You are on page 1of 10

1

Mga Tanong Mula sa Nabasang


Aralin Talaarawan/Anekdota

1 Pagbibigay ng Wakas sa Teksto

Mga Inaasahan

Magandang araw sa iyo!

Ang modyul na ito ay inilaan para sa iyo upang mapaunlad ang iyong
kaalaman at kasanayan sa pagsusulat. Ito ay iyong babasahin at sasagutan
ang mga nakahandang katanungan sa bawat pagsasanay hinggil sa
napakinggan/nabasang talaarawan at anekdota. Maibabahagi mo rin ang
mga pangyayaring nasaksihan at maibibigay ang wakas ng napakinggang
teksto.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga


sumusunod na kasanayan:
1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggan/nabasang talaarawan
at anekdota (F6RC-IIdf-3.1.1 F6RC-IId-f-3.1.1)
2. Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F6PS-IIh-3.1)
3. Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng napakinggang
teksto

Paunang Pagsubok

Basahin at unawaing mabuti ang anekdota. Piliin ang letra ng tamang sagot sa
bawat aytem at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Tsinelas
-Anekdota ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong
luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang
sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na
nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa
matitibay at mahahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumewang kapag ito
ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang bangka

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
2

ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis


ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos
ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa
mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil
iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali
dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na
tsinelas.
"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko
sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang
tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng
pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang
katulad ko.
https://web.facebook.com/134288150081810/photos/ang-tsinelas-anekdota-ni-jose-rizalmaganda-ang-dagat-at-ang-ilog-sa-aming-
bayan-/140249889485636/?_rdc=1&_rdr
1. Saan inihambing ang bangkang may layag?
A. tutubing puti na nagsasayawan
B. palakang berde na kumakanta
C. puting paru-parong naghahabulan
D. puting ibon na lumilipad
_____2. Ano ang karaniwang gamit ng bangka sa kanilang lalawigan?
A. sa pangingisda
B. sa paligsahan
C. sa pagdala ng mga kargamento
D. ginagamit sa pagtawid sa ibayong dagat
_____3. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng anekdota?
A. nagpapabatid ng isang katangian ng pangunahing tauhan
B. talaan ng mga karanasan at nakasulat ang petsa ng pangyayari
C. gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan
D. nagpapahayag ito ng mga pangyayari sa isang lugar
_____4. Ano ang nais ipabatid ng may-akda sa mga mambabasa?
A. tularan ng mga mambabasa ang kaniyang nagawa
B. huwag gayahin ng mga mambabasa ang nangyari
C. iwasan ng mga mambabasa na mawala ang kanilang tsinelas
D. maging madamot pagdating sa mga sariling kagamitan
_____5. Sa tingin mo, ano ang naging wakas ng seleksyon na iyong binasa?
A. papagalitan siya ng kaniyang nanay
B. mayroong nakapulot ng pares na tsinelas
C. hindi na siya ibinili ng bagong tsinelas
D. nagsisi siya sa kaniyang ginawa

Balik-tanaw

Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay sa sagutang papel na binubuo ng


limang pangungusap tungkol sa larawang nasa ibaba.

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
3

https://splash247.com/report-links-cypriot-shipping-magnate-to-beirut-disaster/

Ang larawang ito ay kuha sa pagsabog sa Beirut, Lebanon noong Agosto 4,


2020.__________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Pagpapakilala ng Aralin

A. Basahin at unawain mong mabuti ang isang talaarawan.


Mula sa Talaarawan ni Maria
Ika-7 ng Hulyo, 2014 – Sinulatan ni Ikay ang paborito kong libro. Hindi
ko na tuloy Mabasa ang ilang bahagi dahil natakpan na ng permanenteng guhit
ng pangkulay. Sana lapis na lang ang ginamit niya para mabura ko pa.

Pinagalitan ko si Ikay dahil pinakialaman niya ang gamit ko. Maingat pa


naman ako sa mga libro at laruan ko. Sabi ni Nanay, kailangan ko raw unawain si
Ikay dahil bata pa siya at minsan hindi pa niya alam kung ano ang ginagawa niya.
Noong tatlong taong gulang daw ako, malikot din ako! Sinabi ko kay Nanay na
sisikapin kong maging mas mabuting kapatid kay Ikay. Tuturuan ko na lang siya ng
tama.

