakramento ng Binyag ay isinilang tayo sa bagong buhay kay
Kristo. Ang bagong buhay na tinanggap natin sa Sakramento ng Binyag ay pakikibahagi natin sa
kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Bilang binyagan, tinatawagan tayong makibahagi sa
banal na buhay ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging mabuting kristiyano.

Ngayon naman tayo ay dadako na sa ika siyam na paksa, Sa Kumpil, Nagiging Ganap
Ang Ating Pagiging Kristiyano, ngunit bago yun ay may dalawang mahalagang tanong akong
inihanda na inyong sasagutan matapos nating pag aralan ang paksa natin ngayon.

MAHALAGANG TANONG:
1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang tungkol sa Sakramento ng Kumpil?
2. Ano ang ating gagawin upang maisabuhay ang ating pagiging ganap na Kristiyano?

Mga bata, halina at umpisahan na natin ang paksa sa pamamagitan ng pagpapahayag ng


Salita Diyos.

l. PAHAYAG KRISTIYANO

1. 1 SALITA NG DIYOS: Gawa 8:14-17

Nang mabalitaan ng mga apostol na nasa Jerusalem na tinanggap ng mga samaritano ang
Salita ng Diyos, sinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin nila ang
mga samaritano upang sila'y tumanggap din ng Espiritu Santo, sapagkat hindi pa ito bumababa
sa kaninuman sa kanila. Sila'y na bautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Hesus. At
ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila ng Espiritu Santo.

1.2 MGA TANONG SA SALITA NG DIYOS:

 Sinu-sino ang tauhan sa kwento?


[Pedro at Juan, mga samaritano]
61
 Ano ang nabalitaan ng mga apostol?
(Nabalitaan nila na nasa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang Salita ng Diyos
at isinugo nila roon sina Pedro at Juan).
 Bakit nila isinugo roon sina Pedro at Juan?
[Upang ipanalangin nila ang mga samaritano at upang tumanggap din ng Espiritu Santo
ang mga samaritano]
 Sa paanong paraan nila tinanggap ang Espirutu Santo?
[Ipinatong nina Pedro at Juan ang kamay nila at tumanggap na sila ng Espiritu Santo]
 Sa misyon na ginagawa ng mga apostol katulad ng ipinapanalangin ang iba, ano sa
palagay ninyo ang kanilang inaalay? (inaalay ang sarili)

BUOD NG SALITA NG DIYOS:


Mula sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos na ating narinig, ang mga apostol ay naging
daan upang makatanggap ang mga Samaritano ng Espiritu Santo, ipanalangin nila ang mga
Samaritano at upang makatanggap nila ang Espiritu Santo.
Una sa lahat, si Hesus mismo ay isinugo ng Diyos upang bigyan ang mga tao ng
pagkakataon na tanggapin ang Espiritu Santo na nagpapalakas at nagpapatatag ng
pananampalataya ng bawat taong makakatanggap nito. Ito ay matatagpuan sa Juan 20:21-22
"Sumainyo ang kapayapaan”! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman sinusugo ko
kayo. Pagkatapos, sila ay hiningahan Niya at sinabi,"tanggapin ninyo ang Espiritu Santo”.
Nagpapatunay lamang na nais ng Diyos na ang mga tao ay tumanggap ng Espiritu Santo.

Dahil ang mga apostol ay sinugo, sila ay sumunod at naging mahusay sila sa kanilang
mga gawain, nakapagpalaganap sila ng mabuting balita, gayon din iyong ibang tumanggap ng
Banal na Espiritu, ibinihagi rin nila ang grasyang kanilang natanggap. Pinalakas at pinatatag sila
ng grasya dulot ng Banal na Espiritu, kaya malaya at may lakas ng loob nilang inialay ang
kanilang sarili sa paghahatid ng Mabuting Balita.

Kayo ba ay may kasanasan na rin ng pag aalay ng sarili sa pamamagitan ng pagtulong


para sa iba?

Kung ganoon, maaring umupo ng maayos at pakinggang mabuti ang pagbabahagi ng


bawat isa.

II. SITWASYON NG BUHAY

2. 1 GAWAIN: Pagbabahagi ng karanasan ng pag aalay ng sarili sa pamamagitan ng pagtulong


para sa iba.

Maaaring tumawag ng isa hanggang tatlong bata na magbabahagi ng kanilang karanasan


sa pag-aalay ng sarili sa pamamagitan ng pagtulong.

MGA KATANUNGAN SA GAWAIN

 Patungkol saan ang ating naging gawain?


62
[pagbabahagi po tungkol sa pag-aalay ng sarili ]
 May natutunan ka ba sa kanilang pagbabahagi?
 Naranasan mo rin ba ang pag-aalay ng sarili sa iba? Ano ang iyong pakiramdam?

2. 2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION

 Ano para sa iyo ang pag-aalay ng sarili para sa iba?


[Pagtulong po sa kapwa na hindi humihingi ng kapalit]

B PAGLALAHAD NG PINAPAHALAGAHAN (VALUE CLARIFICATION)

 Ibigay ang magandang dulot ng pagbibigay ng sarili sa iba o paglilingkod?


[Nakakatulong po at kapag po ikaw ang nangailangan ay maaari ka din nilang tulungan]

C PAGLALAHAD NG PINAPAHALAGAHAN (VALUE PURIFICATION)

 Ibigay ang dulot kapag hindi nagbibigay ng sarili sa iba?


[kapag nangailangan ka ay maaring hindi ka nila tulungan.]

D ACTION PLAN

Bilang pag-aaalay ng sarili sa iba, maari ba nating damputin ang mga kalat sa ating upuan
at ayusin ito para sa kalinisan ng silid paaralan, nakakatulong sa lahat upang maging
conducive for learning.

2. 3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY

Mula sa pagbabahagi ng karanasan ng pag-aalay ng sarili para sa iba, nalaman natin na


ito ay naipapakita sa pagtulong, sa paglilingkod at sa pagdamay sa ating kapwa. Nagagawa natin
ito sa tulong ng Espiritu Santo na ipinagkaloob ng Ama at ni Hesus. Matapos ipagkaloob ang
Espiritu Santo ay isinugo ni Hesus ang kanyang mga alagad sa misyon. Kaya naman ang pag-
aalay ng sarili sa iba ay pakikibahagi din sa misyon ni Hesus noong tayo binyagan. Dahil ang
Diyos na nagmamahal sa atin ang siyang magbibigay ng gantimpala sa ating mga mabubuting
gawa sa paraan ng kanyang mga biyaya sa pamamagitan rin ng patuloy nating tinatanggap na
mga sakramento. Nagagawa natin ang pag-aalay ng sarili sapagkat binibiyan tayo ng lakas at ng
mga kaloob ng Espiritu Santo.

Ngayon naman, sa anong sakramento natin tinatanggap ang mga kaloob ng Espiritu Santo?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: TINATANGGAP NATIN ANG MGA KALOOB NG ESPIRITU


SANTO SA SAKRAMENTO NG KUMPIL UPANG MAGING GANAP ANG MGA
BIYAYANG TINANGGAP NATIN SA BINYAG (KPK 1628-1629)

63
Sa Sakramento ng Kumpil ay tinatanggap natin ang mga kaloob ng Espiritu Santo. Mula
sa binasang salita ng Diyos ay ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga
samaritano at sila ay tumanggap ng Espiritu Santo. Kaya ang Sakramento ng kumpil ay
ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpapahid ng banal na krisma sa noo at isinasagawa sa
pagpapatong ng kamay. Sa Kumpil higit na ganap na nakikibahagi ang mga kristiyano sa
makahari at makaparing papel ni kristo. Sa pagpatong ng kamay inaangkin sila ni Kristo bilang
kanyang sarili at dala ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na ipalaganap ang ebanghelyo sa salita
at gawa.
Ang mga kaloob ng Espiritu Santo

1. Karunungan
2. Kaalaman
3. Kahatulan
4. Lakas ng loob
5. Kabanalan
6. Banal ng pagkatakot sa Diyos
7. Pang unawa

 Ano ang panawagan sa mga na kumpilan?

3.2 PAGSASABUHAY: ANG MGA NAKUMPILAN AY TINATAWAG SA HIGIT NA


MATINDING PAKIKIBAHAGI SA MISYON NI KRISTO BILANG HARI, PARI, AT
PROPETA. (KPK 1631)

Una nating tinatanggap ang Espiritu Santo sa sakramento ng binyag at mula naman sa
sakramento ng kumpil ay nagiging ganap ang mga biyayang ating tinanggap sa sakramento ng
binyag. Kaya mga bata napakahalaga na ating tanggapin ang sakramento ng kumpil, kaya ninais
din ng Diyos na tanggapin ito ng mga tao kagaya na lamang sa ginawa nina Pedro at Juan na
bigyan ng pagkakataon ang mga samaritano na tanggapin ang Espiritu Santo at mismong si
Hesus din ay isinugo ng Diyos upang ibigay sa mga tao ang Espiritu Santo (Juan 20:21-22)
Kaya ang bawat nakumpilan ay tinatawag upang makiisa sa misyon ni Hesus ang pagiging hari,
pari, at propeta.
Katulad ni San Juan Bautista de La Salle. na nagsabuhay ng mga misyon ni Hesus.
Naglingkod at nagbigay ng kanyang sarili sa iba. Si Juan Baustista de La Salle ay panganay na
anak mula sa mayamang pamilya. Sa panahon niya, marami ang mahihirap at hindi mapag-aral
ang mga anak, kaya inalay niya ang kanyang sarili, ibinahagi ang kanyang mga natutunan at mga
kaalaman upang magturo sa mga batang mahihirap. Nawa ang kwento ng buhay ni Juan
Baustista de La Salle na ating nakilala ngayon ay magsilbing inspirasyon at gabay sa ating
buhay, na tumulong rin at mag alay ng ating sarili sa iba.

Nangangahulugan ito nang higit na matinding pakikibahagi sa misyon ni Kristo at ng


Simbahan at pagbibigay kapangyarihan sa mga nakumpilan na maging mga hayag na
tagapagpatotoo ng pananampalataya.

 Ano ang bunga ng Sakramento ng kumpil sa atin?

64
3.3 PAGSAMBA: SA PAGTANGGAP NG SAKRAMENTO NG KUMPIL AY
PINALALAKAS AT BINIBIGYAN TAYO NG KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU
SANTO UPANG AKTIBONG MAIPALAGANAP ANG PANANAMPALATAYA. (KPK
1626)

Sa pagtanggap natin ng Sakramento ng kumpil tayo ay nagiging aktibo upang


maipalaganap natin ang ating pananampalataya dahil pinapalakas tayo sa tinatanggap natin na
dalawang mahalaga nitong katangian. Binibigyan tayo nito ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Higit din na nagiging ganap na nabubuklod ang pananampalataya sa simbahan, at tayo ay
pinagkakalooban ng di-pangkaraniwang lakas ng Espiritu Santo. Kagaya na lamang sa kwento
ng buhay ni San Juan Bautista de La Salle na nagbigay ng kanyang sarili sa iba sa tulong ng
Espiritu Santo naging aktibo niyang naipalaganap ang kanyang pananampalataya mula sa
paglilingkod at naisasabuhay din nya ang tatlong misyon ni Hesus ang pagiging pari, hari, at
propeta. Siya ay naglilikod sa mga kapwa niyang mahihirap at nagtuturo din sya.

Nawa tayo na nakatanggap ng mga sakramento na nagpapalakas at nagbibigay ng


kapangyarihan sa atin ay patuloy na maging aktibo na maipahayag ang ating pananampalataya at
mag-alay ng sarili para sa iba sa pamamagitan ng pakiki-isa at pakiki-bahagi sa misyon ni Hesus,
sa kanyang ang pagiging hari, pari, at propeta.

Ang mahalagang tanda sa Rito ng Kumpil:

A. Ang pagpapatong ng kamay ng ministro sa ulo ng kinumpilan bilang pagpapahiwatig ng


pagbaba ng Espirito Santo na magpapatatag sa kanya upang maging ganap na taga sunod ni
Kristo.
B. Ang pagpapahid ng krisma sa noo ng kinumpilan-pakikibahagi ng lubusan sa misyon ni
Hesus at kapupuspusan ng Espiritu Santo.
C. Ang pagbigkas ng mga katagang ito “tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo-ang
tatak na ito ng Espiritu Santo ay sagisag na ang tao ay lubusan inaari ni Kristo at inilalaan sa
kaniyang paglilingkod magpakailanman.
Kaya bawat binyagan ay may tungkulin na ganapin ang misyon na ating tinanggap at
mula sa sakramento ng kumpil ay mas pinapalakas nito ang Espiritu Santong nananahan sa atin
upang magampanan pa natin ang mga tungkulin natin bilang isang sambayanan ng Diyos.

3. 4 BUOD:

Sa pagtanggap ng Sakramento ng kumpil ay pinapalakas at binibigyan tayo ng


kapangyarihan ng Espiritu Santo upang tayo ay maging aktibo na maipahayag ang ating
pananampalataya. Mula rin sa sakramento ng kumpil ating tinatanggap ang mga kaloob ng
Espiritu Santo upang maging ganap ang mga biyayang tinanggap natin sa binyag. Kaya ang
bawat nakumpilan ay tinatawag na makiisa at makibahagi sa misyon ni Hesus ang pagiging hari,
pari, at propeta.

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad ng banal na kasulatan ang tungkol sa Sakramento ng Kumpil?

65
2. Ano ang inyong gagawin upang maisabuhay ang ating ganap na pagiging Kristiyano?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4. 1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na sa kumpil nagiging ganap ang ating pagiging

kristiyano

4. 2 PAGTATALAGA: Paano mo maipapamalas ang pakikiisa mo sa misyon ni Hesus ang


pagiging hari, pari, at propeta?

4. 3 PAGDIRIWANG: Awit "Halina Espiritu Santo”

PAGNINILAY:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

66
PAKSA 10: BANAL NA EUKARISTIYA: SAKRAMENTO NG PAGMAMAHALAN
TAKDAANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Pananampalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Source & Means) (Transfer Goal)
Pagsamba: Salita ng Diyos: Pagtapos maituro ang paksa
Sa sakramento ng Banal na Juan 15:13 na ito ang mga bata ay
Eukaristiya ay ipinagdiriwang ‘Walang pag-ibig na hihigit pa inaasahang:
natin ang pag-ibig ng Diyos sa sa pag-ibig ng isang taong nag-
sangkatauhan.(KPK 1702) alay ng kanyang buhay para sa Malalaman na si Jesus na
Katotohanan: kanyang mga kaibigan.” nasa Banal na Eukaristiya ay
Si Jesus na nasa Banal na patuloy na nag-aalay ng
Eukaristiya ay patuloy na nag- Juan 13:34-35 Kanyang sarili upang
aalay ng Kanyang sarili upang ‘Mahal niya ang kanyang mga ipadama ang walang
ipadama ang walang hanggang tagasunod na nasa sanlibutan hanggang pag-ibig ng Diyos
pag-ibig ng Diyos sa atin. (Juan at ngayon’y ipakita niya kung sa atin.
15:13, KIK 1323,KPK 1726- hanggang saan ang kanyang
1727) pagibig sa kanila.” Makakapangako na
Pagsasabuhay: (KPK 1702) makakadalo sa Banal na
Ang hamon ni Jesus sa atin na Eukaristiya tuwing araw ng
tumatanggap sa Kanya sa Banal Katuruan ng Simbahan: Linggo at makakapagbigay
na Eukaristiya ay magmahalan Juan 15:13, KIK 132 ng mga gagawin tanda ng
tayo tulad ng pag-ibig Niya sa KPK 1726-1727 pagmamahal sa kapwa.
atin. (Juan 13:34, KPK 1736) Juan 13:34, KPK 1736
Makakapagpuri sa Diyos sa
pag awit ng ‘Si Kristo’y
gunitain.’’
KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO:
(KNOWLEDGE) (ESSENTIAL QUESTION) St. Tarcisio
VALUE:
Ang Banal na Eukaristiya 1. Paano inilahad sa Banal na Pagmamahal
Kasulatan ang ukol sa pag-ibig
Eukaristiya:Ang pagdiriwang ng ng Diyos sa atin? DepEd Value:
pag-ibig ng Diyos 2. Paano mo ipapakita ang Pagmamalasakit sa kapwa
iyong pag-ibig sa Diyos na
Ang hamon ng pag-ibig ng may kaakibat ng pag-aalay ng
Diyos sa Banal na Eukaristiya sarili para sa kapwa?
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Habang ang mga bata ay Unti- unting mauunawaan ang Mapahalagahan ang pagdalo
nagsisimba at nagdadasal may pagmamahal ng Diyos sa sa Banal na Eukaristiya
kakulangan sila tungkol sa Banal Banal na Eukaristiya.
na Eukaristiya. Isasabuhay ang pagmamahal
Mararamdaman na sila’y ng Diyos sa pamamagitan ng
Sapagkat hindi nila naipapakita nakikibahagi sa pagdiriwang pakikibahagi sa Banal na
ito sa kanilang pakikibahagi. ng Banal na Eukaristiya. Eukaristiya.

