You are on page 1of 2

CAMADO, Ruchelle P.

Europe Continental Partner Iskor: ______/25


SABLOD, Kyle Dustin P. Performance Task #2
10- Saint Philip Ika- 26 ng Setyembre ,2022

Bahagharing Pagbabago

By; Ruchelle Camado

Sa kalangitang hilaga, isang lalaki ang nagsasanay sa

pagsasandata. Siya ay si Apolaki ang diyos ng araw at isa sa anak ni

Bathala, ang pinaka-ama ng lahat. Siya ay naghahanda sa itinakdang

pagpupulong ni Zeus sa mga diyos at diyosa na magaganap sa panahon ng

taglagas. Samantala, may isang babae na humahaginting ng tag- ulan sa

mababang bahagi ng mundo, ang diyos ng hangin at ulan na si Anitun

Tabu. Siya ay ibinaba sa mundo dahil sa pagmamataas. Isang araw,

nabalitaan niya ang pagpupulong dahil sa kainggitan, siya ay nagbuhos ng

malakas na ulan at hangin sa madaling araw. Ito ay nakita ni Apolaki at

siya’y bumaba at nakipag-usap kay Anitun Tabu na itigil ang kanyang

pagsusumiklab ngunit hindi siya nakinig at kanyang sinaktan si Apolaki

gamit ang kanyang kapangyarihan. Nagalit si Apolaki at

nagkipagsalaparan ito sa kanya. Ipinakita nilang dalawa ang kanilang

kapangyarihan bilang diyos. Habang sila’y nakikipaglaban, hindi nila

napapansin na ang mga tao ay natatakot at nagkakagulo dahil ang

kalangitan ay nagagalit, ang mga ulap ay itim na itim at dumadagundong.

Isang oras ng paglalaban ng dalawa ay natamaan ni Apolaki ang kaliwang

kamay ni Anitun Tabu. Sa sobrang galit ni Anitun Tabu ay tumaas siya sa

taas ng ulap na nagliliwanag ang kanyang mga mata na kulay asul.

Sumunod si Apolaki na nagkukulay ang mata ng kulay dilaw. Gagamitin

nila ang kapangyarihan ng isang pagwelga lamang. Isa, dalawa, tatlo, at

kanilang ibinuhos ang sobrang lakas at liwanag na dahas. Walang

nasaktan sa kanila at nawala ang mga maitim na ulap, nakita nila ang

isang arko na may sari- saring kulay. Tinawag itong Bahaghari,


sumisimbolo ng pagbabago at ginhawa. Kapag dumating ang pag-asa may

pagbabago.

You might also like