Ika-10 ng Hulyo, 2014 – Naku! Ang ingay-ingay ni Ikay! Umiiyak siya ngayon
dahil natanggal ang isang mata ng manyika niya. Gumagawa ako ng takdang-aralin,
pero nakabibingi ang ingay dito sa bahay dahil sa pag-iyak ni Ikay. Di ko tuloy
natapos ang takdang-aralin ko. Maya-maya ko na tatapusin. Minsan, parang gusto
ko na ring sabayan ang pag-iyak ni Ikay. Paano ako mag-aaral? Bakit palaging
magulo sa bahay namin?
Tinatawag ako ni Nanay. Kumuha raw ako ng karayom at sinulid para maayos
na ang laruan ni Ikay. Hay, ang hirap maging panganay kung minsan.

Ika-11 ng Hulyo, 2014 – inuutusan ako ni Nanay na ipasyal si Ikay sa labas.


Pumunta kami sa parke para makipaglaro sa ibang mga bata. Naroon din ang nanay
ni Tina, karga-karga ang kapatid nilang sanggol pa. Naalala ko pa noong sanggol pa
lang si Ikay. Natutulog lang siya buong maghapon. Napakatahimik niya at
napakadaling alagaan. Ngayon, kay hirap na niyang pagsabihan. Minsan, naiisip
kong sana naging sanggol na lang siya at hindi na lumaki pa.

Ika-13 ng Hulyo, 2014 – nakatatakot ang nangyari kanina! Naglakad kami ni


Ikay papunta sa tindahan para bumili ng sabon. Natuwa siya sa mga bagong tuta

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
4

nina Aling Puring. Naku! Kapapanganak pa lang ng aso nila kaya mabagsik ito;
binabantayan niya ang mga anak niya. Nagalit ang aso at muntik nang habulin si
Ikay! Buti na lamang at nakatali ito kaya hindi niya naabot ang kapatid ko. Kung
nagkataon, baka nasaktan pa si Ikay. Kay kulit-kulit niya kasi! Pero buti na lang at
hindi siya nasaktan. Makulit man siya, kapatid ko pa rin siya at ayaw kong may
mangyaring masama sa kaniya

B. Basahin at unawain mong mabuti ang anekdotang ito.

Mandela Day
Ang Nelson Mandela International Day, o tinatawag ring Nelson Mandela Day, o
Mandela Day, ay isang holiday na ipinagdiriwang tuwing Hulyo 18. Ito ay opisyal na
ideneklara ng United Nations noong 2009 ngunit ang holiday ay unang ipinagdiriwang
noong Hulyo 18, 2009 sa ika-91 na kaarawan ni Nelson Mandela.
Ang araw na iyon ay naging inspirasyon ng dahil sa isinalaysay ni Nelson Mandela
na ginawa niya isang taon bago ang kaniyang kapanganakan, kung saan sinabihan
niya ang susunod na mga henerasyon na labanan ang kabigatan ng pamumuno sa
pagtugon ng kawalan ng katarungang panlipunan sa mundo, at sinabing, “It is in
your hands now.”
Simple lang ang mensahe ng Mandela Day. Bawat indibidwal ay may abilidad at
responsibilidad na magpapabago ng mundo para sa ikabubuti ng lahat. Ang Mandela
Day ay naghahangad na tularan at maging isang Nelson Mandela ang bawat isa, na
magiging lider at magkaroon ng maayos na pagbabago ang mundo.
https://group2sigma.wordpress.com/2016/05/07/mandela-day/

Bago ka magsimula sa mga gawain, nais ko munang talakayin ang


tungkol sa talaarawan at anekdota.

A. Ang Talaarawan at Anekdota

Ang talaarawan ay:


 talaan ng mga karanasan at gawaing naganap o ginawa na. nakasulat dito
ang petsa o panahon ng pangyayari
 maaaring magamit bilang pangunahing sanggunian dahil ang nilalaman nito
ay personal na tala tungkol sa mga pangyayari

Ang anekdota ay:


 isang uri ng panitikan sa anyong tuluyan na karaniwang payak, maikli, at
tumatalakay sa kakaiba o nakatutuwang pangyayaring naganap sa buhay ng
isang kakilala, sikat, o tanyag na tao
 may layuning magpabatid ng isang katangian ng pangunahing tauhan kaya
kahit sino ay maaari ring magbahagi nito.