67
Dahil para sa kanila ito ay Maliliwanagan na ang Makapagpasalamat sa Diyos
pagsunod na lamang sa kanilang pagmamahal ay may kaakibat sa dakilang pagmamahal Niya
magulang ang magsimba na pag-aalay ng sarili. sa atin.

68
PAKSA 10: BANAL NA EUKARISTIYA: SAKRAMENTO NG PAGMAMAHALAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

“Panalangin ng Pag-ibig”
O Diyos ko, iniibig kita nang higit sa lahat ng bagay
Sapagkat napakabuti mo: at dahil sa pag-ibig ko sa iyo ay iibigin ko rin ang aking kapwa,
Katulad ng pag-ibig ko sa aking Sarili.

Dasalin : Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

PAGBATI AT PAGBABALIK ARAL

Isang Magandang Umaga sa inyo mga bata! Kamusta? Okey lang po. Kinagagalak kong
malaman ninyo lalong-lalo na ang ating paksa ngayong araw na ito na tungkol sa pag-ibig ng
ating Kuya Hesus sa Banal na Eukaristiya: Sakramento ng Pagmamahalan, ngunit bago yan muli
nating balikan ang ating paksa noong huli nating pagkikita, ano nga ulit iyon? Sa Kumpil
Nagiging Ganap Ang Ating Pagiging Kristiyano. Paano nga ginagawad ang Sakramento ng
kumpil? Sa pagtanggap ng Sakramento ng kumpil ay pinapalakas at binibigyan tayo ng
kapangyarihan ng Espiritu Santo upang tayo ay maging aktibo na maipahayag ang ating
pananampalataya. Mula rin sa sakramento ng kumpil ating tinatanggap ang mga kaloob ng
Espiritu Santo upang maging ganap ang mga biyayang tinanggap natin sa binyag. Kaya ang
bawat nakumpilan ay tinatawag na makiisa at makibahagi sa misyon ni Hesus ang pagiging hari,
pari, at propeta.

Kaya ngayon makinig tayong mabuti sa ating gawaing talakayan upang masagot ninyo
ang mga mahahalagang tanong.

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad sa Banal Na Kasulatan ang ukol sa pag-ibig ng Diyos sa atin?


2. Paano mo ipapakita ang iyong pag-ibig na may kaakibat na pag-aalay ng sarili para sa kapwa?

Ihanda na natin ang ating sarili upang makinig sa Mabuting Balita.

I. PAHAYAG KRISTIYANO

1.1 SALITA NG DIYOS:

Juan 15:13

“Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa
kanyang mga kaibigan.”

1.2 MGA KATANUNGAN SA SALITA NG DIYOS

 Tungkol saan ang ipinapahayag ng pag-basa? (pag-ibig)


 Ano ang sinasabi ng pagbasa tungkol sa pag-ibig? (nag-aalay ng buhay)
69
1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS
Ang ating pagbasa ay nagsasaad tungkol sa pag-.ibig. At narinig natin na sinabi ni
Hesus na “Walang pag-ibig ang hihigit sa pag-ibig na nag-aalay ng buhay para sa kanyang mga
kaibigan. Kaya naman, itinalaga niya ang bagong utos na nakasaad sa Juan 13:34-35
“magmahalan kayo, gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Kung kayo’y may pagmamahal sa isa’t-isa,
makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko”.

Naipaparamdam ba ninyo sa inyong mga kapwa ang nais ni Hesus na magmahalan tayo?
(opo). Kung ganoon ay suriin natin ang mga sumusunod na larawan na nagpapakita na
pagmamahal.

II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 GAWAIN: Karanasan ng mag-aaral

 Panuto:Tukuyin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagmamahal ayon sa turo ni Hesus

 Pag-aalaga sa may sakit


 Pagbibigay ng pagkain
 Pagtatrabaho ng masama ang loob
 Naninira ng kapwa
 Pagsisimba
 Paggalang
 Nakikipag-away
 Pagmamalaki sa mga naitulong sa iba
 Pagdalaw sa mga nasa bilangguan
 Pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad

MGA KATANUNGAN SA GAWAIN

 Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagmamahal?


 Naranasan nyo na ba ng ilang gawain sa larawan na nagpapakita ng pagmamahal?
 Ano ang naramdaman ninyo habang ginagawa niyo ito? (masaya po)

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA


A VALUE DEFINITION
Ano para sa inyo ang Salitang Pagmamahal? (Pag-ibig po sa kapwa, Pagtulong at iba)

B VALUE CLARIFICATION
 Ano ang mabuting naidudulot kapag tayo ay nagbibigay ng pagmamahal sa ating kapwa?
(Sinusuklian din po tayo ng pagmamahal/magiging marami po ang ating mga kaibigan/
may magmamalasakit po sa atin /Natutuwa ang Diyos at si Jesus.

C VALUE PURIFICATION
 Kapag hindi naman tayo nagmamahal tulad ng mga larawan na nakita natin kanina na
hindi nagpapadama ng pagmamahal, ano naman ang maaring mangyari?
70
(Wala po tayong kaibigan, Walang magmamahal sa atin, nalalabag po natin ang utos ni
Hesus.)

Ano ang nararapat na ipadama natin sa ating kapwa ? (pagmamahal)

D ACTION PLAN

Magsulat ng tatlong halimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa Diyos.

2.3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY

Ang pagmamahal ay isang pinakamagandang katangian na taglay natin. Sa pamamagitan


ng ating pagsunod sa utos ni Hesus lubos nating napapasaya si Hesus pati na rin ang ating
kapwa, naipadama natin sa kanila ang pagmamahal gaya na lang ng pagtulong, paggalang, pag-
aalaga sa may sakit, at iba pa. Gamitin natin iyang pangako natin sa ating mga sarili na mahalin
ang kapwa sapagkat ito ay pagpapakita rin ng pagmamahal natin sa Diyos.

Kaya naman bilang Anak ng Diyos at kapatid ni Hesus patuloy nating ipagdiriwang ang
Pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya.

III. PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

TURO NG SIMBAHAN:

3.1 KATOTOHANAN: SI HESUS NA NASA BANAL NA EUKARISTIYA AY PATULOY


NA NAG-AALAY NG KANYANG SARILI UPANG IPADAMA ANG WALANG
HANGGANG PAG-IBIG SA DIYOS SA ATIN. (JUAN 15:13, KIK 1323, KPK 1)

Si Hesus ang dakilang tanda ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Siya na nagsakripisyo, ipinako,
at namatay sa krus ay hindi tumalikod sa kalooban ng Ama upang ipakita ang lubos na
pagmamahal sa tao. Ito ay handog Niya para sa ating lahat na Kanyang mga kaibigan kaya kahit
ang Kanyang buhay ay ibinigay para sa kabutihan ng Kanyang minamahal. Ang pag-aalay ni
Hesus ng kanyang sarili, dahil sa pag-ibig ay hindi natapos sa krus bagkus hanggang ngayon, si
Hesus ay patuloy na nag-aalay ng kanyang sarili sa anyo ng tinapay at alak, sa Eukaristiya. Dito
binubuklod tayo ng kanyang pag-ibig at pinapakain ng kanyang katawan at dugo. Tayo man ay
may kakayahang magmahal sapagkat una tayong minahal ng Diyos at itoy kaloob mismo ng
Diyos sa atin.

Nais Niya na tularan natin Siya sa mga pagkakataon na tayo ay tinatawagan na mag-alay
ng atin sarili sa iba ayon sa ating kakayahan. Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Ano ang nais niyang isabuhay natin?

3.2 PAGSASABUHAY: ANG HAMON NI JESUS SA ATIN NA TUMATANGGAP SA


KANYA SA BANAL NA EUKARISTIYA AY MAGMAHALAN TAYO TULAD NG PAG-
IBIG NIYA SA ATIN. (JUAN 13:34, KPK 1736)

71
Kaya nga ang bilin Niya sa atin ay “Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal Ko sa inyo.”
Ang pagmamahalang ito ay pinag-iisa ng Diyos sa ating pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.
Magmahalan tayo tulad ng pagmamahal ni Hesus, paano? Hindi naghihintay ng kapalit. Siya ang
huwaran ng pagmamahal na inialay ang kanyang buhay sa krus at patuloy na nag-aalay sa Banal
na Eukaristiya.
Ipinahayag ni Hesus ang dakilang utos (Juan 13: 34-35) na “kung paano ko kayo
minahal, gayundin naman, magmahalan kayo. Kung kayo’y may pagmamahal sa isa’t-isa,
makikilala ng lahat na kayo’y mga Alagad ko”.
Tulad ng kwento ng buhay ni San Tarciso: Si San Tarcisio, bilang Patron ng mga Altar
Servers, ay naging isang mabuting halimbawa ng katapangan at debosyon Eukaristiya maging sa
murang gulang pa lamang. Si Taricisio ay isang labindalawang-taong gulang na batang
tagapaglingkod noong kapanahunan ng pag-uusig at pagpatay ng mga Romano sa mga
Kristiyano noong ikatlong siglo, na tinatayang sa panahon ng pamumuno ni Valeriano. Araw-
araw, nagkakatipun-tipon ang mga Kristiyano sa isang lihim na tagpuan kung saan ginaganap
nila ang Banal na Misa. Inaatasan ang isang diyakono na magdala ng Banal na Sakramento sa
mga nasa piitan at nakatakdang bitayin. Ngunit isang araw, walang diyakono na naroroon, kaya
si Tarcisio, isang sakristan, ang naatasang magdala ng komunyon sa kulungan. Sa kanyang daan
patungo sa piitan, hinarang siya ng mga batang lalaki na nasa katulad ng kanyang gulang. Hindi
sila mga Kristiyano, ngunit kilala niya sila sapagkat nakakalaro niya ang mga ito. Niyaya siya ng
mga ito na makipaglaro sa kanila pero sa pagkakataong iyon, dahil siya ay may ihahatid na Banal
na Sakramento sa mga nasa piitan, siya ay tumanggi. Napansin ng mga batang lalaki na mayroon
siyang dala-dala na kung ano. Nalaman nilang si Tarcisio ay isang Kristiyano, at lalo nilang
ninais makita ang “Misteryo ng mga Kristiyano”, na taglay ni Tarcisio. Bigla nila siyang
sinunggaban, at tinangka nilang kunin ang kanyang dala. Mapalad pa rin siya sapagkat
tinulungan siya ng isang Kristiyano. Dadalhin sana ang hinang-hinang katawan ni Tarcisio sa
kanilang lihim na tagpuan, ngunit dahil sa kanyang tinamong mga sugat, namatay siya habang
siya ay dinadala pauwi. Ang kanyang mga labi ay inihimlay sa libingan ni San Calixto at ang
kanyang mga relikya ay itinago sa Simbahan ni San Silvestre sa Capite. Ipinagdiriwang ang
kanyang kapistahan tuwing ika-15 ng Agosto, kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan
ng Pag-akyat sa Mahal na Ina sa Langit.

Ano ang ipinagdiriwang natin sa Banal na Eukaristiya?

3.3 PAGSAMBA: SA SAKRAMENTO NG BANAL NA EUKARISTIYA AY


IPINAGDIRIWANG NATIN ANG PAG-IBIG NG DIYOS SA SANGKATAUHAN (KPK
1702)

Sa sakramento ng Banal na Eukaristiya, ang tinapay at alak ay nagiging tunay na katawan


at dugo ni Kristo. Sa pagtanggap natin ng kaniyang katawan tayo ay nakikiisa dahil ito ay
sakramento ng pagmamahal, tanda ng pagkakaisa, isang bigkis, isang salu-salong pampaskuwa.
Sapakat sa pamamagitan ng sama-samang pagdiriwang ng Eukaristiya, Tayong
mananampalataya ay naaakit sa pag-ibig ni kristo, upang magkaisa sa pagmamahal at
pagsasagawa ng kautusan ng ating Panginoon na tayo ay maging karapat dapat na tumanggap ng
buhay na walang hanggan.

BUOD:

72
Si Hesus na nasa Banal na Eukaristiya ay patuloy na nag-aalay ng Kanyang sarili upang
ipadama ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang hamon ni Hesus sa atin na
tumatanggap sa Kanya sa Banal na Eukaristiya ay magmahalan tayo tulad ng pag-ibig Niya sa
atin. Sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya ay ipinagdiriwang natin ang pag-ibig ng Diyos sa
sangkatauhan.

MAHALAGANG TANONG :

1. Paano inilahad sa Banal n4a Kasulatan ang ukol sa pag-ibig ng Diyos sa atin?
2. Paano mo ipapakita ang iyong pag-ibig na may kaakibat na pag-aalay ng sarili para sa kapwa?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na si Jesus na nasa Banal na Eukaristiya ay patuloy na nag-
aalay ng kanyang sarili upang ipadama ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa atin.

4.2 Pagtatalaga: Dadalo ako sa Banal na Eukaristiya tuwing araw ng Linggo.


Magbigay ng mga gagawin na nagpapakita ng pagmamahal sa loob ng tahanan, paaralan
at komunidad.

4.3 Pagdiriwang: Awit: “Si Kristo’y Gunitain”

Si Kristo ay gunitain, Sarili ay inihain,


Bilang pagkai,’t inumin, pinagsasaluhan natin
Hanggang sa Siya’y dumating, hanggang sa Siya’y dumating.

Dasalin: Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pagninilay:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

73
PAKSA 11: SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO, PAGDIRIWANG NG
PAGPAPATAWAD NG DIYOS
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Pananampalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Source & Means) (Transfer Goal)
Pagsasabuhay:Ang bunga ng Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang
pagtanggap ng Sakramento ng paksang ito ang mga bata ay
pakikipagkasundo ay biyaya ng Lukas 15:11-32 inaasahang:
pagpapatawad at pakikipagkasundo sa “Babalik ako sa kanya, at
kapwa.(Mateo 5:24, Mateo 6:12 KPK sasabihin ko, Ama nagkasala Maipapahayag na ang Diyos
1770,1776) po ako sa Diyos at sa inyo.” ay maawain, mapagpatawad
Katotohanan: Ang Diyos ay maawain at handang makipag
mapagpatawad at handang Lukas 7:36-50 kasundo sa atin.
makipagkasundo sa atin.KIK Saka sinabi sa Babae:
1441.270,431,589 KPK,1773-1774 NB “Ipinatawad na ang inyong Makakapagpatawad at
Ituturo din dito na sa bisa ng mga kasalanan.” makikipagkasundo sa
Sakramento ng pagpapari ang mga kapwa, bunga ng biyaya sa
obispo at pari ay may mga John 20:19-23 Sakramento ng Kumpisal.
kapangyarihan mag-patawad ng lahat “Ang patawarin ninyo sa
ng kasalanan sa ngalan ng Ama, at ng kanilang kasalanan ay Makakagawa ng pagsusuri
Anak at Espirito Santo. (KIK pinatawad na nga. Ang hindi ng budhi at makakapagsisi
1461,1495) ninyo patawarin ay hindi nga sa mga kasalanan.
Pagsamba: Sa Sakramento ng pinatawad.”
pakikipag kasundo ay ipinagdiriwang
natin ang pagpapagaling ni Jesus dito Katuruan ng Simbahan:
tinatanggap natin ang kapatawaran ng KPK 1770,1776
Diyos at binabalik ang nasirang KIK 1461,1495
ugnayan natin sa kanya. (KIKI 1422- KIKI 1422-1423,1440
1423,1440 KIK1771-1773) NB KIK1771-1773
KAALAMAN(KNOWLEDGE) MAHALAGANG TANONG SANTO:
Ang Diyos ay Mapagmahal at (ESSENTIAL QUESTION) St. Mary of Egpyt
Mapagpatawad 1. Paano inilahad ng kasulatan
ang pagiging maawain at VALUE:
Ang pinatawad ay nagpapatawad din mapagpatawad na Diyos? Pakikipagkasundo/pagma-
malasakit sa kapwa
Ang pagpapatawad ng Diyos sa 2. Paano mo maisasabuhay ang
Sakramento ng Pakikipagkasundo pagpapatawad ng Diyos?
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Habang ang mga bata ay may Unti-unting malalaman ang Mapahalagahan ang Sakra-
karanasan sa pagdarasal at paghingi ng kahalagahan ng Sakramento ng mento ng pag papatawad.
tawad sa Diyos ay kulang pa rin sila Pagpapatawad.
kaalaman kung ano ang tunay na diwa Maisabuhay ang paghingi
nito. Maramdaman sa kanilang ng tawad sa Diyos at pagi-
buhay ang bunga ng ging mapagpatawad sa iba.
Sapagkat hindi nila naisasabuhay ang pagpapatawad ng Diyos.
pagiging mapagpatawad Mapahalagahan ang sakra-
Maliwanagan na ang Diyos ay mento ng pag papatawad.
Ang pagpapatawad ay kung may nag papatawad kaya nararapat
74
humihingi lang ng tawad o kung gusto din tayong magpatawad sa iba.
lamang magpatawad
75
Paksa 11: SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO, PAGDIRIWANG NG
PAGPAPATAWAD NG DIYOS.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

+ Panginoon kami po ay nagpupuri at nagagalak dahil ngayong araw na ito ay pinagsama


sama mo kami ulit upang makinig ng iyong salita at makadama ng iyong pagmamahal at walang
sawang pagpapatawad sa amin, Panginoon patawarin mo kami sa aming mga pagkukulang at
pagkakasala sa iyo. Nawa ay maunawaan po namin ang aming paksa natatalakayin ngayon.
Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus kasama ng Espiritu Santo magpawawalang hanggan.
Amen. Dasalin ang Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

PAGBATI AT PAGBABALIK ARAL:

Ano ba ang paksang napag-usapan natin noong nakalipas na Linggo? Banal Na


Eukaristiya: Sakramento Ng Pagmamahal. Ano ba ang natutunan ninyo sa paksang ito? (patuloy
na pagtanggap ng pag-ibig ng Diyos, patuloy na pagtubos sa atin ni Hesus mula sa ating mga
kasalanan) Si Hesus na nasa Banal na Eukaristiya ay patuloy na nag-aalay ng Kanyang sarili
upang ipadama ang walang hanggang pag-ibig sa Diyos sa atin. Ang hamon ni Jesus sa atin na
tumatanggap sa Kanya sa Banal na Eukaristiya ay magmahalan tayo tulad ng pamamahal Niya sa
atin. Sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya ay ipinagdiriwang natin ang pag-ibig ng Diyos sa
sangkatauhan. Sa Banal na Eukaristiya ay patuloy tayong nakakatanggap ng pagmamahal ng
Diyos at nais din ng Diyos na ipadama din natin ito sa ating kapwa.
At ngayong araw na ito, ang paksang ating tatalakayin ay tungkol naman Sa Sakramento
Ng Pakikipagkasundo, Pagdiriwang Ng Pagpapatawad Ng Diyos.

Sa paksang ito ating sasagutin mamaya ang mahalagang tanong.

MAHALAGANG TANONG:

1. Sa anong sakramento natin natatanggap ang awa at pagpapatawad ng Diyos?


2. Paano mo maisasabuhay ang pagpapatawad ng Diyos?

Ang mga katanungang iyan ay ating masasagot mamaya at lubos nating mauunawaan ang
paksa natin ngayon kung makikinig tayo ng mabuti sa paksang ating tatalakayin. Mula sa
Bibliya, ito ay tungkol sa pagpapatawad. Tunghayan natin ang sinasabi ni Hesus mula sa
Ebanghelyo ni San Lucas.

I. PAHAYAG KRISTIYANO

1.1 SALITA NG DIYOS: Lukas 15:11-32 (Malikhaing pagpapahayag, gagamit ng puppet)

“Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko Ama nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo.”

Pagtatanong tungkol sa Salita ng Diyos


 Sino–sino ang tauhan sa kwento na aking ipinahayag? [Dalawang Anak, at ang Ama na
Hari]

76
 Sino ang humiling sa kanyang Ama na kunin ang kanyang mga mana? [Ang bunsong
Anak]
 Saan nagtungo ang bunsong Anak? [Sa malayong bayan]
 Saan niya ginamit ang pera na kanyang minana mula sa kanyang ama? [Nilustay po,
pinangbabae, ginamit sa walang kwentang bagay]
 Bakit niya naisipang bumalik sa kanyang Ama? [Dahil wala na po siyang pera at makain
kaya bumalik siya]
 Ano ang sinabi niya sa kanyang ama sa kanyang pagbalik?
 Ano ang ginawa ng Ama nung siya ay makitang bumalik? [Nagalak at pinatawad]

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Tama! Pinatawad pa rin ng Ama ang kanyang anak kahit na ito ay may malaking
pagkakasala sa kanya. Tulad ng tekstong ito na sinasabi sa Lukas 7:36-50 “Saka sinabi sa babae:
pinatawad na ang iyong mga kasalanan” na kung saan pinatawad ni Hesus ang babaeng may
malaking kasalanan, pinatawad niya ito dahil lubusang nagsisisi ang babae na iyon kaya’t
iginawad niya ang pagpapatawad. Tulad ng ating kwento na narinig kanina. Pinatawad ng Ama
ang kanyang anak dahil nakita niya na ito ay may pagsisisi at siyempre higit sa lahat mahal niya
ang kanyang anak.

Noong tayo ay tumuntong ng ikatlong Baitang tayo ay tumanggap ng Banal na


Komunyon. Ngunit bago tayo nagkomunyon, ano ba ang ating ginawa? [Nagkumpisal po!]
Tama, ano ang naramdaman ninyo? [masaya po] Mahalaga ba ito sa ating buhay? Mayroon
akong isang awit dito na magpapaalala sa kumpisal na ginawa ninyo.

II. SITWASYON NG BUHAY

1.1 2.1 GAWAIN: Song Analysis: Lord Patawad

Lord, patawad
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang
Lord, patawad
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang
Pagtatanong sa Gawain:

 Nagustuhan n’yo ba ang ating inawit? (opo)


 Anong linya sa awit ang nakatawag pansin sa inyo? (Lord, ako’y makasalanan)
 Bakit ito ang napili ninyong linya? Dahil alam kong ako’y makasalanan, nais kong
humingi ng tawad, nais kong makipagkasundo).

2.2 PAGPAPALALIM SA PAGPAPAHALAGA

A Value Definition:

77
 Ano nga ba ang ibig sabihin ng pakikipagkasundo? (pakikipagbati, pakikipag ayos ng
relasyon, humihingi ng tawad).

B Value Clarification:

 Naranasan mo na bang makipagkasundo sa nakasamaan mo ng loob? Bakit ka


nakipagkasundo?
 Ano ang magandang naidudulot sa atin ng pakikipagkasundo?
(Naibabalik sa ayos ang nasirang relasyon, nagkakaayos, nagbabati po ang magkagalit,
nagkakapatawaran).

C Value Purication:

 Ano ang epekto sa ating buhay kung wala tayong pakikipagkasundo?


(walang pagpapatawad, hindi nagkakaayos ang relasyon).
 Ano ang ating mainam na gawin? Makipagkasundo o hindi?
(makipagkasundo po)

D Action Plan

 Ngayon ay lapitan natin ang ating mga kamag-aral na nakaaway at makipagkamay sa


kanila tanda ng pakikipagkasundo.

2.3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY

Katulad ng sabi sa awit, “Lord, patawad”. Sa pangungumpisal ay tinatawag tayo sa


pakikipagkasundo, humihingi tayo ng tawad sa Diyos sa ating mga nagawang kasalanan. Sa
sakramentong ito ay muli tayong bumabalik sa Diyos dahil napapalayo tayo sa Kanya dahil sa
ating mga kasalanan. Katulad ng nangyari sa bunsong anak na napalayo sa kanyang ama, ngunit
tinanggap at pinatawad pa rin ng ama. Ang Ama ay sobrang maawain at mapagmahal, gayon din
sa tuwing tayo ay magkakasala nais ng Diyos na tayo ay humingi ng tawad, lumagi sa Kanyang
piling at hindi mawalay pa.

Ano ang nais ng Diyos na gawin natin upang maipadama sa atin ang Kanyang walang
hanggang awa?

III. Pahayag ng Pananampalataya:

3.1 KATOTOHANAN: ANG DIYOS AY MAAWAIN MAPAGPATAWAD AT


HANDANG MAKIPAGKASUNDO SA ATIN. (KIK 1441,270, 431, 589, KPK 1773-1774)

Ang Diyos Ama na mapagmahal at maawain ay nag-alay sa atin ng Kanyang kaisa-isang


Anak na si Hesus, nang sa gayon ay ating makamit ang kaligtasan. Sa pamamagitan ng
pagkakatawang-tao ni Hesus, pagpapakasakit, kamatayan at Muling Pagkabuhay ay ipinagkaloob
sa atin ang kapatawaran. Ang nararapat lamang nating gawin ay tanggapin siya nang may buong
pananampalataya at ang Kanyang Sakramento na nagkakaloob ng kapatawaran sa atin, ang
sakramento ng Pakikipagkasundo.

78
Ang mga pari at Obispo ay mga alagad na itinalaga’t binigyan ng kapangyarihan ni Hesus
upang magpatawad ng ating mga kasalanan sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.
Kaya naman, tayo ay inaanyayahan na buong pusong pagsisihan, humingi ng kapatawaran,
magbalik-loob at makipagkasundo sa Diyos na hindi na muli gagawin ang mga kasalanan na
ikinumpisal.
Ano ang magandang bunga ng Sakramento ng Pakikipagkasundo?

3.2 . PAGSASABUHAY: ANG BUNGA NG PAGTANGGAP NG SAKRAMENTO NG


PAKIKIPAGKASUNDO AY BIYAYA NG PAGPAPATAWAD AT
PAKIKIPAGKASUNDO SA KAPWA. (MT. 5:24, MT. 6:12, KPK 1770, 1776)

Kung tayo ay tumanggap ng pagpapatawad sa Diyos ay nais rin Niya na gayon din ang
gawin natin sa ating kapwa, magpatawaran/makipagkasundo tayo sa isat isa. Sabi sa panalangin
ng Ama Namin…patawarin mo kami sa aming mga sala gaya ng pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin…” Ang hindi nga nagpatawad ay hindi rin patatawarin. Tandaan natin ‘yan.
Hindi rin lubos na matatanggap ang pagpapatawad ng Diyos kung hindi tayo marunong
magpatawad sa ating kapwa.
Katulad ng pangyayari sa buhay ni St. Mary of Egpyt, na kilala rin bilang Santa Maria
ng Aegytica. Siya ay ipinanganak sa isang probinsya ng Ehipto. Sa edad na labindalawa ay
lumayas siya at pumunta sa Alexandria. Namuhay siya sa kasalanan.
Makalipas ang labimpitong taong pamumuhay sa ganitong uri, naglakbay siya sa
Jerusalem para sa kapistahan ng Banal na Krus. Ang dahilan kung bakit siya sumama ay hindi
upang duamalo sa kapistahan kundi para makita ang mga manlalakbay sa Herusalem at
ipagpatuloy ang kanyang masamang pamumuhay. Isang araw ay sinubukan niyang pumasok sa
simbahan ng Banal na Libingan para sa selebrasyon. Nagtaka siya dahil hindi siya makapasok
dahil parang may nagtutulak sa kanya palabas ng simbahan. Nang makita niya ang larawan ng
Mahal na Birhen ay napagtanto niya na dahil ito sa kanyang pamumuhay sa kasalanan kaya”t
nagsisi siya ng buong puso. Sa labas ng simbahan ay nagdasal siya at nangakong magbagong
buhay at pagkatapos ay sinubukan niyang pumasok at siya ay nakapasok. Nagdasal siya at nasisi
pagkatapos nito ay bumalik siya sa larawan ng Mahal na Birhen at nagpasalamat. May narinig
siyang boses na nagsasabing, “kapag tinawid mo ang ilog Jordan ay matatagpuan mo ang tunay
na kapahingahan.” Agad siyang tumungo sa Monasteryo ng St. John the Baptist at doon niya
natanggap ang absolusyon sa kanyang mga kasalanan at tumanggap ng Banal na Komunyon.
Kinaumagahan ay tumawid siya sa ilog Jordan na ang baon ay tatlong tinapay lamang. Namuhay
bilang isang ermitanya at na namuhay sa kabanalan hanggang sa huling sandali ng kanyng
buhay.
Nawa ay magtiwala tayo sa Panginoon na gaanuman kalaki ang ating kasalanan ay handa
Niya tayong patawarin, lumapit tayo sa Kanya sa pamamagitan ng Sakramento ni
Pakikipagkasundo at mag nais na hindi na muling magkasala.

Ano ang tinatanggap natin sa Sakramento ng Pakikipagkasundo?

3.3 PAGSAMBA: SA SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO AY


IPINAGDIRIWANG NATIN ANG PAGPAPAGALING NI HESUS DITO
TINATATANGGAP NATIN ANG KAPATAWARAN NG DIYOS AT IBINABALIK ANG
NASIRANG UGNAYAN NATIN SA KANYA. (KIK 1422-1423, 1440, KIK 1771-1773)

79
Sa Sakramento ng Pakikipagkasundo, tinatanggap natin ang walang-hanggang awa at
habag ng Diyos at pinagkakalooban tayo nito ng kagalingang espiritwal. Ipinapahiwatig nito na
naaayos ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos na nasisira dahil sa nagagawa nating mga
kasalanan. Kaya naman, tayong lahat ay inaanyayahan at hinihintay ng Diyos na tanggapin ang
Sakramento ng Pakikipagkasundo nang sa gayon tayo ay malinis mula sa ating mga kasalanan.

3.4 BUOD:
Ang Diyos ay maawain mapagpatawad at handang makipagkasundo sa atin. Ang bunga
ng pagtanggap ng sakramento ng pakikipagkasundo ay biyaya ng pagpapatawad at
pakikipagkasundo sa kapwa. Sa sakramento ng pakikipagkasundo ay ipinagdiriwang natin ang
pagpapagaling ni Hesus, dito tinatatanggap natin ang kapatawaran ng Diyos at ibinabalik ang
nasirang ugnayan natin sa kanya.
MAHALAGANG TANONG:

1. Sa anong sakramento natin natatanggap ang awa at pagpapatawad ng Diyos?


(Sa pamamagitan ng Sakramento ng Pakikipagkasundo)
2. Paano mo maisasabuhay ang pagpapatawad ng Diyos?
(Sa pamamagitan ng pakikipagkasundo at pagpapatawad sa mga nakasala sa atin)

IV.TUGON NG PANANAMPALATAYA:

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na ang Diyos ay maawain, mapagpatawad at handang


makipagkasundo sa akin.

4.2 Pagtatalaga: Mangungumpisal isang beses sa isang taon.


Lapitan at kausapin ang taong nagawan mo ng kasalanan

4.2 Pagdiriwang: Panalangin ng Pagsisisi

Panginoong Hesukristo, ako’y nagkasala laban sa Iyong kabutihang walang hanggan.


Ako’y nagsisisi ng buong puso at nagtitika na hindi na muling magkakasala
Sa tulong ng Iyong mahal na grasya. Amen.