Ngayon ay aralin mo naman ang kahalagahan ng pagbahagi ng isang


pangyayaring nasaksihan at pagbibigay ng wakas ng napakinggang teksto.

B. Kahalagahan ng pagbahagi ng isang pangyayaring nasaksihan

Sa pagbahagi ng isang pangyayaring nasaksihan ay kailangan natin


tandaan ang mga sumusunod na batayan:
 Sino-sino ang mga tauhan sa pangyayari
 Saan at kailan ito nasaksihan
 Anu-ano ang pagkakasunod ng mga pangyayari

Kung tayo ay magbabahagi ng pangyayaring nasaksihan kinakailangan

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
5

lamang na wasto at totoo ang ating binabahaging pangyayari.

C. Pagbibigay ng wakas ng kuwento

Ang pagbibigay ng wakas ng isang kuwento ay malikhaing gawain


na ginagamitan hindi lamang imahinasyon kundi pati ng mapanuring pag-
iisip. Iba’t ibang posibilidad ang maaaring maganap sa isang kuwento
bukod sa nakasaad dito. Mahalaga lamang alalahanin na dapat ay lohikal
at naaayon sa daloy ng mga pangyayari ang ibibigay na wakas ng kuwento.
Maaari ring gamitin ang mga dating kaalaman mula sa sariling karanasan
upang malaman kung lohikal ang maiisip na pagwawakas ng kuwento,
sakali mang hindi tahasang naihayag sa kuwento ang sanhi ng maiisip na
wakas.

Mga Gawain
Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan
Punan ang mga patlang upang mabuo ang kasalungat ng salitang may
salungguhit sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Kailangang maging maunawain ang panganay dahil bata pa ang kaniyang
kapatid.
____ U N ____ O
2. Nagulo ang gamit ko dahil pinakialaman ito ng kapatid ko.
H I ___ A Y ___ A ___
3. Mabagsik ang alaga nilang aso kaya hinding-hindi napapasok ng magnanakaw
ang kanilang bahay.
M ___ A M ___
4. Nakabibingi ang ingay sa bahay kapag maraming tao.
____ A ____ I M ____ K
5. Nilagyan ko ng permanenteng pandikit ang kamay ng manyika para hindi na
ito matanggal.
P ____ N S ____ ____ A ____ T ____ L A

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

_____1. Ilan ang kapatid ni Maria?


A. isa B. dalawa C. tatlo D. wala
_____2. Bakit nahihirapan si Maria na mag-aral sa bahay?
A. Maingay ang kaniyang kapatid.
B. Lagi siyang inuutusan ng kaniyang mga magulang.
C. Sinusulatan ng kaniyang kapatid ang kaiyang kuwaderno.
D. Maingay ang kanilang alagang aso.
_____3. Ano ang ginawa ni Maria noong Hulyo 11?
A. Muntik nang makagat ng aso si Ikay.
B. Pumunta siya sa parke kasama si Ikay.
C. Pinagalitan niya si Ikay dahil sinulatan nito ang kaniyang paboritong libro.
D. Naglaro siya kasama ang mga kaibigan sa parke.
_____4. Bakit hindi na nagagalit si Maria sa kaniyang kapatid?
A. Ipinagbabawal ito ng kaniyang ina.

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
6

B. Walang ginagawang masama ang kaniyang kapatid.


C. Bata pa siya at hindi pa niya naiintindihan ang ginagawa niya.
D. Pagagalitan siya ng kaniyang ina.
_____5. Ano ang napagtanto ni Maria nang muntik nang makagat ng aso ang kapatid
niya?
A. Napakakulit ng kaniyang kapatid.
B. Mahilig pala sa aso ang kaniyang kapatid.
C. Ayaw niyang masaktan ang kaniyang kapatid.
D. Wala siyang pakialam sa kaniyang kapatid.

Gawain 1.3. Pagbabahagi ng nasaksihang kuwento.

Batay sa talaarawang binasa, ibahagi ang iyong nasaksihan sa pamamagitan ng


pagsulat ng isang maikling talata na may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol
dito.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pamantayan Marka
1.Naisulat nang maayos at may kalinisan ang talata
2.May pagkakasunod-sunod ang pangyayari ayon sa diwang
isinasaad.
3.Nailahad ang mensahe sa isang talata na may tatlo hanggang
limang pangungusap.