Dasalin ang Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pagninilay:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

80
PAKSA 12: SAKRAMENTO NG PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT:
PAGPAPAGALING NI JESUS
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Pananampalataya Pinagkunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources and means) (Transfer of Goals)
Pagsamba: Salita ng Diyos: Pagkatapos ng maituro ang
Sa Sakramento ng Pagpapahahid ng paksang ito, ang mga bata ay
langis sa Maysakit ay tinatanggap ng Santiago5:14 inaasahang:
may mga malubhang karamdaman ang “Mayroon bang may sakit sa
maawain at mapagmahal na inyo? Mauunawaan na ang
pagpapagaling ni Jesus. Sakramento ng Pagpapahid ng
(KIK 1499, KPK 1822,1836 – 1838) Mateo 8:1-17 Langis sa Maysakit, si Jesus
(ipaliwanag ang rito at mga simbolo ng “Hinipo Siya ni Jesus at ay patuloy na nagpapagaling
ginagamit) sinabi “Ibig kong gumaling at nagpapatawad.
Katotohanan: ka”
Si Jesus ay nagpapagaling at Makakapagtala ng mga
nagpapatawad (KIK 1503, KPK 1828) Katuruan ng Simbahan: pangalan ng mga may
Pagsasabuhay: karamdaman na dadalawin at
Inaanyayahan tayo ni Jesus na dalawin KIK 1499, 1503. 1506, ipagdarasal.
at alagaan ang mga maysakit. (Mateo KPK 1822. 1836-1838, 1828,
25:36; KIK 1506, KPK 1870) 1870 Makakapag-alay ng
panalangin sa mga may
malubhang karamdaman.
Kaalaman: (Knowledge) Mahalagang Tanong: Santo:
(Essential Question)
Kahulugan at kahalagahan ng 1. Paano inilalahad sa Mother Teresa ng Calcutta
Sakramento ng Pagpapahid ng may Bibliya ang gawain ng mga
langis sa maysakit. unang Kristiyano sa mga Pagpapahalaga:
maysakit? Pangangalaga sa Maysakit
Si Jesus ay nagpapagaling at 2.Paano mo ipapakita ang
nagpapatawad pangangalaga sa maysakit? DepEd Value:
3. Sa anong sakramento Pagmamalasakit sa Maysakit
Pangangalaga sa Maysakit tinatanggap ng may
malubhang karamdaman ang
maawain at mapagmahal na
pagpapagaling ni Hesus?
SITWASYON NG BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Hindi pa nila nauunawaan ang dahilan ng Unti-unting mauunawaan ang Mapahalagahan ng mga mag-
pagpunta ng pari at pagpapahid ng Langis kahulugan at kahalagahan ng aaral ang sakramento ng
sa Maysakit. Sakramento ng pagpapahid ng pagpapahid ng Langis sa
langis sa maysakit. maysakit.
Dahil ang alam nila ito ay para sa maysakit
na malapit nang mamatay. Maliliwanagan ang kanilang Maniwala sila na ang
kaisipan sa biyaya ng Sakramento ng pagpapahid ng
Kaya iilan lang ang mga kristyanong Sakramento ng Pagpapahid ng Langis sa maysakit ay tunay na
katoliko ang tumatawag ng pari para sa Langis sa maysakit. nagpapagaling sa karamdaman.
maysakit ang tumatanggap nito.
Mararamdaman ng mga bata Maging bukas ang puso’t isipan
ang pangangailangan ng mga sa pangangailangan ng mga
may sakit lalo sa mga may maysakit sa pisikat at espiritwal.
malubha ng karamdaman. 81
82
Paksa 12: Sakramento ng Pagpapahid ng Langis sa Maysakit: Pagpapagaling ni Hesus

Pambungad na Panalangin:

O Diyos ko, umaasa ako sa Iyo sa kapatawaran ng aking mga kasalanan, sa biyaya ng
buhay na ito sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan. Sapagkat ito ang pangako mo at
ikaw ay tapat sa iyong pangako. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus kasama ng Espiritu
Santo magpawawalang hanggan. Amen. Dasalin ang Ama Namin… Aba Ginoong Maria…
Luwalhati…

Pagbabalik-aral

Magandang umaga/ hapon mga bata!

Noong nakaraang aralin natapos natin ang tungkol sa paksa 11: Sakramento Ng
Pakikipagkasundo, Pagdiriwang Ng Pagpapatawad Ng Diyos. Ano ang natutunan ninyo sa
paksang iyon? Ano ang katangian ng Diyos? Ang Diyos ay maawain mapagpatawad at handang
makipagkasundo sa atin. Ang bunga ng pagtanggap ng sakramento ng pakikipagkasundo ay
biyaya ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapwa. Sa sakramento ng pakikipagkasundo ay
ipinagdiriwang natin ang pagpapagaling ni Hesus dito tinatatanggap natin ang kapatawaran ng
Diyos at ibinabalik ang nasirang ugnayan natin sa kanya.
Sa araw naman na ito ating tatalakayin ang tungkol sa Sakramento Ng Pagpapahid Ng
Langis Sa Maysakit: Pagpapagaling Ni Hesus, na matutunghayan natin sa Salita ng Diyos at
sagutin natin ang mga sumusunod na katanungan mamaya pagkatapos n gating talakayan.

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilalahad sa Bibliya ang gawain ng mga unang Kristiyano sa mga maysakit?
2. Paano mo ipapakita ang pangangalaga sa maysakit?
3. Sa anong sakramento tinatanggap ng may malubhang karamdaman ang maawain at
mapagmahal na pagpapagaling ni Hesus?

Tunghayan natin ang Salita ng Diyos. Maupo tayo ng maayos.

I.PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1.1 Ipahayag ang Salita ng Diyos:

Santiago 5:14-15
“Mayroon bang maysakit sa inyo? Ipatawag ninyo ang nakatatanda ng Iglesia upang
ipanalangin siya at pahiran ng langis sa ngalan ng Panginoon. At pagagalingin ang maysakit
dahil sa panalanging may pananampalataya. Ibabangon siya ng Panginoon at patatawarin
kung siya’y nagkasala.

1.2 Pagtatanong tungkol sa Salita ng Diyos

83
 Sino ang tinatawag sa pamayanang kristiyiano para sa mga maysakit? {matatanda ng
Iglesia}
 Ano ang ginagawa nila sa maysakit? {ipinapanalangin at pinapahiran ng langis}
 Sino ang magpapagaling sa maysakit? ( ang Panginoon)
 Sa panahon natin ngayon sino ang itinuturing na matatanda ng Iglesia? {ang mga pari,
obispo po}
 Ano ang magandang asal na kanilang ipinapakita sa mga maysakit? {pangangalaga sa
mga maysakit}

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Nalaman natin, na kapag maysakit sa pamayanan noon, pinapatawag ang matatanda ng


Iglesia o ng Simbahan. Ang mga maysakit ay ipinapanalangin ng mga matatanda ng Iglesia, at
pinapahiran ng langis sa ngalan ng Panginoon. Sapagkat si Hesus ang tunay na mangagamot,
sabi nga sa Marcos 1: 34 Pinagaling ni Hesus ang maraming maysakit, anuman ang kanilang
karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Sapagkat ayon kay Hesus “ Ibig kong
gumaling ka!” Marcos 1: 41b. Sa panahon natin ngayon ang mga pari ang nagsasagawa nito sa
ating mga kapwa na may malubhang karamdaman.

Ano ba ang nais ng Diyos na gawin natin sa mga maysakit?

Magpapakita ako ng larawan ng maysakit, sabihin kung paano natin aalagaan.

II. SITWASYON NG BUHAY

1.1 Gawain: Picture Analysis


Pagpapakita ng pag-aalaga sa maysakit
(Hal. Pinapainom ng gamot, pinupunasan ang maysakit, pinapakain etc.)

 Ano ang inyong nararamdaman para sa may sakit? {naaawa}


 Ano ang ginagawa natin kapag maysakit sa pamilya natin? {Inaalagaan po natin}
 Paano ba inalagaan ang maysakit? {pinapakain, pinapainom ng gamot etc.}
 Naranasan ninyo na bang mag-alaga ng maysakit? {opo}
 Ano ang naranasan mo sa pag-aalaga mo ng maysakit?

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGANG TINATALAKAY

A VALUE DEFINITION

 Ano ang ibig sabihin ng pangangalaga ng maysakit? {alagaan at pagmalasakitan ang


mga may sakit}

B VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba alagaan ang maysakit? Bakit?
Paano mo aalagaan ang mga maysakit?

84
C VALUE PURIFICATION
 Ano ang mangyayari kapag hindi natin inalagaan ang may sakit?
 Ano ang pipiliin mo mag-alaga ng maysakit o hindi? {mag-aalaga po}

D ACTION PLAN

Sandaling manahimik upang ipagdasal ang mga maysakit.

2.3 PAGTATAGPO

Mahirap ang magkasakit, tayong lahat ay nakaranas na magkasakit, nakaranas ng alagaan


at mag-alaga. Hindi yun madali ngunit kailangang alagaan ang mga maysakit sapagkat tulad
natin sila rin ay minamahal ng Diyos at binibigyan ng kalinga. Kaya nga ang matatanda ng
Iglesia o ang mga pari sa ngayon ay pinupuntahan ang mga maysakit, pinapanalangin at
pinapahiran ng langis sa ngalan ng Panginoon-ang dakilang manggagamot.

Sino ang tunay na nagpapagaling sa maysakit?


Saan natin ito nararanasan?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 PAGSAMBA: SA SAKRAMENTO NG PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT


AY TINATANGGAP NG MAY MGA MALUBHANG KARAMDAMAN ANG
MAAWAIN AT MAPAGMAHAL NA PAGPAPAGALING NI JESUS. (KIK 1499, KPK
1822, 1836-1836)

Ang pagbasa na ating narinig mula sa Bibliya ay napapaalaala sa atin ng pagnanais ni


Hesus na pagalingin ang may sakit sa biyaya ng Kanyang awa at pagmamahal tulad ng ginagawa
ng mga pari sa ngayon, bilang pagpapatuloy ng mga gawain ni Hesus.
Mahalaga ang pananampalataya hindi lamang ng mga maysakit mismo kundi pati ang mga
kasama nito sa bahay. Kong hindi man siya gumaling sa pisikal na katawan gagaling naman ang
kanyang Espiritwal. Sa sakramentong ito ay pinapatawad ang lahat ng kanyang kasalanan.
Nawa ay lagi nating alalahanin ang mga maysakit sa pamamagitan ng pananalangin natin
para sa kanilang paggaling sa kanilang karamdaman.

Ritu:
Pagpapatong ng kamay- tahimik na ipapatong ng pari ang kanyang kamay sa ulo ng maysakit

Paggawad ng pagpapala sa langis-Panginoon gawaran mo ng pagpapala itong langis na iyong


nilikha at gawin din itong aming kapatid na papahiran nito.

Pagpapahid ng Banal na langis-Sa bisa nitong pagpapahid ng langis at alang-alang sa pag-ibig at


awa sa iyo ng Panginoon, tulungan ka nawa Niya sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo.
Tinubos ka ng Panginoon mula sa kasalanan, gawaran ka nawa Niya ng kagalingan, lakas at
kaligtasan.

85
Sa sakramento ng pagpapahid ng langis ang pari ay binigyan ni Hesus ng kapangyarihang
magpagaling ng karamdaman ng may sakit.

Sino ang tunay na nagpapagaling?

3.2 KATOTOHANAN: SI HESUS AY NAGPAPAGALING AT NAGPAPATAWAD. (KIK


1503, KPK 1828)
Itinuro ni Hesus ang pagkalinga sa mga maysakit sa lahat ng sumusunod sa kanya at
bumubuo ng Simbahan. Si Hesus ay dumating upang magpatawad ng kasalanan at magpagaling
ng maysakit. Balikan natin ang pagpapagaling ni Hesus sa may sakit tulad ng bulag, paralitiko at
ketongin. (Mt. 8:1-17) at marami pang iba.

Ano ang paanyaya ni Hesus sa atin na gagawin para sa mga maysakit?

3.3 PAGSASABUHAY: INAANYAYAHAN TAYO NI HESUS NA DALAWIN AT


ALAGAAN ANG MGA MAYSAKIT. (MATEO 25:36, KIK 1506, KPK 1870)

Alagaan natin silang mabuti at bigyan ng sapat na atensyon/panahon. Ibigay natin ang
kanilang pangangailangang pisikal, moral at higit sa lahat ang kanyang Espiritwal. Tumawag ng
pari kung kinakailangan dahil sa malubhang karamdaman. Tularan nawa natin ang halimbawa ni
Mother Teresa ng Calutta, isang madre na tunay na pinaglingkuran ang mga nangangailangan
lalo’t higit ang mga maysakit. Nagtatag siya ng isang samahan ng mga madre, ang mga
misyonera ng kawanggawa (Missionaries of Charity). Sa loob ng 30 taon, kasama ang kanyang
mga madre, nakapagsagip si Mother Teresa ng mga sanggol mula sa mga basurahan, nag-alaga
ng mga ketongin, at nag-alaga ng mga may karamdaman at mga malapit ng mamatay. Pagsapit
ng 1979, nagkaroon ang kanyang samahan ng 200 mga sangay sa buong mundo. Biniyayaan siya
Gantimpalang Novel para sa kapayapaan.

3.4 BUOD:
Si Hesus ay nagpapagaling at nagpapatawad. Sa Sakramento ng pagpapahid ng langis sa
maysakit ay tinatanggap ng may mga malubhang karamdaman ang maawain at mapagmahal na
pagpapagaling ni Jesus. Inaanyayahan tayo ni Hesus na dalawin at alagaan ang mga maysakit.

MAHALAGANG TANONG

1.Paano inilahad sa Bibliya ang gawain ng mga unang Kristiyano sa mga maysakit?
2. Paano mo maipapakita ang pangangalaga sa mga maysakit?
3. Sa anong sakramento tinatanggap ng may malubhang karamdaman ang maawain at
mapagmahal na pagpapagaling ni Hesus?

IV.TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na sa Sakramento ng pagpapahid ng langis sa may sakit ay


tinatanggap ang pagpapagaling at pagpapatawad ni Hesus.

4.2 Pagtatalaga:

 Sasabihan ang pamilya ng maysakit upang tumawa ng pari.


86
 Aalagaan ang maysakit na kapamilya
 Gumawa ng talaan ng mga dadalawin mong may karamdaman sa isang linggong
darating.
 Mag-aaalay ng panalangin para sa mga maysakit

4.3 Pagdiriwang: Panalangin sa Maysakit

O Panginoon, Ikaw ang aming lakas


Sa iyo nagmumula ang aming buhay, lakas ng katawan at kapayapaan
Handog mo sa ami’y kagalingan
Sa banal na langis nagpupuri ang maysakit
Patawarin Mo Ama, aming nakakamit
Ikaw lamang ang tanging sasambahin
Panginoon, magpakailanman. Amen.

Dasalin ang Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Takdang Aralin: Panoorin sa Youtube ang mga sumusunod na palabas sa telebisyon:


Ang true to life story ng mag asawa na nanatiling magkasama hanggang sa wakas ng kanilang
buhay.
Kwento nina lolo Leonardo at lola Delia – (Jessica Soho)
Kwento ni nanay Emetila at tatay Rey (Rated K)
Kwento ni nina Felicidad at Alfonso ( Wish ko lang)

Pagninilay ng Katekista:

______________________________________________________________________________

87
PAKSA 13: SAKRAMENTO NG KASAL: TAWAG SA KABANALAN
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Pananampalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)
Pagsamba: Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang
Sa Sakramento ng Kasal, paksang ito ang mga bata ay
ipinagkakaloob sa may asawa ang Markos 10:6-9 inaasahang:
biyaya ng pagmamahalan sa isa’t isa, “Sa pasimula pa, nang likhain
pinagtitibay ang kanilang pagkakaisa ng Diyos ang Sanlibutan; Mauunawaan na sa Sakra-
na di mapaghihiwalay at pinagiging nilalang niya silang lalaki at mento ng Kasal,
banal. (KIK 1661; KPK 1898, 1926) babae. Dahil dito iiwan ng lalaki ipinagkakaloob sa may asawa
(Ipaliwanag ang ritu at mga simbolo ang kanyang ama at ina, at ang biyaya ng pagmamahalan
na ginagamit.) magsasama sila ng kanyang sa isa’t isa, pinagtitibay ang
Katotohanan: Sa pasimula pa asawa at sila’y magiging isa. kanilang pagkakaisa na di
lamang, niloob na ng Diyos na Ang pinagsama ng Diyos ay mapaghihiwalay at pinagiging
magsama ang isang babae at isang huwag paghihiwalayin ng tao.” banal.
lalaki dahil sa pag-ibig. (KIK 1605;
KPK 1884) Exodo 20:14 Mahahamon na maging
Pagsasabuhay: Huwag kayong mangangalunya. instrumento ng katapatan,
Nais ni Jesus na magmahalan, maging Deuteronomio 5:21 pagmamahal at pagkakaisa sa
tapat, at magtulungan ang bawat Huwag ninyong pagnanasahan pamilya.
miyembro ng pamilya, upang maging ang asawa ng inyong kapwa.
matatag ang kanilang pagmamahalan. Makakapag-alay ng panala-
(KPK 1907 – 1908) KaturuanngSimbahan: ngin ng pasasalamat para sa
KIK 1661 & 1605 biyaya ng pagkakaroon ng
KPK 1898, 1926, 1884 kristiyanong pamilya.
KPK 1907-1908
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: SANTO:
(Essential questions)
Kahulugan ng Sakramento ng kasal 1.Paano inilahad ng Banal na Santo:
Kasulatan ang tungkol sa Sta. Rita De Cascia
Sakramento ng kasal: Tawag sa Sakramento ng Kasal?
kabanalan Kahalagahan:
2.Paano ka magiging Katapatan at pagmamahalan
Pagmamahalan at pagkakaisa ng instrumento ng pagmamahalan
pamilya at pagkakaisa sa iyong pamilya? DepEd Value:
paggalang
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Kahit na sila ay miyembro ng isang Maaunawaan ang kahulugan ng Maunawaan at
pamilya (buo o broken family) ay Sakramento ng kasal. mapahalagahan ang
hindi lubos na nauunawaan ang Sakramento ng Kasal.
kabanalan ng Sakramento ng kasal. Makikita ang kahalagahan ng
Sakramento ng Kasal sa kanilang Maging instrumento sila ng
Maaaring hindi nila madama at makita mga magulang mismo. pagmamahalan at pagkakaisa
sa pagsasama ng kanilang mga sa pamilya.
magulang. Malalaman ang kahalagahan ng
Sakramento at mga biyayang Maging bukas ang sarili sa
88
Pagkat hindi rin alam ng kanilang kaloob nito. pagkakaroon ng Kristiyanong
magulang ang kahalagahan ng pamilya.
Sakramento ng Kasal.
89
PAKSA 13: SAKRAMENTO NG KASAL: TAWAG SA KABANALAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, kami po ay sama-samang nagpupuri at
nagpapasalamat sa iyong mga biyaya, gabay at walang sawang pagmamahal. Nawa’y patawarin
kami sa aming pagkakasala at tulungan kaming sumunod sa iyong mabuting gawa. Nawa’y ang
puso namin ay magkaisa at maglingkod ng sama-sama. Ito po ang aming panalangin na inilalapit
namin sa aming kapatid na si Hesus kasama ng Espiritu Santo. Amen.

Dasalin ang Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

PAGBATI AT PAGBABALIK ARAL:

Bago tayo magsimula sa ating paksa muli muna nating balikan ang ating napag-aralan
noong nakaraang linnggo.

Ano ang huling paksa na ating napag-aralan?


[Sakramento ng Pagpapahid ng Langis]

Mahalaga ba na makatanggap ng Sakramento ng pagpapahid ng langis ang maysakit? Bakit?


[opo. Dahil ito ay nagpapagaling ng pisikal at espsirituwal].

Sino ang dakilang manggagamot? Si Hesus ang dakilang manggagamot. Siya ay


nagpapagaling at nagpapatawad. Sa Sakramento ng pagpapahid ng langis sa maysakit ay
tinatanggap ng may mga malubhang karamdaman ang maawain at mapagmahal na
pagpapagaling ni Jesus. Inaanyayahan tayo ni Hesus na dalawin at alagaan ang mga maysakit.
Ngayon meron tayong panibagong pag-aaralan at matutunan mula sa ating bagong paksa:
Ang Sakramento Ng Kasal: Tawag Sa Kabanalan.

Sa ating paksa ngayon ito ang ating mahalagang tanong.

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad ng Banal na kasulatan ang tungkol sa Sakramento ng Kasal?


2. Paano ka magiging instrumento ng pagmamahalan at pagkakaisa sa iyong Pamilya?

Ihanda na natin ang ating mga sarili sa pagtanggap at pakikinig ng salita ng Diyos.

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS.

1.1 SALITA NG DIYOS:

MARCOS 10:6-9
“Sa pasimula pa, nang Likhain ng Diyos ang Sanlibutan; nilalang niya silang Lalaki at
Babae, dahil dito iiwan ng lalaki ang kanyang Ama at Ina, at magsasama sila ng kanyang
asawa at sila’y magiging isa, ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghihiwalayin ng Tao.”

1.2 KATANUNGAN MULA SA SALITA NG DIYOS:


90
 Sino ang lumikha ng Sanlibutan? [Ang Diyos po]
 Sino ang pinagsama ng Diyos?
 Ano ang nais ng Diyos sa kanilang pagsasama?
 Sa inyong palagay, ano ang kailangan sa buhay mag asawa para manatili silang
nagsasama?

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Nilalang ng Diyos ang Lalaki at Babae ng likhain niya ang Sanlibutan. Itinakda niyang
pagsamahin ang Lalaki at Babae, at binasbasan ang kanilang pagsasama upang maging isa. ang
nais ng Diyos sa kanyang pinagsama ay huwag paghiwalayin ninuman.
Nasasabi din sa EXODO 20:14 “huwag kayong mangangalunya”. Ang utos na ito ay
isang paalala sa mga mag-asawa na maging tapat sa kanilang pagmamahalan.

May ipapakita ako sa inyong larawan na may kaugnayan sa mag-asawa.

II. SITWASYON NG BUHAY:

1.1 GAWAIN: Isalaysay ang takdang aralin ng mga sumusunod na kwento ng true to life story
ng mag asawa na nanatiling magkasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay.
Kwento nina lolo Leonardo at lola Delia – (Jessica Soho)
Kwento ni nanay Emetila at tatay Rey (Rated K)
Kwento ni nina Felicidad at Alfonso ( Wish ko lang)

Mga Tanong:
 Sino ang mag-asawa sa kuwento ng totoong buhay?
 Ilang taon na sila nagsasama?
 Masaya ba sila sa kanilang pagsasama?
 Ano ang mga pagsubok na kanilang naranasan?
 Bakit sa kabila ng mga pagsubok nila ay nanatili silang mag-asawa?

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA:

A VALUE DEFINITION

 Ano ba ang ibig sabihin ng katapatan at pagmamahalan sa buhay may asawa? [ Pagiging
mahalaga ng isang tao sa iyo, walang tinatago, inaalala, nagtutulungan, ginagampanan
ang tungkulin .. )

B VALUE CLARIFICATION

 Nakikita mo ba ang katapatan at pagmamahalan ng iyong mga magulang? Anong


nararamdaman mo sa nakikita mo sa kanilang maayos na pagsasama?
 Mahalaga ba sa buhay may asawa ang tapat at nagmamahalan?
 Paano mo tinutulungan ang iyong mga magulang para maisabuhay nila ang
pagmamahalan at katapatan?
 Ano kaya ang magandang epekto kapag ang mag-asawa ay tapat at nagmamahalan?
91
C VALUE PURIFICATION

Nakakalungkot na maraming pamilya ang nawawasak dahil sa hindi magandang relasyon ng


mag-asawa.
 Ano ang negatibong epekto kapag hindi nakikita sa kanila ang katapatan at
pagmamahalan?

 Ano ang mas makakabuti sa pagsasama ng mag-asawa?

D ACTION PLAN: Panalangin sa ikatatag ng pagsasama ng mag-asawa (chaplet kay


Inang Desay-Inang Maria)

Pinakamatapat na Ina, tanggapin mo sa iyong mga kamay ang mga buhol na kinakaharap ng mga
mag-asawa. Sa pamamagitan ng iyong mapag-arugang mga kamay, tulungan mong makalag ang
mga buhol na ito.
(Ibulong kay Inang Maria ang mga suliranin at balakid na kinakaharap sa kasalukuyan).

Dalawin mo ang mga mag-asawa dala ang iyong grasya; panibaguhin mo ang kanilang
pangakong pagmamahalan sa isa’t-isa, paigtingin ang pag-ibig ng Diyos sa kanila,
at patatagin ang kanilang pagkakaisa upang kasama ng kanilang mga anak, palagi silang
magpasalamat at magpuri sa Iyong mga kaloob na biyaya.

2.3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY:

Sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, nabanggit na ng likhain ng Diyos ang Sanlibutan,


nilalang niya ang Lalaki at Babae upang magkasama at ito ay binabasbasan ng kanyang biyaya at
grasya. At kung sinuman ang pinagsama ng Diyos ay hindi maaring paghiwalayin ng tao
sapagkat ito ay kanyang tinatawag sa kabanalan at pagbuo ng Pamilya.
Ang mag-asawa ang nagpapasimula ng pamilya. Nagsisimula ito sa pagmamahalan ng
lalake at babae na tumanggap ng kasal. Sila ay mangangako na magmamahalan at magsasama
hanggang sa wakas sa kabila ng mga pagsubok na kanilang mararanasan. Hindi madali para sa
kanila, ngunit pwedeng magkatotoo ang kanilang pangako sapagkat may mga kwento ng totoong
buhay na naging tapat at nagmahalan hanggang sa wakas ng kanilang buhay kahit dumanas sila
ng mga pagsubok.

Sa anong Sakramento ipinagkakaloob sa mag-asawa ang pang habang buhay na pagsasama?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 PAGSAMBA: SA SAKRAMENTO NG KASAL, IPINAGKAKALOOB SA MAG-


ASAWA ANG BIYAYA NG PAGMAMAHALAN SA ISA’T ISA, PINATITIBAY ANG
KANILANG PAGKAKAISA NA DI MAPAGHIHIWALAY AT PINAGIGING BANAL.
(KIK 1661; KPK 1898, 1926). IPALIWANAG ANG RITU AT MGA SIMBOLO NA
GINAGAMIT.

92
Sa Sakramento ng Kasal, pinag iisang dibdib ang Lalaki at Babae na may basbas at
biyaya ng pagmamahalan. Pinagtitibay ng Diyos ang kanilang pangako sa isa’t isa.

Ipaliwanag ang ritu at simbolo na ginagamit.


Ang puting damit ay larawan ng pagkabirhen ng babae.
Ang singsing ay bilog sumisimbolo sa walang hanggang pagmamahalan.
Ang Aras ay larawan ng kabuhayan.
Ang kordon ay tanikala ng pag-ibig.
Ang belo ay sumasagisag sa batas ng simbahan.
Ang kandila ay larawan ni Kristo, tumatanglaw sa buhay mag-asawa.

Pangako ng mag-asawa sa kasal

O Panginoon kami po ay iyong loobing magkaisa ng kalooban at damdamin mula ngayon sa


kaginhawahan at kahirapan, sa kalusugan at karamdaman, sa lahat ng araw ng aming buhay.
Amen.
Ang Lalaki ay para sa pagpapasan ng pananagutan sa lahat ng pangangailangan at ang
Babae ay pagpapailalim sa pagmamahal at kapasiyahan ng lalaki. Sila ay nagiging isa at
nagkakaisa sa pagpapalano ng sariling pamilya.

 Ano ang nais ng Diyos sa kanyang nilalang na Lalaki at Babae?

3.2 KATOTOHANAN: SA PASIMULA PA LAMANG, NILOOB NG DIYOS NA


MAGSAMA ANG ISANG BABAE AT LALAKI DAHIL SA PAG-IBIG.(KIK 1605; KPK
1884).

Sa pagtanggap ng mag-asawa ng Sakramento ng kasal, ay tinanggap din nila ang biyaya


ng katapatan ng kanilang pagmamahalan at respeto sa isa’t isa at sa pangako na magsasama
hanggang sa walang hanggan. Sa pagbuo ng pamilya na may kaayusan at mapanatili ang mga
biyaya ng Diyos sa bawat isa, kasabay ng sinumpaang pangako ng ating mga magulang, ay ang
responsibilidad din natin sa pagpapanatili ng pagmamahalang ito bilang mga anak na sa
anumang harapin ng isang pamilya ito ay maayos ng sama-sama.

 Ano ang ninanais ni Hesus sa bawat miyembro ng pamilya?

3.3 PAGSASABUHAY: NAIS NI HESUS NA MAGMAHALAN, MAGING TAPAT, AT


MAGTULUNGAN ANG BAWAT MIYEMBRO NG PAMILYA UPANG MAGING
MATATAG ANG KANILANG PAGSASAMAHAN.(KPK 1907-1908)

Ang nais ni Hesus ay magmahalan tayo, magkaisa at manatili sa kalooban ng Diyos,


kaya’t bilang kasapi ng pamilya meron tayong nararapat gawin upang mapanatili ito at maging
matapat sa lahat at igalang ang bawat isa. Ang isang maayos na pamilya at magiging inspirasyon
sa atin na kapag tayo naman ang tinawag sa kabanalang ito. Maayos din nating magagampanan,
dahil ang pagpasok sa buhay pamilya ay hindi minamadali bagkus ito'y pinag-iisipan at
ipinagdadasal at pinapaloob sa biyaya ng Diyos.

93
Kagaya na lamang ng Santa na ipakikilala at ibabahagi ko sa inyo, siya ay si Santa Rita
ng Cascia.

Ang kanyang buhay may-asawa ay hindi naging madali para sa kanya dahil ang naging
asawa niya ay iresponsable at mabisyo. Gayunpaman, sinikap parin niyang maging mabuting
asawa at mabuting ina sa kanyang mga anak. Ang pananalangin palagi ang kanyang naging
kasiyahan at kalakasan niya sa bawat araw. Nanatili siyang nagmamahal at tapat sa kanyang
pamilya. Hanggang sa unang namatay ang kanyang asawa at makalipas ang ilang taon ay ang
kanyang mga anak. Pumasok siya bilang madre at nanatili pa rin siyang matatag sa buhay at
lumalapit sa Diyos. Ang kanyang buhay ay maraming mga milagro may mga nagpapadasal sa
kanya at sila ay gumagaling. Tinagurian siyang “Saint of the Impossible”

Siya ay nagpamalas ng tunay na pagmamahal pagiging matapat at matatag para sa


kanyang pamilya, ang naging lakas niya ay ang pananampalataya sa Diyos.

3.4 BUOD:
Sa sakramento ng kasal, ipinagkakaloob sa mag-asawa ang biyaya ng pagmamahalan sa
isa’t isa, pinatitibay ang kanilang pagkakaisa na di mapaghihiwalay at pinagiging banal. Nais ni
Hesus na tayo ay magmahalan at mapanatili ang biyayang ito. Kaya’t dapat na tapat at maging
maayos ang bawat kasapi o miyembro ng pamilya. May pagtutulungan, may pagkakaisa.

3.5 PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG

1. Paano inilahad ng Banal na kasulatan ang tungkol sa Sakramento ng Kasal?


2. Paano ka magiging instrumento ng pagmamahalan at pagkakaisa sa iyong pamilya?

IV. TUGON SA PANANAMPALATAYA:

4.1Paninindigan: Naniniwala ako na sa pasimula pa ay niloob na ng Diyos na


magmahalan at magtulungan ang isang babae at lalaki na binuklod ng sakramento ng kasal.

4.2Pagtatalaga: Magtala ng mga paraan na gagawin sa loob ng isang linggo at sa mga


darating pang araw araw upang maging instrumento ng pagkakaisa at walang hanggang
pagmamahalan sa sa loob ng inyong pamilya.

4.3Pagdiriwang: Panalangin ng pasasalamat sa biyaya ng pagkakaroon ng kristiyanong


pamilya.

Panalangin Ng Pasasalamat Sa Biyaya Ng Pagkakaroon Ng Kristiyanong Pamilya.

Ama naming mapagmahal maraming salamat sa biyaya ng pamilya. Papagtibayin Mo po


ang pagmamahalan at respeto ng bawat miyembro n gaming pamilya. Patuloy Mo kaming
gabayan at pagpalain ng Iyong awa at pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pangalan ng Iyong awa at
pag-ibig. Hinihiling naming ito sa pangalan ng Iyong Anak na si Hesus, nabubuhay at naghahari
kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen. Dasalin ang Ama Namin…
Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

94
PAGNINILAY NG KATEKISTA:

____________________________________________________________________________

95
PAKSA 14: SAKRAMENTO NG BANAL NA ORDEN: TAWAG SA PAGLILINGKOD SA
BAYAN NG DIYOS
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)
Pagsamba: Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang
Sa pamamagitan ng Sakramento ng paksang ito ang mga bata ay
Banal na Orden, ang pari ay Mateo 28:18-20 inaasahang:
tumatanggap ng biyaya ng Kaya't humayo kayo, gawin
katapatan na ilaan ang sarili sa ninyong alagad ko ang mga tao Mauunawaan na ang pari ay
paglilingkod sa Simbahan. (KIK sa lahat ng bansa. isang alagad na tinawag upang
1598. KPK 1947) sumunod kay Jesus at isa ring
(Ipaliwanag ang ritu at mga Hebreo 5:1-4 apostol na isinugo upang
simbolo na ginagamit) “Ang bawat dakilang maglingkod sa Kanyang misyon
Katotohanan: saserdote’y pinili sa mga tao at at ng simbahan.
Ang pari ay isang alagad na itinalagang maglingkod sa
tinatawag upang sumunod kay Diyos para sa kanila upang Makakapagtala ng mga gawain
Jesus at isa ring apostol na isinugo maghandog ng mga kaloob at araw-araw bilang paggalang,
upang maglingkod sa Kanyang maghain dahil sa mga pagtulong at pagmamahal sa
misyon at ng simbahan. (KPK kasalanan.” mga pari at makakagawa ng
1951-1952) pangako na palagiang
Pagsasabuhay: Lukas 22: 14-20 ipagdarasal ang kabanalan ng
Sa bisa ng ating Binyag at Kumpil, “Gawin ninyo ito bilang pag- mga pari.
tayo ay nakikibahagi sa pagkapari alaala sa akin.”
ni Jesus, kaya tinatawagan tayo na Makakapag-alay ng sarili sa
mag-alay ng sarili sa pamamagitan Katuruan ng Simbahan: pamamagitan ng pagpapahayag,
ng pagpapahayag, pagsasabuhay at KIK 1598. KPK 1947 pagsasabuhay at pagdiriwang
pagdiriwang ng Salita ng Diyos. KIK 1547, KPK 1960 ng Salita ng Diyos.
(KIK 1547, KPK 1960) KPK 1951-1952 Maipanalangin ang mga
kaparian.
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: Santo:
(Essential Questions) San Juan Marie Vianney
Kahulugan ng Banal na Orden 1. Paano inilahad ng Banal na
Kasulatan ang kahalagahan ng Value:
Ang mga pari ay lingkod ng Diyos mga saserdote/pari? Pag-aalay ng sarili
2.Sa paanong paraan natin
Sakramento ng Banal na Orden maipapakita ang pakikibahagi DepEd Value:
sa gawain ng mga pari? pagmamalasakit sa kapwa
SITWASYON NG BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Habang ang mga bata ay nagdarasal Unti-unting maunawaan ang Mapahalagahan ng mga mag-
at nagsisimba, may kakulangan kahalagahan ng mga pari aaral ang pag-aalay ng sarili tulad
naman sila sa kaalaman tungkol sa Mararamdaman na sila ay ng mga pari.
gawain ng mga pari. kabahagi sa pag-aalay ng Maisabuhay ang pakikibahagi sa
sarili bilang tugon sa tawag pag-aalay ng sarili tulad ng pari.
Sapagkat hindi nila nauunawaan ng Diyos tulad ng mga pari. Mapahalagahan ang sakramento
96
ang pakikibahagi sa Gawain ng Maliliwanagan na ang bawat ng Banal na Orden bilang
mga pari. isa ay tinatawag ng Diyos na konkretong pagkilala sa gawain
mag-alay ng sarili bilang ng mga pari bilang pagpapatuloy
Ang mga pari ay pinili at tinawag pakikibahagi sa misyon ni ng misyon ni Jesus.
para sa misyon ni Jesus. Jesus tulad ng pari.