Markahan ang iyong ginawa ayon sa pamantayan na ito:

5- Napakahusay 3-Mahusay 1- Dapat paunlarin

Gawain 1.4. Basahin at unawain ang maikling seleksyong ito at bigyan ng


angkop na wakas at isulat ito sa sagutang papel.
BAYANIHAN

Nabuwal ang malaking puno ng mangga sa bahay-kubo nina Tata Beryo at


Nana Juana. Nawalan ng bubong ang bahay-kubo. Ang mga bata ay gustong
makatulong saa mababait na kapitbahay. Ang mga lalaki ang bumuhat ng bahay-
kubo. Ang mga nanay ang nagbitbit ng malalaking hawla ng kalapati. Bawal ang
magtakbuhan ang mga bata lalo na sa lugar na malalim pa ang baha. Hindi sumunod
ang mga bata at sila ay naglaro sa baha.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Markahan ang iyong ginawa ayon sa pamantayan na ito:
Pamantayan Marka

1. Angkop ang diwa ng wakas sa talata


2. Angkop ang pananalita at bantas
3.Naisulat nang maayos at may kalinisan

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
7

5- Napakahusay 3-Mahusay 1- Dapat paunlarin


Alam kong naunawaan mo na ang aralin sa modyul na ito. Narito ang ilang
mga mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan

Tandaan

 Sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa nabasang talaarawan/anekdota ay


mahalagang tandaan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at mga
detalyeng naganap tungkol dito.
 Sa pagbabahagi ng nasaksihan kinakailangan lamang na wasto at totoo ang
ating binabahaging pangyayari
 Sa pagbibigay ng wakas ng isang kuwento mahalagang alalahanin na dapat
ay lohikal o naayon sa daloy ng mga pangyayari.
 Maaari ding gamitin ang mga dating kaalaman mula sa sariling karansan
upang malaman kung lohiko ang maiisip na pagwawakas ng kuwento,
sakali mang hindi tahasang naihahayag sa kuwento ang sanhi ng maiisip
na wakas.

Magaling! Nasagutan mo na ang mga gawain. May ilang gawain pa ang


inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Bumuo ng sariling pagwawakas


nito.
Ang Pangako ni Gina
ni Mithi A. Javier
Dati ay nakita ko si Gina na tahimik na umiiyak sa likod ng silid. Nilapitan
ko siya at tinanong kung bakit, at ibinahagi niya sa sa akin ang kaniyang
problema. Talagang butas raw ang kanilang bulsa kaya napagpasiyahan ng
kaniyang ina na ibenta na ang luma nilang dyip. Katuwiran niya, madalas na rin
naman itong sira at lalo lamang silang nababaon sa utang.
Nalulungkot daw siya dahil ang dyip na iyon lang ang natitirang naipundar
ng kaniya yumaong ama. Dahil matagal na ring nagbibilang ng poste ang
kaniyang ina, naibenta na rin iba pa nilang kagamitan. Pati ang bahay ay
naibenta na at malapit na silang paalisin sa kanilang tinutuluyan dahil sa
kanilang mga utang. Ang dyip ang tanging natitirang alaala ng kaniyang ama.
“Kung naririto si Papa, malulungkot din siya,” kuwento ni Gina. “Pero sa
tingin ko, sasabihin din niya sa amin na ibenta namin ito. Maiintindihan niya
kami. Ibebenta namin ang dyip ni Papa. Pero Kuya, ipapangako ko kay Mama ay
kay Papa na magsisikap ako upang mapalitan ang bahay at sasakyan ni Papa.
Tutulungan ko si Mama.”