97
PAKSA 14: SAKRAMENTO NG BANAL NA ORDEN: TAWAG SA PAGLILINGKOD
SA BAYAN NG DIYOS

Pambungad na Panalangin:

AMARE ET SERVIRE
In omnibus Amare, in omnibus Servire
In omnibus Amare et Servire Domino
In everything, love and serve the Lord.

Dasalin: Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pagbati at pagbabalik-aral:

Magandang umaga mga bata, natatandaan ninyo pa ba ang nakaraan nating paksa? Tama,
ito ang Sakramento Ng Kasal: Tawag Sa Kabanalan, kung saan ang lalaki at babae na
nagmamahalan ay pinag-iisa sa ngalan ng Diyos. Ano ang natutunan ninyo sa paksang ito? Sa
sakramento ng kasal, ipinagkakaloob sa mag-asawa ang biyaya ng pagmamahalan sa isa’t isa,
pinatitibay ang kanilang pagkakaisa na di mapaghihiwalay at pinagiging banal. Nais ni Hesus na
tayo ay magmahalan at mapanatili ang biyayang ito. Kaya’t dapat na tapat at maging maayos ang
bawat kasapi o miyembro ng pamilya. May pagtutulungan, may pagkakaisa.

Ngayon naman ay may bago tayong pag-aaralan, ito ay Ang Sakramento Ng Banal Na
Orden: Tawag Sa Paglilingkod Sa Bayan Ng Diyos. Sino ba ang tinatawag sa Sakramento ng
Banal na Orden?

Kaya ihanda na natin ang ating mga sarili bilang paggalang sa Salita ng Diyos.
Pagkatapos ng pag-aaral ay sasagutin natin ang mga mahalagang tanong.

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad ng banal na Kasulatan ang kahalagahan ng mga pari?


2. Sa paanong paraan natin maipapakita ang pakikibahagi sa gawain ng mga pari?
I. PAHAYAG KRISTIYANO

1.1 Salita ng Diyos: Mateo 28:18-20

“Lumapit si Hesus at sinabi sa Kanyang mga alagad, ibinigay na sa akin ang lahat ng
kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao
sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos Ko sa inyo. Tandaan ninyo, Ako'y laging
kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon."

1.2 Katanungan mula sa Salita ng Diyos

 Sino ang lumapit sa mga alagad? (Si Hesus)

98
 Ano ang sinabi Niya sa Kanyang mga alagad? (Ibinigay na sa Kanya ang lahat ng
Kapangyarihan sa langit at sa lupa)
 Ano ang inutos ni Hesus sa kanila? (Humayo sila at gawing alagad ang lahat ng tao sa
lahat ng bansa. Bautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Turuan silang sumunod sa lahat ng iniutos ni Hesus sa kanila.)
 Ano kanilang dapat tandaan? (kasama nila si Hesus hanggang sa katapusan ng panahon)
 Sino sa panahon natin ngayon ang nagpapatuloy ng misyon ng mga alagad ni Hesus?
(mga pari)
 Sa pagganap sa misyon, ano ang kanilang inaalay?
1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Ipinahayag sa ating Mabuting Balita ang pagbibigay ni Hesus ng misyon sa Kanyang


mga alagad, na ipagpatuloy ang Kanyang nasimulang misyon na gawing alagad ang mga tao at
turuan na sumunod sa lahat ng iniutos sa kanila. At sinabi pa sa kanila ni Hesus na Siya ay
kasama hanggang sa katapusan ng sanlibutan. At kung babalikan natin ang huling hapunan ni
Hesus, kasama niya ang kanyang mga alagad at sinabi niya na “Gawin ninyo ito bilang pag-
alaala sa akin”. Lc. 22: 14-20 , ito ang pag-aalay ng Banal na Eukaristiya.

Sa paglipas ng panahon ang mga Obispo at mga pari ang nagpatuloy ng misyon ng mga
alagad. Sila ang mga kahalili ng mga apostol ni Hesus. Sa pagganap nila sa kanilang misyon ay
inaalay nila ang kanilang sarili.

Sila ay mga taong pinili ng Diyos upang maglingkod sa Kanya sa pamamagitan ng


paglilingkod sa mga tao. Sila ay ang nag-alay ng kanilang sarili para sa Diyos ng buong puso na
walang hinihinging kapalit. Ipinagpatuloy nila ang misyon ni Hesus dito sa lupa upang ilapit ang
mga tao sa Diyos. Gaya ng sinabi ni Hesus sa kanila noong Huling Hapunan, Lukas 22: 14-20
“Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin”. Itinatag ni Hesus ang Sakramento ng Banal na
Orden ng Sakramento ng Banal na Eukaristiya noong Huling Hapunan kung saan sinabi niya sa
kanyang mga alagad ang misyon na ipagpatuloy ang pagpapahayag sa Salita nga Diyos at
binigyan sila ng kapangyarihan na ipaliwanag ang Banal na Eukaristiya. Ang mga pinili ni Hesus
ay naging alagad niya at naglaan ng kanilang sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa kanyang
Simbahan.

Pag-uugnay papunta sa Sitwasyon ng Buhay

Paano nga ba ipinakita at isinasabuhay ng mga pari ang misyong ibinigay sa kanila ni Hesus?

II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 Gawain: Pagpapakita ng 7 Sakramento na ginagawa ng pari sa pamamagitan ng picture


frame na ipapakikita o ipipresenta ng mga mag-aaral.

Bumuo ng pitong grupo sa loob ng klase at bawat grupo ay ipapakita ang Sakramento na ini-atas
ng katekista.

99
Group 1: BINYAG
Group 2: PAGBABALIK-LOOB O KUMPISAL
Group 3: BANAL NA EUKARISTIYA
Group 4: KUMPIL
Group 5: KASAL
Group 6: BANAL NA ORDEN O PAGPAPARI
Group 7: PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS
Mauuna ang group 1 na magpresent habang ang iba ay audience.

2.2 Mga katanungan sa Gawain

1. Ano ang ipinapakita ng bawat grupo?


(BINYAG, PAGBABALIK-LOOB O KUMPISAL, BANAL NA EUKARISTIYA,
KUMPIL, KASAL, BANAL NA ORDEN O PAGPAPARI, PAGPAPAHID NG
BANAL NA LANGIS)
2. Sino ang mga gumagawa nito?(mga pari)
3. Saan ito madalas ginagawa ng mga pari?(Simbahan)
4. Bakit nila ginagawa ang mga gawain na ito?(dahil nais nilang maglingkod)
5. Ikaw naranasan mo na rin bang maglingkod at mag-alay ng sarili sa Diyos at sa bayan ng
Diyos? Paano? (Opo sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa)
II. PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A. VALUE DEFINITION

 Ano para sa iyo ang paglilingkod o pag-aalay ng sarili? (paglalaan ng panahon o oras na
tumulong at magbigay ng buong puso)
B. VALUE

 Ibigay ang magandang dulot ng pag-aalay ng sarili.


C VALUE PURIFICATION
 Ibigay ang hindi magandang dulot kung walang pag-aalay ng sarili o pagtulong sa kapwa.

D. ACTION PLAN

Upang mas tumibay ang pinapahalagahan natin na pag-aalay ng sarili, tumayo tayo at ayusin
natin ang ating mga upuan.

D.PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY

Sa ginawa nating activity nakita natin ang mga sakramento na ipinagdiriwang natin
kasama ang pari. Iyan ay kanilang mga gawain, tungkulin at misyon na kailangan nilang gawin.
Ang mga pari natin ay nag-aalay ng sarili bilang pagtupad sa utos ni Hesus. Siya ang unang nag-
alay ng Kanyang sarili. Siya ay ipinako sa krus upang mailigtas tayo sa ating mga kasalanan.
100
Lahat tayo ay tinatawag ng Diyos upang maglingkod sa Kanyang Bayan at mag-alay ng sarili
katulad na lamang ng mga pinili nyang mga alagad at ang mga pari. Ang lahat ng ginagawa ng
isang pari tulad ng inyong ginawa ay nagpapakita ng pag-aalay ng sarili at pagmamalasakit sa
kapwa upang maglingkod sa Diyos sa Kanyang Simbahan. Ang maging pari ay panawagan para
sa lahat subalit kakaunti lamang sa atin ang tumutugon nito.

Kaugnay nito, mayroong Sakramento na tinatanggap ang mga taong gustong magpari at
maglingkod ng buong puso sa Diyos at bayan ng Diyos.

 Sa anong Sakramento natatanggap ng mga pari ang katapatan na ilaan ang sarili sa
paglilingkod sa Simbahan?
III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 PAGSAMBA: SA PAMAMAGITAN NG SAKRAMENTO NG BANAL NA ORDEN,


ANG PARI AY TUMATANGGAP NG BIYAYA NG KATAPATAN NA ILAAN ANG
SARILI SA PAGLILINGKOD SA SIMBAHAN.(KIK 1598. KPK 1947)

Ang maging pari ay:


Ang maghatid ng Mabuting Balita tulad ni Hesus
Ang maglalapit ng tao sa Diyos
Ang maghahandog ng sakripisyong Eukaristiko
Dahil sa kanilang gawain ito ay paglilingkod sa Simbahan, sila din ay hinuhubog ng mahabang
panahon bago maging ganap na pari upang mas maging mabuting tagapagturo ng ating
pananampalataya. Seminarista ang tawag sa mga nag-aaral pa o nasa paghuhubog na maging
pari.

Ang tatlong baytang ng sakramento ng Orden ay:

Ang Ordinasyong dyakono


Ang Ordinasyong presbitero(pari)
Ang Ordinasyong episkopal (obispo)

 Bakit pumili/humirang si Hesus ng mga pari/saserdote


3.2 KATOTOHANAN: ANG PARI AY ISANG ALAGAD NA TINATAWAG UPANG
SUMUNOD KAY HESUS AT ISA RING APOSTOL NA ISINUGO UPANG
MAGLINGKOD SA KANYANG MISYON AT NG SIMBAHAN. (KPK 1951-1952)

Si Kristo, ang kataas-taasang pari, ang bukal ng lahat ng pagpapari. Ang pari ay nagtataglay ng
tungkulin mismong pari na si Kristo Hesus. Sa bisa ng konsagrasyong saserdotal(ordinasyon),
tumatanggap sila ng kapangyarihang gumawa at magpatuloy ng gawain at misyon ni Hesus, kaya
sila ay tinatawag na kumakatawan kay Kristo, lalo na sa mga pagdiriwang ng mga sakramento.
Bagama’t sila ay pinili maging pari/pastor, tayo man ay nakikibahagi sa kanilang gawain bilang
pari.
 Kailan natin tinanggap ang pakikibahagi sa gawain ng pagiging pari?
101
3.3 PAGSASABUHAY: SA BISA NG ATING BINYAG AT KUMPIL, TAYO AY
NAKIKIBAHAGI SA PAGKAPARI NI HESUS, KAYA TINATAWAG TAYO NA MAG-
ALAY NG SARILI SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAHAYAG, PAGSASABUHAY AT
PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS. (KIK 1547, KPK 1960)

Sa makatuwid, lahat tayo ay nakikibahagi sa pagiging pari ni Hesus na kumikilos at


nakikiisa sa gawain ng mga pari tulad ng pagsisimba, pakikinig sa homiliya, pagdarasal,
pagbabahagi ng Salita ng Diyos atbp. Ang buhay ng pari ay nakalaang lubos sa paglilingkod sa
Kanyang Simbahan. Kailangan din niya ng tulong natin, hindi niya magagawang mag-isa ang
misyon at gawain ni Hesus. Sila man ay may kahinaan din tulad natin kaya tulungan natin sila na
mapatatag ang kanilang pananampalataya upang lubos nilang magampanan ito. Ipanalangin natin
ang mga pari, ang ating kura paroko at iba pang pari na atin nakikilala na manatili sa
paglilingkod sa simbahan ng may pagmamahal at katapatan sa Diyos.
Si San Juan Maria Vianney ay unang natalaga sa lugar na kung saan ang mga taong
naninirahan ay walang sawang gumagawa ng masama, si Juan Maria Vianney ay walang sawang
nagpaalala sa mga tao na sila ay mahal ng Diyos at bilang isang pari siya ay laging handang
makinig at magpakumpisal sa mga tao na umaabot sa 16 na oras, kaya mula noon ang bayan ng
Arc ay nagbago pati ang mga tao na ngayon ay marunong nang kumilala at matakot sa Diyos.
Kaya nang mamatay si Juan Vianney hindi naagnas ang kanyang bangkay ito ay dahil sa
kanyang kabanalan bilang isang pari.
Nawa tayo ay makibahagi sa pagkapari ni Hesus sa paglilingkod sa iba mula sa ating
tahanan, paaralan, at pamayanan o sa ating simbahan, pamamagitan ng pagpapahayag,
pagsasabuhay at pagdiriwang ng Salita ng Diyos.

3.4 BUOD

Sa Sakramento ng Banal na Orden, ang mga pari ay tumatanggap ng biyaya ng katapatan,


bilang alagad na tinawag at isa ring apostol upang maglingkod sa Kanyang misyon at ng
simbahan. Tayo din ay tinatawagan na makibahagi sa pagkapari sa pamamagitan ng
pagpapahayag, pagsasabuhay at pagdiriwang ng Salita ng Diyos.

3.5 PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG

1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang kahalagahan ng mga pari?


2. Sa paanong paraan natin maipapakita ang pakikibahagi sa gawain ng mga pari?
IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Ako ay naniniwala na ang mga pari ay mga alagad na pinili at tinawag
ng Diyos upang maglingkod sa kanyang Bayan.

4.2 Pagtatalaga: Paano ka mag-aalay ng sarili sa Diyos at sa iyong kapwa?

4.3 Pagdiriwang: Palagi nating ipagdasal ang ating mga kaparian lalo na tuwing tayo ay
nagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

Panalangin Para Sa Mga Pari:

102
Hesus, Pari magpakailanman, ingatan mo ang lahat ng mga pari sa kandungan ng Iyong
Kamahal-mahalang Puso, upang walang makasaling sa kanila. Panatilihin Mong walang bahid
ang kanilang banal na mga kamay na sa araw-araw ay humahawak sa Iyong kamahal-mahalang
katawan. Panatilihin Mong walang dungis ang kanilang mga labi na araw-araw ay nililinis ng
Iyong kamahal-mahalang dugo. Panatilihing malinis at di-makamundo ang kanilang puso, na
may dakilang tatak ng pagkapari.
Paligiran mo sila ng Iyong banal na pag-ibig at ipag-sanggalang sa mga maka-mundong
bagay. Basbasan mo ang kanilang gawain ng saganang bunga at nawa'y yaong kanilang
pinaglilingkuran ay maging ligaya nila at aliw dito sa lupa, at sa langit sila nawa ang kanilang
walang hanggang tagumpay. Dasalin ang Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

AMARE ET SERVIRE
In omnibus Amare, in omnibus Servire
In omnibus Amare et Servire Domino
In everything, love and serve the Lord.

PAGNINILAY:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

103
PAKSA 15: SANTA MARIA, PINARANGALAN NG DIYOS, PARANGALAN DIN NATIN
SIYA
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ngPanananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)
Katotohanan Salita ng Diyos Pagkatapos na maituro
Dahil sa grasya ng Diyos, itinampok si ang paksang ito ang mga
Maria higit sa lahat ng mga anghel at tao Lucas 1:26-38 bata ay inaasahang:
bilang pinakabanal na Ina ng Diyos na Ipinahayag ang panganganak
kaugnay sa mga misteryo ni Jesus.(KPK kay Jesus Maipapaliwanag na dahil
1537) “…Huwag kang matakot, sa grasya ng Diyos, itin-
Maria, kinalulugdan ka ng ampok si Santa Maria na
Pagsamba Diyos…” higit sa lahat ng mga
Ang ating debosyon sa Mahal na Birheng anghel at tao bilang
Maria ang maituturing na mahalagang Juan 19:25-27 pinakabanal na Ina ng
bahagi ng pagsambang Katoliko dahil dito “Babae, narito ang iyong anak, Diyos.
iniuugnay na pag-alaala sa Ina ni Kristo sa narito ang iyong ina.”
taunang inog ng mga misteryo na kanyang Mapaparangalan ang
anak.(KPK 1539) Katuruan ng Simbahan Diyos kasama ni Santa
KPK1537, 1539,1552 Maria sa awitin niyang
Pagsasabuhay KIK 965 “Magnificat”
Ang tunay na debosyon natin kay Maria LG 53,57, 69
ay nagdadala sa atin sa pagtulad sa Makakapagtala ng mga
kanyang pananampalataya, pag-asa at katangian ni Santa Maria
pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. na sisikaping matularan.
(KPK1552)
KAALAMAN(Knowledge) MAHALAGANG TANONG SANTO
(Essential Questions) Santa Maria
Kahulugan ng tunay na pagpaparangal kay 1. Paano inilahad ng Banal na
Santa Maria Kasulatan ang pagpa
parangal kay Santa Maria? Pagpapahalaga:
Ang mga debosyon kay Santa Maria Pagmamahal kay Santa
2. Paano mo ipapakita na ikaw Maria
ay may pagpapahalaga kay
Ang pagtulad sa mga katangian ni Santa Santa Maria? DepEd Value:
Maria paggalang
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
May kaalaman na tungkol kay Santa Unti-unting maunawaan na si Santa Mapahalagahan ng mga
Maria bilang ina ni Jesus Maria ay itinampok ng Diyos nang higit mag-aaral ang tunay na
sa lahat na mga anghel at tao. kahulugan ng pagpaparangal
Ngunit ang tunay na diwa ng Maramdaman sa kanilang buhay na ang kay Santa Maria.
pagdedebosyon kay Santa Maria ay di pagdedebosyon kay Santa Maria ay Mapahalagahan ang tunay na
gaanong malalim ang pang-unawa naglalapit sa atin sa kanyang anak na si pagdedebosyon kay Santa
Jesus. Maria.
Sapagkat ang ilan ay nakapokus na Maliwanagan na sa kanilang Maisabuhay ang mga
lamang sa debosyon kay Santa Maria pagdedebosyon ay magpapakita ng katangiang nais nilang
hindi kay Jesus na ating Panginoon. pagtulad sa mga katangian ni Santa matularan kay Santa Maria.
Maria.
104
PAKSA 15: SANTA MARIA, PINARANGALAN NG DIYOS, PARANGALAN DIN
NATIN SIYA

Pambungad na panalangin:

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,


Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

Pagbati at Pagbabalik Aral:


Magandang umaga mga bata, natatandaan ninyo pa ba ang nakaraan nating paksa? Tama,
ito ang Sakramento ng Banal na Orden: Tawag sa paglilingkod sa Bayan ng Diyos. Sa
Sakramento ng Banal na Orden, ang mga pari ay tumatanggap ng biyaya ng katapatan, bilang
alagad na tinawag at isa ring apostol upang maglingkod sa Kanyang misyon at ng simbahan.
Tayo din ay tinatawagan na makibahagi sa pagkapari sa pamamagitan ng pagpapahayag,
pagsasabuhay at pagdiriwang ng Salita ng Diyos.

Ngayon naman ay may bago tayong pag-aaralan ay ang ating Ina si Santa Maria,
Pinarangalan Ng Diyos, Parangalan Din Natin Siya

Kaya ihanda na natin ang ating mga sarili para sa pagbasa ng Salita ng Diyos. Pagkatapos ng
pag-aaral ay sasagutin natin ang mga mahalagang tanong.

MAHALAGANG TANONG :

1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang pagpaparangal kay Santa Maria?


2. Paano mo ipapakita na ikaw ay may pagpapahalaga kay Santa Maria?

I.SALITA NG DIYOS

1.1 Pagpapahayag ng Salita ng Diyos :

(Lucas 1: 26-38, Ipinahayag ang Panganganak kay Jesus)

Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. "Matuwa ka! Ikaw ay
kalugod-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon!"

1.2 Pagtatanong tungkol sa Salita ng Diyos:

 Tungkol saan ang ating binasang Salita ng Diyos? (tungkol po ito sa pagdalaw ng isang
anghel kay Maria; ito po yung pagbabalita ng anghel sa panganganak kay Jesus)
 Sino ang anghel na bumati kay Maria?

105
 Ano ang ibinalita ng anghel kay Maria? (Si Maria ay maglilihi at manganganak ng isang
lalaki at tatawagin niya itong Jesus)
 Paano maglilihi at manganganak si Maria gayong siya ay dalaga? (Bababa sa kanya ang
Espiritu Santo at lililiman siya ng kapangyarihan ng Kataas-taasan)
 Ano ang naging sagot ni Maria sa anghel? (Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin
ang iyong sinabi.)
 Sa ating pagbasa, paano pinakita ng Diyos ang pagmamahal kay Maria?

1.3 BUOD NG SALITA NG DIYOS

Sa ating binasang Salita ng Diyos ay narinig natin na si Maria ay bukod tanging pinili ng
Diyos Ama upang maging ina nang Kanyang Anak na si Hesus. Dahil si Maria ay masunurin at
may pagmamahal sa Diyos, siya ay naging bukas sa pagtanggap sa kanyang misyon, naging
handang makiisa sa plano ng Diyos na maging ina ni Jesus na ating Tagapagligtas.
At si Hesus, dahil alam Niya ang laki ng pagmamahal ni Maria sa Diyos, ay minabuting ihabilin
tayo sa Kanyang sariling ina habang Siya ay nakabayubay sa krus. Sa ebanghelyo ayon kay San
Juan 19:26 nakasaad: Nang makita ni Jesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa
tabi nito, kanyang sinabi, "Ginang, narito ang iyong anak!". Mula noon, ang pagiging ina ni
Maria ay hindi lamang para kay Jesus, kung hindi para sa lahat ng sumasampalataya kay Jesus
bilang Anak ng Diyos.
Nalaman natin na si Maria ay gumanap ng isang mahalagang papel sa kasaysayan ng
ating kaligtasan, ano ang marapat nating gawin sa ipinakitang kabutihan ng ating Mahal na
Birheng Maria?

II.SITWASYON NG BUHAY

2.1 Gawain (Picture Viewing and Analysis)

Magpakita ng iba't-ibang larawan ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo ng pamilya/samahan/komunidad


pag-aalay ng mga bulaklak tuwing buwan ng Mayo
prusisyon ng imahe ng Mahal na Birheng Maria
2.2 Pagtatanong tungkol sa gawain
 Anu-ano ang mga nasa larawan? (pagdarasal, pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na
Birheng Maria)
 Alin sa mga ito ang inyong ginagawa at bakit?
 Ano ang ibig sabihin ng ipinapakita nating ginagawa o pagpapahalaga kay Inang Maria?
-- (Pagtatangi at pagmamahal kay Inang Maria)

II. PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION

Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng pagmamahal kay Santa Maria? (Pagpapakita po ng
paggalang o respeto; inaalala po natin siya; binibigyan po natin siya ng bulaklak)

106
Tama. Si Santa Maria ang ina ni Jesus na ating Tagapagligtas at atin din Ina, kung kaya
marapat lamang na siya ay ating mahalin at bigyan ng parangal.

B VALUE CLARIFICATION

 Mahalaga ba na ipakita natin ang ating pagmamahal kay Santa Maria? Bakit? (Opo. Kasi
po siya ang ina ni Jesus; Kasi po kung hindi dahil sa kanya, marahil ay hindi naipanganak
si Jesus ang ating Tagapagligtas.)
 Kung tayo ay may pagmamahal kay Santa Maria, ano ang mabuting idudulot nito?

C VALUE PURIFICATION

 Ano pwedeng mangyari kung hindi tayo magpapakita ng pagmamahal kay Inang Maria?
 Ano ang mas pipiliin mong gawin ang magmahal kay Maria o hindi?

D ACTION PLAN

Bilang pagpapakita nang ating paggalang, pagpapahalaga, at pagmamahal kay Santa


Maria, Pumikit sandali at isipin kung paano ninyo pagsisikaping tularan siya sa inyong pang-
araw-araw na pamumuhay si Maria na mapagkumbaba, matutong makinig sa mga pangaral ng
magulang at nakatatanda, at sumunod sa kanilang mga payo at habilin. Sikapin din ninyo na
makapagdasal ng Santo Rosaryo kasama ang inyong pamilya.

2.3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY

Mahal natin si Maria, ipinapakita natin yan sa ibat ibang paraan katulad ng mga
debosyon, pag-aalay ng bulaklak, pagrorosaryo, pag-iingat ng kanyang larawan at iba pa.
Sapagkat si Maria ay ina ni Hesus at ina rin nating lahat. Dahil sa naging sagot ni Maria,
nagkaroon ng katuparan ang ipinangakong kaligtasan ng Diyos sa tao. Sa kanyang kababaang-
loob at kahandaang maglingkod sa Diyos inialay ni Inang Maria ang kanyang sarili upang
matupad ang plano ng Diyos na kaligtasan para sa lahat. Tunay na maituturing natin na dakila
siya dahil sa kanyang pagsunod at ipinakitang pananampalataya sa Diyos. Ang
pananampalatayang ito ni Maria ang siyang nagdala sa atin ng ating kaligtasan -- si Jesus.

Si Maria ay mapagkumbaba, masunurin, may pag-ibig at pananampalataya sa Diyos. At…

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

KATOTOHANAN: DAHIL SA GRASYA NG DIYOS, ITINAMPOK SI MARIA HIGIT


SA LAHAT NG MGA ANGHEL AT TAO BILANG PINAKABANAL NA INA NG
DIYOS NA KAUGNAY SA MGA MISTERYO NI JESUS. (KPK 1537)

Si Maria ay bukod tanging pinili ng Diyos upang maging ina ng Kanyang Bugtong na Anak na si
Hesus. Kung kaya't si Maria ay biniyayaan nang Diyos ng grasya na maging malinis, walang
bahid nang kasalanan, mula pa nang siya ay ipinaglihi ng kanyang ina na si Santa Ana
(Immaculate Conception - December 8) hanggang sa iniakyat siya ng Diyos sa langit
107
(Assumption-Agosto 15). Tunay na si Maria, bilang ina ng ating Tagapagligtas na si Jesus, ay
nagkaroon ng mahalagang papel sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kung kaya….

PAGSAMBA: ANG ATING DEBOSYON SA MAHAL NA BIRHENG MARIA ANG


MAITUTURING NA MAHALAGANG BAHAGI NG PAGSAMBANG KATOLIKO
DAHIL DITO INIUGNAY ANG PAG-AALALA SA INA NI KRISTO SA TAUNANG
INOG NG MGA MISTERYO NG KANYANG ANAK. (KPK 1539)

Sa bawat taunang liturhikal ng ating Simbahan ay binibigyan ng pagpaparangal at


natatanging pagkilala sa ating Mahal na Birheng Maria. Ito ay sa mga sumusunod na petsa:

Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos - ika-1 ng Enero


Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Birheng Maria - ika-8 ng Disyembre
Kapistahan ng Pagbabalita ng Anghel kay Maria- Ika- 25 ng Marso
Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birhen - ika-15 ng Agosto

Sa mga araw na ito ay ating inaalala ang kabutihan ni Maria. Siya ay nagsisilbing
pinakadakila sa mga tagasunod ng Diyos at ang kanyang taos-pusong pagmamahal at
paglilingkod sa Diyos ay tunay na kahanga-hanga. Dahil dito….

PAGSASABUHAY: ANG TUNAY NA DEBOSYON NATIN KAY MARIA AY


NAGDADALA SA ATIN SA PAGTULAD SA KANYANG PANANAMPALATAYA,
PAG-ASA AT PAG-IBIG SA DIYOS AT SA KAPWA. (KPK 1552)

Bilang isang mabuting halimbawa ng tunay na disipulo o tagasunod ng Diyos, ipinakita


sa atin I Inang Maria ang daan kung paanong tayo din ay maaaring maging tapat na lingkod ng
Diyos. Sa mga kaganapan sa kanyang buhay bilang ina ni Hesus, tinuruan tayo ni Maria kung
paano maging mapagkumbaba, masunurin, matulungin, mapagtiis, at manalig sa kabutihan at
pangangalaga ng Diyos. Tayong lahat ay kanyang tinatawag na lumapit sa kanyang anak na si
Hesus.

BUOD

Si Santa Maria ay biniyayaan ng Diyos ng natatanging grasya kung saan siya ay


itinampok na higit sa lahat ng mga anghel at tao. Siya ay pinili na maging ina ng Kaisa-isang
Anak ng Diyos, si Jesus na ating Tagapagligtas. Dahil dito ang ating debosyon sa Mahal na
Birheng Maria ay maituturing na mahalagang bahagi ng pagsambang Katoliko sapagkat ito ay
nagtuturo sa atin na tumulad sa kanyang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa Diyos at sa
kapwa.

PAG-SAGOT SA MAHALAGANG TANONG:


1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang pagpaparangal kay Santa Maria?
2. Paano mo ipapakita na ikaw ay may pagpapahalaga kay Santa Maria?

IV.TUGON NG PANANAMPALATAYA

108
4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na dahil sa grasya ng Diyos, itinampok si Maria higit
sa lahat ng mga anghel at tao bilang pinakabanal na Ina ng Diyos. Tinutulungan niya tayo na
mapalapit sa kanyang anak na si Jesus.

4.2 Pagtatalaga: Mamahalin si Maria

4.3 Pagdiriwang: Awit na Magnificat

Salamat Maria (Awit)


Sa lawak ng dagat na aking tinatawid
Tanging pangalan mo ang siyang laging sinasambit
Hanap-hanap ang pangako ng iyong lambing
Inaasam na tuwina'y nasa iyong piling

Sa araw-araw na paglusong ko sa buhay


Ikaw lang ang saksi't nag-iisang bantay
Dayuhin man ako ng lungkot at hirap
Tanggulan kong lagi, lingap mo't yakap

Salamat Maria, sa iyong pagpisan


Sa bawa't hapis, luwalhati at tuwa namin
Salamat sa pag-ibig, at sa bawa't dalangin
Salamat sa iyo, sa mga pagdamay mo
Kami'y patuloy na magmamahal sayo.