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
8

Bago ako umalis sa bayan nina Gina ay nakita ko kung paanong mas
nalugmok pa sila sa hirap. Madalas siyang alang baon at kulang ang gamit sa
eskuwela, subalit sadyang malakas ang loob niya. Pinilit niynag pumasok araw-
araw. Walang nakuhang permanenteng trabaho ang nanay niya. Umalis akong
nalulungkot dahil sa nangyari sa kanila.
Halos sampung taon ang lumipas bago ako nakatanggap ng tawag mula kay
Gina. Niyaya niya akong pumunta sa bahay nila. Napansin kong iba na ang
address na binigay niya sa akin. Naisip ko, napaalis kaya sila sa bahay na
tinutuluyan nila?
Ano kaya ang posibleng maging wakas ng kuwento? Sumulat ng maaaring
maging wakas nito.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at unawaing mabuti ang anekdota. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Anekdota ni Ramon Magsaysay

Si Ramon “Monching” del Fierro Magsaysay (31 Agosto 1907-17 Marso 1957) ay
ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas 30 Disyembre 1953-17 Marso 1957),
na nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinasadyang pagbagsak ng
eroplanong sinasakyan.
Siya ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 nina
Exequiel Magsaysay at Perfectoo del Fierro.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya ng Pilipinas. Ito ang
kaniyang pinakamalahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o
komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng
komunista, ay sumuko sa kaniya. Kaya si Magsaysay at tinawag na “Tagapagligtas ng
Demokrasya”.
Siya ay tinawag na “Kampeon ng mga Masa” at ang pinakamamahal na Pangulo
ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan,
winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga
inkompetenteng heneral.
Nagwakas ang kaniyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak
ng eroplanong kaniyang sinasakyan (Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa
Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.
https://www.scribd.com/document/318550070/Anekdota-Ni-Ramon-Magsaysay

_____1. Paano iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya ng Pilipinas?


A. Winakasan niya ang korupsiyon.
B. Pinatalsik niya ang mga inkompetenteng heneral.
C. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o komunista.
D. Tinakot niya ang mga mamamayan.
_____2. Bakit siya tinawag na “Kampeon ng mga Masa”?

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
9

A. Dahil nanalo siya sa boksing


A. Sapagkat ibinoto siya ng masa
B. Binalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan
C. Tinuloy niya ang katiwalian sa pamahalaan
_____3. Kung ikaw ang magiging pangulo ng bansa balang araw, ano ang
gagawin mo para malutas ang problema ng bansa tungkol sa basura?
A. Palaganapin ang kaalaman sa tamang pagtapon ng basura
B. Paggamit ng plastic bag sa halip na papel
C. Magkaroon ng libreng pabahay
D. Pagbibigay ng buwanang pera para sa mahihirap

4-5. May nasaksihan ka din bang tao na matatawag mong “Kampeon”? Maaari
mo bang isulat ang mga pangyayari kung bakit mo siya matatatawag na
kampeon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pagninilay

May pangyayari ka bang nasaksihang nasusunog na bahay? Kung hindi man


personal na nakita o napanood naman sa telebisyon. Sumulat ng talata na
may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol dito at bigyan ng angkop na
wakas.
Kung wala ka namang karanasan tulad ng nabanggit, maaari kang
magmungkahi ng sariling paksa.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Markahan ang iyong ginawa ayon sa pamantayan na ito:


Pamantayan Marka
1.Naisulat nang maayos at may kalinisan ang talata
2.May pagkakasunod-sunod ang pangyayari ayon sa diwang
isinasaad.
3.Nailahad ang mensahe sa isang talata na may tatlo hanggang
limang pangungusap.

5- Napakahusay 3-Mahusay 1- Dapat paunlarin


Binabati kita sa iyong kahusayan! Natapos mo ang modyul na ito. Kung ikaw ay
may hindi naunawaan sa ilang bahagi ng modyul, maaari mong itanong ito sa iyong
guro.

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
10

FILIPINO 6
SAGUTANG PAPEL

Markahan: Ikalawa Linggo: Una

Pangalan: _________________________________ Guro: ______________


Baitang at Seksyon: _______________________ Iskor: _____________

Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1 _____________________________________________
_____________________________________________
2 _____________________________________________
_____________________________________________
3 _____________________________________________
_____________________________________________
4 _____________________________________________
_____________________________________________
5 _____________________________________________
_____________________________________________
Mga Gawain

Gawain 1.1 Gawain 1.2 ______________________________


______________________________
1 1 ______________________________
______________________________
2 2 ______________________________
______________________________
3 3 ______________________________
______________________________
4 4 ______________________________
______________________________
5 5

Gawain 1.4
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pangwakas na Pagsusulit

Pag-alam sa Natutuhan 1
__________________________
2
__________________________
__________________________
3
__________________________
__________________________ 4-5
__________________________

Pagninilay ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Unang Linggo

You might also like