Dasalin ang Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

PAGNINILAY:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

109
PAKSA 16: BUNGA SA PAGTANGGAP SA SAKRAMENTO: BUHAY NA WALANG
HANGGAN
TAKDANG ORAS: 40 minuto
MAG-AARAL: Ika-limang Baitang
Pahayag ng Pananampalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)
Katotohanan:Si Jesus na naroon sa Salita ng Diyos
lahat ng Sakramento ang magdadala sa Pagkatapos na maituro ang
atin sa buhay na walang-hanggan Juan 6:25-40 paksang ito ang mga bata ay
kapiling ang Ama ( Juan 14:6 , Juan “Sapagkat ito ang kalooban inaasahang:
6:58 ,KIK 1419 , KPK 1526 ) ng Aking Ama , ang lahat ng
Pagsamba: Sa pagtanggap natin sa makakita at manalig sa Anak Makiisa at buong pusong
mga Sakramento ng may ay magkakroon ng buhay na tanggapin ang Sakramento
pananampalataya, tinatanggap natin walang hanggan . At silay muli ng may pananampalataya
ang mga biyaya ng Diyos at kong bubuhayin sa huling
nararanasan na natin ng may pag-asa araw.” Maipahayag na si Jesus na
ang maluwalhating pagpapakita ng naroon sa lahat ng
ating dakilang Diyos at Tagapagligtas. 1 Juan 3:14 Sakramento ay magdadala sa
(KIK 1130 / 1419 ) ..ang hindi umiibig ay nanatili atin sa buhay na walang-
Pagsasabuhay:Nais ni Jesus na lagi sa kamatayan hanggan kapiling ang Ama.
nating tanggapin ang mga
Sakramentong ibinigay Niya sa Katuruan ng Simbahan Maitatala ang mga
simbahan upang tayoy maging KIK 1130 KIK 1419, KPK sakramentong tinanggap at
kalarawan at kawangis Niya at umaasa 1526 buong pananalig at pag-
na makakamit natin ang buhay na asang isasabuhay ang mga
walang-hanggan. (Juan 6:54-55, KPK biyayang tinanggap dito.
1526 )
KAALAMAN: MAHALAGANG TANONG: SANTO
(Knowledge) (Essential Questions)
Maipagdiwang ng may pananam 1. Paano inilahad ng Banal na St.Ambrosio
palataya ang pagtanggap ng mga Kasulatan ang tungkol sa
Sakramento. buhay na walang hanggan? Value:
Pagkilala na si Jesus ay naroon sa Pag-asa
lahat ng Sakramento na magdadala sa 2. Paano mo ipapakita ang
atin sa buhay na walang-hanggan. bunga ng mga Sakramento sa DepEd Value:
Palagiang tanggapin ang mga iyong buhay ?
Sakramento upang tayoy maging
kawangis ni Jesus.
SITWASYON NG BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Madalas na tumatanggap ng Unti-unting maunawaan na Magkaroon ng tunay na
sakramento subalit di pa gaanong mahalaga na may pananampa- pananampalataya at pag-asa
naunawaan ang kahalagahan nito lataya at pag-asa sa sa pagtanggap ng
pagtanggap Sakramento.
Hindi sapat ang kaalaman tunggkol sa ng mga Sakramento
buhay na walang-hanggan. Mauunawaan na si Jesus ay Lubusang maunawaan na si
naroon sa lahat ng Sakramento Jesus ay naroon sa lahat ng
110
Hindi pa masyadong alam ang mga na magdadala sa atin sa buhay Sakramento
bunga ng Sakramento sa kanilang na walang hanggan.
buhay Magawang masabi ang mga Magawang isabuhay ang
gawaing nagpapakita ng bunga mga bunga ng Sakramento
ng Sakramento sa kanilang bilang kawangis ni Jesus.
buhay

111
PAKSA 16: BUNGA NG PAGTANGGAP SA MGA SAKRAMENTO:
BUHAY NA WALANG HANGGAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Ama naming makapangyarihan sa lahat, pinupuri at dinarangal Ka namin sapagkat tunay
na karapat-dapat Kang papurihan. Nagpapasalamat kami sa Iyong pagmamahal at kabutihan.
Patawarin Mo kami sa aming mga pagkakasala at kahinaan. Hiling namin ang Iyong
pagbabasbas upang kami ay maging mabuti ayon sa nais Mo at mamuhay bilang tunay Mong
mga anak. Isinasamo po naming ito sa pamamagitan ng Iyong Anak ni Jesus, nabubuhay at
naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen. Dasalin ang Ama
Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pagbati at Pagbabalik Aral:

Magandang umaga/hapon mga bata, natatandan ninyo pa ba ang nakaraan nating paksa?
Tama, ito ay ang Mahal na Birheng Maria ay pinarangalan ng Diyos kaya nararapat na
parangalan din natin siya. Dahil sa grasya ng Diyos, itinampok si Maria higit sa lahat ng mga
anghel at tao bilang pinakabanal na Ina ng Diyos na kaugnay sa mga misteryo ni Jesus. Paano
nga natin pinapakita ang pagmamahal kay Maria? Ano ang apat na mahalagang kapistahan ni
Maria? _____________

Si Santa Maria ay biniyayaan ng Diyos ng natatanging grasya kung saan siya ay


itinampok na higit sa lahat ng mga anghel at tao. Siya ay pinili na maging ina ng Kaisa-isang
Anak ng Diyos, si Hesus na ating Tagapagligtas. Dahil dito ang ating debosyon sa Mahal na
Birheng Maria ay maituturing na mahalagang bahagi ng pagsambang katoliko sapagkat ito ay
nagtuturo sa atin na tumulad sa kanyang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa Diyos at sa
kapwa.

Ngayon naman ay may bago tayong pag-aaralan, ito ay Bunga Ng Pagtanggap Sa Mga
Sakramento: Buhay Na Walang Hanggan. Pagkatapos ng pag-aaral ay sasagutin natin ang mga
mahalagang tanong.

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang tungkol sa buhay na walang hanggan?


2. Paano mo ipapakita ang bunga ng mga Sakramento sa iyong buhay?

I.SALITA NG DIYOS

1.1 Pagpapahayag ng Salita ng Diyos

(Juan 6:25-40, Si Jesus ang Pagkaing Nagbibigay-buhay)


"Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay
magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila'y muli kong bubuhayin sa huling
araw."
1.2 Pagtatanong tungkol sa Salita ng Diyos

112
 Ayon kay Hesus, ano ang kalooban ng Ama?
 Sino ang pagkaing bumaba mula sa langit?
 Ano ang ipagkakaloob ni Hesus?
 Naniniwala ka ba na ipagkakaloob sa iyo ni Hesus ang buhay na walang hanggan?
1.3 BUOD NG SALITA NG DIYOS

Sa binasa nating ebanghelyo, ipinahahayag mismo ni Hesus ang kalooban ng kanyang


Ama – ito ay ang manalig sa kanyang Anak.
Sinabi ni Hesus sa mga tao na Siya ang pagkaing na bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay
sa sanlibutan. Ang sinumang lumapit at nananalig sa Kanya ay hindi na magugutom at hindi na
mauuhaw kailanman. Ayon kay Hesus, Siya ay bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang
kalooban Niya, sa halip ay sundin ang kalooban ng Diyos Ama na nagsugo sa Kanya. At nais ng
Ama na huwag hayaan ni Hesus na mawala kahit isa sa mga ibinigay ng Ama sa Kanya kundi
muling buhayin sila sa huling araw. Maliwanag na bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama,
nais ni Hesus na ang lahat ng tao ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

At ano nga ba ang buhay na walang hanggan? Sa ebanghelyo ayon kay San Juan (Juan
17:3) sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “Ito ang buhay na walang hanggan: ang
kilalanin Ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo.”. kaya naman
punuin natin ang ating puso ng pag-asa at maniwala na ipagkakaloob sa atin ni Hesus ang buhay
na walang hanggan

II.SITWASYON NG BUHAY

Gawain: (Balik Aral ng 7 Sakramento)


2.2 Pagtatanong tungkol sa Gawain
-Ang ang mga ito ay tumutulong upang manatili tayong naka-ugnay kay Hesus.
(mga sakramento)
-Ilan ang mga sakramento at ano-ano ang mga ito?
-Ano ang ibinibigay ng mga sakramento sa mga tumatanggap nito? (grasyang
nagpapabanal)
-Ano ang ating makakamit kapag tayo ay naging banal? (Buhay na walang
hanggang po)

Tama. Sa ating pagtanggap ng mga sakramento at pagsisiskap na mamuhay sa kabanalan ay


mayroong ipinangako ang Diyos sa atin na buhay na walang hanggan.

-Ano ang pagkakaintindi ninyo sa salitang “pangako”? (promise po, ito po sy tutuparin
-Makakamit po kapag ginawa ko iyong pinagagawa sa akin
-Mayroon na bang nangako sa iyo
-Ano ang iyong pakiramdam kapag may nangako sa iyo? (excited po. Umaasa po sa ito
ay tutuparin)

Tama. Ang isang pangako ay isang sinumpaan o panatang gagawin. Ito ay pagbibigay
ng salita na may kasamang pagtupad. At kapag may nangako sa atin ay umaasa tayo na ito ay
tutuparin.
113
PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION

-Ano ba para sa iyo ang kahulugan ng pag-asa o umaasa? (Isa po itong damdamin na
naghihintay ng gantimpala, naghihintay sa isang maganda o mabuting bagay)

Tama. Ang ibig sabihin ng pag-asa o umaasa ay iyong ating paghihintay sa isang maganda o
mabuting bagay o pangyayari sa ating buhay. Tulad din ito sa ating paghihintay ng premyo o
gantmpala. Tulad ng ating paghihintay na makamit ang buhay na walang hanggan

B VALUE CLARIFICATION

 Ano ang kabutihang dulot ng pagkakaroon ng pag-asa sa buhay na walang hanggan?


(Lalo po tayong nagsisikap; Gumagawa po tayo ng kabutihan; Nagiging mabait po)
C VALUE PURIFICATION

Ano ang nangyayari kapag wala tayong pag-asa sa ating buhay? (Malungkot po; Walang gana;
Nagiging pabaya po)

 Ano ngayon ang inyong pipiliin -- ang mamuhay ng may pag-asa o walang pag-asa?
(Meron po)
Tama. Kapag ang tao ay puno ng pag-asa, sila ay lalong nagsusumikap, gumagawa ng
kabutihan, nagiging mabait, at lalong pinagbubuti ang kaniyang mga gawa dahil alam niya na
may gantimpalang naghihintay sa kanya. Ang taong nawalan ng pag-asa sa buhay ay madilim
ang tingin sa kanyang kapaligiran-puno ng lungkot, paghihirap, at wala siyang makitang mabuti
o maganda. Lagi siyang galit at pakiramdam niya ay nag-iisa siya at walang karamay.
Ano ngayon ang inyong pipiliin, ang mamuhay ng may pag-asa o walang pag-asa? (meron po)
Tama. Mahalaga na lagi tayong may pag-asa sa ating buhay. Lagi nating iisipin na hindi
kailanman tayo pababayaan ng Diyos. Naririto Siya at lagi Niya tayong binabantayan.
D ACTION PLAN

Manahimik ng sandali at hilingin sa Diyos ang pagnanais mo sa buhay na walang


hanggan o dasalin ang dasal ng pag-asa.

Bilang pagpapatunay na tayo ay puno ng pag-asa sa ating buhay, gumuhit kayo sa inyong
mga notebook ng isang larawan na nagpapakita ng pag-asa.

PAGTATAGPO:

Mahalaga na ang tao ay hindi nawawalan ng pag-asa sa mga pangarap niya sa buhay.
Marami tayong pangarap ngunit higit nating pangarapin ang buhay na walang hanggan. Ang
pag-asa sa puso nagiging daan para maging malakas ka, magsikap, hindi susuko katulad ng mga
ginuhit ninyo na tanda ng pag-asa. Sa ating binasang ebanghelyo kanina ay narinig natin ang
114
ipinangako ni Hesus na buhay na walang hanggan. At lahat tayo ay umaasa na darating ang
panahon na ating kakamtin ito sa tulong ni Jesus kung kaya itinatag ni Jesus ang 7 Sakramento.

 Ano ang nais ni Jesus na gagawin natin sa mga Sakramento?


III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 PAGSASABUHAY: NAIS NI HESUS NA LAGI NATING TANGGAPIN ANG MGA


SAKRAMENTONG IBINIGAY NIYA SA SIMBAHAN UPANG TAYO'Y MAGING
KALARAWAN AT KAWANGIS NIYA AT UMAASA NA MAKAKAMIT NATIN ANG
BUHAY NA WALANG-HANGGAN. (JUAN 6:54-55, KPK 1526)

Tunay na nais ni Jesus na ang lahat ng inihabilin sa Kanya nang Diyos Ama ay magkamit
ng buhay na walang hanggan. Sa ating ebanghelyo, sinabi ni Hesus na Siya ang "pagkain na
nagbibigay-buhay". At sa Sakramento ng Eukaristiya ay tinatanggap natin ang tunay na Katawan
at Dugo ni Jesus na siyang pagkain ng ating kaluluwa. Ang ating madalas na pagtanggap nito ay
tumutulong upang tayo ay mapabanal, maging kalarawan at kawangis ng ating Panginoong
Hesus, at maghahatid sa atin sa buhay na walang hanggan.
Tulad ni si Saint Catherine of Siena na naging kilala sa kanyang pagmamahal kay Hesus sa
pamamagitan ng araw-araw na pagtanggap ng Sakramento ng Eukaristiya. Si St Catherine ay
isinilang noong Marso 25, 1347 sa Siena, Italy. Noong siya ay labindalawang-taong gulang,
itinilaga ni St Catherine ang kanyang buhay para sa Diyos. Siya ay naging kabilang ng Third
Order ni St Dominic at nangalaga sa mga maysakit. Siya ay nakilala din sa kanyang pagtuturo at
pangangaral tungkol sa pananampalatayang Katoliko at sa kanyang pagmamahal sa Sakramento
ng Eukaristiya. Madalas siyang nag-aayuno at ang tanging pagkain niya ay ang Banal na
Eukaristiya. Sa kanyang pagtuturo at pangangaral sa mga tao ay binigyang diin niya ang
pagsisisi at pagbabagong-buhay alang-alang sa pagmamahal sa Diyos. Namatay si St Catherine
noong Abril 29, 1380 sa edad na tatlumpu't-tatlo. Idineklara siyang santo ng Simbahan noong
Hunyo 29, 1461 at binigyang parangal bilang "Doctor of the Church" noong Oktubre 4, 1970.

 Nalaman natin na mahalaga na lagi nating tanggapin ang mga Sakramento. Ano nga ba
ang naidudulot ng sakramento sa atin?
3.2 PAGSAMBA: SA PAGTANGGAP NATIN SA MGA SAKRAMENTO NG MAY
PANANAMPALATAYA, TINATANGGAP NATIN ANG MGA BIYAYA NG DIYOS AT
NARARANASAN NA NATIN NG MAY PAG-ASA ANG MALUWALHATING
PAGPAPAKITA NG ATING DAKILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS. (KIK
1130/1419)

Pinangako sa atin ni Hesus na ang sinumang tumanggap at manalig sa Kanya ay muli Niyang
bubuhayin sa huling araw. Kung kaya sa ating pagtanggap sa mga Sakramento na buo ang
pananampalataya, ay makakaasa tayo na tatanggapin natin ang mga pagpapala ng Diyos lalo na
ang buhay na walang hanggan.

 Sino ang magdadala sa atin sa buhay na walang hanggan?

115
3.3 KATOTOHANAN: SI HESUS NA NAROON SA LAHAT NG SAKRAMENTO
ANG MAGDADALA SA ATIN SA BUHAY NA WALANG-HANGGAN KAPILING ANG
AMA. (JUAN 14:6, JUAN 6:58, KIK 1419, KPK 1526)

Ating napag-aralan sa Paksa 6 (Mga Sakramento, Pagdiriwang ng Mapanligtas na Pag-


ibig ng Diyos) na si Jesus, sa Kanyang pagiging tao ay ang "Pinaka-naunang Sakramento" nang
mapanligtas na pag-ibig ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga Sakramento na Kanyang itinatag ay
mananatili tayong naka-ugnay kay Hesus. Samakatuwid, si Hesus mismo ang Siyang magdadala
sa atin sa buhay na walang hanggan kapiling ang Diyos Ama.

3.4 BUOD

Nais ni Hesus na lagi nating tanggapin ang mga Sakramentong ibinigay Niya sa
simbahan upang tayo'y maging kalarawan at kawangis Niya at umaasa na makakamit natin ang
buhay na walang-hanggan. Sa pagtanggap natin sa mga Sakramento ng may pananampalataya,
tinatanggap natin ang mga biyaya ng Diyos at nararanasan na natin ng may pag-asa ang
maluwalhating pagpapakita ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas. Si Hesus na naroon sa
lahat ng Sakramento ang magdadala sa atin sa buhay na walang-hanggan kapiling ang Ama.

MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang tungkol sa buhay na walang hanggan?


2. Paano mo ipapakita ang pag-asa na makakamit balang araw ang buhay na walang hanggan?

VI.TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na si Hesus na naroroon sa lahat ng Sakramento ang


magdadala sa atin sa buhay ng walang hanggan kapiling ang Ama.

4.2 Pagtatalaga: Laging alalahanin na tayo ay tinawag ng Diyos upang tayo ay


makapiling Niya sa habang panahon. Bilang paghahanda, sikaping mamuhay ayon sa kautusan
ng pag-ibig na itinuro ni Hesus. Sikapin din na muling tumanggap ng Sakramento ng
Pagbabalik-Loob o Kumpisal, kahit minsan sa isang taon o kong kinakailangan na. At laging
magsimba tuwing araw ng Linggo at tumanggap ng Komunyon.

4.3 Pagdiriwang

Tinapay ng Buhay (Awit)

Koro: Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinati't inialay


Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob
At pagsasalong walang hanggan.
Basbasan ang buhay naming handog, nawa'y matulad sa pag-aaalay Mo
Buhay na laan nang lubos, sa mundong sa pag-ibig ay kapos. (Koro)
Marapatin sa kapwa maging tinapay, kagalakan sa nalulumbay

116
Katarungan sa naaapi, at kanlungan ng bayan Mong sawi. (Koro)
……At pagsasalong walang hanggan.

PAGNINILAY:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

117

You might also like